ALAM ni Jenny na wala sa kanilang mansyon ang pinsan at ang ina nito kaya nagpasya siyang balikan ang bagay na kailangan niyang makuha roon. Hindi na siya nagpaalam kina Sasha at Dexter dahil hindi siya papayagang aalis na mag-isa.Dumaan siya sa likod na bahagi ng mansyon. May puno doon at madali lang sa kaniya ang pag-akyat hanggang makalipat sa bakod mataas na bakod. Bago tumalon sa loob at sinipat muna ang paligid kung mayroong umaaligid na bantay. Malalim na ang gabi kaya sigurado siyang tulog na ang tatlong katulong at isang guard sa gate. Itinali niya ng mahipit ang lubig na dala sa puno at iyon ang ginamit padausdos pababa sa bakod.Hindi nahirapan si Jenny sa pagpasok sa pintuan mula sa kusina kahit naka kandado pa iyon. Walang ingay na nabuksan niya iyon gamit ang bagay na dala niya upang mabuksan ang pintuan. Patingkayad ang lakad hanggang sa marating ang dating silid ng mga magulang.Naikuyom ni Jenny ang kamao nang makita ang mukha ng tiyahin sa picture frame na nakasabit
BAKIT ganiyan ka kung makatingin? sita ni Edwin kay Yazed. Hindi nagpatinag si Yazed, nakipagtagisan siya ng tingin sa lalaking akala niya ay kaniyang ama. Kung hindi niya lang iniisip ang plano ni Dexter ay baka nasunggaban na niya ito at nasuntok. Buong buhay niya ay puro sama ng loob ang ibinibigay nito sa kaniyang ina noon. Minsan lang nila ito nakakasama noon sa Italy pero hindi niya nakikitaan ng pagmamahal ito sa kanila. Mas importante ang trabaho dito at ito lagi ang nasusunod."Gagawin ko na ang gusto mo pero bigyan mo ako ng ilang araw. Kailangan na maturuan ko muna si Jenny upang mahawakan niya ng maayos ang kompanya."Napangiti si Edwin at tinapik sa likod si Yazed. "Good, maganda iyang naisip mo. Bibigyan kita ng tatlong araw upang maturuan mo siya ng tama."Pagkaalis ng ama ay muling tumalim ang tingin ni Yazed. Tinawagan niya ang kaniyang secretary at pinasundo si Jenny. Gagampanan niya ngayon ang kaniyang papel at pakisamahan ang impostora at ang kriminal. Pinapangako
MABILIS na nadampot ng kapulisan sina Jackie at Edwin. Kasama rin si Jennelyn kahit sinasabi ng mga ito na walang kinalaman ang dalaga sa nangyaring krimin."Jenny, patawarin mo ang pinsan mo kahit hindi na ako." Pakiusap ni Jackie sa pamangkin nang magharap sila sa korte."Walang kapatawaran ang ginawa ninyo ng hayop mong kalaguyo! Wala kang puso at pati ang anak mo ay kinasangkapan mo pa upang makuha ang yaman na hindi sa inyo!" namumuhing sumbat ni Jenny sa tiyahin.Napayuko ng ulo si Jackie at hindi magawang salubungin ang nag-aapoy sa galit na mga mata ng dalaga. Napaluha siya para sa kaniyang anak. Hindi niya pinangarap na makulong lalo na ang anak. Tumingin siya kay Edwin, bagsak ang mga balikat nito at hindi rin magawang tumingin kay Jenny. Ngayong araw ipapataw ang sentinsya sa kanilang kaso."Daddy, ayaw ko pong makulong!" umiiyak na kausap ni Jennelyn sa ama. Tanging siya lang ang nakapag pyansa noong mahuli sila ng pulis. Pero ang mga magulang ay walang pyansa dahil mabiga
"TAPOS na?"Napahinto si Dexter sa pagkabit ng sinturon sa kanyang suot na pantalon nang may magsalita sa kanyang likuran. Alerto at marahas niyang nilingon ang nagsalita. Ganoon na lang ang pagkagitla niya nang mamukhaan ang babaeng laging bumubuntot sa kanya nitong mga nakaraang araw. Automatic niyang naitakip ang mga kamay sa kanyang harapan nang makita na doon nakatitig ang babae. Pilya itong ngumiti sa kanya at kumindat pa na ikinakunot ng kanyang noo. "Bakit ba sinusundan mo ako kahit saan magpunta?" Iritabling tanong niya dito at itinuloy ang pag-ayos sa sinturon."May Guardian Angel ba na nakahiwalay sa kanyang binabantayan?" nakalabi na balik tanong ni Sasha sa guwapong abogado. Nasundan niya ito hanggang hotel kung saan may dinalang maganda at sexy na babae.Napabuntonghininga bago tiningnan ni Dexter ang kaharap. Naiirita na siya dito dahil bigla na lang ito sumusulpot kahit saan man siya naroon. Nagpasalamat na lamang siya at hindi rin ito tumuloy hanggang loob ng banyo t
"YOU!" Nanggigigil na duro ni Dexter kay Sasha, "may anaconda ka ba na alaga diyan sa tiyan mo at halos maubos mo ang laman ng ref?"Nanununlis ang nguso na umirap si Sahsa sa binata. Kanina pa siyang umaga sa condo nito at idinaan sa pagkain ang pagkabagot. Wala naman dapat siya doon pero mas gusto niyang tumambay sa magandang bahay ng binata kaysa doon sa bahay na may criminal na binabantayan."Wala ka ba ibang trabaho kundi ang bumuntot sa akin?" "Bayad na ako sa nakain ko kung kaya huwag ka nang magreklamo pa!" Tinalikuran niya ang kausap at hinagilap ang bag kung saan naroon ang kanyang cellphone."Hoy hindi sapat na kabayaran sa naubos mong pagkain ang paglaba sa tatlo kong—" hindi na itinuloy ng binata ang huling kataga nang makita ang nakakalokong ngiti sa labi ng dalaga nang humarap sa kanya."Uuwi ka na?" tanong na lamang niya nang makitang hawak na nito ang bag. Tumahimik siya nang suminyas ito na tumahimik bago sinagot ang tawag sa cellphone nito."Nasaan ka?" tanong agad
HINDI mapakali si Dexter sa isang tabi, panay ang silip sa nakasarang pinto kung nasaan sina Kailani at Sasha. Ginagamot ni Kailani ang sugat sa braso ng kaibigan nito dahil natamaan ito ng bala kanina sa bakbakan para iligtas ang kanyang buhay muli."Nag aalala ka ba sa kanya dahil nasaktan siya ng dahil sa iyo?" makahulugang tanong ni James kay Dexter nang tumayo muli ito upang alamin ang kalagayan ni Sasha lalo na nang mapahiyaw ito sa sakit."Ano ang ibig mong sabihin?" Kunot ang noo na tanong ni Dexter dito, ayaw mag-function ng kanyang utak sa ngayon dahil naiinis siya sa kanyang sarili. Wala manlang siyang magawa upang maibsan ang sakit na nararamdaman ngayon ng dalaga."Tsk tsk!" Palatak ni James sabay iling, "inumin mo muna iyang kape mo bago pa lumamig. Huwag kang mag-alala dahil malayo sa bituka ang sugat niyon.""Sino ba talaga kayo?" Tumayo si Dexter dala ang kape at nilapitan ang apat na taong nakatali sa isang tabi."Mga kidnaper sila kung kaya mag-ingat ka at baka matu
"WATER please!" Sigaw ni Sasha mula sa loob ng kusina."Tubig na lang hindi mo pa makuha eh nasa tabi mo lang naman?" Nakasimangot na tinuro ni Dexter ang water dispenser. Unang araw palang ng dalaga ay hirap na siya dahil bawat kilos nito ay siya ang tinatawag. Hindi pa siya tapos magligpit ng higaan nito nang sumigaw for water."Hindi ako makatayo, nangalay ang mga paa ko kasi ayaw mo akong pakilusin hindi ba?" napakaamo ng mukha ng dalaga na tumingala sa binata at ngumiti."Ayst! Oo na, " napilitan siyang ikuha ng tubig ang huli. "Bakit hindi mo inubos iyang pagkain mo?" tanong ni Dexter nang mapansin ang platong nasa harapan ni Sasha."Hindi masarap," nakalabi na tugon ng dalaga. In-order pa niya ang pagkain na iyon sa restaurant na nasa ibaba lamang ng building dahil wala siyang time magluto. Kinuha ni Dexter ang kutsara at tinikman, "masarap naman ah!" nangunot ang noo nang malasahan ang pagkain. "Nganga!" Sumandok siya muli ng sinangag na kanin at sinubuan ang dalaga.Napatang
MATAPOS ang kaso ng pamilya Garcia ay naging abala si Dexter sa trabaho sa bagong Law Firm na itinayo kasama ang kaibigang si Micko. Si Sasha ay bihira na niya makita, ayaw man niyang aminin ay hinahanap-hanap ng kanyang isip ang makulit na dalaga. Bukod sa law firm ay may isang ahensya pa siyang itinayo at kailangan niya ng magagaling na agent. "Ayaw ko ng may amo." Tanggi ni James nang alukin ni Dexter na maging kasapi ng kanyang grupo bilang Secret Agent. Hanga siya sa galing nito noon kung kaya halos nalikom lahat ng tauhan ng amain ni Kailani nang walang kahirap-hirap."Pag-isipan mo muna bago tumanggi, pantay-pantay tayo rito at maari kang tumanggi sa ipahawak sa iyo na kaso kung ayaw mo." Giit ni Dexter kay James."Bakit hindi si Sasha ang alukin mo? Mas magaling iyon kaysa sa akin umasinta ng kalaban."Dexter chuckle when he heard her name, "babae siya at dilikado ang mga kaso na hahawakan natin.""May point ka sa bagay na iyan, pag isipan ko ang alok mo." Tumatango na tugon
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l