HINABOL ni Dianne ang binata nang tumayo ito. "Huwag ka naman magalit, oo alam ko at handa akong maghintay kung kailan mo ako mamahalin!""Alam mong ayaw ko sa lahat ang iiyakan ako." Napabuntonghininga si Jeydon bago hinarap ang dalaga."Sorry na, hindi na mauulit!" May pagsusumamo na turan ng dalaga at yumakap dito."Huwag ka na kasing magdrama at nawawalan ako ng gana." Makahulugan niyang turan at may kasama pang kindat.Nakuha naman ni Dianne ang nais ng binata. Nakangiting ikinawit sa batok ni Jeydon ang kanyang kamay at patingkayad na inilapit ang mukha dito upang maabot ang labing sabik mahalikan.Parehong agresibo na dinama ang katawan ng bawat isa kahit na may saplot pa. Naglalabanan ang labi at maging ang dila ay nag-iispadahan sa loob. Panay ang ungol ng babae sa sarap kahit magkahinang ang kanilang mga labi. Ipinasok niya ang kamay sa suot nitong blusa at dinama ang malulusog nitong kayamanan. Pinisil at nilaro ng kanyang daliri ang nasa ituktok ng kayaman nito na naniniga
NAGKAGULO sa mansiyon dahil gabi na ay wala pa si Ynrahd at hindi din matawagan ang numero nito. Maging ang baklang kaibigan ay tinawagan ni Tinay ngunit hindi rin alam kung nasaan ang alaga dahil naghiwalay umano ang mga ito, tatlong oras na ang nakalipas."Ano ang ibig mong sabihin, Manang?" kinakabahan na tanong ni Julia, ang ina ni Ynrahd nang tumawag ang matanda sa kanya."Ma'am, nawawala po si Senyorita Ynrahd!" Umiiyak na sagot ng matanda sa amo. Siya, higit kanino man ang sisihin kung may masamang mangyari sa dalaga.Halos himatayin sa takot si Julia sa narinig. Mabuti at maagap na nasalo siya ng asawa nang mabuway ang tuhod mula sa pagkakatayo."What's wrong?" tanong ni Waleed sa kanyang asawa na umiiyak."Habibe, our daughter is missing!" Napamura ang asawa sa salitang arabic dahil sa narinig. Kaisa-isa nilang anak si Ynrahd at spoild ito sa ama kung kaya naman lumaking pasaway at matigas ang ulo. Mas gusto ng kanilang anak na mamalagi sa Pilipinas dahil hindi nito kailang
MATAPOS mapatulog ang kalaban ay mabilis na lumabas si Jeydon at nakita niya si James na nakipag suntokin sa isang bantay. Agad niyang binuksan ang pinto kung nasaan ang dalagang gustong iligtas."Ano ang ginagawa mo rito?" Galit na sita sa kanya ng lalaki na yakap ang dalagitang nagpupumiglas."Narito ako upang tulungan ka," aniya dito. Hindi pa ito nakabawi sa bigla niyang pagpasok ay mabilis na niya itong nilapitan at sinuntok sa mukha. Nanginginig na pinanuod ni Ynrahd ang dalawang lalaki na nagpapalitan ng suntok. Hindi niya agad nakilala ang bakla dahil iba na ang kasuutan nito. Bigla siya nakaramdam ng kakaibang init sa pagitan ng kanyang hita nang masilayan ang mukha ni Jeydon. Kung nasa ibang sitwasyon sila ngayon, masasabi niyang ang sagwa nito tingnan lalo na at nakasuot panglalaki pero makapal pa din ang pintura sa mukha. Gusto niyang magtatalon sa tuwa at yumakap dito nang mapatulog na ang kalaban ngunit nagpigil siya. Nang humarap ito sa kanya ay sumimangot siya."Bakit
MULA sa malayo ay tinatanaw ni Jeydon ang malaking bahay na may limang palapag ang taas. Nagbabakasakali na masilayan ang babaeng gumising sa matino niyang damdamin. Isang linggo na rin siyang ganoon, bago umuwi sa bachelor pad na kinuha nila ni Ashton ay dumadaan muna siya doon. Napatayo siya mula sa kinaupuang motor nang sa wakas ay lumabas sa malaking gate ang babaeng nais masilayan. Ngunit habol-habol ito ng dalawang guwardiya at pilit pinabalik sa loob."Senyorita, pakiusap bumalik na kayo sa loob. Kami ang malilintikan sa mga magulang mo kung papayagan ka naming umalis ngayon at mag-isa lang." Pakiusap ng guard kay Ynrahd.Nakita ni Jeydon ang pag-irap ng dalaga sa guard at padabog na pumasok sa gate. Nang wala na ang dalaga ay pasimple siyang lumapit sa dalawang guard na nag-uusap. "Ang tigas talaga ng ulo ng batang iyon kung kaya napapahamak." Rinig niya na reklamo ng isa sa kasama ng guard."Mabuti at nakita mo na palabas. Lokong bata yun ah, inuto pa ako para makalusot pala
"DON'T DISTURB ME, I"M GOING TO KILL MYSELF!" malalaking litra na nakasulat sa puting papel. Pinasadahan muna ni Ynrahd ng tingin ang kisame kung saan niya ikinabit ang pinagdugtong-dugtong niyang damit upang humaba bago idinikit ang papel sa labas ng pintuan. Siniguro na may tao na mapadaan sa kanyang silid bago marahang isinara ang pinto at patakbong bumalik sa kanyang kama. May nakahanda ng upuan na kanyang papatungan. Alam niyang malaking kasalanan para sa pamilya ng ama ang kaniyang gagawin. Pero iyon lang ang naisip niyang paraan upang makabalik sa Pilipinas.Nang marinig niya ang paparating na mga yabag ng paa ay mabilis niyang isinuot sa leeg ang tela na magmimistulang bibigti sa kanya. Sa sobrang pagmamadali ay naging malikot ang kanyang paa kung kaya natumba ang upuan na kinapapatungan at hindi niya iyon napaghandaan."Ahhhh, Madam, Senyorita Ynrahd is dead!" sigaw ng katulong nang mabasa ang nakasulat sa papel na nakadikit sa labas ng pintuan ng kanyang silid."Bobo, nagpa
"PSST, KUYA!" tawag ni Ynrahd sa kanyang bodyguard, kinalabit niya ito sa braso nang ayaw siyang pansinin. Nang makita niya kanina ito ay nagbago ang kanyang isip na dispatsahin ito bilang bodyguard niya. Parang walang narinig si Jeydon at ipinagpapatuloy lang ang pagmamaneho ng sasakyan."Ang suplado porkit pogi!" Kikibot-kibot ang nguso na bulong niya sa kanyang sarili nang hindi pa rin siya nilingon ng lalaki. Kahit hindi nakikita ang mga mata nito, alam niyang guwapo ito. "Ang laki ng braso!" tili ni Ynrahd sa kanyang isipan habang tinititigan ang malinis na daliri nito na nakahawak sa manubela. Muling bumalik ang kaniyang tingin sa namumukol nitong braso at tumagal doon ang kaniyang tingin. "Stop staring, masamang habit iyan," ani Jeydon. Pinalagom niya ang kanyang boses upang hindi agad makilala ng dalaga. Alam niyang hindi siya nakilala nito sa mukha dahil walang bahid na pintura iyon."Ang sungit mo naman, Kuya, alisin mo nga ang sunglass mo at baka hindi mo na makita ang d
"BAKIT gusto mong bumalik sa bansang ito? Ayon sa nabalitaan ko ay may hindi magandang nangyari sa iyo noong nakaraang buwan?" tanong ni Jeydon sa kalmadong boses na."Gusto ko nga kasing hanapin si baklang Jeydon, maliban sa gusto ko na dito ganapin ang aking kaarawan." Nanunulis ang nguso na sagot niya dito.Napatikhim muna si Jeydon bago nagtanong muli. "Ano naman ang gusto mo sa baklang iyon at nagawa mo pang saktan ang sarili mo dahil sa kanya?""Para panagutin sa ginawa niya sa akin."Napalunok ng sariling laway si Jeydon at nanatili ang tingin sa unahan ng sasakyan. "Gusto mo siyang ipakulong?"Hindi sumagot si Ynrahd, nanatiling nakatingin sa labas ng bintana upang hindi mabasa ng binata ang nilalaman ng kanitang puso't isipan ngayon."Hindi niya kasalanan kung bakit ka niya nagalaw. Napilitan lan—." natigil siya sa pagasasalita nang mapansin ang nakakalokong ngiti sa labi ng dalaga "Bakit alam na alam mo ang nangyari?" pilyang ngiti ang nakapaskil sa kaniyang labi habang mat
"Anak, lumabas ka na upang sabay-sabay tayong maghapunan." Tawag ni Julia sa sa dalaga mula sa labas ng silid nito. Kinatok niya ito ngunit hindi siya pinagbubuksan."May problema po ba, Ma'am? tanong ni Jeydon sa ginang nang madaanan itong nakatayo sa nakasarang pinto. Papunta na siya sa dinning room upang maghapunan kasama ang mga ito."Ang anak ko kasi tinutupak na naman, ayaw lumabas ng silid.""Lalabas na po!" Nagkukumahog na binuksan ni Ynrahd ang pintuan nang marinig ang boses ni Jeydon. Hindi niya alam na naroon pa ang binata, ang akala niya ay uuwi rin ito matapos siyang maihatid.Mataman na pinagmasdan ni Julia ang anak at bakas sa mukha nito ngayon ang saya habang nakatingin sa bodyguard nito. Biglang naging mabait ulit at masunurin habang nasa harap ng binata. Wala na siyang narinig na reklamo dito at hanggang sa makarating sa hapag kainan ay mukha itong maamong tupa. Tumikhim siya upang kunin ang atensyon nito nang umupo ito sa tabi ng bodyguard nito na hindi dapat.Tinin