"I don't want a monkey business!" paunang banta ng foreigner sa dalawang grupong kaharap. Parehong may dalang epiktos ang mga ito at ang kanila ay pera.Tinatantiya ni James ang sitwasyon habang magkakaharap ang mga sindikato. Naka on ang linya sa kanyang relo kung kaya naririnig ni Dexter ang usapan ng mga ito."You know me, Mr. Smith. This is not our first transaction except for the other group that was with us, now." Pasaring ni David sa isa pang ka transaction ng intsek. Kalaban niya ito sa negosyo at gusto siyang agawan ng kliyente."Huwag kang magmayabang ngayon, David. Balita ko ay nabuwag ang grupo ng iyong anak dahil napasok sila ng spy." Nang-uuyam na wika ng lalaki na siyang pinuno ng isang grupo."Stop argue and start the transaction!" sita ng intsek sa dalawa. Nakakaintindi ito ng tagalog kaya alam kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito.Sabay na kumasa ng mga baril ang magkabilang grupo dahil kinuwelyohan ni David ang kausap."I don't have enough time, show me the things
"EXCUSE ME?" pasintabi ni Jake sa babaeng nakaharang sa pintuan. Nagulat pa siya nang makita na umiiyak ito. Nakaramdam tuloy siya ng takot na baka may nangyaring hindi maganda sa kanyang kapatid na nasa loob ng silid na iyon."Pasensya na!" Nakayuko ang ulo na paghingi ng paumanhin ni Jennyrose. Agad na pinunasan ang luha sa mukha at nagmadaling tumalikod."Wait, kaano-ano ka ng kapatid ko?" tawag niya sa dalaga ngunit lumingon lang ito sa kanya at gulat ang nakarehistro sa mukha nito bago patakbong lumayo.Hindi na alam ni Jennyrose kung paano siya nakalayo sa hospital. Ang alam niya lang ay pagod na siya kakalakad ngayon. Malayo na rin pala ang nalakad niya. Hindi niya alam na may iba pang kapatid si James. "Bakit ba ako natatakot sa kanila at tumatakas na parang kriminal?" tanong ni Jennyrose sa sarili at tumigil na sa paghakbang."Hindi ko naman ginusto na maging anak ng isang kriminal?" malungkot na pagpapatuloy niyang bulong sa sarili.Lalo lamang nalungkot si Jennyrose pagkaa
"HINDI ka pa ba sasabay sa amin, Anak?" tanong ni Lourdes kay James na nanatiling nakatayo sa harap ng puntod ng bunso nitong kapatid. Naging maayos na ang lahat sa pagitan nilang mag-anak. Nagkapatawaran at nailabas ang dapat ilabas na sama ng loob lalo na si James. Masaya na sila ngayon dahil bumalik na sa kanilang tahanan ang binata at hindi na ito barumbadong anak."Susunod na lang ako, Mom." Nakangiting nilingon niya ang ina. Tuluyan nang nawala ang bigat sa dibddib at kunsensya na dinadala sa mahabang panahon dahil nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid."Pwede ba na ako naman ang makiangkas sa motor mo ngayon?" May pag-aalinlangan na tanong ni Jake sa kapatid."Sigurado ka?" Nakakaloko ang ngiti na balik tanong ni James sa kapatid. Alam niyang takot ito sa motor lalo na kung siya ang driver dahil kaskasero umano siya."Subukan ko kung ano ang pakiramdam ni Bunso kapag nakaangkas sa iyo." Nakangiting sagot nito kay James.Inakbayan ni James ang kapatid at inakay papu
"Sigurado ka?" pigil hininga na tanong ni James sa kausap sa telepono.May isang lingo na rin mula nang malaman niya ang adress ng dalaga. Ngunit bigla siyang naduwag lumapit dito. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kay Jennyrose kaya naisip na lamang niyang pamanmanan ang dalaga habang nag-iisip ng magandang dahilan upang hindi siya tarayan ng dalaga. Noong unang tangka niyang makalapit dito ay nakita niya kung paano nito bastiden ang lalaking nanliligaw dito. "Yan ang sabi ng chismosa nilang kapitbahay, Boss." Biglang bumagsak ang mga balikat ni James sa sinabi ng kaniyang tao. Kung kaharap niya lang ito ay baka nasuntok na niya sa nguso ang lalaki. Mukhang chismoso pa yata ang taong nakuha niya. Gayon pa man ay malakas ang kutob niyang maaring mabuntis nga ang dalaga. Wala silang gamit na protection nang gabing iyon at nakailang tanim din siya ng binhi sa sinapupunan nito."Ano pa ang hinihintay mo?" tanong ni Dexter na nakadikit ang tainga sa telepono kung kaya rinig din niy
"CONGRATULATIONS, anak!" bati ni Mang Raul sa anak na si Jeydon. Walang mapagsidlan ng tuwa ang ginoo dahil napagtapos niya ang kaisa-isang anak at natatanging kayamanan na iniwan sa kanya ng babaeng pinakamamahal. Nasa top ten pa ito bilang pinakamatalino at magaling na lawyer student.Lumuwas siya ng Manila upang masamahan ang anak sa pag-akyat sa stage. Super proud siya sa achievement ng anak ngayon kasama ang kaibigan nito. Hindi ito naging pabigat sa kaniya kahit nagre-rent ito ng bahay upang malapit sa pinapasukan."Thank you po, Pa! Para sa iyo ang lahat nang ito!" Nakangiti na niyakap ang ama na may butil ng luha sa mga mata.Simpleng mamayan lamang ang ama na nagmahal ng isang heredera. Hadlang ang mga kamag-anak ng kanyang ina sa relasyon ng kaniyang mga magulang. Ayon sa kuwento ng ama, naipaglaban naman nito ang pag-ibig nito sa ina niya noon ngunit natunton din ang mga ito at pilit na pinaghiwalay. Pinagbantaan pa na ipapakulong ang ama kapag lumapit pang muli sa kaniyang
HINABOL ni Dianne ang binata nang tumayo ito. "Huwag ka naman magalit, oo alam ko at handa akong maghintay kung kailan mo ako mamahalin!""Alam mong ayaw ko sa lahat ang iiyakan ako." Napabuntonghininga si Jeydon bago hinarap ang dalaga."Sorry na, hindi na mauulit!" May pagsusumamo na turan ng dalaga at yumakap dito."Huwag ka na kasing magdrama at nawawalan ako ng gana." Makahulugan niyang turan at may kasama pang kindat.Nakuha naman ni Dianne ang nais ng binata. Nakangiting ikinawit sa batok ni Jeydon ang kanyang kamay at patingkayad na inilapit ang mukha dito upang maabot ang labing sabik mahalikan.Parehong agresibo na dinama ang katawan ng bawat isa kahit na may saplot pa. Naglalabanan ang labi at maging ang dila ay nag-iispadahan sa loob. Panay ang ungol ng babae sa sarap kahit magkahinang ang kanilang mga labi. Ipinasok niya ang kamay sa suot nitong blusa at dinama ang malulusog nitong kayamanan. Pinisil at nilaro ng kanyang daliri ang nasa ituktok ng kayaman nito na naniniga
NAGKAGULO sa mansiyon dahil gabi na ay wala pa si Ynrahd at hindi din matawagan ang numero nito. Maging ang baklang kaibigan ay tinawagan ni Tinay ngunit hindi rin alam kung nasaan ang alaga dahil naghiwalay umano ang mga ito, tatlong oras na ang nakalipas."Ano ang ibig mong sabihin, Manang?" kinakabahan na tanong ni Julia, ang ina ni Ynrahd nang tumawag ang matanda sa kanya."Ma'am, nawawala po si Senyorita Ynrahd!" Umiiyak na sagot ng matanda sa amo. Siya, higit kanino man ang sisihin kung may masamang mangyari sa dalaga.Halos himatayin sa takot si Julia sa narinig. Mabuti at maagap na nasalo siya ng asawa nang mabuway ang tuhod mula sa pagkakatayo."What's wrong?" tanong ni Waleed sa kanyang asawa na umiiyak."Habibe, our daughter is missing!" Napamura ang asawa sa salitang arabic dahil sa narinig. Kaisa-isa nilang anak si Ynrahd at spoild ito sa ama kung kaya naman lumaking pasaway at matigas ang ulo. Mas gusto ng kanilang anak na mamalagi sa Pilipinas dahil hindi nito kailang
MATAPOS mapatulog ang kalaban ay mabilis na lumabas si Jeydon at nakita niya si James na nakipag suntokin sa isang bantay. Agad niyang binuksan ang pinto kung nasaan ang dalagang gustong iligtas."Ano ang ginagawa mo rito?" Galit na sita sa kanya ng lalaki na yakap ang dalagitang nagpupumiglas."Narito ako upang tulungan ka," aniya dito. Hindi pa ito nakabawi sa bigla niyang pagpasok ay mabilis na niya itong nilapitan at sinuntok sa mukha. Nanginginig na pinanuod ni Ynrahd ang dalawang lalaki na nagpapalitan ng suntok. Hindi niya agad nakilala ang bakla dahil iba na ang kasuutan nito. Bigla siya nakaramdam ng kakaibang init sa pagitan ng kanyang hita nang masilayan ang mukha ni Jeydon. Kung nasa ibang sitwasyon sila ngayon, masasabi niyang ang sagwa nito tingnan lalo na at nakasuot panglalaki pero makapal pa din ang pintura sa mukha. Gusto niyang magtatalon sa tuwa at yumakap dito nang mapatulog na ang kalaban ngunit nagpigil siya. Nang humarap ito sa kanya ay sumimangot siya."Bakit
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l