HINDI mapakali si Dexter sa isang tabi, panay ang silip sa nakasarang pinto kung nasaan sina Kailani at Sasha. Ginagamot ni Kailani ang sugat sa braso ng kaibigan nito dahil natamaan ito ng bala kanina sa bakbakan para iligtas ang kanyang buhay muli."Nag aalala ka ba sa kanya dahil nasaktan siya ng dahil sa iyo?" makahulugang tanong ni James kay Dexter nang tumayo muli ito upang alamin ang kalagayan ni Sasha lalo na nang mapahiyaw ito sa sakit."Ano ang ibig mong sabihin?" Kunot ang noo na tanong ni Dexter dito, ayaw mag-function ng kanyang utak sa ngayon dahil naiinis siya sa kanyang sarili. Wala manlang siyang magawa upang maibsan ang sakit na nararamdaman ngayon ng dalaga."Tsk tsk!" Palatak ni James sabay iling, "inumin mo muna iyang kape mo bago pa lumamig. Huwag kang mag-alala dahil malayo sa bituka ang sugat niyon.""Sino ba talaga kayo?" Tumayo si Dexter dala ang kape at nilapitan ang apat na taong nakatali sa isang tabi."Mga kidnaper sila kung kaya mag-ingat ka at baka matu
"WATER please!" Sigaw ni Sasha mula sa loob ng kusina."Tubig na lang hindi mo pa makuha eh nasa tabi mo lang naman?" Nakasimangot na tinuro ni Dexter ang water dispenser. Unang araw palang ng dalaga ay hirap na siya dahil bawat kilos nito ay siya ang tinatawag. Hindi pa siya tapos magligpit ng higaan nito nang sumigaw for water."Hindi ako makatayo, nangalay ang mga paa ko kasi ayaw mo akong pakilusin hindi ba?" napakaamo ng mukha ng dalaga na tumingala sa binata at ngumiti."Ayst! Oo na, " napilitan siyang ikuha ng tubig ang huli. "Bakit hindi mo inubos iyang pagkain mo?" tanong ni Dexter nang mapansin ang platong nasa harapan ni Sasha."Hindi masarap," nakalabi na tugon ng dalaga. In-order pa niya ang pagkain na iyon sa restaurant na nasa ibaba lamang ng building dahil wala siyang time magluto. Kinuha ni Dexter ang kutsara at tinikman, "masarap naman ah!" nangunot ang noo nang malasahan ang pagkain. "Nganga!" Sumandok siya muli ng sinangag na kanin at sinubuan ang dalaga.Napatang
MATAPOS ang kaso ng pamilya Garcia ay naging abala si Dexter sa trabaho sa bagong Law Firm na itinayo kasama ang kaibigang si Micko. Si Sasha ay bihira na niya makita, ayaw man niyang aminin ay hinahanap-hanap ng kanyang isip ang makulit na dalaga. Bukod sa law firm ay may isang ahensya pa siyang itinayo at kailangan niya ng magagaling na agent. "Ayaw ko ng may amo." Tanggi ni James nang alukin ni Dexter na maging kasapi ng kanyang grupo bilang Secret Agent. Hanga siya sa galing nito noon kung kaya halos nalikom lahat ng tauhan ng amain ni Kailani nang walang kahirap-hirap."Pag-isipan mo muna bago tumanggi, pantay-pantay tayo rito at maari kang tumanggi sa ipahawak sa iyo na kaso kung ayaw mo." Giit ni Dexter kay James."Bakit hindi si Sasha ang alukin mo? Mas magaling iyon kaysa sa akin umasinta ng kalaban."Dexter chuckle when he heard her name, "babae siya at dilikado ang mga kaso na hahawakan natin.""May point ka sa bagay na iyan, pag isipan ko ang alok mo." Tumatango na tugon
"HINDI pa rin ba siya umuuwi?" tanong ni Dexter kay James nang tawagan niya sa cell phone. Pinasundan niya si Sasha sa kaibigan kanina at nag-aalala din siya kung ano ba ang problema ng kanyang dating pasaway na Guardian Angel."Narito ako ngayon sa bahay at hindi pa siya nakauwi mula kaninang umaga. Bakas din sa boses ni James ang pag-alala. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpadala sa galit si Sasha nang hindi niya alam kung ano ang dahilan.Dito pa rin tumutuloy ang kaibigan sa bahay na kinuha niya noon para sa dalawang dalaga. Lingid sa kaalaman ng mga ito ay nabili na niya iyon kung kaya walang problema sa bayarin buwan-buwan."Wala ka bang ibang alam kung saan pa siya maaring pumunta?" tanong muli ni Dexter habang nililigpit ang mga gamit sa lamesa. Naghahanda na siya sa pag-alis upang tumulong sa paghanap kay Sasha."Tatawagan na lang kita mamaya kung matagpuan ko na siya, pupunta ako ngayon kina Yazed baka naroon siya." Paalam ni James dito bago pinutol na ang pag-uusap n
"TAPOS na po ang palabas, maari na kayong bumalik sa dance floor at sa inyong mga tables! Jeydon claps his hands sa harap ng mga costumer ng Bar."Sir, paano ang bill ng babaeng iyon?" tanong ng bartender kay cloud na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin sa takot."Leave it to me, ako na ang bahala sumingil sa boyfriend niya."Agad naman inabot ng kawawang lalaki ang slip sa kanyang amo. Parang wala lang nangyaring gulo nang tumunog muli ang musika at nag-ingay ulit ang paligid sa loob. Si Cloud ang may-ari ng naturang beer house at maayos ang pamamalkad doon. Bumalik na rin silang magkaibigan sa pwesto at itinuloy ang pag-inum ng alak....."May problema ba siya sa pamilya niya?" tanong ni Dexter kay James nang magpang-abot sila sa sasakyan niya. Buhat pa rin niya ang dalaga na parang tukong nakakapit sa kanyang batok. Sinilip ni James ang mukha ng kaibigan na nakasandal sa dibdib ni Dexter. Napailing siya sa hitsura nito na mukhang sinasamantala ang sitwasyon. Kahit lasing at muk
UNTI-UNTING naningkit ang mga mata ni Sasha na tumingin sa binatang naka upo sa kama. Mabilis ang kilos na inilang hakbang ang pantalon na nakasampay sa sofa."Ito ba ang hinahanap mo?" simpatikong tanong ni Dexter dito at itinaas ang hawak na baril mula sa ilalim ng unan niya. Sinadya niya na itago ang baril ng dalaga dahil alam niya na magwawala ito pagkagising."Gago ka, akin na iyan! Dinambahan nito ang binata at nakipag agawan ng baril. Galit ang nangibabaw sa kanya ngayon sa kaalaman na hinubaran siya ng binata nang hindi niya alam at pati ang pang loob ay inalis pa."Ouch! Daing ni Dexter nang kagatin ng huli ang kanyang braso kung kaya nabitiwan niya ang baril at nakuha nito. Napangisi si Dexter nang itutok sa kanya ng dalaga ang baril dahil inalis din niya ang bala niyon. Ngunit kailangan pa rin niyang mag-ingat dahil baka ipukpok naman sa kanya ang baril."Hayop ka! Nasaan ang panty ko?" Itinapon niya ang baril nang malaman na wala iyon bala at pinagsusuntok ang binata."Hu
"MABILIS ang pagpatakbo ng motorcycle na ginagawa ni Sasha upang masundan ang kaibigang si James. Naiinip siya sa kanyang buhay ngayon dahil wala pa rin resulta or tumatawag sa kanyang inaplayang trabaho limang araw na ang nakalipas.Napansin ni James ang sumusunod sa kanya, inis na binunot ang cellphone sa bulsa ng jacket habang hawak sa isang kamay ang manubela ng kanyang motor. Bahagya niyang pinabagal ang takbo niyon habang kinakausap si Dexter."Akala ko ba ay itinali mo na itong Guardian Angel mo sa iyong tabi?" iritadong tanong ni James sa kausap."Ano ang problema sa kanya?" Napatayo si Dexter sa kinaupuan. Nasa loob siya ngayon ng opisina kasama si Micko."Nakabuntot na naman sa akin!" nakaangil si James sa kausap dahil sa kapabayaan nito. Kung kaharap lamang niya si Dexter ngayon ay baka na kwelyuhan na niya ito. Nagmamadali siya ng oras na iyon dahil may nakapagsabi kung nasaan ang tao na pwedeng makatulong sa kanya, upang makapasok sa kupunan ng isang malaking sindikato.
MALUNGKOT na natakanaw sa puntod ng nag-iisang anak niya si Seliste. Matagal ng panahon na rin nakahimlay ang anak. Pero hanggang ngayon ay hindi pa niya natupad ang una at huling hiling nito sa kanya bago nalagutan ng hininga. Kasalanan niya ang lahat kung bakit hindi naging masaya ang buhay may asawa nito noon. Napatingala siya sa langit at muling nanariwa ang kahapon sa kanyang alaala kung bakit hindi nito nakasama ang tunay na minamahal."Layuan mo ang aking anak," inabutan niya ng tseke ang babaing minamahal ng kanyang anak. Nakasulat doon ang kalahating milyon na halaga. "Siguro naman ay sapat na iyan upang lumayo ka sa kanya?" "Mahal ko po si Marcus at buntis po ako." Umiiyak na sagot ng dalaga habang nakayuko."Ambisyosa ka! Magkano ang kailangan mo? Name the price and get lost! Hinding-hindi kita matatanggap sa pamilya ko lalo na iyang anak mo!" singhal ni Seliste sa babaing lumuluha. Walang puwang sa kanya ang awa para dito dahil ang tingin niya dito ay pera lamang ang hab
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l