AMELIA POV AFTER 1 WEEK SA ISLAND Dahil sa naganap na engagement namin ni Arnaldo at kumalat na din ito nationwide, madaming mga kaibigan ang mga nag message sa akin. Puro congratulatory message ang aking narereceive mula sa mga taong nagmamahal samin. Sinagot ko naman ang mga ito ng pasasalamat hindi ko man sila maisa-isa dahil sa dami nilaay nag post na lang ako ng official statement sa aking social media account. Nag-eenjoy na din kaming mag-iina sa pananatili namin dito sa island. Tahimik ang lugar na ito at napaka simple ng pamumuhay dito. Hiniling ko kay Arnaldo ang pag stay muna namin dito habang nakabakayson pa kami dito sa Pinas. Kasama namin sa isla si Noah at Anthony, Samantalang nagpaalam naman muna si Ian at Sophia sa akin at nagtungo ito sa kanilang pamilya at iba pang mga kaibigan. Sinusulit din nila ang ilang taong hindi sila nakauwi sa Pinas. Nanatili naman si Arnaldo sa aking tabi at hindi umalis magmula ng kami ay umuwi dito sa pinas. SInuportahan niya ako sa mg
Nagpaalam ako kay Amelia at tinanggal ang pagkaka-akbay ko sa kanya.“Love kelangan kong kausapin lang saglit si Benjamin” paalam ko kay Amelia“Sige Love baka importante.” Paalala pa nito sakin.“Yes my Love . Please! “Malambing kong pakiusap sa kanya“Ok Arnaldo , mauna na kaming mag-ikot ni Carlos, sasamahan ko din ang mga Bata at may pinapabili silang gagamitin nila sa island. Bilisan mo lang at sumunod ka kagad samin. Hintayin ka na lang namin sa loob ng grocery” Bilin pa niya sakin.“Ok thank you” hinalikan ko siya sa kanyang ulo.“Bye Benjamin!.” Paalam pa niya sa amin. Humalik naman siya sa labi ko bago umalis.Napabuga ng hangin si Amelia . Naglakad na ang mga ito sa direksyon ng supermarket, kapit niya sa kamay ang dalawang bata. Isa din kasing sanggano itong si Benjamin kung titignan ang panlabas na kaanyuan nito ay talagang matatakot ka. Madami itong tattoo sa katawan at puro hikaw ang iba't ibang parte ng kanyang katawan. Si Benjamin ay isang ex convict na binabayaran ko
ARNALDO POV“Sorry Love medyo natagalan ako sa aking kausap. Tara na para makabalik tayo ng may araw pa sa island malayo pa ang byahe natin” nakangiti kong pag-aaya kila Amelia. Hindi ko nais ipakitadito ang pagkalungkot.Nag-iikot na kami sa supermarket ng biglang nanakbo si Amelia papuntang labas at nagsuka ng nagsuka. Bumili naman agad ng tubig si Carlos sa loob ng supermarket habang hinihimas ko sa likod si Amelia para kahit papano ay makaramdam ito ng ginhawa. Pagbalik ni Carlos ay agad naming pinainom siya ng tubig dahil namumutla na siya.“Love ok ka lang ba?!” Tanong ko sa kanya“Ok lang naman ako. Baka may nakain lang akong hindi nagustuhan ng tiyan ko.”sagot naman niya sakin.“Sigurado ka ba?! Maputla ka na Love! Kung gusto mo umuwi na muna tayo. Sa sunod na araw ko na lang papuntahin si Carlos para mamili tatawagin ko na din ang mga bata.” Sabi ko kay Kate“Wag na ok lang kaya ko naman. Sinamaan lang talaga ako. Tara na. Puntahan pa natin ang munisipyo.” Sagot pa sakin ni A
“Hello Amelia! Kunin ko muna ang details mo para may pagbasehan ako pag sinimulan ko na pag-examine ko sayo.” Sabi ng Doctor samin. Tinanong na ng Doctor si Amelia tungkol sa lahat ng detalye tungkol sa kaniyang huling mestruation pati na sa huling araw na aming pagtatalik, matapos ilagay ng doctor ang data tungkol kay Amelia ay pinahiga na siya sa ultrasound bed para simulan na ang pag-eexamine na gagawin sa kaniya. Hindi lang ako ang nag iisang excited sa gagawing pag-eexamine para kay Amelia. “Hihi Anthony magkakaroon na tayo ng kapatid . Sana babae naman ngayon” sabi ni Noah“Oo nga Noah! Nakaka excite naman po Mommy. “ sagot naman ni Anthony sa kapatid.“Behave lang kayo para magpakita si Baby satin hindi pedeng maingay kasi magtatago si Baby satin” malambing na sabi ko sa dalawang bata“Ok po Mommy” sabay na sagot nila sa akin. Nakangiti ang mga itong nakatanghod sa monitor ng ultrasound machine “Mmm okay! Now let’s see kung magpapakita na satin si baby. Kasi kung pagbabasehan
TIM POV Inabutan ko ang head ng warden na nagbabantay sa akin ng lagay kailangan kong makausap ang mga taong tutulong sa akin para sa aking pagtakas mamaya. Dahil sa mga transaksyon namin na napending magmula ng pumasok ako sa koreksyunal ay humingi na ako ng tulong kay Mr. Alejandro para kumbinsihin itong si Charles na gawin ang pinapagawa ko. Hindi ko ito mapwersa hanggat hindi pa ako makalabas ng kulungan. “Mr. Alejandro kailangan ng tulong ninyo para mapa-oo si Charles. Ito na lang ang huling alas ko para makabayad ako sa lahat ng atraso ko sa iyo” pakiusap ko kay Mr.Alejandro “Problema ko pa ba naman yan kung hindi mo mapasunod ang tauhan mo sayo?!” Sagot naman niya sa akin Nagngingitngit naman ang aking bagang pero kailangan kong magpakumbaba sa matandang ito. “Yung sakin lang naman Mr.Alejandro ay isang pakiusap. Dahil kung magagawa ito ng mga bata ko jackpot tayo dito. Bibigyan din kita ng porsyento 50/50 tayo.” Sagot ko naman sa kanya Biglang tumahimik naman ang na
ARNALDO POV "Bye Amelia! congratulations again. Bye Kids aalis na si Uncle Benjamin at Auntie Ana. “ nakangiting kumaway na lang mula sa malayo si Benjamin bago ito tuluyang sumakay sa kanyang speed boat. Ngumiti naman pabalik sa kanila si Amelia at kumaway lang din siya kay Benjamin. Nagtataka na ito sa kung anong transaksyon ang meron ako sa mga sangganong tao na ito. "Bye! Carlos, Arnaldo, Amelia and kids!, mag doble ingat ka sa pagkilos mo , hinay hinay muna ang pagtatanim dito sa island lalo ngayon dalawa na kayo ng baby mo." sabi ni Ana, nagpaalam na din ito at sumakay na sa speedboat. Nang makaalis na ang speed boat na sinasakyan nila Benjamin ay nagpatuloy kami sa kasiyahan. Nakatingin sa akin si Amelia , nagtatanong ang mga mata niya pero hindi ko hinayaang masira ang gabi namin. Lumapit ako kay Amelia at humalik ako sa kanyang ulo habang nakaakbay ako sa kanya. Nginitian ko siya para hindi na siya mag-alala, nag panggap ako sa kanyang harapan na wala kaming napag-usapa
“Alam mo naman na kahit hindi mo na ako sabihan pa Charles, wag kang mag-alala at ako ng bahalang magbantay at umalalay kay Bianca sa panahong wala ka pa, basta ipangako mong babalik ka ng ligtas.” Sagot sakin ni Abner. “Maraming salamat Abner, hayst (buntong hininga ko, hinigop ko ang kape na hinanda sakin ni Bianca) susubukan kong magpaalam rin kay Bianca tungkol sa huli kong trabaho, bahala na Abner, pero kahit anong maging sagot nito tutuloy pa rin ako sa aking pag alis” “Sige Charles goodluck sana ay maging okay lang kay Bisnca ang pagtanggap mo sa huli mong trabaho. Mauna na muna ako i-che-check ko pa ang generator sa ibaba. "okay sige salamat ulit Abner" sabi ko dito at tuluyan na nga siyang umalis. Napatingin naman ako mula sa balkon sa kinaruruonan ni Bianca, nakatingin ito sa akin at masayang pinapakita ang kanyang na harvest na kamatis mula sa kaniyang taniman na ginawa. Parang bata si Bianca na winawagayway ang kanyang mga bagong harvest na gulay. Ang hirap sabihi
“Abner, inaasahan kitang titingin sa aking magiging mag-ina ko, mamaya na kami pupunta sa isla, nabigay na samin lahat ng detalye sa pagkuha namin kay Noah!” Sabi ko dito “Oo naman Charles, nakausap mo ba si Bianca tungkol sa huling trabaho mo?! Mukhang delikado naman ang gagawin ninyo, isa pa mga Alcantara ang tataluhin niyo. Sigurado ka ba sa gagawin niyong ito? “Tanong nito sakin “Hindi ko din alam ang aking gagawin Abner, nagpaalam na din ako kay Tim pero hindi ito pumayag. Sinubukan kong magsabi kay Bianca, pero nagalit siya sakin. Hindi na niya ako iniimik mula pa kanina, alam kong galit siya sakin. Hindi na ko magpapaalam sa kanya Abner bago ako umalis, maya maya. Mag-iingat kayo dito, balitaan mo lang ako palagi , hindi ako magpapatay ng isa kong cellphone na gagamitin ko mamaya para may kontak pa rin ako sa iyo” mahaba kong bilin kay Abner “Mag-iingat ka din Charles, hihintayin namin ang pagbabalik mo.” wika nito sa akin “huwag kang magtatagal at siguraduhin mong makaka