Gabi na ng makauwi kami ng mansion. Kita ko ang pagod sa mga mukha ng mga anak ko nang makapasok kami sa kwarto nila. Agad naman nagpaalam si Erika na uuwi na daw ng condo nya dahil maaga pa ang pasok nito sa opisina bukas. Tinulungan ko lang na linisan ang mga bata at ng masiguro ko na maayos na silang nakahiga sa kani-kanilang kama ay agad na akong pumasok sa kwarto ko."Ginawa ko ang evening routine ko sa loob ng banyo. Pagkatapos ay saglit akong tumambay sa terrace para magpahangin. Napaka tahimik ng paligid. Ang sarap ng samyo ng hangin at hindi ko mapigilan na mapapikit. Dinadama ko ang katahimikan ng gabi. Napangiti ako at dumilat. Agad na sumalubong sa paningin ko ang mga nagkalat ng bituin sa kalangitan.Mula sa kinatatayuan ko kita ko ang buong paligid ng mansion. May ilang mga nakakalat na bantay kaya panatag ang aking kalooban na ligtas ako lugar na ito. Na ligtas ang kambal.Muling sumagi sa isipan ko ang pinag-usapan namin kanina ni Shiela. Ang lakas ng loob nyang takuti
ABBY POVGulat akong napatitig kay Shiela. Nandito siya sa hideout duguan at nakahiga sa lapag. Katabi nito ang umiiyak na si Pamela."Mam, siya lang ang naka-survived. Pang surprised sana sa inyo iyan ni Boss Lester kaya lang nandito na pala kayo." wika ng isa sa mga tauhan na nakabantay dito. Napakurap ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang nakatingin sa walang malay na si Shiela. May sugat siya at nagkalat ang dugo sa buong katawan nito pati na din sa sahig.'Bakit hindi niyo sya dinala sa hospital? tanong ko. Ngaun ko lang napatunayan sa sarili ko na hindi ako ganoon kasama para panoorin ang isang tao na naghihirap."Parating na ang doctor na gagamot sa kanya. Inuna nya lang si Giselle na lapatan ng lunas." sagot nito. Agad na binundol ng kaba ang puso ko ng marinig ang bagay na iyun. "Si Giselle? Bakit? Kumusta sya? May mga bagay ba akong dapat malaman? May mga nangyayari ba na hindi ko man lang alam." sagot ko. "Wala po ako sa posisyon para sabihin sa inyo ang
ABBY POV"Papatayin mo na ba kami? Sige gawin mo na! Huwag mo ng hintayin pa na makawala pa kami dito sa litseng lugar na ito dahil sisiguraduhin ko na ako mismo ang papatay sa iyo Abby, kasama ng mga anak mo!" narinig kong sigaw ni Pamela. Nagkamalay na pala ito at nanlilisik ang mga matang nakatitig sa akin. Si Shiela naman ay nakahiga pa rin sa lapag at hindi ko alam kung gising ba ito dahil may benda siya sa mga mata. Ayun kay Kuya Damian malaki ang natamong pinsala ng mga mata ni Shiela at posibleng habang buhay na itong hindi makakakita."Hanggang ngayun mataas pa rin ang lipad mo Pamela. Mukhang hindi ka pa rin nagsisisi sa mga kasalanan na nagawa mo sa akin..sa pamilya ko...sa ama ng mga anak ko!" galit ko din na sagot dito. Agad itong ngumisi sa akin."kahit kailan hindi ko pagsisisihan lahat ng nagawa ko. Nakatakdang maging akin si Luther pero bigla kang bumalik sa buhay nya at inagaw mo siya sa akin! Ilang taon akong nagtiis at nghintay na matutunan nya din akong mahalin pe
ABBY POVSa sobrang takot ko agad akong nagtalukbong ng kumot sa buo kong katawan. Kung multo man ang nakikita ko sana lubayan nya na ako. Baka kahit wala akong sakit sa puso, aatakihin ako dahil sa takot.Napaigtad pa ako ng biglang lumundo ang kama sa gilid ko. Diyos ko, mukhang pati dito sa higaan sinusundan nya ako. At isa pa...ano ito bakit naamoy ko sya? Hindi ako maaring magkamali.....amoy ni Luther ang naamoy ko ngayun. Bakit bigla-bigla na lang siya nagpaparamdam sa akin? Hindi ba siya matahimik sa kabilang buhay? May gusto ba siyang sabihin sa akin? Kailangan ko na bang tumawag ng ispiritista para kausapin siya at malaman kung ano ang dahilan ng bigla nyang pagpaparamdam?"Abby? Tulog ka na ba?" narinig ko pang wika nito. Hindi ko mapigilan ang biglang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Pasimple ko pang kinurot ang sarili ko para masiguro kong gising pa ba ako. Baka kasi panaginip lang ang lahat. Pero hindi eh..nasaktan ako sa pagkurot ko sa sarili ko. Kung ganoon gising n
ABBY POVHumupa na ang init sa pagitan naming dalawa ni Luther pero heto pa rin ako. Dilat na dilat at hindi pa rin makapaniwala na nandito sa tabi ko ang taong pinaniwalaan ko ng patay na at ilang buwan ko din ipinagluksa.Gosh...gaano ba kadaming luha ang nailabas ko noon? Paanong nangyari na buhay pa pala si Luther? Alam ba ito ng lahat ng mga taong nakapaligid sa amin? Muli kong tinitigan ang nahihimbing na mukha ni Luther sa tabi ko. May peklat ang kabilang bahagi ng mukha nito. Gayundin ang ibang bahagi ng kanyang katawan. Gayunpaman hindi pa rin nakakabawas sa aking paningin kong gaano ito kagandang lalaki. Siya pa rin ang dating Luther na nakilala ko. Siya pa rin ang Luther na minahal ko at ama ng aking mga anak. Mahina akong napabuntong hininga. Maraming katanungan na naglalaro sa isipan ko. Bakit ngayun lang siya nagpakita. May kinalaman ba siya sa pagbagsak nila Shiela at ang grupo nito? Alam ba ito nila Lester?Mahigpit itong nakayakap sa akin. Gustong gusto ko din madam
ABBY POV"Why? May masakit ba sa iyo?" agad itong napalapit sa akin ng mapansin nito na naiyak ako. Agad naman akong umiling."No! Masaya lang ako dahil nandito ka na. Akala ko talaga patay ka na eh. Bakit ka ba naglihim? Handa naman akong alagaan ka eh. Ang daming luha tuloy ang nasayang sa akin." kunwari ay nagtatampo na wika ko dito. Agad kong napansin ang paguhit ng masayang ngiti sa labi nito. Pagkatapos ay masuyong hinaplos ang aking pisngi. Agad naman akong napapikit at naramdaman ko ang paglapat ng labi nito sa labi ko. Sandali lang naman iyun pero kakaibang saya sa puso ko ang aking naramdaman."I really miss you asawa ko! Gustong gusto ko ang paglalambing mo ngayun. Parang gusto ko tuloy sundan na ang kambal." wika nito. Agad naman akong napadilat at napatitig dito. Kita ko ang nakakalukong ngiti sa labi nito. Hindi ko napigilan na hampasin ito sa balikat. Talaga naman, masyadong mapagbiro ang asawa ko. Buntisan kaagad ang naiisip gayung kakauwi nya lang."Hmmmp mahirap man
ABBY POVNaging masaya ang mga sumunod na araw sa aming pamilya. Sa wakas, naging maayos na din ang pagsasama namin ni Luther. Tinupad nito ang pangako sa akin na magiging mabuting asawa at ama ng mga anak namin na siyang lalo kong ikinatuwa. Iniiwasan na din namin na mapag-usapan ang tungkol sa mga nangyari. Hanggat maari gusto ko ng kalimutan ang mga masasakit na alaala na nagyari sa aming dalawa. Basta ang importante sa ngayun masaya kaming nagsasama ni Luther kasama ng aming mga anak. Sila Lorraine at Carl.Mabilis na lumipas ang mga araw at mga buwan. Naayos na din ang nasirang mukha ni Luther sa pamamagitan ng surgery. Parang wala lang nangyari dito. Normal ang lahat at ang pagsasama namin. Masaya ang kambal at balik iskwela na samantalang si Giselle naman ay balik iskwela din para maging Doctor. Nag-level up na siya...Ayaw na daw nyang maging nurse...Doctor na lang daw para malubos-lubos ang pagtulong nya sa mga taong may sakit.Balita nito nagkaayos na daw sila ng kanyang mga
FIVE YEARS LATER ABBY POV Halos hindi mapatid ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Ito ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Luther. Ang araw ng aming pangalawang kasal.Kung noon ikinasal ako sa kanya na walang kahit ni isang pamilya sa tabi ko iba ng ngayun. Saksi sila Mommy at Daddy sa masayang pagsasama naming dalawa ni Luther sa loob ng ilang taon na muli kaming nagkabalikan. Alam nila kung gaano pinahahalagahan ni Luther ang aming pagsasama at ang buong pamilya.Naglalakad ako sa Isle habang maghigpit ang pagkakawahak ko sa aking wedding bouquet. Parang wala akong ibang nakikita kundi ang asawa ko na matiyagang naghihintay sa harap ng altar.Ang lalaking sa kanya ko naranasan ang impyerno ng buhay at hindi ko akalain na muli akong nakakaalis sa impyernong iyun sa pamamagitan niya. Ang lalaking pinalasap sa akin ang walang kapantay na sakit at ang walang hanggang kaligayahan. Hindi ko akalain na darating pa ang araw na muli kaming maging masaya dahil ako na mismo ang su