"GOOD MORNING!" Masiglang bati ni Ynrahd sa lahat na naroon na nakadulog sa hapag kainan. Bumati rin sa kanya ang naroon maliban kay Jeydon na seryosong nakatingin sa kanya.Pinukol niya ito nang nagtatanong na tingin ngunit lalo lamang ito nagseryoso at pinahihiwatig ng tingin nito na hindi nagugustohan ang kanyang hitsura ngayon. Hindi niya ito matanong dahil nakatingin sa kanya ang lahat. Nakasimangot na umupo siya sa tabi ng ina dahil bawal na siyang umupo sa tabi ng lalaki ayon sa kanyang ama."Anong mukha na naman iyan?" pabulong na sita ni Julia sa dalaga."Wala po!" Nakayuko niyang sagot.Hanggang matapos ang pagkain ay tahimik lang si Jeydon. Hindi katulad ni Lemuel na bidang-bida sa mag-asawa at dalaga. Lahat nang nangyari sa buhay nito sa ibang bansa ay kinukwento maging ang mga bagay na naabot at napatunayan sa sarili. Mukha na itong nagbubuhat ng sariling bangko at nayayabangan si Jeydon. Ipinagmamalaki pa na nakatapos sa kursong business management."Sisiw!" palatak na b
DUMATING ang araw ng engranding kaarawan ni Ynrahd. Lahat ay abala, inimbitahan rin ng ama sina Dexter nang hindi niya alam. Alam niya kung sino ang huli dahil ang mga ito ang nag-rescue sa kaniya noon."Ashton?" Gulat na bati ni Ynrahd sa lalaki nang lumapit ito sa kanya upang siya ay batiin."Mabuti naman at naalala mo ako at nakilala agad." Tumatawa na tugon ni Ashton sa dalaga."Hula ko lang, alam ko kasi na kaibigan ka ng Hubby ko."Napakunot ang noo ni Ashton, "Hubby?"Ininguso ni Ynrahd ang binata na nakatalikod sa kanila. Ang guwapo nito lalo ngayon dahil sa suot nitong long sleeve at slack pants. Ayaw nitong magsuot ng necktie at nakabukas pa ang dalawang butones. Nahuhuli pa niya ang malagkit na tingin ng ibang kababaihan sa dibdib ng binata. Pinigilan na lamang niya ang sarili na huwag magselos dahil nasa kaniya lang atensyon nito ngayon."Mabuti at nagpaangkin sa iyo ang babaero kong kaibigan?" hindi makapaniwala na tanong ni Ashton sa dalaga."Nahirapan nga ako," nagkaroo
"KUMALMA ka nga!" Pilit na pinaupo ni Ashton ang kaibigan nang maiuwi na nila ito. Kanina pa ito nagwawala dahil hindi manlang pinakinggan ang side nito. Basta na sinisanti sa trabaho ang kaibigan ng pamilyang Ehd sa utos ng pamilya ng karibal nito. Nagbanta din ang mga ito na sasampa ng kaso for attempted assault."Mag-iiyak na naman ang babaeng iyon dahil umalis ako na hindi nakapagpaalam sa kanya." Inis na napasabunot si Jeydon sa sariling buhok. Alam na niya ang ugali ni Ynrahd, nag-aalala siya na baka gumawa ito ng bagay na masasaktan ito physical."Mas inaalala mo pa siya keysa sa kalagayan mo ngayon?" hindi makapaniwalang tanong ni Ashton kay Jeydon. "Kung inalala mo talaga siya, dapat hindi mo na pinatulan ang pang-aamok ng bangus na iyon!" Panenermon pa niya sa kaibigan. Naki bangus na rin siya ng tawag kay Lemuel.Sina Dexter ay hindi alam kung matatawa ba o maawa ngayon kay Jeydon. Lahat sila ay napahawak sa batok at napaisip."Gago ka ba? Sinabi nang hindi ko pinatulan iyo
"Huwag na natin patagalin ang hearing, ipaasikaso ko na agad ang pagdinig sa kaso at pabantayan ang lahat ng kilos ng Pamilyang Orchua," ani Dexter na sinang-ayunan ng lahat.Naging pursigido na ngayon si Cloud sa paghawak sa kaso nang malaman kung sino ang makatunggaling abogado na nasa kabilang panig."Bakit hindi ninyo siya pinusasan? Alam ninyo na mgaling iyang kriminal na iyan sa bugbugan!" Galit na sita ni Lemuel sa pulis na kasama ni Jeydon. Naroon siya upang saksihan ang pagkulong sa lalaki."Dahan-dahan ka sa pagsasalita, maari kong idagdag sa kaso na isasampa ko pabalik sa iyo iyang hindi maganda mong sinabi." Nakangisi na banta ni Jeydon sa lalaki. Hindi manlang kakitaan ang mukha nito ng takot o pagkabahala sa isiping makukulong."Ang yabang mo pa rin kahit ikukulong ka na!" galit na singhal ni Lemuel sa lalaki. "At naisip mo pa na sampahan ako ng kaso? Nagpapatawa ka ba?" Tumawa siya nang nakakainsulto."Mukha ba akong nagpapatawa ngayon?" Sarkastikomg sagot ni Jeydon kay
"TUMAYO ang nasasakdal!" Anunsyo ng hurado.Taas-noo ma tumayo si Jeydon na nasa unahan katabi si Cloud na tumayo rin bilang kanyang abogado.Ang sunod na tinawag ng hurado ay ang kabilang panig na siyang nagsampa ng kaso. Dalawa ang kaso ni Jeydon at ang unang dininig ay ang kaso niya kay Lemuel na panununtok umano.Bago nag-umpisa ang pagdinig sa kaso, nanumpa muna ang mga abogado sa harap ng manghuhukom. Maging sina Jeydon ay ganoon din at Lemuel."Ako si Jeydon Laserna, kilala sa codename na Eagle One. A secret detective of Eagle's Wings Private Agency. Nangangako na pawang katotohanan lamang ang sasabihin sa harap ng hukumang ito at sasagot ng naayon sa katanungan." Mahabang saad nito habang nakataas ang kanang kamay bilang sagisag ng katapatan.Natutop ni Lyndia ang bibig pagkarinig sa pangalan ng binata. Gusto niyang maiyak sa kaalamang tama ang kaniyang hinala. Marahil ay dahil sa lukso ng dugo nang una pa lang niya ito nakaharap kaya ramdam niyang may connection sa pagitan ni
Narito ba si Miss Ynrahd Ehd?" tanonng ng hurado matapos pasadahan ang files na inilatag ng abogado ni Lemuel sa kanyang harapan.Bahagya pang nangatog ang tuhod ni Ynrahd nang tumayo. Muli siyang tumingin sa gawi ni Jeydon, tinanguan siya nito bilang pagbigay ng lakas ng loob.Pinalapit siya ng abogado sa harapan, "pinapangako mo ba na pawang katotohanan lamang ang iyong isasagot sa hukumang ito?""Opo!" Diritsong sagot niya habang nakataas ang kanang kamay bilang panunumpa sa harap ng hukuman."Maari bang ako ang maunang magtanong sa kanya kagalang-galang na punong hurado?" mahinahon na tanong ni Cloud dito.Pinayagan si Cloud dahil valid ang kanyang reason kahit na tumutol si Jacob. Kailangan niyang gawin ito upang hindi mabigyan ng chance ang kalaban. Alam niyang magagalit sa kaniya si Jeydon sa gagawin niya, pero ito lang ang paraan niya upang makalamang."Huwag kang matakot, sagutin mo lamang ng diritso ang aking mga tanong." Seryoso ngunit mahinahon ang tinig na saad niya sa d
"Kaano-ano mo ang lalaking iyan na inutusan umano ni Eagle One? Diritsong tanong ni Cloud sa ginoo."Objection your—""Your honor, kailangan niyang sagutin ang aking tanong." Putol ni Cloud sa iba pang sasabihin ni Jacob."Sagutin mo ang kanyang katanungan!" "Hindi ko po kilala ang kriminal na iyan at wala akong kaugnayan sa kanya!" defensive na sagot ni Robert."Kung ganoon, sino ang lalaki na nasa larawang ito na kasama niya?" Itinaas ni Cloud ang isang litrato na kanina pa niya hawak.Tumayo si Micko at ipinamahagi sa lahat ang hawak na litrato katulong si Ashton."Hindi totoo iyan, edited ang larawan na iyan!" Galit na tanggi nila Robert nang makita ang larawan. Si Jacob ay napasapo sa noo sa pagkadismaya sa kanyang kliyente. Talo na naman siya sa hawak niyang kaso ngayon."Your honor, nasa larawan na iyan ang lahat kung paano nag-usap ang dalawa maging nang abutan niya ng suhol ang kriminal upang i-set up ang aking kliyente. Mayroon din pong video na mas malaking katibayan at hi
Nairaos ang kasal nila ni Jeydon ngunit ang akala niyang forever happiness ay hindi pala. Habang tumatagal ang pagsasama ay nagkakaroon sila nang hindi pagkakaunawaan. Naroon na kakainin ng insecurities ang kaniyang pagkatao sa tuwing makikitang may ibang babaeng kausap ang asawa. Alam niyang bahagi lamang iyon ng trabaho nito. Pero hindi niya maiwasang manliit sa sarili lalo na at wala siyang alam sa buhay. Isang taon na ang lumipas mula nang ikasal sila ni Jeydon. At ngayon ay mukhang nagkakaroon na nang lamat ang kanilang pagsasama dahil sa mga bagay na sinasarili niya. Takot siyang magtanong sa asawa dahil baka ayaw nito or baka magalit."Alam mo, naiinis na ako sa iyo!" reklamo ni Geng sa mahinang tinig lamang kay Ynrahd. Naroon sila ngayon sa loob ng library.Umikot ang mata ni Ynrahd bago inirapan ang baklang kaibigan."Ano ba talaga ang purpose sa pagtambay natin dito?" Nanunulis ang nguso ni Geng habang nakapangalumbabang nakaharap sa kaibigan. "Halos araw-araw ay nandito