"NAKAUWI ka na ba?" tanong ni Geng nang sagutin ng kaibigan ang kaniyang tawag. Naka tatlong dial na siya kanina ay hindi nito sinasagot kung kaya dumoble ang pag-alala niya dito."Bakit ka napatawag?" Sa halip na sagutin ang kaibigan ay pahintamad niyang tinanong ito. Wala siya sa mood upang makipag kuwentuhan kahit kanino ngayon lalo na at umalis ng bahay ang asawa na masama ang kaniyang loob."Nag-aalala ako sa iyo, ano ka ba?" Okay ka lang ba? Nasundo ka ba ni Jeydon? " Sunod-sunod niyang tanong kay Ynrahd.Hindi na napigilan ni Ynrahd ang mapahikbi nang banggitin ni Geng ang pangalan ng kaniyang asawa. "Sumagot ka nga, pinapakaba mo ako. Kapag ang dibdib ko ay naging flat, kasalanan mo ito!" Bantang biro niya sa kaibigan upang pakalmahin ito. Dinig niya mula sa kabilang linya ang pagsinok nito at alam niyang umiiyak na ito. "Hi-hindi na niya ako mahal, hindi na ako ang Baby niya!"Nasapo ni Geng ang noo nang pumalahaw na ng iyak ang kaibigan. Kung kaharap niya lang ito ay baka
NAKATULOGAN na ni Ynrahd ang pag-iyak dahil ito ang unang gabi na hindi nakatabi ang asawa. Gusto niya sanang humingi ng sorry sa asawa dahil kasalanan niya kung bakit hindi siya nasundo. Nang sinabi ni Jay na nakatulog na ang asawa niya dahil sa kalasingan ay agad na bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya lubos maisip na malalim ang sama ng loob sa kaniya ng asawa ngayon."Senyorita, gising na po ba kayo?" Tawag ni Inday kay Ynrahd mula sa labas ng nakasarang pintuan ng silid. "Baka po ma late na kayo sa inyong klase." Tawag niya ulit sa dalaga nang walang tugong narinig mula dito. Inilapit niya ang taenga sa dahon ng pinto upang pakiramdaman ang tao sa loob. Alam niyang hindi umuwi kagabi ang asawa ng amo at nag-alala siya na baka maisip na namang magpakamatay nito, tulad sa nangyari sa Qatar na siya mismo ang nakasaksi."Hindi po ako papasok!" Pahintamad niyang sagot sa ulayanin nilang katulong upang tumigil na ito sa pagkatok. "Kumain na lang po kayo ng almusal at nai
"TAMA ang ama mo, Hija. Magbakasyon ka muna ngayong break semester habang abala ang iyong asawa sa work niya upang hindi ka nalulungkot dito." Sang-ayon ni Julia sa suhistyon ng asawa sa kaniyang anak. Napapansin nila na naging malungkutin ito nitong mga huling araw at hindi nila nakikita na laging magkasama ang dalawa."Hindi ko po kayang lumayo kay Jeydon kahit isang araw lang." Nakalabi niyang sagot sa ina habang nilalaro ang hawak na kutsara. Nagpasalamat siya at naroon ang mga magulang ngayon. Kahit papaano ay nabawasan ang lungkot na nadarama."Kailangan mong sanayin ang sarili mo na hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi mo siya." Pangungulit ni Waleed sa anak gamit ang salitang banyaga. Nag-aalala rin siya sa sobrang pagmamahal nito sa asawa nito. Buong buhay nito ngayon ay sa kaniyang manugang umiikot na hindi niya nagustohan.Kahit anong paintindi ng mga magulang na kailangan niya magtira ng pagmamahal sa sarili ay hindi niya maintindihan. O mas tamang sabihin na ayaw niyang in
TUMIKWAS ang kaliwang kilay ni Ruby habang pinakatitigan ang inaabot sa kaniya ng lalaking hindi pa nakilala."This is my calling card, call me kung handa ka na makipagtulingan sa akin upang masira ang pagsamama nila." Tukoy ni Lemuel sa mag-asawang Laserna."At bakit ko naman gagawin iyang naiisip mo? Sino ka at bakit mo ako kilala?" nagdududa niyang tanong sa lalaki."Silly!" buska mi Lemuel sa babae. "Akala ko ay matalino ka, ano ba ang plano mo kung bakit nakipaglapit ka kay Jeydon?""So, kilala mo sila?" Nanatiling nakatikwas ang kaniyang isang kilay."What a stupid questions!" naibulong ni Lemuel sa sarili, kailangan niya ang babae kung kaya puro kabaitan ang pinakita niya dito ngayon."Wala akong time sa paligoy-ligoy na usapan." Napatingin siya sa oras ng suot na relo. Naisip na limang oras lamang ang kinuha niyang serbisyo ng taong nagbabantay sa kaniyang pamangkin ngayon."Ihatid na kita kung hindi mo masamain." Mabilis niyang alok sa babae. "Don't worry, kakampi mo ako at h
"MATAGAL pa ba bago makuha ang resulta ng DNA test?" pabulong na tanong ni Jeydon kay Ashton. Kumpleto sila ngayon sa opisina na mga Eagle team at ayaw niyang may ibang makaalam bukod kay Jay. Sa laki ng opisina nila ay halos hindi na rin magkarinigan kung hindi lapitan ang isa dahil magkakalayo ang espayo ng bawat pwesto."Apat na araw ang pinakamabilis na proseso pero expect mo na isang lingo bago lalabas ang resulta."Naipamulsa ni Jeydon ang dalawang kamay sa magkabilang pocket ng suot na pantalon. Tinanguan niya si Ashton bago dumistansiya dito nang mamataan ang papalapit na si Cloud. Kahit may asawa na ito ay mukha pa rin itong walang love life dahil laging madilim ang aura ng mukha."Nakita niyo ba si Amalia?" Tanong ni Cloud sa dalawa na halatang may itinatago sa lahat."Nakita ko siya kanina lumabas kasama si Cris." Si Ashton na ang sumagot kay Cloud. "Tatawagan ko ba?Si Amalia at Cris naman ang mga babaeng pumasa sa pagsusulit at kabilang na ngayon sa secret detective."Hin
HALOS takbuhin na ni Jeydon ang daan papasok sa kanilang bahay pagkababa ng sasakyan. Maging ang pagka park ng sasakyan ay hindi maayos. Hindi niya alam kung ilang beses na niyang namura ang sarili dahil sobrang late na ang uwi niya for lunch."Baby, I'm really sorry!" Agad niyang niyakap ang asawang nakatalikod at nakaupo sa harap ng hapag kainan na mag-isa. "May biglaang meeting at hindi ko napansin ang oras."Kahit masama ang loob ay sinikap ni Ynrahd na pakahinahon at umaktong matured na. Tulad ng sinabi ni Geng kanina nang tawagan niya upang maglabas ng sama ng loob, kailangan niyang baguhin ang kaniyang ugali upang maiwasan na ang hindi pagkakaunawaan nilang mag asawa."Bumalik na si Lemuel at may balak siyang agawin ang posisyon ko."Tuluyan nang nabura ang tampo niya sa asawa nang makita ang mukha nitong misirable. Alam niyang wala itong pakialam sa mamanahin, ang concern nito ay hindi ito papayag na mapunta sa ibang tao lalo na sa tinuturing nitong kaaway ang para sa kanilang
"TAO, po?" Muling tawag ni Cris mula sa labas ng pintuan. Naroon siya ngayon sa isang apartment upang sunduin ang bata at si Ruby sa utos ni Ashton. Nang malaman na nagkaroon ng problema sa laboratory ay agad siyang inutusan ng huli. Alam niyang parating na rin si Jeydon pero inunahan na niya."May tao ba sa loob?" Salubong na ang dalawa niyang kilay nang walang sagot na makuha mula sa loob. Bigla siyang yumuko at nagkunwaring may inaayos sa laylayan ng suot na t-shirt nang may mapansing tao sa gilid ng bahay. Nang muli niyang sulyapan ay wala na at alam niyang nagkubli lamang ito."Ruby? Gutom na ako, tara nang gumala!" tawag niyang muli at nilakasan ang tinig upang marinig ng taong nakakubli sa likod ng bahay. Nang maulinigan na papalapit na yapak sa pinto ay inihanda niya ang kaniyang sarili.Abot hanggang langit ang dasal ni Ruby na matulongan siya nang kung sino mang taong nasa labas. Sinundan niya ng tingin ang pagkilos ng babaeng may hawak sa kaniyang pamangkin. Inilapag nito a
PAREHONG dinala sa presinto sina Cris at Gem upang imbistigahan ang nangyari. "Nasaan na sina Ruby at ang bata?" tanong ni Ashton kay Jeydon nang maabutan nila ito sa labas ng bahay. Marami pa ring tao sa paligid na nakiusyuso at hindi sila makapasok sa loob dahil may mga pulis na nag-iimbistiga doon."Naunahan na naman ako!" Lapat ang ngipin na wika ni Jeydon sa mahinang tinig lamang. Naihilamos niyang muli ang palad sa sariling mukha habang lumilinga ang paningin sa paligid. Limang minuto lamang siya nagtagal sa loob ng bahay at paglabas niya ay wala na doon si Ruby at ang bata."Sa tingin mo, saan sila nagpunta?" Mahinahong tanong ni Jay kay Jeydon."Sa tingin mo ay nandito pa ako kung alam kong nasaan sila?" Sarkastikong sagot niya kay Jay. Mainit ang ulo niya ngayon dahil sa sunod-sunod na kapalpakan na nangyari."Kailangan natin makaisip ng paraan upang malusutan ang lahat ng ito." Pinuntahan na ni Cloud si Cris upang ayusin ang kasong kinakaharap nito. Tinapik ni Ashton sa ba
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l