Naramdaman ko na lang ang paghaplos ng kanyang kamay sa aking katawan. Tila nangingiliti ang bawat paghaplos niya ng bigla akong bumalik sa aking katinuan. “Wag dito Arnaldo baka makita tayo ni Anthony!” Mahina kong sabi sa kanya. Iniwan na namin ang aming mga inumin at tumawid na kami sa kanyang unit. “Welcome Home Love!” Malambing nitong wika. Nilingkis kaagad ako ni Arnaldo habang papasok sa loob ng kanyang unit. Kapit niya ang aking bewang habang napakapit naman ako sa kanyang batok. Nadagdagan ang temptasyon ng makapasok na kami sa kanyang unit. Pinupog na niya ako ng mariing halik, sumasagot naman ang aking katawan sa bawat paghaplos na kanyang ginagawa. Pinagsawa ko siyang gawin ang lahat ng gusto niyang gawin sa akin ng mga oras na iyon. Matagal ko ding hinintay ang pagkakataong ito. Hindi man naging madali ang lahat para amin ni Arnaldo pero alam kong gumawa siya ng paraan para maayos kung ano man ang mga gulong kinaharap namin. Alam kong sa mundong ito ay walang perpekt
AMELIA POV IAN AND AMELIA ASARAN Pagpasok namin sa unit namin ay kakaibang ngiti na ang sinalubong sa akin ng aking mga kaibigan. Kasama nila ang aking anak na kumakain na ng almusal ng mga oras na iyon. Sinesenyasan ko silang dalawa na wag magsalita sa harapan ng aking anak. Alam kong pag nagsimula na itong si Ian sa pang aasar ay hindi na ito titigil .Nakatingin din sa akin si Anthony. Nagtataka siya dahil magdamag akong hindi tumabi sa kanyang pagtulog. Ito ang unang beses na nawala ako sa kanyang tabi. "Mommy, hindi po kita nakita kagabi nagising po kasi ako dahil naiihi na po kasi ako. Mabuti nga po si Ninang Ian lumabas din kaya po sa kanya na ako nagpatulong nung umihi ako” inosenteng tanong sa akin ng aking anak. “Ganon ba baby! Sorry kasi wala si Mommy kagabi. Nagkwentuhan kasi kami ni Daddy kaya hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa unit ni Daddy kagabi.” Pagpapalusot ko sa aking anak Nakangisi naman sa akin sila Ian. Hindi ko na muna pinasabay ng punta sa a
AMELIA POV SA MANILA INTERNATIONAL AIRPORT Malalaman mong nasa Pilipinas ka na pag lapag ng eroplano at maririnig mo ang palakpakan at hiyawan ng mga pasahero sa loob. Hudyat ito na nasa Pilipinas na ka talaga . Hindi pa man humihinto ng tuluyan ang eroplano ay makikita mo ng nagtatayuan ang mga pasahero sa loob ng eroplano. Maiintindihan mo din naman ang mga ito dahil sa tagal nilang mga hindi nakakauwi, ang iba ay dekada na bago pa man makauwi sa Pinas dahil sa iba’t ibang klaseng rason nila. Kagaya na lang naming magkakaibigan na halos mag 9 years ng hindi nasilayan ang Pilipinas. Paglabas namin ng eroplano ay napasinghap ako sa hangin ng Pilipinas. Ramdam din ang matinding humid, namumula naman kaagad ang pisngi ng aking anak. Ito ang unang beses siyang makaka experience ng init sa Pilipinas . Kahit kasi summer sa Canada ay hindi ka naman pagpapawisan kagaya dito sa Pinas. Pero isa ito sa mga namiss ko sa matagal na panahon. Feel na feel ko ang aking pagbabalik bayan dahil
ARNALDO POVSA PALAWAN (BAKASYON KASAMA SILA AMELIA)Sinalubong kami ng mga tauhan sa resort ng kanilang signature welcome drinks at sinabitan kami ng kanilang floral necklace. Akala nila Amelia ay ito na ang aming destinasyon. Alam na nila Ian kung saan kami pupunta tanging si Amelia at Anthony lang ang walang ideya sa mga magaganap dito sa Palawan."Love napaka ganda naman dito" aniya sa akin."may mas maganda pa dito" sagot ko naman sa kanya"Mam/Sir this way po. Nakahanda na po ang speed boat natin" sabi sa aming ng isa sa mga tauhan ng resort.Napa wow naman ang aking anak sa kanyang nakita. Isang Yate ang naghihintay samin para maghatid sa island kung saan talaga kami patungo.“Love!” namumulang sabi sa akin ni Amelia“Mag enjoy lang tayo sa bakasyon na to Love” sagot ko naman sa kanya.Magkakasama na kaming sumakay sa Yate. 30 minutes din ang itinagal at nakarating na kami sa Island kung saan talaga kami papunta.“Wow Mommy ang ganda naman po dito” sigaw ni Anthony ng mabungara
5 DAYS AFTER NG ARRIVAL SA ISLAND ARNALDO POV THE PROPOSAL Malakas na ugong ng Helicopter ang maririnig na paikot ikot na lumilipad sa ibabaw ng bubong na aming tinutuluyan. Sa lakas ng tunog ng engine nito ay siguradong mababa lamang ang lipad nito. Halos liparin naman ang bubong at dingding ng modern bahay kubo house na aking pinatayo para kay Amelia. Pinatigil ako ni Amelia sa ginagawa kong paghalik sa kanyang leeg. Bahagya niya akong itinulak para silipin namin kung anong nangyayari sa labas. Agad naman akong tumayo at nagbihis, nagtapis naman ng kanyang robe si Amelia. Dali-dali kaming lumabas at sumilip sa kaganapan nangyayari sa labas. Natulala si Amelia sa kanyang nakita. Naglalaglag ng red rose petals ang Helicopter na ito . May nakalaglag din na banner sa laylayan ng helicopter na may nakasulat na “WILL YOU MARRY ME” napakapit naman sa kanyang bibig si Amelia hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita ng sa kanyang paglingon sa likod ay nakita niya akong nakaluhod sa
Magkadikit pa din ang aming mga labi, hindi bumibitiw si Amelia sa paghahalikan namin. Inilingkis din niya ang kanyang paa sa aking likod. Dahan dahan ko siyang inihiga sa malambot naming kama. Nakadagdag sa pagka romatic ng ambiance ang paglipad lipad ng manipis naming kurtina na nakalaylay sa aming kama sa bawat ihip ng hangin na nanggagaling sa labas ng bahay, nakabukas din ang life size windows na na-i-slide, hinayaan naming pumasok ang preskong hangin sa loob ng bahay habang pumapalaypay ang mga kurtinang nakatabing sa aming bintana. Parang nag-slow motion ang lahat sa paligid namin, pati ang paghangin ng puting kurtina na tanging naging harang sa aming bedroom. Perfect ang matingkad na sikat ng buwan para sa oras na iyon. Naging mabagal ang paggalaw ng lahat ng nasa paligid namin, naging napaka magical ng bawat sandali, pumatong si Amelia sa ibab*w ko, bahagya siyang tumingkayad ng nakaluhod at dahan-dahan niyang tinanggal ang suot niyang robe! bumungad saking mga mata ang matit
AMELIA POV AFTER 1 WEEK SA ISLAND Dahil sa naganap na engagement namin ni Arnaldo at kumalat na din ito nationwide, madaming mga kaibigan ang mga nag message sa akin. Puro congratulatory message ang aking narereceive mula sa mga taong nagmamahal samin. Sinagot ko naman ang mga ito ng pasasalamat hindi ko man sila maisa-isa dahil sa dami nilaay nag post na lang ako ng official statement sa aking social media account. Nag-eenjoy na din kaming mag-iina sa pananatili namin dito sa island. Tahimik ang lugar na ito at napaka simple ng pamumuhay dito. Hiniling ko kay Arnaldo ang pag stay muna namin dito habang nakabakayson pa kami dito sa Pinas. Kasama namin sa isla si Noah at Anthony, Samantalang nagpaalam naman muna si Ian at Sophia sa akin at nagtungo ito sa kanilang pamilya at iba pang mga kaibigan. Sinusulit din nila ang ilang taong hindi sila nakauwi sa Pinas. Nanatili naman si Arnaldo sa aking tabi at hindi umalis magmula ng kami ay umuwi dito sa pinas. SInuportahan niya ako sa mg
Nagpaalam ako kay Amelia at tinanggal ang pagkaka-akbay ko sa kanya.“Love kelangan kong kausapin lang saglit si Benjamin” paalam ko kay Amelia“Sige Love baka importante.” Paalala pa nito sakin.“Yes my Love . Please! “Malambing kong pakiusap sa kanya“Ok Arnaldo , mauna na kaming mag-ikot ni Carlos, sasamahan ko din ang mga Bata at may pinapabili silang gagamitin nila sa island. Bilisan mo lang at sumunod ka kagad samin. Hintayin ka na lang namin sa loob ng grocery” Bilin pa niya sakin.“Ok thank you” hinalikan ko siya sa kanyang ulo.“Bye Benjamin!.” Paalam pa niya sa amin. Humalik naman siya sa labi ko bago umalis.Napabuga ng hangin si Amelia . Naglakad na ang mga ito sa direksyon ng supermarket, kapit niya sa kamay ang dalawang bata. Isa din kasing sanggano itong si Benjamin kung titignan ang panlabas na kaanyuan nito ay talagang matatakot ka. Madami itong tattoo sa katawan at puro hikaw ang iba't ibang parte ng kanyang katawan. Si Benjamin ay isang ex convict na binabayaran ko