"Huwag mo na ngang asarin iyong tao para hindi ka mapag-initan." Sikmat ni Ynrahd kay Jeydon nang mapagsolo sila dahil nasa palikuran si Lemuel. Nag-aalala siya na baka totohanin ng kababata ang banta nito kanina. Ayaw niyang mapawalay sa kanya si Jeydon sa ngayon. "Ayaw ko nang makipagmabutihan ka sa bangus na iyon." Aroganteng sagot nito sa dalaga.Napahagikhik ng tawa si Ynrahd dahil sa tawag nito kay Lemuel. "Aminin mo munang nagseselos ka." Panunukso niya dito ngunit hindi siya pinansin. "Bakit pala bangus ang tawag mo sa kaniya?""Ang putla at tinik siya sa aking lalamunan." Sandali siyang tumigil sa pagsasalita nang mapunang nagpipigil tumawa ang dalaga. "Bakit ba ang dami mo na namang tanong?" pasuplado niyang sita sa dalaga upang malihis ang topic.Biglang nabura ang ngiti sa kaniyang labi at nalungkot nang maaalala kung ano ang papel ni Lemuel sa kaniyang buhay."Siya ang nakatakda na mapangasawa ko."Naikuyom ni Jeydon ang dalawang kamao. Muling nanumbalik sa isipan ang da
"Babe pala ha!" halos hindi na maipinta ang mukha na bulong ni Ynrahd sa sarili. Nakaramdam siya ng selos dahil hindi ganoon makipag-usap sa kanya ang lalaki. Alam niya na single pa ito at iyon ang nakalagay sa resume nito na nasa file folder ng kanyang ama.Para namang nakiliting kiti-kiti si Dianne sa kabilang linya nang marinig ang tugon ng binata. "Babe, baka pwede s.o.p (sex on phone) tayo upang maibsan ang pangulila natin sa isa't isa?"Napatikhim si Jeydon sa naging tanong ng kausap. Ang mukha ni Ynrahd ngayon ay lalong nagusot dahil narinig ang sinabi nang nasa kabilang linya. Pagtayo ni Ynrahd sa kama ay sumunod ang tingin dito ni Jeydon habang patuloy na nakipag-usap kay Dianne. Muntik na siya mapamura nang maghubad ng t-shirt ang pasaway na babae sa kaniyang harapan."Ano ang ginagawa mo?" Lapat ang ngipin na tanong niya dito sa pabulong na tinig lamang. Ang pasaway ay ngumiti lang sa kanya at kumindat pa. "Shit!" Ang naibulalas niya nang tumambad sa kanyang paningin ang m
Napapalatak si Jeydon sa inasta ng dalaga. Hinawakan niya ito sa beywang at inayos nang upo sa kanyang hita upang hindi maipit ang kanyang alaga. Kalauna'y inangat ang katawan nito at pinaluhod sa kaniyang harapan habang siya ay nakaupo. Agad na tumambad sa kaniyang mukha ang malusog nitong kayamanan. Sunod-sunod na nagtaas baba ang kaniyang dibdib dahil para siyang hinapo dala nang init sa kaniyang katawan na patuloy sa pagtaas ng temperature. Sabik na ibinaon ang mukha sa pagitan dalawang kayamanan nito bago gumapang ang labi paakyat sa ituktok ng isang bundok.Napasinghap ang dalaga nang magsimula ng humaplos ang palad ng binata sa kanyang hita. Hindi niya namalayang naalis na nito ang kanyang suot na pajama. Para siyang nahihibang at napapaso sa init ng labi nitong sumasakop na ngayon sa isa niyang dibdib. Salitan na napahawak ang kamay niya sa buhok ni Jeydon at sa matigas nitong balikat upang doon kumuha ng lakas. Ang dating panaginip lang ngayon ay nangyayari na kasama ang lal
"GOOD MORNING!" Masiglang bati ni Ynrahd sa lahat na naroon na nakadulog sa hapag kainan. Bumati rin sa kanya ang naroon maliban kay Jeydon na seryosong nakatingin sa kanya.Pinukol niya ito nang nagtatanong na tingin ngunit lalo lamang ito nagseryoso at pinahihiwatig ng tingin nito na hindi nagugustohan ang kanyang hitsura ngayon. Hindi niya ito matanong dahil nakatingin sa kanya ang lahat. Nakasimangot na umupo siya sa tabi ng ina dahil bawal na siyang umupo sa tabi ng lalaki ayon sa kanyang ama."Anong mukha na naman iyan?" pabulong na sita ni Julia sa dalaga."Wala po!" Nakayuko niyang sagot.Hanggang matapos ang pagkain ay tahimik lang si Jeydon. Hindi katulad ni Lemuel na bidang-bida sa mag-asawa at dalaga. Lahat nang nangyari sa buhay nito sa ibang bansa ay kinukwento maging ang mga bagay na naabot at napatunayan sa sarili. Mukha na itong nagbubuhat ng sariling bangko at nayayabangan si Jeydon. Ipinagmamalaki pa na nakatapos sa kursong business management."Sisiw!" palatak na b
DUMATING ang araw ng engranding kaarawan ni Ynrahd. Lahat ay abala, inimbitahan rin ng ama sina Dexter nang hindi niya alam. Alam niya kung sino ang huli dahil ang mga ito ang nag-rescue sa kaniya noon."Ashton?" Gulat na bati ni Ynrahd sa lalaki nang lumapit ito sa kanya upang siya ay batiin."Mabuti naman at naalala mo ako at nakilala agad." Tumatawa na tugon ni Ashton sa dalaga."Hula ko lang, alam ko kasi na kaibigan ka ng Hubby ko."Napakunot ang noo ni Ashton, "Hubby?"Ininguso ni Ynrahd ang binata na nakatalikod sa kanila. Ang guwapo nito lalo ngayon dahil sa suot nitong long sleeve at slack pants. Ayaw nitong magsuot ng necktie at nakabukas pa ang dalawang butones. Nahuhuli pa niya ang malagkit na tingin ng ibang kababaihan sa dibdib ng binata. Pinigilan na lamang niya ang sarili na huwag magselos dahil nasa kaniya lang atensyon nito ngayon."Mabuti at nagpaangkin sa iyo ang babaero kong kaibigan?" hindi makapaniwala na tanong ni Ashton sa dalaga."Nahirapan nga ako," nagkaroo
"KUMALMA ka nga!" Pilit na pinaupo ni Ashton ang kaibigan nang maiuwi na nila ito. Kanina pa ito nagwawala dahil hindi manlang pinakinggan ang side nito. Basta na sinisanti sa trabaho ang kaibigan ng pamilyang Ehd sa utos ng pamilya ng karibal nito. Nagbanta din ang mga ito na sasampa ng kaso for attempted assault."Mag-iiyak na naman ang babaeng iyon dahil umalis ako na hindi nakapagpaalam sa kanya." Inis na napasabunot si Jeydon sa sariling buhok. Alam na niya ang ugali ni Ynrahd, nag-aalala siya na baka gumawa ito ng bagay na masasaktan ito physical."Mas inaalala mo pa siya keysa sa kalagayan mo ngayon?" hindi makapaniwalang tanong ni Ashton kay Jeydon. "Kung inalala mo talaga siya, dapat hindi mo na pinatulan ang pang-aamok ng bangus na iyon!" Panenermon pa niya sa kaibigan. Naki bangus na rin siya ng tawag kay Lemuel.Sina Dexter ay hindi alam kung matatawa ba o maawa ngayon kay Jeydon. Lahat sila ay napahawak sa batok at napaisip."Gago ka ba? Sinabi nang hindi ko pinatulan iyo
"Huwag na natin patagalin ang hearing, ipaasikaso ko na agad ang pagdinig sa kaso at pabantayan ang lahat ng kilos ng Pamilyang Orchua," ani Dexter na sinang-ayunan ng lahat.Naging pursigido na ngayon si Cloud sa paghawak sa kaso nang malaman kung sino ang makatunggaling abogado na nasa kabilang panig."Bakit hindi ninyo siya pinusasan? Alam ninyo na mgaling iyang kriminal na iyan sa bugbugan!" Galit na sita ni Lemuel sa pulis na kasama ni Jeydon. Naroon siya upang saksihan ang pagkulong sa lalaki."Dahan-dahan ka sa pagsasalita, maari kong idagdag sa kaso na isasampa ko pabalik sa iyo iyang hindi maganda mong sinabi." Nakangisi na banta ni Jeydon sa lalaki. Hindi manlang kakitaan ang mukha nito ng takot o pagkabahala sa isiping makukulong."Ang yabang mo pa rin kahit ikukulong ka na!" galit na singhal ni Lemuel sa lalaki. "At naisip mo pa na sampahan ako ng kaso? Nagpapatawa ka ba?" Tumawa siya nang nakakainsulto."Mukha ba akong nagpapatawa ngayon?" Sarkastikomg sagot ni Jeydon kay
"TUMAYO ang nasasakdal!" Anunsyo ng hurado.Taas-noo ma tumayo si Jeydon na nasa unahan katabi si Cloud na tumayo rin bilang kanyang abogado.Ang sunod na tinawag ng hurado ay ang kabilang panig na siyang nagsampa ng kaso. Dalawa ang kaso ni Jeydon at ang unang dininig ay ang kaso niya kay Lemuel na panununtok umano.Bago nag-umpisa ang pagdinig sa kaso, nanumpa muna ang mga abogado sa harap ng manghuhukom. Maging sina Jeydon ay ganoon din at Lemuel."Ako si Jeydon Laserna, kilala sa codename na Eagle One. A secret detective of Eagle's Wings Private Agency. Nangangako na pawang katotohanan lamang ang sasabihin sa harap ng hukumang ito at sasagot ng naayon sa katanungan." Mahabang saad nito habang nakataas ang kanang kamay bilang sagisag ng katapatan.Natutop ni Lyndia ang bibig pagkarinig sa pangalan ng binata. Gusto niyang maiyak sa kaalamang tama ang kaniyang hinala. Marahil ay dahil sa lukso ng dugo nang una pa lang niya ito nakaharap kaya ramdam niyang may connection sa pagitan ni
Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m
MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg
KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara
RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang
"PAANO niya ma appreciate ang bigay mong bulaklak kung delivery boy lang ang nag-aabot sa kaniya?" panenermon ni Renzel kay Argus nang mag reklamo ito. Ayun sa report ni Andreah ay hindi nakangiti ang dalaga sa tuwing matanggap ang padalang bulaklak at chocolate ng kaibigan. "What the heck, trabaho nila ang mag-deliver and I paid them!" Impatient na pangatwiran ni Argus sa kaibigan."Alam mo kung hindi lang kita kaibigan ay sulsolan ko pa si Cristine na huwag ka nang mahalin!" Pinameywangan ni Renzel si Argus."Napaka imposible niyong mga babae. Sobrang complicated ng mga mood ninyo." He sigh with disbelief in his face."Hindi ko alam kung may puso ka ba o baka naman libog lang ang nararamdaman mo sa kaniya? Don't get me wrong pero wala manlang akong nakikitang kilig sa pagkatao mo." Mukhang tinubuan ng sungay sa noo ang tinging ipinukol ni Argus sa kaibigan at kinuwestyon ang tunay niyang damdamin kay Cristine. "Siya ang may gusto na hindi ipaalam ang relasyon namin sa iba at—""
INIS na nilingon ni Cris si Argus at nakahalukipkip na hinarap ito. "Sabihin mo na ngayon kung ano man ang kailangan mo at nagmamadali ako!""kailangan mong maghintay hanggang sa matapos kong mapag-aralan itong bago mong proposal sa kompanya." Malamig na tugon nito sa dalaga habang isa-isang binubuklat ang dinala nito.Padabog na umupo si Cris sa harapan ng binata at kinuha ang cellphone na nasa bag. Alam niyang galit ang binata kay Jay kaya iiwas na niya muna ang kaibigan."Mauna ka na sa rancho at susunod ako." Mensaheng ipinadala ni Cris sa kaibigan.Pabagsak na binitawan ni Argus ang hawak na paper nang makitang ngumiti ang dalaga habang binabasa ang message sa cellphone nito. Gulat na nag-angat ng tingin si Cris at nagtatanong ang tinging ipinukol kay Argus. "Ano na naman ang nagawa kong mali?" naitanong niya sa kaniyang sarili."Ganyan ka ba humarap sa importanting meeting? Instead of listening, nakikipagharutan sa cellphone?" Galit niyang tanong sa dalaga.Nakaramdam ng pagkap
HINDI napaghandaan ni Argus ang pagsalubong sa kaniya ni Jhean at ang paghalik sa kaniya. Ang tangkang pagtulak sa babae ay naudlot nang maramdaman mula sa likuran ang taong tanging nagpaparamdam sa kaniya ng kakaibang damdamin."I just want to say thank you!" nahihiyang wika ni Jhean matapos ang halik na iginawad sa binata. Sobrang saya niya at napapansin na siya ng binata at nasa side niya pa ito. Sinamantala na niya ang pagkakataon na ito upang tuluyang mahulog ang loob nito sa kaniya. "Ganyan na pala ang paraan ng pagpapaabot ng pasalamat?" sarkastikong tanong ni Cristine. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at isinantabi ang selos na nadarama.Relax lang ang katawan ni Argus at hindi manlang ito nagulat sa biglang pagsulpot ng kanilang panauhin. Samantalang si Jhean ay mukhang na estatwa sa kinatayuan at nahuli sa kriming pagnanakaw."Hindi ka ba marunong kumatok?" Kapagdaka'y sita ni Jhean sa babae nang makabawi. Kahit pa ito ang bagong acting CEO ay wala siyang pakialam dahil ka
"SIR, the board members informed me that the new CEO of Milk Dairy Corporation will take over her position." Inilapag ni Rachel ang report papers sa harap ng lamesa ni Argus. Tinantya niya ang mood nito at hinintay ang maging reaction.Tiim-bagang na dinampot ni Argus ang papers at pinasadahan ng tingin iyon. "Finally, lumabas ka rin sa lungga mo!"Malinaw na narinig ni Rachel ang mga katagang binitawan ng amo. Dala niyon ay gulo at hindi nga siya nagkamali nang muling magsalita ito."Gather all stock holders to the board meeting room," maawtoridad nitong utos sa kaniyang secretary. "You'll pay for what you did!" dugtong na ani Argus sa isipan lamang.Mabilis ng tumalikod si Rachel at natakot sa paraang maningin ng amo na kay talim at ang dilim ng aura ng anyo nito.Ilang buwan din pinag-aralan ni Cristine ang pamamalakad sa kompanyang iniwan sa kaniya ni Caroline bago nagpasyang punan ang tungkulin. Alam niyang si Argus ang isa sa dahilan kung bakit matatag pa rin ang kompanya. Sa tu
Muling napaurong si Cristine at inihanda ang sarili sa pagsugod ni George. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob nang marinig ang tinig ng kasamahan mula sa labas ng pintuan. Sumigaw siya upang humingi ng tulong sa mga ito.Nakipag unahan si Argus sa pagbukas sa pintuan nang marinig ang tinig ng dalaga. Pakiramdam niya ay tumigil ang tibok ng kaniyang puso nang mahamig sa tinig ng dalaga ang pagod at sakit na nadarama. "Tabi!" Pagbigay babala ni Micko sa kasamahan at itinutok ang hawak na baril sa seradura ng pintuan.Mabilis na sinipa ni James ang pintuan nang maalis ang lock kasabay ng pagtutok ng baril sa loob ng silid, at ganoon din ang ginawa ng kasamahan. "Huwag kang gagalaw!" Biglang nanigas si George sa kinatayuan at hindi na naituloy ang pagsugod sa dalaga. Paglingon niya ay nagulat siya nang makilala ang mga kilalang agents ng isang ahensya na sumisikat sa kanilang bansa ngayon."Itaas ang kamay at huwag nang magtangkang lumaban!" Muling utos ni James sa l