LUTHER SARMIENTONaalimpungatan ako sa malalakas na katok sa pintuan ng kwarto ko. Pupungas-pungas akong bumangon at tiningnan ang relo ko. Alas tres na ng hapon. Pagkauwi namin kanina galing sa amusement park ay agad akong nakatulog pagkatapos naming mapatahan si Lorraine. Iyak ng iyak pa rin kasi ito hangang sa nakauwi kami ng mansion. Hinahanap niya ang kanyang Ina. Kahit ako naguguluhan din. Alam kong si Abby ang nakita ko kanina. Nagbago man ang kanyang pananamit pero halata naman sa mukha, boses at kilos nito na siya si Abby. Pero bakit nagawa niyang baliwalain ang umiiyak naming anak na si Lorraine. Alam kong narinig nito kung paano malakas na umiyak si Lorraine habang tinatawag ang kanyang pangalan.Agad akong tumayo at binuksan ang pintuan. Tumampad sa akin ang humihingal na si Nanay Nilda. "Nay, ang lakas niyo naman makakatok! Alam niyo naman po sa lahat ng ayaw ko iyung naiisturbo ang tulog ko." bakas ang inis ko sa boses habang sinabi ang katagang iyun."Luther, magmadal
ABBYAgad na nanlaki ang mga mata ko ng dumako ang tingin ko sa isang partikular na larawan. Mukha ko ang nasa picture at kasama ko ang lalaking pwersahan na nagdala sa akin sa silid na ito.Wedding phonto namin at pareho kaming nakangiti. Wala sa sariling nilapitan ko ang malaking picture frame at pinakatitigan. Parang may lungkot akong nararamdaman sa hindi ko malamang dahilan. Kung ganoon, may asawa na nga ako at walang iba kundi si Luther Sarmiento. Isang malaking patunay ang wedding photo na ito.Tulala akong inililibot ang paningin sa buong paligid. May mga ibang nakasabit na mga paintings at agad kong tinitigan. Pakiramdam ko familiar sa akin ang lahat at muling kumabog ang puso ko ng mabasa ang pangalan na nakaukit sa mga paintings. "AB Tevez"?Napailing ako at muling bumalik sa malapad kama. Wala sa sarili na napahiga ako at pumikit habang nag-iisip. Alam ko na kahit anong gawin ko wala na akong maaalala. Hangang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.Nagising ako ng
ABBY POVAgad nanlaki ang aking mga mata ng magdikit ang aming mga labi. Parang biglang naging blanko ang lahat sa akin. Pakiramdam ko idinuduyan ako sa alapaap dahil sa kakaibang sensasyon na nararamdaman.Hindi ako makapaniwala na makakaramdam ako ng ganito sa isang lalaki. Pakiramdam ko sanay na ang puso ko sa ginagawa ng paraan ng paghalik nito sa akin. Pakiramdam ko normal lang sa amin na ginagawa ito. Unti-unting napapikit ang aking mga mata at walang kahit na anong pagtutol ang nararamdaman ng puso ko. Bagkos buong puso kong tinugon ang halik niya sa akin.Bahagya pa akong nagprotesta ng unti-unti nitong pinaghiwalay ang aming labi. Pagkatapos ay matiim nya akong tinitigan. Hind ko naman alam kung ano ang gagawin ko. Napapikit ulit ako ng maramdaman ko na ang paghalos ng mainit nitong palad sa pisngi ko."Ngayun mo sabihin sa akin na nakalimutan mo na nga ako Abby? Maaring nakalimot ang isip mo......pero ako pa rin ang nagmamay-ari ng puso mo." mahinang wika ni Luther pagkatapo
ABBY POVHalos tatlong araw na ang nakalipas pero hindi pa din umuuwi si Luther ng mansion. Wala naman akong ginawa sa tatlong araw na iyun kundi alagaan ang aking mga anak at alamin ang mga nakaraan na nawaglit na sa isip ko. Game naman si Nanay Nilda na ikwento sa akin ang lahat at isa pa nadyan din sila Lorraine at Carl na handang sumagot sa lahat ng mga katanungan ko.Araw ng friday, abala kami ng mga bata sa swimming pool ng makita ko ang parating na isang binabae.. Tulala lang akong nakatitig dito at pilit kong iniisip kung saan ko nga ba sya nakita."Ayyyy nandito si Tita Erika!" excited na wika ni Lorraine at umahon pa talaga ito sa pool para salubungin ang bagong dating. Nakita ko ang paghalik nito sa pisngi ni Lorraine at ang pagturo ng bata sa gawi ko. Agad naman itong lumapit sa kinaroroonan ko at kitang kita sa mga mata nito ng matinding pagkagulat ng habang titig na titig sa akin."Abby? Nagbalik ka?" wika nito. Umahon ako sa pool at isunuot ang roba bago nakangiting
ABBYNakita ko ang pait sa mga mata ni Luther ng sabihin ko ang katagang iyun. Pero wala na akong pakialam pa. Masyadong masakit sa akin ang ginawa nito. Akala ko maaayos na ang pamilya namin pero mukhang nagkamali ako. "Abby..mag-usap tayo..please..I know..inaamin ko kasalanan ko dahil muil akong nagpadala sa tukso but please..pag-usapan natin ito. Ayusin natin ito alang alang sa mga bata." nagsusumamo nitong wika. Pagak akong tumawa sa kabila ng pagtulo ng luha sa aking mga mata. "Wala ng dapat pang ayusin Luther dahil hindi na maaayos ang pamilyang ito. Total naman mahigit dalawang taon akong nawala sa buhay niyo ng mga anak natin, bakit hindi na lang natin ituloy-tuloy iyun...." sagot ko dito. Napatiim bagang ito at tinitigan ako sa mga mata."What you mean? Diretsuhin mo ako...ano ang gusto mo para mapatawad mo ako?" tanong nito."I want a devorce. Tuluyan na tayong maghiwalay. Ayaw ko ng magpagapos sa kasal na ito Luther...palayain na natin ang mga sarili natin sa kasal na ito
ABBY POVHindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero nagising ako sa malakas na pagtunog ng aking cellphone. Ito yung cellphone na nakuha ko sa loob ng walk in closet ng kwarto ni Luther. Pupungas-pungas kong tiningnan kong sino ang tumatawag at pangalan ni Luther ang nakarehistro. Hindi ko sinagot at diretso akong bumaba ng kama at naglakad papuntang banyo. Hangat maaari ayaw ko munang makipag-usap sa kanya. Masyado pang sariwa sa alaala ko ang nakita ko sa kanyang opisina at kahit na anong gawin ko nakatatak na iyun sa aking isipan. Agad akong naligo pagkapasok ng banyo. Gusto kong gumaan kahit papaano ang aking nararamdaman sa pamamagitan ng pagbabad sa tubig. Alam kong kahit na anong gawin ko hindi mawawala ang sakit ng kalooban ko. Niluko ako ng asawa ko sa tatlong araw na muli ko siyang nakilala at hindi ko alam kung bakit nag-rereact ng ganito ang puso ko. Hindi ko alam kung ilang oras akong nagbabad dito sa banyo. Hinayaan ko lang na bukas ang shower at diretsong pina
ABBYHindi maalis-alis ang ngiti sa aking labi ng makita ko kung gaano kasaya ang kambal na sina Lorraine at Carl. Lahat ng mga bagay na gusto nila ay agad na binibili ni Luther. Alam kong kalabisan na iyun dahil mukhang hindi naman talaga nila kailangan ang mga bagay na iyun pero dahil kaya naman ibigay ng kanilang ama ang lahat hindi ito nagdadalawang isip ng bilhin ang mga iyun."May gusto ka bang bilhin?" nagulat ako ng biglang magsalita si Luther sa tabi ko. Simula kasi ng umalis kami ng mansion, hindi na kami nag-uusap. Hinahayaan lang namin ang mga bata ang magsalita ng magsalita. Hindi ko alam pero kumukulo pa rin ang dugo ko tuwing sumasagi sa isip ko ang mga nakita sa office nito kahapon. Parang nakapagkit na ito sa aking isipan at kahit na anong gawin ko hindi na mabura-bura sa balintataw ko."Wala.." maiksi kong sagot. Narinig ko ang malakas ng pagbuntong hininga nito tsaka muling itinoon ang attention sa mga naglalarong bata."Galit ka pa ba sa akin?" muling tanong nito.
ABBY POVNakaharap ako sa papalubog na araw. Pagkatapos na madamdaming pag-uusap namin kanina ni Luther hindi ko pa rin alam kung ano ang mararamdaman ko ngayun. Mahal ko siya. Pero hindi ko alam kung kaya ko bang magbulag-bulagan sa mga nakikita ko dito. Likas na siguro dito ang pagiging babaero. Galing mismo sa kanyang bibig na gumagamit ito ng ibang babae kapag wala ako. Isa pa natatakot akong baka muli akong masaktan kapag magtiwala muli ako dito.Parang gusto ko na lang na maging kaswal ang pagsasama namin. Maging magkaibigan at sabay namin palakihin ang mga bata. Parang ayaw ko ng magsama kami katulad ng isang mag-asawa.Oo mahal ko siya. Pero ayaw kong tuluyang mawala ang tiwala ko dito. Hindi ko lubos maisip na may iba siyang babaeng kinakalantari kapag wala ako. Hindi sa lahat ng oras nasa tabi niya ako. Ayaw ko ng lalaking nagbabanggit ng pagmamahal sa akin pero kaya pa ring maghanap ng iba."Abby?" napakislot pa ako ng marinig kong nagsalita si Luther sa likod ko. Napaling
ABBY POVPakiramdam ko bigla akong nabingi at hindi naririnig ang palahaw ng babaeng pinaparusahan ko ngayun.. Ilang beses itong nagmamakaawa sa akin pero hindi ko pinansin. Gusto ko lang naman siyang turuan ng leksyon para hindi niya na ulitin pa ang ginawang paglalapit-lapit sa asawa ko. Mahirap na...ayaw ko ng maulit ang nakaraan."Abby! Tama na iyan. Halos makalbo na siya oh and what is that? Bakit may dugo ang kamay mo?" Ang nag-aalalang boses ni Luther ang biglang nagpabalik sa aking hewesyo. Wala sa sariling napatitig ako dito at hinayaan siyang agawin sa akin ang gunting na hawak ko. Tama nga ito..may dugo na ako sa aking kamay at may nakita akong sugat sa aking daliri. HIndi ko maiwasang mapangiwi ng maramdaman ko na humahapdi iyun."Belinda! Get out! Sabihin mo sa Boss mo na ngayun pa lang pinuputol ko na ang lahat ng ugnayan ng dalawang kumpanya." narinig ko pang wika ni Luther. Galit ang boses nito kaya naman hindi ko maiwasang mapatitig dito.So, Belinda pala ang pangalan
ABBY POVHalos isang taon lang din ang nakalipas ng mabalitaan namin na namatay na din si Pamela. Naawa man sa naging kapalaran nito wala na kaming nagawa pa kundi ang bigyan na lang ito ng desenteng libing. Wala ni isa mang kamag-anak ang nag-claim sa kanyang bangkay kaya kami na ang nag-arrange ng lahat-lahat hangang sa maihatid ito sa huling hantungan.Sa dami ng nangyari sa buhay ko hindi ko akalain na heto pa rin ako. Nakatayo at masaya! Kung ano man ang mga nangyari nang nakaraan mananatili na lang na mapait na alaala ang lahat ng iyun.Masalimoot man ang mga nangyari sa buhay ko laking pasasalamat ko pa rin dahil nalagpasan ko lahat ng iyun. Hindi ko akalain na pagkatapos ng unos may magandang umaga pa palang naghihintay sa akin. Muling nabuo ang pamiya ko na akala ko noon wala ng pag-asa pa. Nagbago ang pananaw ko sa buhay at maging mas matapang pa ako para ipaglaban ko kung ano man ang karapatan ko dito sa mundo.Sa lipunan kung saan ako kabilang, dapat lang talaga na maging
ABBY POVNagtataka man kung saan ako dadalhin ngayun ni Luther nanahimik na lang ako. Malaki ang tiwala ko sa kanya at alam kung may dahilan ang pagyayaya nito sa akin kung saan man kami pupunta ngayun.Katakot-takot na bilin ang sinabi ko kina Carl at Lorraine bago namin sila iniwan sa mall kasama ang mga Yaya's nila at ilang mga bodyguards. Alam kong safe naman sila doon dahil masyadong mahigpit ang security ng mall kaya panatag ang kalooban ko habang tinatahak ng sasakyan ang kalsada papunta sa aming patutunguhan."Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko kay Luther."Malalaman mo mamaya. Alam kong hanggang ngayun, may mga katanungan sa isip mo na hindi mo maisatinig dahil gusto mo ng ibaon sa limot ang lahat. Pero gusto kong tuldukan iyun ngayung araw." nakangiti nitong sagot. Nagtataka akong napatitig sa kanya. Nginitian lang ako nito at mabilis akong kinabig pasandal sa kanyang balikat. Kaagad naman akong nagpaubaya.Halos isang oras din ang itinagal ng pagbyahe namin bago kami p
ABBY POVKatulad ng napag-usapan namin ni Luther sa mansion namin ginugol ang buong araw ng aming honeymoon. Mas lalong masaya dahil kasama namin ang aming mga anak. Ang kambal na si Carl at Lorraine at ang bunso namin na si Kristelle! Sobrang saya namin dahil wala kaming ginawa sa mansion kundi magbonding at sulitin ang oras na magkakasama kami.Alam kong mabilis lang lumipas ang mga araw. Ilang taon na lang ang bibilangin namin magdadalaga na si Lorraine at magbibinata na si Carl. Darating ang panahon na bihira na lang din sila uuwi na mansion dahil magkakaroon na din sila ng kanya-kanyang prioirity. Of course kung saan masaya ang mga anak susuportahan ko sila."Happy?" Nagulat pa ako ng biglang nagsalita si Luther mula sa likuran ko. Nakangiti ko itong nilingon."Super! Pagkatapos ng mahabang unos na nangyari sa ating dalawa hindi ko akalain na may magandang umaga pa pala na darating sa atin. Thank you Luther! Ni sa hinagap, hindi na sumagi sa isip ko na magkakaroon tayo ng happy e
FIVE YEARS LATER ABBY POV Halos hindi mapatid ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Ito ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Luther. Ang araw ng aming pangalawang kasal.Kung noon ikinasal ako sa kanya na walang kahit ni isang pamilya sa tabi ko iba ng ngayun. Saksi sila Mommy at Daddy sa masayang pagsasama naming dalawa ni Luther sa loob ng ilang taon na muli kaming nagkabalikan. Alam nila kung gaano pinahahalagahan ni Luther ang aming pagsasama at ang buong pamilya.Naglalakad ako sa Isle habang maghigpit ang pagkakawahak ko sa aking wedding bouquet. Parang wala akong ibang nakikita kundi ang asawa ko na matiyagang naghihintay sa harap ng altar.Ang lalaking sa kanya ko naranasan ang impyerno ng buhay at hindi ko akalain na muli akong nakakaalis sa impyernong iyun sa pamamagitan niya. Ang lalaking pinalasap sa akin ang walang kapantay na sakit at ang walang hanggang kaligayahan. Hindi ko akalain na darating pa ang araw na muli kaming maging masaya dahil ako na mismo ang su
ABBY POVNaging masaya ang mga sumunod na araw sa aming pamilya. Sa wakas, naging maayos na din ang pagsasama namin ni Luther. Tinupad nito ang pangako sa akin na magiging mabuting asawa at ama ng mga anak namin na siyang lalo kong ikinatuwa. Iniiwasan na din namin na mapag-usapan ang tungkol sa mga nangyari. Hanggat maari gusto ko ng kalimutan ang mga masasakit na alaala na nagyari sa aming dalawa. Basta ang importante sa ngayun masaya kaming nagsasama ni Luther kasama ng aming mga anak. Sila Lorraine at Carl.Mabilis na lumipas ang mga araw at mga buwan. Naayos na din ang nasirang mukha ni Luther sa pamamagitan ng surgery. Parang wala lang nangyari dito. Normal ang lahat at ang pagsasama namin. Masaya ang kambal at balik iskwela na samantalang si Giselle naman ay balik iskwela din para maging Doctor. Nag-level up na siya...Ayaw na daw nyang maging nurse...Doctor na lang daw para malubos-lubos ang pagtulong nya sa mga taong may sakit.Balita nito nagkaayos na daw sila ng kanyang mga
ABBY POV"Why? May masakit ba sa iyo?" agad itong napalapit sa akin ng mapansin nito na naiyak ako. Agad naman akong umiling."No! Masaya lang ako dahil nandito ka na. Akala ko talaga patay ka na eh. Bakit ka ba naglihim? Handa naman akong alagaan ka eh. Ang daming luha tuloy ang nasayang sa akin." kunwari ay nagtatampo na wika ko dito. Agad kong napansin ang paguhit ng masayang ngiti sa labi nito. Pagkatapos ay masuyong hinaplos ang aking pisngi. Agad naman akong napapikit at naramdaman ko ang paglapat ng labi nito sa labi ko. Sandali lang naman iyun pero kakaibang saya sa puso ko ang aking naramdaman."I really miss you asawa ko! Gustong gusto ko ang paglalambing mo ngayun. Parang gusto ko tuloy sundan na ang kambal." wika nito. Agad naman akong napadilat at napatitig dito. Kita ko ang nakakalukong ngiti sa labi nito. Hindi ko napigilan na hampasin ito sa balikat. Talaga naman, masyadong mapagbiro ang asawa ko. Buntisan kaagad ang naiisip gayung kakauwi nya lang."Hmmmp mahirap man
ABBY POVHumupa na ang init sa pagitan naming dalawa ni Luther pero heto pa rin ako. Dilat na dilat at hindi pa rin makapaniwala na nandito sa tabi ko ang taong pinaniwalaan ko ng patay na at ilang buwan ko din ipinagluksa.Gosh...gaano ba kadaming luha ang nailabas ko noon? Paanong nangyari na buhay pa pala si Luther? Alam ba ito ng lahat ng mga taong nakapaligid sa amin? Muli kong tinitigan ang nahihimbing na mukha ni Luther sa tabi ko. May peklat ang kabilang bahagi ng mukha nito. Gayundin ang ibang bahagi ng kanyang katawan. Gayunpaman hindi pa rin nakakabawas sa aking paningin kong gaano ito kagandang lalaki. Siya pa rin ang dating Luther na nakilala ko. Siya pa rin ang Luther na minahal ko at ama ng aking mga anak. Mahina akong napabuntong hininga. Maraming katanungan na naglalaro sa isipan ko. Bakit ngayun lang siya nagpakita. May kinalaman ba siya sa pagbagsak nila Shiela at ang grupo nito? Alam ba ito nila Lester?Mahigpit itong nakayakap sa akin. Gustong gusto ko din madam
ABBY POVSa sobrang takot ko agad akong nagtalukbong ng kumot sa buo kong katawan. Kung multo man ang nakikita ko sana lubayan nya na ako. Baka kahit wala akong sakit sa puso, aatakihin ako dahil sa takot.Napaigtad pa ako ng biglang lumundo ang kama sa gilid ko. Diyos ko, mukhang pati dito sa higaan sinusundan nya ako. At isa pa...ano ito bakit naamoy ko sya? Hindi ako maaring magkamali.....amoy ni Luther ang naamoy ko ngayun. Bakit bigla-bigla na lang siya nagpaparamdam sa akin? Hindi ba siya matahimik sa kabilang buhay? May gusto ba siyang sabihin sa akin? Kailangan ko na bang tumawag ng ispiritista para kausapin siya at malaman kung ano ang dahilan ng bigla nyang pagpaparamdam?"Abby? Tulog ka na ba?" narinig ko pang wika nito. Hindi ko mapigilan ang biglang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Pasimple ko pang kinurot ang sarili ko para masiguro kong gising pa ba ako. Baka kasi panaginip lang ang lahat. Pero hindi eh..nasaktan ako sa pagkurot ko sa sarili ko. Kung ganoon gising n