ABBY POVPagkatapos kong asikasuhin ang kambal ay mabilis akong bumalik ng kwarto. Kanina ko pa inaabangan ang balita tungkol sa lakad nila Giselle kasama ng ilang tauhan ni Lester. Para akong pusang hindi makapanganak habang pasulyap-sulyap sa aking cellphone. Ito na ang pagkakataon ko. Dumating na ang takdang oras ng paniningil.Naglakad ako paputang balcony. Mula sa kinaroroonan ko ay kitang kita ko ang nagkikislapang bituin sa langit. Hating gabi na at dilat na dilat pa rin ako. Wala akong balak matulog ngayun gabi at gusto kong hinatayin ang magandang balita mula kay Giselle. Alam kong magtatagumpay sila sa utos ko. Hindi ako bibiguin ni Giselle.Kahit na inaasahan ko ang tawag na iyun, hindi ko maiwasan na mapapitlag ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Excited ko itong dinampot at agad na sinagot."Good News! Nakuha na namin siya. Nandito na siya sa hideout!" Agad na balita sa akin ni Gislelle. Masaya akong napangiti."Good Job! Pupunta agad ako diyan ngayun din." excit
LUTHER POVNakangisi ako habang nakatingin sa isang malaking monitor habang pinapanood ang ginagawang pagpapahirap ni Abby kay Pamela. Hindi ko akalain na may itinatago din palang tapang ang asawa ko. Parang hindi nga ito makapatay ng ipis noong nagsasama pa kami sa sobrang hinhin at mababang loob nito. Pero habang tinititigan ko sya ngayun ibang Abby ang nakikita ko. "Abby! Kaunting panahon na lang. Muli din kitang makakasama!" hindi ko mapigilang bulong sa aking sarili habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa mukha nito na noon ay kita ang galit habang kinakastigo si Pamela. Wala itong kamalay-malay na ang mga CCTV na nakakatutok sa bawat kilos nila sa loob ng hideout ay direkta kong nakikita."Wow! Ibang iba na talaga siya! Malaki ang naitulong sa kanya ng pagsasanay nya ng martial arts." wika ni Lester. Hindi ko namalayan ang pagpasok nito dito sa kwarto ko. Nakasunod naman si Doc Damian dito na noon ay direkta ng nakatitig sa pinapanood ko."Is that Abby?" tanong nito sa hindi m
ABBY POVNapabalikwas ako ng bangon ng muling sumagi sa isip ko si Luther. Napasapo ko ang aking noo ng maalala ko ang aking panaginip. Totoong naramdaman ko ang presensya nya kanina. Alam ko kung ano ang amoy ng asawa ko at hindi ako maaring magkamali. Kasama ko siya dito kanina sa kwarto dahil hanggang ngayun nalalanghap ko pa rin ang paborito nitong pabango.Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Miss na miss ko na sya! Kung hindi lang dahil sa kambal baka matagal na akong sumuko. Napakalungkot manirahan sa mansion ng wala kang katuwang. Siguro hanggang ngayun, naghihintay pa rin siya na magkaroon ng hustisya ang pagkamatay nya. Hanggang ngayun hindi pa rin nakamit ng kaluluwa nya ang katahimikan na kanyang inaasam.Sinipat ko ang relo sa bedside table. Ala una na ng hapon. Kaya pala nakaramdam na ako ng pagkalam ng sikmura ko. Hindi din ako nakakain ng agahan kanina kaya kahit na inaantok pa pinilit kong bumaba ng kama. Papasok na sana ako ng banyo ng mapansin k
ABBY POVPasado alas tres ng hapon ng nakaalis kami ng mansion para ipasyal ang mga bata. Tanging si Erika lang ang kasama ko at ilang mga bodyguards. Tinawagan ko si Giselle pero sinabi nito sa akin na hindi ito makakauwi ng mansion dahil may importanteng pinapagawa si Lester sa kanya sa hideout. Isa pa kailangan nyang bantayan si Pamela kaya naman hindi na ako namilit pa. "Sure ka bang ayos ka na? Abby ha, hindi ko gusto ang balak mo sa Pamela na iyun. Kinakabahan ako. Ibinalita na kanina sa telebisyon at radyo ang pagdukot sa kanya." wika ni Erika sa akin. Hindi pa rin nito matanggap ang ginawa namin kay Pamela. Sinenyasan ko naman ito na itikom ang kanyang bibig dahil baka marinig kami ng kambal. Masyado pa silang bata para makarinig ng ganitong usapin."Tsaka na lang natin pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan. Isa pa gusto ko din mag-enjoy sa pamamasyal natin na ito.' sagot ko dito. Saglit ako nitong tinitigan sabay tingin sa labas ng sasakyan. Hapon na at nagbi-build up na d
Gabi na ng makauwi kami ng mansion. Kita ko ang pagod sa mga mukha ng mga anak ko nang makapasok kami sa kwarto nila. Agad naman nagpaalam si Erika na uuwi na daw ng condo nya dahil maaga pa ang pasok nito sa opisina bukas. Tinulungan ko lang na linisan ang mga bata at ng masiguro ko na maayos na silang nakahiga sa kani-kanilang kama ay agad na akong pumasok sa kwarto ko."Ginawa ko ang evening routine ko sa loob ng banyo. Pagkatapos ay saglit akong tumambay sa terrace para magpahangin. Napaka tahimik ng paligid. Ang sarap ng samyo ng hangin at hindi ko mapigilan na mapapikit. Dinadama ko ang katahimikan ng gabi. Napangiti ako at dumilat. Agad na sumalubong sa paningin ko ang mga nagkalat ng bituin sa kalangitan.Mula sa kinatatayuan ko kita ko ang buong paligid ng mansion. May ilang mga nakakalat na bantay kaya panatag ang aking kalooban na ligtas ako lugar na ito. Na ligtas ang kambal.Muling sumagi sa isipan ko ang pinag-usapan namin kanina ni Shiela. Ang lakas ng loob nyang takuti
ABBY POVGulat akong napatitig kay Shiela. Nandito siya sa hideout duguan at nakahiga sa lapag. Katabi nito ang umiiyak na si Pamela."Mam, siya lang ang naka-survived. Pang surprised sana sa inyo iyan ni Boss Lester kaya lang nandito na pala kayo." wika ng isa sa mga tauhan na nakabantay dito. Napakurap ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang nakatingin sa walang malay na si Shiela. May sugat siya at nagkalat ang dugo sa buong katawan nito pati na din sa sahig.'Bakit hindi niyo sya dinala sa hospital? tanong ko. Ngaun ko lang napatunayan sa sarili ko na hindi ako ganoon kasama para panoorin ang isang tao na naghihirap."Parating na ang doctor na gagamot sa kanya. Inuna nya lang si Giselle na lapatan ng lunas." sagot nito. Agad na binundol ng kaba ang puso ko ng marinig ang bagay na iyun. "Si Giselle? Bakit? Kumusta sya? May mga bagay ba akong dapat malaman? May mga nangyayari ba na hindi ko man lang alam." sagot ko. "Wala po ako sa posisyon para sabihin sa inyo ang
ABBY POV"Papatayin mo na ba kami? Sige gawin mo na! Huwag mo ng hintayin pa na makawala pa kami dito sa litseng lugar na ito dahil sisiguraduhin ko na ako mismo ang papatay sa iyo Abby, kasama ng mga anak mo!" narinig kong sigaw ni Pamela. Nagkamalay na pala ito at nanlilisik ang mga matang nakatitig sa akin. Si Shiela naman ay nakahiga pa rin sa lapag at hindi ko alam kung gising ba ito dahil may benda siya sa mga mata. Ayun kay Kuya Damian malaki ang natamong pinsala ng mga mata ni Shiela at posibleng habang buhay na itong hindi makakakita."Hanggang ngayun mataas pa rin ang lipad mo Pamela. Mukhang hindi ka pa rin nagsisisi sa mga kasalanan na nagawa mo sa akin..sa pamilya ko...sa ama ng mga anak ko!" galit ko din na sagot dito. Agad itong ngumisi sa akin."kahit kailan hindi ko pagsisisihan lahat ng nagawa ko. Nakatakdang maging akin si Luther pero bigla kang bumalik sa buhay nya at inagaw mo siya sa akin! Ilang taon akong nagtiis at nghintay na matutunan nya din akong mahalin pe
ABBY POVSa sobrang takot ko agad akong nagtalukbong ng kumot sa buo kong katawan. Kung multo man ang nakikita ko sana lubayan nya na ako. Baka kahit wala akong sakit sa puso, aatakihin ako dahil sa takot.Napaigtad pa ako ng biglang lumundo ang kama sa gilid ko. Diyos ko, mukhang pati dito sa higaan sinusundan nya ako. At isa pa...ano ito bakit naamoy ko sya? Hindi ako maaring magkamali.....amoy ni Luther ang naamoy ko ngayun. Bakit bigla-bigla na lang siya nagpaparamdam sa akin? Hindi ba siya matahimik sa kabilang buhay? May gusto ba siyang sabihin sa akin? Kailangan ko na bang tumawag ng ispiritista para kausapin siya at malaman kung ano ang dahilan ng bigla nyang pagpaparamdam?"Abby? Tulog ka na ba?" narinig ko pang wika nito. Hindi ko mapigilan ang biglang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Pasimple ko pang kinurot ang sarili ko para masiguro kong gising pa ba ako. Baka kasi panaginip lang ang lahat. Pero hindi eh..nasaktan ako sa pagkurot ko sa sarili ko. Kung ganoon gising n
ABBY POVPakiramdam ko bigla akong nabingi at hindi naririnig ang palahaw ng babaeng pinaparusahan ko ngayun.. Ilang beses itong nagmamakaawa sa akin pero hindi ko pinansin. Gusto ko lang naman siyang turuan ng leksyon para hindi niya na ulitin pa ang ginawang paglalapit-lapit sa asawa ko. Mahirap na...ayaw ko ng maulit ang nakaraan."Abby! Tama na iyan. Halos makalbo na siya oh and what is that? Bakit may dugo ang kamay mo?" Ang nag-aalalang boses ni Luther ang biglang nagpabalik sa aking hewesyo. Wala sa sariling napatitig ako dito at hinayaan siyang agawin sa akin ang gunting na hawak ko. Tama nga ito..may dugo na ako sa aking kamay at may nakita akong sugat sa aking daliri. HIndi ko maiwasang mapangiwi ng maramdaman ko na humahapdi iyun."Belinda! Get out! Sabihin mo sa Boss mo na ngayun pa lang pinuputol ko na ang lahat ng ugnayan ng dalawang kumpanya." narinig ko pang wika ni Luther. Galit ang boses nito kaya naman hindi ko maiwasang mapatitig dito.So, Belinda pala ang pangalan
ABBY POVHalos isang taon lang din ang nakalipas ng mabalitaan namin na namatay na din si Pamela. Naawa man sa naging kapalaran nito wala na kaming nagawa pa kundi ang bigyan na lang ito ng desenteng libing. Wala ni isa mang kamag-anak ang nag-claim sa kanyang bangkay kaya kami na ang nag-arrange ng lahat-lahat hangang sa maihatid ito sa huling hantungan.Sa dami ng nangyari sa buhay ko hindi ko akalain na heto pa rin ako. Nakatayo at masaya! Kung ano man ang mga nangyari nang nakaraan mananatili na lang na mapait na alaala ang lahat ng iyun.Masalimoot man ang mga nangyari sa buhay ko laking pasasalamat ko pa rin dahil nalagpasan ko lahat ng iyun. Hindi ko akalain na pagkatapos ng unos may magandang umaga pa palang naghihintay sa akin. Muling nabuo ang pamiya ko na akala ko noon wala ng pag-asa pa. Nagbago ang pananaw ko sa buhay at maging mas matapang pa ako para ipaglaban ko kung ano man ang karapatan ko dito sa mundo.Sa lipunan kung saan ako kabilang, dapat lang talaga na maging
ABBY POVNagtataka man kung saan ako dadalhin ngayun ni Luther nanahimik na lang ako. Malaki ang tiwala ko sa kanya at alam kung may dahilan ang pagyayaya nito sa akin kung saan man kami pupunta ngayun.Katakot-takot na bilin ang sinabi ko kina Carl at Lorraine bago namin sila iniwan sa mall kasama ang mga Yaya's nila at ilang mga bodyguards. Alam kong safe naman sila doon dahil masyadong mahigpit ang security ng mall kaya panatag ang kalooban ko habang tinatahak ng sasakyan ang kalsada papunta sa aming patutunguhan."Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko kay Luther."Malalaman mo mamaya. Alam kong hanggang ngayun, may mga katanungan sa isip mo na hindi mo maisatinig dahil gusto mo ng ibaon sa limot ang lahat. Pero gusto kong tuldukan iyun ngayung araw." nakangiti nitong sagot. Nagtataka akong napatitig sa kanya. Nginitian lang ako nito at mabilis akong kinabig pasandal sa kanyang balikat. Kaagad naman akong nagpaubaya.Halos isang oras din ang itinagal ng pagbyahe namin bago kami p
ABBY POVKatulad ng napag-usapan namin ni Luther sa mansion namin ginugol ang buong araw ng aming honeymoon. Mas lalong masaya dahil kasama namin ang aming mga anak. Ang kambal na si Carl at Lorraine at ang bunso namin na si Kristelle! Sobrang saya namin dahil wala kaming ginawa sa mansion kundi magbonding at sulitin ang oras na magkakasama kami.Alam kong mabilis lang lumipas ang mga araw. Ilang taon na lang ang bibilangin namin magdadalaga na si Lorraine at magbibinata na si Carl. Darating ang panahon na bihira na lang din sila uuwi na mansion dahil magkakaroon na din sila ng kanya-kanyang prioirity. Of course kung saan masaya ang mga anak susuportahan ko sila."Happy?" Nagulat pa ako ng biglang nagsalita si Luther mula sa likuran ko. Nakangiti ko itong nilingon."Super! Pagkatapos ng mahabang unos na nangyari sa ating dalawa hindi ko akalain na may magandang umaga pa pala na darating sa atin. Thank you Luther! Ni sa hinagap, hindi na sumagi sa isip ko na magkakaroon tayo ng happy e
FIVE YEARS LATER ABBY POV Halos hindi mapatid ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Ito ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Luther. Ang araw ng aming pangalawang kasal.Kung noon ikinasal ako sa kanya na walang kahit ni isang pamilya sa tabi ko iba ng ngayun. Saksi sila Mommy at Daddy sa masayang pagsasama naming dalawa ni Luther sa loob ng ilang taon na muli kaming nagkabalikan. Alam nila kung gaano pinahahalagahan ni Luther ang aming pagsasama at ang buong pamilya.Naglalakad ako sa Isle habang maghigpit ang pagkakawahak ko sa aking wedding bouquet. Parang wala akong ibang nakikita kundi ang asawa ko na matiyagang naghihintay sa harap ng altar.Ang lalaking sa kanya ko naranasan ang impyerno ng buhay at hindi ko akalain na muli akong nakakaalis sa impyernong iyun sa pamamagitan niya. Ang lalaking pinalasap sa akin ang walang kapantay na sakit at ang walang hanggang kaligayahan. Hindi ko akalain na darating pa ang araw na muli kaming maging masaya dahil ako na mismo ang su
ABBY POVNaging masaya ang mga sumunod na araw sa aming pamilya. Sa wakas, naging maayos na din ang pagsasama namin ni Luther. Tinupad nito ang pangako sa akin na magiging mabuting asawa at ama ng mga anak namin na siyang lalo kong ikinatuwa. Iniiwasan na din namin na mapag-usapan ang tungkol sa mga nangyari. Hanggat maari gusto ko ng kalimutan ang mga masasakit na alaala na nagyari sa aming dalawa. Basta ang importante sa ngayun masaya kaming nagsasama ni Luther kasama ng aming mga anak. Sila Lorraine at Carl.Mabilis na lumipas ang mga araw at mga buwan. Naayos na din ang nasirang mukha ni Luther sa pamamagitan ng surgery. Parang wala lang nangyari dito. Normal ang lahat at ang pagsasama namin. Masaya ang kambal at balik iskwela na samantalang si Giselle naman ay balik iskwela din para maging Doctor. Nag-level up na siya...Ayaw na daw nyang maging nurse...Doctor na lang daw para malubos-lubos ang pagtulong nya sa mga taong may sakit.Balita nito nagkaayos na daw sila ng kanyang mga
ABBY POV"Why? May masakit ba sa iyo?" agad itong napalapit sa akin ng mapansin nito na naiyak ako. Agad naman akong umiling."No! Masaya lang ako dahil nandito ka na. Akala ko talaga patay ka na eh. Bakit ka ba naglihim? Handa naman akong alagaan ka eh. Ang daming luha tuloy ang nasayang sa akin." kunwari ay nagtatampo na wika ko dito. Agad kong napansin ang paguhit ng masayang ngiti sa labi nito. Pagkatapos ay masuyong hinaplos ang aking pisngi. Agad naman akong napapikit at naramdaman ko ang paglapat ng labi nito sa labi ko. Sandali lang naman iyun pero kakaibang saya sa puso ko ang aking naramdaman."I really miss you asawa ko! Gustong gusto ko ang paglalambing mo ngayun. Parang gusto ko tuloy sundan na ang kambal." wika nito. Agad naman akong napadilat at napatitig dito. Kita ko ang nakakalukong ngiti sa labi nito. Hindi ko napigilan na hampasin ito sa balikat. Talaga naman, masyadong mapagbiro ang asawa ko. Buntisan kaagad ang naiisip gayung kakauwi nya lang."Hmmmp mahirap man
ABBY POVHumupa na ang init sa pagitan naming dalawa ni Luther pero heto pa rin ako. Dilat na dilat at hindi pa rin makapaniwala na nandito sa tabi ko ang taong pinaniwalaan ko ng patay na at ilang buwan ko din ipinagluksa.Gosh...gaano ba kadaming luha ang nailabas ko noon? Paanong nangyari na buhay pa pala si Luther? Alam ba ito ng lahat ng mga taong nakapaligid sa amin? Muli kong tinitigan ang nahihimbing na mukha ni Luther sa tabi ko. May peklat ang kabilang bahagi ng mukha nito. Gayundin ang ibang bahagi ng kanyang katawan. Gayunpaman hindi pa rin nakakabawas sa aking paningin kong gaano ito kagandang lalaki. Siya pa rin ang dating Luther na nakilala ko. Siya pa rin ang Luther na minahal ko at ama ng aking mga anak. Mahina akong napabuntong hininga. Maraming katanungan na naglalaro sa isipan ko. Bakit ngayun lang siya nagpakita. May kinalaman ba siya sa pagbagsak nila Shiela at ang grupo nito? Alam ba ito nila Lester?Mahigpit itong nakayakap sa akin. Gustong gusto ko din madam
ABBY POVSa sobrang takot ko agad akong nagtalukbong ng kumot sa buo kong katawan. Kung multo man ang nakikita ko sana lubayan nya na ako. Baka kahit wala akong sakit sa puso, aatakihin ako dahil sa takot.Napaigtad pa ako ng biglang lumundo ang kama sa gilid ko. Diyos ko, mukhang pati dito sa higaan sinusundan nya ako. At isa pa...ano ito bakit naamoy ko sya? Hindi ako maaring magkamali.....amoy ni Luther ang naamoy ko ngayun. Bakit bigla-bigla na lang siya nagpaparamdam sa akin? Hindi ba siya matahimik sa kabilang buhay? May gusto ba siyang sabihin sa akin? Kailangan ko na bang tumawag ng ispiritista para kausapin siya at malaman kung ano ang dahilan ng bigla nyang pagpaparamdam?"Abby? Tulog ka na ba?" narinig ko pang wika nito. Hindi ko mapigilan ang biglang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Pasimple ko pang kinurot ang sarili ko para masiguro kong gising pa ba ako. Baka kasi panaginip lang ang lahat. Pero hindi eh..nasaktan ako sa pagkurot ko sa sarili ko. Kung ganoon gising n