Nairaos ang kasal nila ni Jeydon ngunit ang akala niyang forever happiness ay hindi pala. Habang tumatagal ang pagsasama ay nagkakaroon sila nang hindi pagkakaunawaan. Naroon na kakainin ng insecurities ang kaniyang pagkatao sa tuwing makikitang may ibang babaeng kausap ang asawa. Alam niyang bahagi lamang iyon ng trabaho nito. Pero hindi niya maiwasang manliit sa sarili lalo na at wala siyang alam sa buhay. Isang taon na ang lumipas mula nang ikasal sila ni Jeydon. At ngayon ay mukhang nagkakaroon na nang lamat ang kanilang pagsasama dahil sa mga bagay na sinasarili niya. Takot siyang magtanong sa asawa dahil baka ayaw nito or baka magalit."Alam mo, naiinis na ako sa iyo!" reklamo ni Geng sa mahinang tinig lamang kay Ynrahd. Naroon sila ngayon sa loob ng library.Umikot ang mata ni Ynrahd bago inirapan ang baklang kaibigan."Ano ba talaga ang purpose sa pagtambay natin dito?" Nanunulis ang nguso ni Geng habang nakapangalumbabang nakaharap sa kaibigan. "Halos araw-araw ay nandito
"HEY, Alex!" tawag ni Geng sa lalaking bagong pasok sa coffe shop.Napasimangot si Ynrahd nang biglang tumayo si Geng at iniwan siyang walang paalam. Lumadlad na rin ito ng pagkatao at hindi na nahiyang makipag flirt sa lalaking magustohan nito."Oh, hi!" Lumabas ang isang dimple ni Alex nang ngumiti siya kay Gregorio. " Ikaw lang mag-isa?" Tanong niya dito habang lumilingap sa paligid. Nang magtagpo ang paningin nila ni Ynrahd ay mabilis niyang ibinalik ang kapormalan ng mukha at nilapitan ito. "Can I join!" "Pandalawahan lang dito." Kulang sa buhay niyang sagot sa dating manliligaw na si Alex. Ayaw niya itong kausap dahil kahit alam na nitong may asawa siya ay obvious pa rin kung magpalipad hangin sa kaniya."Upo ka na, kukuha ako ng isa pang upuan para pantatlohan na ito." Tulak ni Geng kay Alex paupo sa pwesto niya kania. Hindi pinansin ang masama at makahulogang tingin ni Ynrahd sa kaniya."Hindi mo ba gusto ang kape?" Puna ni Alex sa dalaga nang mapansin na walang bawas ang in
"NAKAUWI ka na ba?" tanong ni Geng nang sagutin ng kaibigan ang kaniyang tawag. Naka tatlong dial na siya kanina ay hindi nito sinasagot kung kaya dumoble ang pag-alala niya dito."Bakit ka napatawag?" Sa halip na sagutin ang kaibigan ay pahintamad niyang tinanong ito. Wala siya sa mood upang makipag kuwentuhan kahit kanino ngayon lalo na at umalis ng bahay ang asawa na masama ang kaniyang loob."Nag-aalala ako sa iyo, ano ka ba?" Okay ka lang ba? Nasundo ka ba ni Jeydon? " Sunod-sunod niyang tanong kay Ynrahd.Hindi na napigilan ni Ynrahd ang mapahikbi nang banggitin ni Geng ang pangalan ng kaniyang asawa. "Sumagot ka nga, pinapakaba mo ako. Kapag ang dibdib ko ay naging flat, kasalanan mo ito!" Bantang biro niya sa kaibigan upang pakalmahin ito. Dinig niya mula sa kabilang linya ang pagsinok nito at alam niyang umiiyak na ito. "Hi-hindi na niya ako mahal, hindi na ako ang Baby niya!"Nasapo ni Geng ang noo nang pumalahaw na ng iyak ang kaibigan. Kung kaharap niya lang ito ay baka
NAKATULOGAN na ni Ynrahd ang pag-iyak dahil ito ang unang gabi na hindi nakatabi ang asawa. Gusto niya sanang humingi ng sorry sa asawa dahil kasalanan niya kung bakit hindi siya nasundo. Nang sinabi ni Jay na nakatulog na ang asawa niya dahil sa kalasingan ay agad na bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya lubos maisip na malalim ang sama ng loob sa kaniya ng asawa ngayon."Senyorita, gising na po ba kayo?" Tawag ni Inday kay Ynrahd mula sa labas ng nakasarang pintuan ng silid. "Baka po ma late na kayo sa inyong klase." Tawag niya ulit sa dalaga nang walang tugong narinig mula dito. Inilapit niya ang taenga sa dahon ng pinto upang pakiramdaman ang tao sa loob. Alam niyang hindi umuwi kagabi ang asawa ng amo at nag-alala siya na baka maisip na namang magpakamatay nito, tulad sa nangyari sa Qatar na siya mismo ang nakasaksi."Hindi po ako papasok!" Pahintamad niyang sagot sa ulayanin nilang katulong upang tumigil na ito sa pagkatok. "Kumain na lang po kayo ng almusal at nai
"TAMA ang ama mo, Hija. Magbakasyon ka muna ngayong break semester habang abala ang iyong asawa sa work niya upang hindi ka nalulungkot dito." Sang-ayon ni Julia sa suhistyon ng asawa sa kaniyang anak. Napapansin nila na naging malungkutin ito nitong mga huling araw at hindi nila nakikita na laging magkasama ang dalawa."Hindi ko po kayang lumayo kay Jeydon kahit isang araw lang." Nakalabi niyang sagot sa ina habang nilalaro ang hawak na kutsara. Nagpasalamat siya at naroon ang mga magulang ngayon. Kahit papaano ay nabawasan ang lungkot na nadarama."Kailangan mong sanayin ang sarili mo na hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi mo siya." Pangungulit ni Waleed sa anak gamit ang salitang banyaga. Nag-aalala rin siya sa sobrang pagmamahal nito sa asawa nito. Buong buhay nito ngayon ay sa kaniyang manugang umiikot na hindi niya nagustohan.Kahit anong paintindi ng mga magulang na kailangan niya magtira ng pagmamahal sa sarili ay hindi niya maintindihan. O mas tamang sabihin na ayaw niyang in
TUMIKWAS ang kaliwang kilay ni Ruby habang pinakatitigan ang inaabot sa kaniya ng lalaking hindi pa nakilala."This is my calling card, call me kung handa ka na makipagtulingan sa akin upang masira ang pagsamama nila." Tukoy ni Lemuel sa mag-asawang Laserna."At bakit ko naman gagawin iyang naiisip mo? Sino ka at bakit mo ako kilala?" nagdududa niyang tanong sa lalaki."Silly!" buska mi Lemuel sa babae. "Akala ko ay matalino ka, ano ba ang plano mo kung bakit nakipaglapit ka kay Jeydon?""So, kilala mo sila?" Nanatiling nakatikwas ang kaniyang isang kilay."What a stupid questions!" naibulong ni Lemuel sa sarili, kailangan niya ang babae kung kaya puro kabaitan ang pinakita niya dito ngayon."Wala akong time sa paligoy-ligoy na usapan." Napatingin siya sa oras ng suot na relo. Naisip na limang oras lamang ang kinuha niyang serbisyo ng taong nagbabantay sa kaniyang pamangkin ngayon."Ihatid na kita kung hindi mo masamain." Mabilis niyang alok sa babae. "Don't worry, kakampi mo ako at h
"MATAGAL pa ba bago makuha ang resulta ng DNA test?" pabulong na tanong ni Jeydon kay Ashton. Kumpleto sila ngayon sa opisina na mga Eagle team at ayaw niyang may ibang makaalam bukod kay Jay. Sa laki ng opisina nila ay halos hindi na rin magkarinigan kung hindi lapitan ang isa dahil magkakalayo ang espayo ng bawat pwesto."Apat na araw ang pinakamabilis na proseso pero expect mo na isang lingo bago lalabas ang resulta."Naipamulsa ni Jeydon ang dalawang kamay sa magkabilang pocket ng suot na pantalon. Tinanguan niya si Ashton bago dumistansiya dito nang mamataan ang papalapit na si Cloud. Kahit may asawa na ito ay mukha pa rin itong walang love life dahil laging madilim ang aura ng mukha."Nakita niyo ba si Amalia?" Tanong ni Cloud sa dalawa na halatang may itinatago sa lahat."Nakita ko siya kanina lumabas kasama si Cris." Si Ashton na ang sumagot kay Cloud. "Tatawagan ko ba?Si Amalia at Cris naman ang mga babaeng pumasa sa pagsusulit at kabilang na ngayon sa secret detective."Hin
HALOS takbuhin na ni Jeydon ang daan papasok sa kanilang bahay pagkababa ng sasakyan. Maging ang pagka park ng sasakyan ay hindi maayos. Hindi niya alam kung ilang beses na niyang namura ang sarili dahil sobrang late na ang uwi niya for lunch."Baby, I'm really sorry!" Agad niyang niyakap ang asawang nakatalikod at nakaupo sa harap ng hapag kainan na mag-isa. "May biglaang meeting at hindi ko napansin ang oras."Kahit masama ang loob ay sinikap ni Ynrahd na pakahinahon at umaktong matured na. Tulad ng sinabi ni Geng kanina nang tawagan niya upang maglabas ng sama ng loob, kailangan niyang baguhin ang kaniyang ugali upang maiwasan na ang hindi pagkakaunawaan nilang mag asawa."Bumalik na si Lemuel at may balak siyang agawin ang posisyon ko."Tuluyan nang nabura ang tampo niya sa asawa nang makita ang mukha nitong misirable. Alam niyang wala itong pakialam sa mamanahin, ang concern nito ay hindi ito papayag na mapunta sa ibang tao lalo na sa tinuturing nitong kaaway ang para sa kanilang