ABBY POVAgad nanlaki ang aking mga mata ng magdikit ang aming mga labi. Parang biglang naging blanko ang lahat sa akin. Pakiramdam ko idinuduyan ako sa alapaap dahil sa kakaibang sensasyon na nararamdaman.Hindi ako makapaniwala na makakaramdam ako ng ganito sa isang lalaki. Pakiramdam ko sanay na ang puso ko sa ginagawa ng paraan ng paghalik nito sa akin. Pakiramdam ko normal lang sa amin na ginagawa ito. Unti-unting napapikit ang aking mga mata at walang kahit na anong pagtutol ang nararamdaman ng puso ko. Bagkos buong puso kong tinugon ang halik niya sa akin.Bahagya pa akong nagprotesta ng unti-unti nitong pinaghiwalay ang aming labi. Pagkatapos ay matiim nya akong tinitigan. Hind ko naman alam kung ano ang gagawin ko. Napapikit ulit ako ng maramdaman ko na ang paghalos ng mainit nitong palad sa pisngi ko."Ngayun mo sabihin sa akin na nakalimutan mo na nga ako Abby? Maaring nakalimot ang isip mo......pero ako pa rin ang nagmamay-ari ng puso mo." mahinang wika ni Luther pagkatapo
ABBY POVHalos tatlong araw na ang nakalipas pero hindi pa din umuuwi si Luther ng mansion. Wala naman akong ginawa sa tatlong araw na iyun kundi alagaan ang aking mga anak at alamin ang mga nakaraan na nawaglit na sa isip ko. Game naman si Nanay Nilda na ikwento sa akin ang lahat at isa pa nadyan din sila Lorraine at Carl na handang sumagot sa lahat ng mga katanungan ko.Araw ng friday, abala kami ng mga bata sa swimming pool ng makita ko ang parating na isang binabae.. Tulala lang akong nakatitig dito at pilit kong iniisip kung saan ko nga ba sya nakita."Ayyyy nandito si Tita Erika!" excited na wika ni Lorraine at umahon pa talaga ito sa pool para salubungin ang bagong dating. Nakita ko ang paghalik nito sa pisngi ni Lorraine at ang pagturo ng bata sa gawi ko. Agad naman itong lumapit sa kinaroroonan ko at kitang kita sa mga mata nito ng matinding pagkagulat ng habang titig na titig sa akin."Abby? Nagbalik ka?" wika nito. Umahon ako sa pool at isunuot ang roba bago nakangiting
ABBYNakita ko ang pait sa mga mata ni Luther ng sabihin ko ang katagang iyun. Pero wala na akong pakialam pa. Masyadong masakit sa akin ang ginawa nito. Akala ko maaayos na ang pamilya namin pero mukhang nagkamali ako. "Abby..mag-usap tayo..please..I know..inaamin ko kasalanan ko dahil muil akong nagpadala sa tukso but please..pag-usapan natin ito. Ayusin natin ito alang alang sa mga bata." nagsusumamo nitong wika. Pagak akong tumawa sa kabila ng pagtulo ng luha sa aking mga mata. "Wala ng dapat pang ayusin Luther dahil hindi na maaayos ang pamilyang ito. Total naman mahigit dalawang taon akong nawala sa buhay niyo ng mga anak natin, bakit hindi na lang natin ituloy-tuloy iyun...." sagot ko dito. Napatiim bagang ito at tinitigan ako sa mga mata."What you mean? Diretsuhin mo ako...ano ang gusto mo para mapatawad mo ako?" tanong nito."I want a devorce. Tuluyan na tayong maghiwalay. Ayaw ko ng magpagapos sa kasal na ito Luther...palayain na natin ang mga sarili natin sa kasal na ito
ABBY POVHindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero nagising ako sa malakas na pagtunog ng aking cellphone. Ito yung cellphone na nakuha ko sa loob ng walk in closet ng kwarto ni Luther. Pupungas-pungas kong tiningnan kong sino ang tumatawag at pangalan ni Luther ang nakarehistro. Hindi ko sinagot at diretso akong bumaba ng kama at naglakad papuntang banyo. Hangat maaari ayaw ko munang makipag-usap sa kanya. Masyado pang sariwa sa alaala ko ang nakita ko sa kanyang opisina at kahit na anong gawin ko nakatatak na iyun sa aking isipan. Agad akong naligo pagkapasok ng banyo. Gusto kong gumaan kahit papaano ang aking nararamdaman sa pamamagitan ng pagbabad sa tubig. Alam kong kahit na anong gawin ko hindi mawawala ang sakit ng kalooban ko. Niluko ako ng asawa ko sa tatlong araw na muli ko siyang nakilala at hindi ko alam kung bakit nag-rereact ng ganito ang puso ko. Hindi ko alam kung ilang oras akong nagbabad dito sa banyo. Hinayaan ko lang na bukas ang shower at diretsong pina
ABBYHindi maalis-alis ang ngiti sa aking labi ng makita ko kung gaano kasaya ang kambal na sina Lorraine at Carl. Lahat ng mga bagay na gusto nila ay agad na binibili ni Luther. Alam kong kalabisan na iyun dahil mukhang hindi naman talaga nila kailangan ang mga bagay na iyun pero dahil kaya naman ibigay ng kanilang ama ang lahat hindi ito nagdadalawang isip ng bilhin ang mga iyun."May gusto ka bang bilhin?" nagulat ako ng biglang magsalita si Luther sa tabi ko. Simula kasi ng umalis kami ng mansion, hindi na kami nag-uusap. Hinahayaan lang namin ang mga bata ang magsalita ng magsalita. Hindi ko alam pero kumukulo pa rin ang dugo ko tuwing sumasagi sa isip ko ang mga nakita sa office nito kahapon. Parang nakapagkit na ito sa aking isipan at kahit na anong gawin ko hindi na mabura-bura sa balintataw ko."Wala.." maiksi kong sagot. Narinig ko ang malakas ng pagbuntong hininga nito tsaka muling itinoon ang attention sa mga naglalarong bata."Galit ka pa ba sa akin?" muling tanong nito.
ABBY POVNakaharap ako sa papalubog na araw. Pagkatapos na madamdaming pag-uusap namin kanina ni Luther hindi ko pa rin alam kung ano ang mararamdaman ko ngayun. Mahal ko siya. Pero hindi ko alam kung kaya ko bang magbulag-bulagan sa mga nakikita ko dito. Likas na siguro dito ang pagiging babaero. Galing mismo sa kanyang bibig na gumagamit ito ng ibang babae kapag wala ako. Isa pa natatakot akong baka muli akong masaktan kapag magtiwala muli ako dito.Parang gusto ko na lang na maging kaswal ang pagsasama namin. Maging magkaibigan at sabay namin palakihin ang mga bata. Parang ayaw ko ng magsama kami katulad ng isang mag-asawa.Oo mahal ko siya. Pero ayaw kong tuluyang mawala ang tiwala ko dito. Hindi ko lubos maisip na may iba siyang babaeng kinakalantari kapag wala ako. Hindi sa lahat ng oras nasa tabi niya ako. Ayaw ko ng lalaking nagbabanggit ng pagmamahal sa akin pero kaya pa ring maghanap ng iba."Abby?" napakislot pa ako ng marinig kong nagsalita si Luther sa likod ko. Napaling
ABBY POVTahimik akong nakamasid kay Luther habang may kausap ito sa cellphone. Hindi ko alam kung sino ang kausap nito pero ramdam ko ang tensiyon nito habang galit na sinasagot ang kung sino man ang nasa kabilang linya.Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo ng marinig ko ang pagbanggit nito sa dalawa kong anak. Mukhang ang kidnappers ang kausap nito kaya naman lalo ko pang tinalasan ang aking pandinig."Hindi! Hindi ako papayag sa gusto mo! Alam kong ikakapahamak ni Abby ang gusto mong mangyari!" Sigaw nito. Agad akong nakaramdam ng matinding kaba ng banggitin nito ang pangalan ko. Hindi ko maintindihan pero mukhang kilala nito ang kanyang kausap. Mukhang kilalang kilala ni Luther ang dumukot sa mga anak namin. Agad akong naglakad palapit dito. Hinintay ko munang matapos nito ang pakikipag-usap bago ako nagsalita."Tumawag na ang mga kidnappers? Ano ang gusto nila?" agad na tanong ko kay Luther. Napansin ko pa ang pagkagulat sa mga mata nito nang tumingin sa akin. Hindi marahil nit
ABBY POV"Mommy!" naramdaman ko ang paghaplos ng maliit na kamay sa aking mukha. Unti unti kong idinilat ang aking mga mata at tumitig sa dalawang mukha na nasa harap ko. Wala sa sariling napabangon ako at mahigpit silang niyakap."Lorraine, Carl.." bulong ko. Hindi ko mapigilan na mapaiyak ng malakas. Nandito na sila. Nandito na ang mga anak ko. Nagkatotoo ang pangako sa akin ni Luther. Gagawin nya ang lahat para ligtas na maibalik ang mga kambal"Baby..ok lang ba kayo? Hindi ba kayo sinaktan ng mga taong dumukot sa inyo?" tanong ko habang umiiyak. Agad silang umiling."Hindi po Mommy. Basta na lang nila kami iniwan sa church." sagot ni Lorraine. Natigilan ako at iginala ang tingin sa paligid."Nasaan si Daddy nyo? Siya ba ang sumundo sa inyo doon?" tanong ko. Agad na umiling ang kambal."No po Mommy. Yung priest po ng church ang naghatid sa amin. Hindi pa po namin nakikita si Daddy. Dumiritso na kami dito sa room pagkadating namin." sagot ni Carl. Wala sa sariling tumingin ako sa or