"TAO, po?" Muling tawag ni Cris mula sa labas ng pintuan. Naroon siya ngayon sa isang apartment upang sunduin ang bata at si Ruby sa utos ni Ashton. Nang malaman na nagkaroon ng problema sa laboratory ay agad siyang inutusan ng huli. Alam niyang parating na rin si Jeydon pero inunahan na niya."May tao ba sa loob?" Salubong na ang dalawa niyang kilay nang walang sagot na makuha mula sa loob. Bigla siyang yumuko at nagkunwaring may inaayos sa laylayan ng suot na t-shirt nang may mapansing tao sa gilid ng bahay. Nang muli niyang sulyapan ay wala na at alam niyang nagkubli lamang ito."Ruby? Gutom na ako, tara nang gumala!" tawag niyang muli at nilakasan ang tinig upang marinig ng taong nakakubli sa likod ng bahay. Nang maulinigan na papalapit na yapak sa pinto ay inihanda niya ang kaniyang sarili.Abot hanggang langit ang dasal ni Ruby na matulongan siya nang kung sino mang taong nasa labas. Sinundan niya ng tingin ang pagkilos ng babaeng may hawak sa kaniyang pamangkin. Inilapag nito a
PAREHONG dinala sa presinto sina Cris at Gem upang imbistigahan ang nangyari. "Nasaan na sina Ruby at ang bata?" tanong ni Ashton kay Jeydon nang maabutan nila ito sa labas ng bahay. Marami pa ring tao sa paligid na nakiusyuso at hindi sila makapasok sa loob dahil may mga pulis na nag-iimbistiga doon."Naunahan na naman ako!" Lapat ang ngipin na wika ni Jeydon sa mahinang tinig lamang. Naihilamos niyang muli ang palad sa sariling mukha habang lumilinga ang paningin sa paligid. Limang minuto lamang siya nagtagal sa loob ng bahay at paglabas niya ay wala na doon si Ruby at ang bata."Sa tingin mo, saan sila nagpunta?" Mahinahong tanong ni Jay kay Jeydon."Sa tingin mo ay nandito pa ako kung alam kong nasaan sila?" Sarkastikong sagot niya kay Jay. Mainit ang ulo niya ngayon dahil sa sunod-sunod na kapalpakan na nangyari."Kailangan natin makaisip ng paraan upang malusutan ang lahat ng ito." Pinuntahan na ni Cloud si Cris upang ayusin ang kasong kinakaharap nito. Tinapik ni Ashton sa ba
"HUMIHINGA pa po siya pero kailangan maging maingat sa paghawak sa kaniya. Dahil kapag nagkamali ay iyan pa ang maging sanhi ng tuluyang pagkawala ng kaniyang buhay." Paalala ng isang pulis kay Micko na siyang sumuri sa pulso ni Jeydon."Ako na ang bahala sa kaniya!"Napalingon silang lahat sa nagsalita mula sa likuran. Patakbong lumapit sa kanila si Ashton na agad sumunod doon nang maisip na maaring kailanganin ito ng kaibigan. May pagmamadaling inilabas ang katawan ni Jeydon sa sasakyan na may pag-iingat. Mabilis na nilapatan ng paunang lunas ni Ashton ang kaibigan bago isinakay sa Ambulansya na kasunod lang niyang dumating."Mabuti naman at gising ka na, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Yvonne nang makitang nagmulat ng mga mata si Ynrahd."Oh my God!" Napabalikwas nang bangon ang dalaga nang pagtingin sa paligid ay walang ibang tao kundi siya lang at si Yvone. "Nasaan ang asawa ko?" Garalgal ang boses na tanong niya sa kaibigan. Biglang nasapo ang noo nang biglang tila umiko
LAHAT ay tahimik habang nakalinya sa harap ni Jeydon at hinihintay itong magsalita. Nasa mga mata nito ang pagkalito habang isa-isa silang tinitignan na tila kinikilala pa kung sino ang mga naroon. Lalong binalot ng katahimikan ang paligid nang bumukas ang pintuan at pumasok doon si Ynrahd na nakaupo sa wheelchair at tulak ng ina nito."Oh ayan, nagising na siya kaya tama na ang iyak!" pang-aalo muli ni Julia sa anak nang makitang gising na si Jeydon. Kakagising lang din ni Ynrahd at hindi tumigil hanggat hindi dinala roon upang makita ang asawa nito.Nangunot naman ngayon ang noo ni Jeydon habang nakatitig sa babaeng parang bata na pinupunasan ng sariling kamay ang luha sa mga mata nito. "Bro, ayos ka lang?" Hindi nakatiis na tanong ni Ashton kay Jeydon habang sinusuri ang ulo nito."Ano ang ginagawa mo?" Iritableng tanong ni Jeydon sa kaibigan nang sapuin nito ang kaniyang noo."Kilala mo ba ako?" Sa halip ay tanong ni Ashton sa kaibigan at tangkang iilawan ang kanang mata nito ga
"SIGURADO kayo na hindi sangkot sa kasong ito si Lemuel?" hindi kumbinsido na tanong muli ni Ashton kina Micko matapos ng mga ito mag imbistiga."Ito ang nakuhang footage sa cctv camera kung saan tinambangan ang driver ng truck." Inilatag ni Kailani ang mga nakalap na larawan mula sa hindi malinaw na kuha sa surveillance camera dahil may kalayuan ang distansya. Tama lang na nauna sila doon sa pinangyarihan at nakuha ang kopya. Kinailangan pa niyang magbalat-kayo upang hindi makilala at nagpanggap na pulis. Inihanay ang mga larawan at pinagtugma.Dismiyado ang lahat dahil hindi nagtugma kay Lemuel ang mga nasa larawan. Mula sa isang motorcycle na walang plate number at may angkas ang umagaw sa sasakyang truck na siyang sumunod kay Jeydon. Nakuha din sa footage ang pagbaba ni Ashton sa kotse at sa pag-iwan dito bago ang aksidente. Sa bilis ng pag overtake ng motorcycle sa minamaneho ni Jeydon ay biglang umiwas ito at napasadsad sa tabing kalsda na siyang kinuhang pagkakataon ng truck n
"GAGAWIN ko ang lahat nang ipapagawa ninyo, basta siguraduhin niyo lang ang kaligtasan ng aking pamangkin." Pakipagkasundo na ani Ruby nang makaharap na ang mga kaibigan ni Jeydon."May isang salita ang aming grupo at tungkulin din naming pangalagaan at bigyan hustisya ang mga inosinteng tao. Pagbigay assurance ni Max kay Ruby. Bilang General ay siya na ang humarap sa babae dahil wala si Dexter na kaniyang pamangkin."Salamat!" nakaramdam ng hiya si Ruby sa grupo ni Jeydon. Isa siya sa dahilan nang paghihirap ng mag-asawa ngayon dahil nagpadala siya sa suhol at sulsol ng kaaway ng mga ito. "Una sa lahat ay wala sa plano ang pagtangkang pagkuha nila sa pamangkin ko." Pagsisimulang lahad ni Ruby sa mga naroon. "Totoong nakipagsabwatan ako kay Lemuel upang masira ang pagsasama ng mag-asawa dahil naisip ko ang kapakanan ng aking pamangkin." Pagpapatuloy ni Ruby habang palipat-lipat ang tingin sa mga naroon."Duhh! Napaka ipokrita!" Umikot ang mga mata ni Cris habang bumubulong na dinig
Obsession 1 Bad dream and inside the court"TAKBO!" Humahalakhak na sigaw ng lalaki habang hinahabol ang dalagang nais halayin. Tuwang-tuwa ang lalaki sa nakikitang takot sa mukha ng babaeng hinahabol. Lalo pa itong nauulol na mahawakan ang dalaga ngunit ang bilis nitong tumakbo."Saan ka pupunta?!" "Ahhhhh...tulong!" Nagsisigaw ang dalaga nang biglang humarang sa daraanan ang isa pang lalaki. Pagtingin niya sa likod ay naroon ang isa pa na humahabol sa kanya kanina. "Shhh, huwag kang maingay, maglalaro lang tayo ng bahay-bahayan." Tila baliw na wika ng lalaki na nasa kanyang harapan. Ang isa naman ay panay ang hithit buga nito sa hawak na marihuwana."Huwag po, parang awa niyo na!" Hilam sa luha ang mukha na pakiusap nito sa dalawang lalaki. Ngunit hindi nakinig ang mga ito at itinuloy ang masamang balak sa kaniya.Mga bangag sa ipinagbabawal na gamot ang dalawang lalaki kung kaya walang awa na sinaktan at hinalay ang babae. Iniwan nila ito sa lugar na abandunado nang mapansin na
"MAY sakit ka ba?" nag-aalala na tanong ni Yvonne sa kaibigan nang madatnan ito sa kanilang silid na nakahiga. Nagtataka siya dahil ang alam niya ay may pasok ito. Pang umaga ngayon ang duty niya sa trabaho at ito naman ay pang gabi."I'm pregnant!" ang sagot ni Gwen at biglang umiyak."Then, congratulations?" may pag-alinlangan na bati niya dito. Ang alam niya ay matagal na ang relasyon ng mga ito. Minsan pa nga ay sa kanilang silid natutulog ang lalaki kapag wala siya roon. Ipinagtaka niya ngayon ay tila pasan ng kaibigan ang mundo sa hitsurang nakikita dito."Gago siya, sinungaling! Ang akala ko ay nagbago na siya at ako na lang ang babae sa buhay niya!" Sunod-sunod na mura ni Gwen sa nobyo nito habang pinupokpok ng kamay ang unan.Naningkit bigla ang mga mata ni Yvonne dahil nakaramdam din ng galit. Ayaw niya sa lahat ay may babaeng umiiyak dahil sa lalaki. Bumabangon ang galit sa kanyang dibdib kapag may nakikitang babae na niloloko ng lalaki. "Ano ang ginawa niya?""Bukod sa aki