ABBY POVTahimik akong nakamasid kay Luther habang may kausap ito sa cellphone. Hindi ko alam kung sino ang kausap nito pero ramdam ko ang tensiyon nito habang galit na sinasagot ang kung sino man ang nasa kabilang linya.Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo ng marinig ko ang pagbanggit nito sa dalawa kong anak. Mukhang ang kidnappers ang kausap nito kaya naman lalo ko pang tinalasan ang aking pandinig."Hindi! Hindi ako papayag sa gusto mo! Alam kong ikakapahamak ni Abby ang gusto mong mangyari!" Sigaw nito. Agad akong nakaramdam ng matinding kaba ng banggitin nito ang pangalan ko. Hindi ko maintindihan pero mukhang kilala nito ang kanyang kausap. Mukhang kilalang kilala ni Luther ang dumukot sa mga anak namin. Agad akong naglakad palapit dito. Hinintay ko munang matapos nito ang pakikipag-usap bago ako nagsalita."Tumawag na ang mga kidnappers? Ano ang gusto nila?" agad na tanong ko kay Luther. Napansin ko pa ang pagkagulat sa mga mata nito nang tumingin sa akin. Hindi marahil nit
ABBY POV"Mommy!" naramdaman ko ang paghaplos ng maliit na kamay sa aking mukha. Unti unti kong idinilat ang aking mga mata at tumitig sa dalawang mukha na nasa harap ko. Wala sa sariling napabangon ako at mahigpit silang niyakap."Lorraine, Carl.." bulong ko. Hindi ko mapigilan na mapaiyak ng malakas. Nandito na sila. Nandito na ang mga anak ko. Nagkatotoo ang pangako sa akin ni Luther. Gagawin nya ang lahat para ligtas na maibalik ang mga kambal"Baby..ok lang ba kayo? Hindi ba kayo sinaktan ng mga taong dumukot sa inyo?" tanong ko habang umiiyak. Agad silang umiling."Hindi po Mommy. Basta na lang nila kami iniwan sa church." sagot ni Lorraine. Natigilan ako at iginala ang tingin sa paligid."Nasaan si Daddy nyo? Siya ba ang sumundo sa inyo doon?" tanong ko. Agad na umiling ang kambal."No po Mommy. Yung priest po ng church ang naghatid sa amin. Hindi pa po namin nakikita si Daddy. Dumiritso na kami dito sa room pagkadating namin." sagot ni Carl. Wala sa sariling tumingin ako sa or
ABBY POVHilam ang luha sa aking mga mata habang nakatitig sa isang news report na naka-flash sa screen ng telebisyon. Ibinalita dito kagabi ang nangyaring sunog sa isang warehouse sa Valenzuela. "Hindi totoo iyan! Buhay siya! Nararamdaman kong buhay pa ang asawa ko!" Paulit-ulit kong wika habang nakikita ko na isa-isang inilalabas ang mga body bag kung saan nakalagay ang katawan ng mga nasawi. Hindi ko na nainitindihan pa ang sinasabi ng news caster dahil sa sama ng loob ng nararamdaman pero isa lang ang sigurado. Hindi na makilala ang mga katawan dahil sunog na. Halos siyam katao ang nasawi at pinaghihinalaan na isa sa mga iyun si Luther."Mam, huminahon po kayo! Baka kung mapaano kayo!" narinig ko pang wika ni Giselle. Hindi ko ito pinansin bagkos para akong nauupos na kandila na pabagsak na naupo sa sofa. Hindi matanggap ng kalooban ko na dito matatapos ang lahat sa amin."Giselle, sabihin mo! Buhay pa siya diba? Hindi siya kasama sa mga nasawi? Sabihin mo sa akin..Maawa ka! Mala
Abby pov"Life must go on ika nga! Iyun ang gustong kong gawin sa kabila ng matinding kalungkutan na nararamdaman ko ngayun. Hindi pwedeng habang buhay akong magluksa. Halos isang buwan na ang mabilis na lumipas at tuluyan ng naihatid sa huling hantungan ang katawan ni Luther. Masakit dahil sa lahat ng iyun hindi ko man lang tinangkang silipin ito. Tanging si Lester ang nag-asikaso ng lahat ng iyun.Sa mga panahon ng pagluluksa ko malaki ang pasasalamat ko dahil hindi ako iniwan ng aking pamilya. Si Kuya Damian at ang aking mga magulang.Yes...napauwi pa ang aking mga magulang dito sa Pilipinas ng mabalitaan ng mga ito ang nangyari sa asawa ko. Pareho silang nakikidalamhati sa akin pero kahit na anong gawin kong pag-iyak alam kong hindi na babalik si Luther. Nagpapasalamat din ako dahil nandyan si Giselle at Erika. Pati na din si Laarni na asawa ni Lester. Hindi ko talaga alam kung paano palilipasin ang mga araw na wala ang asawa ko. Mabuti na lang din at nandiyan ang aking mga anak
ABBY POVNgayun ang unang araw ng training ko. Nandito kami sa isang malawak na lupain na ayon kay Giselle pag-aari ni Luther. Hindi ko akalain na may ganitong lugar na iniingatan ang asawa ko. Mukhang hindi ko pa nga siya lubos na kilala. Sa dami pala ng mga tauhan nito mukhang may iniingatan itong pangalan o hinahawakang organisasyon na hindi ko alam. Sayang nga lang dahil ngayun ko lang ito nalaman kung saan wala na siya."Sabihin mo lang sa akin kung hindi mo na kaya Mam ha? Dahan-dahan lang. Huwag mong pilitin ang sarili mo. Huwag ka din mag-atubiling sabihin sa akin kung pagod ka na." wika sa akin ni Giselle habang nakaagapay sa mabagal kong pagtakbo. Nakadalawang ikot pa lang kami pero tagaktak na ang pawis ko. Hingal na hingal na din ako samantalang ng tingnan ko si Giselle ay parang hindi man lang ito apektado sa layo ng tinakbo namin. "Ayos lang ako Giselle. Kailangan kong magtiis kung gusto kong matuto." sagot ko dito na may halong biro ang tono ng boses ko. "Oo naman! Sa
LUTHER POVHalos isang taon na din ang mabilis na lumipas simula ng nangyari ang muntik na pagkitil sa buhay ko at sa loob ng mga araw na lumipas wala akong ibang hangad kundi makapiling muli ang aking mag-ina.Pero sa ngayun kailangan ko munang supilin kung ano ang gusto ng kalooban ko para sa kaligtasan ng lahat. Malaking sindikato ang kalaban ko at ayaw kong madamay sila. Mga sindikatong nasa likod ni Shiela. Mga sindikatong bumili kay Shiela noon at ginawa siyang asawa ng pinaka-leader.Aware ako sa kalakaran na ginagawa nila ngayun. Kumukuha sila ng mga inosenteng bata at ibinibenta sa mga mayayaman na mga tao para gawing alipin at minsan ay pinapatay para kunin ang organs sa katawan. Kawawa ang mga biktima ng sindikatong iyun at kailangan kong kumilos para matapos na at isa na rin ito sa paraan ko para makaganti sa ginawa ni Shiela pati na din sa pangingidnap nito sa kambal.Tinitigan ko ang mukha ko sa salamin. Malaking peklat ang iniwan dulot ng pagkakapaso ko sa bahaging iyun
ABBY POVPagkatapos kong asikasuhin ang kambal ay mabilis akong bumalik ng kwarto. Kanina ko pa inaabangan ang balita tungkol sa lakad nila Giselle kasama ng ilang tauhan ni Lester. Para akong pusang hindi makapanganak habang pasulyap-sulyap sa aking cellphone. Ito na ang pagkakataon ko. Dumating na ang takdang oras ng paniningil.Naglakad ako paputang balcony. Mula sa kinaroroonan ko ay kitang kita ko ang nagkikislapang bituin sa langit. Hating gabi na at dilat na dilat pa rin ako. Wala akong balak matulog ngayun gabi at gusto kong hinatayin ang magandang balita mula kay Giselle. Alam kong magtatagumpay sila sa utos ko. Hindi ako bibiguin ni Giselle.Kahit na inaasahan ko ang tawag na iyun, hindi ko maiwasan na mapapitlag ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Excited ko itong dinampot at agad na sinagot."Good News! Nakuha na namin siya. Nandito na siya sa hideout!" Agad na balita sa akin ni Gislelle. Masaya akong napangiti."Good Job! Pupunta agad ako diyan ngayun din." excit
LUTHER POVNakangisi ako habang nakatingin sa isang malaking monitor habang pinapanood ang ginagawang pagpapahirap ni Abby kay Pamela. Hindi ko akalain na may itinatago din palang tapang ang asawa ko. Parang hindi nga ito makapatay ng ipis noong nagsasama pa kami sa sobrang hinhin at mababang loob nito. Pero habang tinititigan ko sya ngayun ibang Abby ang nakikita ko. "Abby! Kaunting panahon na lang. Muli din kitang makakasama!" hindi ko mapigilang bulong sa aking sarili habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa mukha nito na noon ay kita ang galit habang kinakastigo si Pamela. Wala itong kamalay-malay na ang mga CCTV na nakakatutok sa bawat kilos nila sa loob ng hideout ay direkta kong nakikita."Wow! Ibang iba na talaga siya! Malaki ang naitulong sa kanya ng pagsasanay nya ng martial arts." wika ni Lester. Hindi ko namalayan ang pagpasok nito dito sa kwarto ko. Nakasunod naman si Doc Damian dito na noon ay direkta ng nakatitig sa pinapanood ko."Is that Abby?" tanong nito sa hindi m
ABBY POVPakiramdam ko bigla akong nabingi at hindi naririnig ang palahaw ng babaeng pinaparusahan ko ngayun.. Ilang beses itong nagmamakaawa sa akin pero hindi ko pinansin. Gusto ko lang naman siyang turuan ng leksyon para hindi niya na ulitin pa ang ginawang paglalapit-lapit sa asawa ko. Mahirap na...ayaw ko ng maulit ang nakaraan."Abby! Tama na iyan. Halos makalbo na siya oh and what is that? Bakit may dugo ang kamay mo?" Ang nag-aalalang boses ni Luther ang biglang nagpabalik sa aking hewesyo. Wala sa sariling napatitig ako dito at hinayaan siyang agawin sa akin ang gunting na hawak ko. Tama nga ito..may dugo na ako sa aking kamay at may nakita akong sugat sa aking daliri. HIndi ko maiwasang mapangiwi ng maramdaman ko na humahapdi iyun."Belinda! Get out! Sabihin mo sa Boss mo na ngayun pa lang pinuputol ko na ang lahat ng ugnayan ng dalawang kumpanya." narinig ko pang wika ni Luther. Galit ang boses nito kaya naman hindi ko maiwasang mapatitig dito.So, Belinda pala ang pangalan
ABBY POVHalos isang taon lang din ang nakalipas ng mabalitaan namin na namatay na din si Pamela. Naawa man sa naging kapalaran nito wala na kaming nagawa pa kundi ang bigyan na lang ito ng desenteng libing. Wala ni isa mang kamag-anak ang nag-claim sa kanyang bangkay kaya kami na ang nag-arrange ng lahat-lahat hangang sa maihatid ito sa huling hantungan.Sa dami ng nangyari sa buhay ko hindi ko akalain na heto pa rin ako. Nakatayo at masaya! Kung ano man ang mga nangyari nang nakaraan mananatili na lang na mapait na alaala ang lahat ng iyun.Masalimoot man ang mga nangyari sa buhay ko laking pasasalamat ko pa rin dahil nalagpasan ko lahat ng iyun. Hindi ko akalain na pagkatapos ng unos may magandang umaga pa palang naghihintay sa akin. Muling nabuo ang pamiya ko na akala ko noon wala ng pag-asa pa. Nagbago ang pananaw ko sa buhay at maging mas matapang pa ako para ipaglaban ko kung ano man ang karapatan ko dito sa mundo.Sa lipunan kung saan ako kabilang, dapat lang talaga na maging
ABBY POVNagtataka man kung saan ako dadalhin ngayun ni Luther nanahimik na lang ako. Malaki ang tiwala ko sa kanya at alam kung may dahilan ang pagyayaya nito sa akin kung saan man kami pupunta ngayun.Katakot-takot na bilin ang sinabi ko kina Carl at Lorraine bago namin sila iniwan sa mall kasama ang mga Yaya's nila at ilang mga bodyguards. Alam kong safe naman sila doon dahil masyadong mahigpit ang security ng mall kaya panatag ang kalooban ko habang tinatahak ng sasakyan ang kalsada papunta sa aming patutunguhan."Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko kay Luther."Malalaman mo mamaya. Alam kong hanggang ngayun, may mga katanungan sa isip mo na hindi mo maisatinig dahil gusto mo ng ibaon sa limot ang lahat. Pero gusto kong tuldukan iyun ngayung araw." nakangiti nitong sagot. Nagtataka akong napatitig sa kanya. Nginitian lang ako nito at mabilis akong kinabig pasandal sa kanyang balikat. Kaagad naman akong nagpaubaya.Halos isang oras din ang itinagal ng pagbyahe namin bago kami p
ABBY POVKatulad ng napag-usapan namin ni Luther sa mansion namin ginugol ang buong araw ng aming honeymoon. Mas lalong masaya dahil kasama namin ang aming mga anak. Ang kambal na si Carl at Lorraine at ang bunso namin na si Kristelle! Sobrang saya namin dahil wala kaming ginawa sa mansion kundi magbonding at sulitin ang oras na magkakasama kami.Alam kong mabilis lang lumipas ang mga araw. Ilang taon na lang ang bibilangin namin magdadalaga na si Lorraine at magbibinata na si Carl. Darating ang panahon na bihira na lang din sila uuwi na mansion dahil magkakaroon na din sila ng kanya-kanyang prioirity. Of course kung saan masaya ang mga anak susuportahan ko sila."Happy?" Nagulat pa ako ng biglang nagsalita si Luther mula sa likuran ko. Nakangiti ko itong nilingon."Super! Pagkatapos ng mahabang unos na nangyari sa ating dalawa hindi ko akalain na may magandang umaga pa pala na darating sa atin. Thank you Luther! Ni sa hinagap, hindi na sumagi sa isip ko na magkakaroon tayo ng happy e
FIVE YEARS LATER ABBY POV Halos hindi mapatid ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Ito ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Luther. Ang araw ng aming pangalawang kasal.Kung noon ikinasal ako sa kanya na walang kahit ni isang pamilya sa tabi ko iba ng ngayun. Saksi sila Mommy at Daddy sa masayang pagsasama naming dalawa ni Luther sa loob ng ilang taon na muli kaming nagkabalikan. Alam nila kung gaano pinahahalagahan ni Luther ang aming pagsasama at ang buong pamilya.Naglalakad ako sa Isle habang maghigpit ang pagkakawahak ko sa aking wedding bouquet. Parang wala akong ibang nakikita kundi ang asawa ko na matiyagang naghihintay sa harap ng altar.Ang lalaking sa kanya ko naranasan ang impyerno ng buhay at hindi ko akalain na muli akong nakakaalis sa impyernong iyun sa pamamagitan niya. Ang lalaking pinalasap sa akin ang walang kapantay na sakit at ang walang hanggang kaligayahan. Hindi ko akalain na darating pa ang araw na muli kaming maging masaya dahil ako na mismo ang su
ABBY POVNaging masaya ang mga sumunod na araw sa aming pamilya. Sa wakas, naging maayos na din ang pagsasama namin ni Luther. Tinupad nito ang pangako sa akin na magiging mabuting asawa at ama ng mga anak namin na siyang lalo kong ikinatuwa. Iniiwasan na din namin na mapag-usapan ang tungkol sa mga nangyari. Hanggat maari gusto ko ng kalimutan ang mga masasakit na alaala na nagyari sa aming dalawa. Basta ang importante sa ngayun masaya kaming nagsasama ni Luther kasama ng aming mga anak. Sila Lorraine at Carl.Mabilis na lumipas ang mga araw at mga buwan. Naayos na din ang nasirang mukha ni Luther sa pamamagitan ng surgery. Parang wala lang nangyari dito. Normal ang lahat at ang pagsasama namin. Masaya ang kambal at balik iskwela na samantalang si Giselle naman ay balik iskwela din para maging Doctor. Nag-level up na siya...Ayaw na daw nyang maging nurse...Doctor na lang daw para malubos-lubos ang pagtulong nya sa mga taong may sakit.Balita nito nagkaayos na daw sila ng kanyang mga
ABBY POV"Why? May masakit ba sa iyo?" agad itong napalapit sa akin ng mapansin nito na naiyak ako. Agad naman akong umiling."No! Masaya lang ako dahil nandito ka na. Akala ko talaga patay ka na eh. Bakit ka ba naglihim? Handa naman akong alagaan ka eh. Ang daming luha tuloy ang nasayang sa akin." kunwari ay nagtatampo na wika ko dito. Agad kong napansin ang paguhit ng masayang ngiti sa labi nito. Pagkatapos ay masuyong hinaplos ang aking pisngi. Agad naman akong napapikit at naramdaman ko ang paglapat ng labi nito sa labi ko. Sandali lang naman iyun pero kakaibang saya sa puso ko ang aking naramdaman."I really miss you asawa ko! Gustong gusto ko ang paglalambing mo ngayun. Parang gusto ko tuloy sundan na ang kambal." wika nito. Agad naman akong napadilat at napatitig dito. Kita ko ang nakakalukong ngiti sa labi nito. Hindi ko napigilan na hampasin ito sa balikat. Talaga naman, masyadong mapagbiro ang asawa ko. Buntisan kaagad ang naiisip gayung kakauwi nya lang."Hmmmp mahirap man
ABBY POVHumupa na ang init sa pagitan naming dalawa ni Luther pero heto pa rin ako. Dilat na dilat at hindi pa rin makapaniwala na nandito sa tabi ko ang taong pinaniwalaan ko ng patay na at ilang buwan ko din ipinagluksa.Gosh...gaano ba kadaming luha ang nailabas ko noon? Paanong nangyari na buhay pa pala si Luther? Alam ba ito ng lahat ng mga taong nakapaligid sa amin? Muli kong tinitigan ang nahihimbing na mukha ni Luther sa tabi ko. May peklat ang kabilang bahagi ng mukha nito. Gayundin ang ibang bahagi ng kanyang katawan. Gayunpaman hindi pa rin nakakabawas sa aking paningin kong gaano ito kagandang lalaki. Siya pa rin ang dating Luther na nakilala ko. Siya pa rin ang Luther na minahal ko at ama ng aking mga anak. Mahina akong napabuntong hininga. Maraming katanungan na naglalaro sa isipan ko. Bakit ngayun lang siya nagpakita. May kinalaman ba siya sa pagbagsak nila Shiela at ang grupo nito? Alam ba ito nila Lester?Mahigpit itong nakayakap sa akin. Gustong gusto ko din madam
ABBY POVSa sobrang takot ko agad akong nagtalukbong ng kumot sa buo kong katawan. Kung multo man ang nakikita ko sana lubayan nya na ako. Baka kahit wala akong sakit sa puso, aatakihin ako dahil sa takot.Napaigtad pa ako ng biglang lumundo ang kama sa gilid ko. Diyos ko, mukhang pati dito sa higaan sinusundan nya ako. At isa pa...ano ito bakit naamoy ko sya? Hindi ako maaring magkamali.....amoy ni Luther ang naamoy ko ngayun. Bakit bigla-bigla na lang siya nagpaparamdam sa akin? Hindi ba siya matahimik sa kabilang buhay? May gusto ba siyang sabihin sa akin? Kailangan ko na bang tumawag ng ispiritista para kausapin siya at malaman kung ano ang dahilan ng bigla nyang pagpaparamdam?"Abby? Tulog ka na ba?" narinig ko pang wika nito. Hindi ko mapigilan ang biglang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Pasimple ko pang kinurot ang sarili ko para masiguro kong gising pa ba ako. Baka kasi panaginip lang ang lahat. Pero hindi eh..nasaktan ako sa pagkurot ko sa sarili ko. Kung ganoon gising n