“Hello Amelia! Kunin ko muna ang details mo para may pagbasehan ako pag sinimulan ko na pag-examine ko sayo.” Sabi ng Doctor samin. Tinanong na ng Doctor si Amelia tungkol sa lahat ng detalye tungkol sa kaniyang huling mestruation pati na sa huling araw na aming pagtatalik, matapos ilagay ng doctor ang data tungkol kay Amelia ay pinahiga na siya sa ultrasound bed para simulan na ang pag-eexamine na gagawin sa kaniya. Hindi lang ako ang nag iisang excited sa gagawing pag-eexamine para kay Amelia. “Hihi Anthony magkakaroon na tayo ng kapatid . Sana babae naman ngayon” sabi ni Noah“Oo nga Noah! Nakaka excite naman po Mommy. “ sagot naman ni Anthony sa kapatid.“Behave lang kayo para magpakita si Baby satin hindi pedeng maingay kasi magtatago si Baby satin” malambing na sabi ko sa dalawang bata“Ok po Mommy” sabay na sagot nila sa akin. Nakangiti ang mga itong nakatanghod sa monitor ng ultrasound machine “Mmm okay! Now let’s see kung magpapakita na satin si baby. Kasi kung pagbabasehan
TIM POV Inabutan ko ang head ng warden na nagbabantay sa akin ng lagay kailangan kong makausap ang mga taong tutulong sa akin para sa aking pagtakas mamaya. Dahil sa mga transaksyon namin na napending magmula ng pumasok ako sa koreksyunal ay humingi na ako ng tulong kay Mr. Alejandro para kumbinsihin itong si Charles na gawin ang pinapagawa ko. Hindi ko ito mapwersa hanggat hindi pa ako makalabas ng kulungan. “Mr. Alejandro kailangan ng tulong ninyo para mapa-oo si Charles. Ito na lang ang huling alas ko para makabayad ako sa lahat ng atraso ko sa iyo” pakiusap ko kay Mr.Alejandro “Problema ko pa ba naman yan kung hindi mo mapasunod ang tauhan mo sayo?!” Sagot naman niya sa akin Nagngingitngit naman ang aking bagang pero kailangan kong magpakumbaba sa matandang ito. “Yung sakin lang naman Mr.Alejandro ay isang pakiusap. Dahil kung magagawa ito ng mga bata ko jackpot tayo dito. Bibigyan din kita ng porsyento 50/50 tayo.” Sagot ko naman sa kanya Biglang tumahimik naman ang na
ARNALDO POV "Bye Amelia! congratulations again. Bye Kids aalis na si Uncle Benjamin at Auntie Ana. “ nakangiting kumaway na lang mula sa malayo si Benjamin bago ito tuluyang sumakay sa kanyang speed boat. Ngumiti naman pabalik sa kanila si Amelia at kumaway lang din siya kay Benjamin. Nagtataka na ito sa kung anong transaksyon ang meron ako sa mga sangganong tao na ito. "Bye! Carlos, Arnaldo, Amelia and kids!, mag doble ingat ka sa pagkilos mo , hinay hinay muna ang pagtatanim dito sa island lalo ngayon dalawa na kayo ng baby mo." sabi ni Ana, nagpaalam na din ito at sumakay na sa speedboat. Nang makaalis na ang speed boat na sinasakyan nila Benjamin ay nagpatuloy kami sa kasiyahan. Nakatingin sa akin si Amelia , nagtatanong ang mga mata niya pero hindi ko hinayaang masira ang gabi namin. Lumapit ako kay Amelia at humalik ako sa kanyang ulo habang nakaakbay ako sa kanya. Nginitian ko siya para hindi na siya mag-alala, nag panggap ako sa kanyang harapan na wala kaming napag-usapa
“Alam mo naman na kahit hindi mo na ako sabihan pa Charles, wag kang mag-alala at ako ng bahalang magbantay at umalalay kay Bianca sa panahong wala ka pa, basta ipangako mong babalik ka ng ligtas.” Sagot sakin ni Abner. “Maraming salamat Abner, hayst (buntong hininga ko, hinigop ko ang kape na hinanda sakin ni Bianca) susubukan kong magpaalam rin kay Bianca tungkol sa huli kong trabaho, bahala na Abner, pero kahit anong maging sagot nito tutuloy pa rin ako sa aking pag alis” “Sige Charles goodluck sana ay maging okay lang kay Bisnca ang pagtanggap mo sa huli mong trabaho. Mauna na muna ako i-che-check ko pa ang generator sa ibaba. "okay sige salamat ulit Abner" sabi ko dito at tuluyan na nga siyang umalis. Napatingin naman ako mula sa balkon sa kinaruruonan ni Bianca, nakatingin ito sa akin at masayang pinapakita ang kanyang na harvest na kamatis mula sa kaniyang taniman na ginawa. Parang bata si Bianca na winawagayway ang kanyang mga bagong harvest na gulay. Ang hirap sabihi
“Abner, inaasahan kitang titingin sa aking magiging mag-ina ko, mamaya na kami pupunta sa isla, nabigay na samin lahat ng detalye sa pagkuha namin kay Noah!” Sabi ko dito “Oo naman Charles, nakausap mo ba si Bianca tungkol sa huling trabaho mo?! Mukhang delikado naman ang gagawin ninyo, isa pa mga Alcantara ang tataluhin niyo. Sigurado ka ba sa gagawin niyong ito? “Tanong nito sakin “Hindi ko din alam ang aking gagawin Abner, nagpaalam na din ako kay Tim pero hindi ito pumayag. Sinubukan kong magsabi kay Bianca, pero nagalit siya sakin. Hindi na niya ako iniimik mula pa kanina, alam kong galit siya sakin. Hindi na ko magpapaalam sa kanya Abner bago ako umalis, maya maya. Mag-iingat kayo dito, balitaan mo lang ako palagi , hindi ako magpapatay ng isa kong cellphone na gagamitin ko mamaya para may kontak pa rin ako sa iyo” mahaba kong bilin kay Abner “Mag-iingat ka din Charles, hihintayin namin ang pagbabalik mo.” wika nito sa akin “huwag kang magtatagal at siguraduhin mong makaka
AMELIA POV Malaki ang tampo ko kay Arnaldo pero naiintindihan ko naman talaga siya sa tuwing magpapaalam siyang umalis para sa kanyang trabaho . Kaya lamang hindi ko maiwasang matakot dahil sa pag-papaalam niya para sa kaniyang trabaho nagkaruon na ako ng trauma na baka hindi na naman siya bumalik sa amin lalo na at nakakapagtaka ang pagsulpot ng isang mukhang sanggano, alam kong may seryosong bagay silang pinag-uusapan at ngayon ay bigla siyang namang pagpapaalam na pag-alis nitong si Arnaldo. Mas mainam na akalain niyang galit ako para makagkaruon siya ng dahilan para bumalik kaagad sa amin. Iniisip ko ding baka kaya ako nagkakaganito ay dahil sa hormonal imbalance dala ng aking pagdadalantao. Nang matapos ang aming pagkain ay nagpaalam na ako sa kanilang matulog, sinadya ko iyon para makapag usap sila ni Carlos, hindi naman namalayan ni Arnaldo na ako ay nasa likod lamang ng aming ding-ding ng kausapin niya si Carlos, narinig ko ang lahat ng kanilang pinag-usapan. Nakukutuban k
ARNALDO POVDalawang araw mula ng umalis ako sa island ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Detective nakatakas diumano si Tim ng ililipat ito sa bilibid, 10 mga pulis ang napatay sa pang-aambush ng mga taong tumulong kay Tim sa pagtakas na kaniyang ginawa. Nagkatotoo ang tip na binigay sa akin ni Benjamin kaya naman nagdahilan ako kay Amelia na pansamantala akong mawawala para sa isang business venture sa loob ng isang linggo ngunit ang hindi niya alam ay kailangan kong makipagkita kay Detective. Kailangan malaman ko ang lahat ng detalye. At para makausap kong muli si Kernel para sa mga tauhang kukuhain ko para magbantay muli sa amin. Kagaya ng sinabi ni Benjamin hindi titigil si Tim hangga't hindi ito nakakaganti sa akin. Alam kong galit na galit ito sa pagbaliktad ni Sandra sa huling pagkakataon nito , hindi niya maamin sa kaniyang sarili na siya ang tunay na dahilan kung bakit namatay si Sandra. Lahat ay isinisi niya sa akin.Makalipas ang 28 oras ay nakatanggap ako ng di inaasa
"come stai. vorrei una tequila (kamusta, pahingi ako ng isang tequila) " sabi ko sa Italianong server. "vuoi qualche contorno senyor? (gusto mo ba ng side dish senyor?)" tanong nito sa akin "no grazie mille, solo tequila (hindi na, maraming salamat. tequila lang)" sagot ko pa dito Habang ginagawa ang aking mga order ay nagdatingan ang mga lalaking naglalakihan, may isang lalaki sa gitna nila, at ito umano ang leader ng grupo na tumulong kay Tim sa pang-a-ambush na ginawa. Nag disguise naman sila Benjamin dahil kilala sila ng mga tauhan nito kaya naman nakatago sila sa mga sulok sulok ng bar na iyon Tinanong ko ang bartender na nag-se-serve sakin tungkol sa lalaking dumating. "chi e venuto? pensavo che nessuno potesse entrare in quella stanza? (sino yung dumating na iyon? akala ko ba ay hindi pwedeng pumasok ang kahit na sino sa silid na yun?!) tanong ko dito "non lo so senyor, nemmeno noi possiamo entrate in quealla stanza, solo il sig. solo Abdullah puo stare con le sue huardie