Ilang araw na ang lumipas simula noong birthday ng anak ni Judd at Kassy. Wala akong ibang ginagawa kundi ang mag pauli-uli sa loob ng aming bahay. Wala rin naman kasi akong lakad kaya no choice kundi ang tumambay lang muna dito. Napagpasyahan ko rin kasi na ulukan si Justine na lumipat muna kami sa bahay namin dati at pumayag naman s’ya. Mas ginusto ko na dito na lang muna kami kahit pansalamantala dahil kapag nakamit ko na naman ang gusto ko para sa mga magulang ko ay may kanya din namang daan na gustong tahakin si Justine, kaya hindi ko na s’ya kailangan pang harangan para doon.Iniisip ko pa rin hanggang ngayon kong paano ko mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng pamilya ko, at hindi rin ako naniniwala na patay na ang anak ko.Lahat naman siguro ng ina ay iisipin o mananalangin na buhay ang kanilang anak lalo’t sa ganitong mga pangyayari, di’ba? Pero 5 na buwan pa lang noon ang baby bump ko, hindi malayo na patay na nga ito pero sana may puso si Judd ng mga araw na yon at naga
Nagising ako at bumungad sa aking mga mata ay ang puting kisame, ilang beses pa akong napakurap bago inilibot ang paningin sa kabuuan. Tumama ang aking mga mata sa lalaki na nakahiga sa upuan doon, mahimbing ang pagkakatulog at may ilang sugat sa mukha. “J-justine.” imik ko ngunit hindi ito agad nagising. “J-Justine.” Bigo pa rin ako sa pagtawag dito sa padalawang beses. I was immediately distracted ng magbukas ang pinto at lumabas doon ang lalaki na hindi ko inaasahan na makikita. Suot nito ang tipid na ngiti sa labi habang may bitbit na basket na naglalaman ng iba’t-ibang uri ng prutas.“W-why are you here?” Mahinang boses na tanong ko. Humakbang naman ito palapit at nilagay ang basket na dala sa side table malapit sa hinihigaan ko. “Does anything hurt? Tatawag ba ako ng doctor?” Magkasunod na tanong n’ya sa akin. Halata sa mga mata nito ang pag aalala kaya umiling naman ako at nakita ko ang paghinga niya ng maluwag.“Bakit ka nandito?” Mahina pang tanong ko. “He saved us, Sa
“I missed you.” Napakagad ako sa sariling labi dahil sa salita na binitawan ni Judd. Rinig ko pa ang paghinga nito ng malalim na kasalukuyang pareho lang kami ng paghinga. Malalim at akala mo’y kakapusin. Hindi naman ako sumagot bagkos ay pinakinggan ko lang ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso na akala mo’y lalabas na sa kanyang dibdib. Namayani ang katahimikan sa paligid ng ilang minuto. Tumunghay ako at sinilip ang kanyang mukha, nakita ko itong payapa na natutulog. Nangkameron naman ako ng pagkakataon para umalis sa ibabaw ni Judd kaya marahan kung itinuon ang dalawang kamay sa magkabila nitong gilid at maingat na gumalaw. Ngunit ganun na lang ang aking gulat ng ilagay ni Judd ang kanyang dalawang kamay sa aking likudan at mahigpit na niyakap. Tiningnan ko siya sa mata at agad itong nagmulat bago ngumiti sa akin ng may mapanurang ngiti. Pwersa akong nagpumiglas ngunit agad niya akong pinaikot at dinala sa kanyang ilalim na ngayon siya ay nasa ibabaw ko na.“I love you, Samant
I marked the calendar inside my room. It's day 25 at hindi ko pa sila nakikitang muli. Walang communication man lang at ni isang paramdam ay wala akong naramdaman mula kay Judd. Walang gabi ang hindi ako umiyak para lamang alalahanin ang aking anak at ina, pati na rin si Judd. Minsan napapatanong na lang ako kung kamusta na ba sila, kung nakakatulog ba sila ng maayos, kung nakakakain ba sila ng masustansyang pagkain lalo na si Shayla.Marami pa ring katanungan ang bumubuo sa aking isipan na hinding-hindi ko naman malaman kung ano ba ang sagot doon. "Water." Justine said. Tulad ni Justine ay nag iba na ang ugali nito. Hindi na siya ang Justine na nakasama ko ng isang taon sa US. Bumalik na siya sa dati noong una kaming nagkasama at pinatulog ako sa condo niya. Walang buhay ang bawat salita at parang hindi kayo naging close kung makipag usap. "Thank you." Sagot ko at binuksan ang mineral water na kanyang binigay bago nilagok 'yon."Ayoko ng mahina Samantha." Buo at walang emosyon na
Sobrang sakit sa kalooban na ihatid ang taong mahal mo sa kanilang hantungan. Hantungan na kung saan ay maaaring hindi mo na buksan, hindi mo na sila makikita magpakaylan man at kung dumating man ang araw o ilang taon na pwede itong silipin o buksan hindi na sila kagaya noon na maganda at buo ang buong kalamnan. Parang kaylan lang iniisip ni Sam kung paano niya sisikmurain ang lahat ng nangyari sa kanyang buhay. Ilang beses siyang nagluksa pero may mas sasakit pa pala lalo’t nasaksihan niya ang lahat, nandun siya sa eksena kung saan wala ng buhay ang kanyang ina. “Nakikiramay ako Sam.” Tumango lamang siya sa sinabi ni Christine at tinalikuran na din ito kaagad. Sa mga panahon na ito ay gusto niyang mapag isa, gusto niyang isipin kung ano ba ang dapat niyang gawin. Hindi pa dito nagtatapos ang lahat, hindi pa natatapos ang laban niya at kung dumating man ang panahon gusto niyang mawala si Kassy dahil sa kabayaran ng mga mahahalagang tao na kinuha nito sa kanya. “Can you please ea
“Can you help me again.” Walang pag aalinlangan na tanong ko kay Justine, nilagok nito ang iniinom na kape hanggang sa maubos yun at walang buhay na tumingin sa akin habang naiiling. Umalis ito sa kanyang pag kakaupo at tinalikuran lamang ako. Sinundan ko naman ang kanyang papalayong bulto hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko. Marahil siguro ay kahit ito ay napapagod na rin na pakisamahan ako, pero sino bang hindi mapapagod kung ako nga mismo ay napapagod na rin lalo’t puro palpak lang ang nangyayari. Sumandal ako sa sofa at doon ipinagpahinga ang aking ulo bago ipinikit ang mga mata. “Wear this.” Napamulat ako ng mata ng magsalita si Justine. Nakasuot ito ng jacket at may dalang maleta. “Why? Saan ka pupunta?” Taka na tanong ko, dahil biglaan yata ang magiging pag alis nito. “Kasama ka, kaya bilisan mo na ayoko ng mabagal.” Napatanga ako sa kanyang sinabi. “Hindi ba pwede na magpahinga muna tayo?” May pagmamaktol na tanong ko pa. “Sa byahe kana magpahinga. Let’s
Nagising ako bandang alas nueve na nang umaga. Nag inat pa bago napagpasyahan ang bumangon ng maramdaman ang pangkalam ng aking sikmura, napasapo naman ako sa aking tiyan at napangibit. Kumain naman kami ni Justine kagabi pero heto at nagugutom ako. Hindi naman maiwasan ang malungkot dahil sa na receive na email kagabi. Hindi yun totoo, si Kassy lamang ang nag send noon upang saktan na naman ako. Kinagat ko ang pangibabang labi upang hindi umalpas ang aking hikbi. Isinuot kung muli ang damit na suot ko kahapon at lumabas na ng unit. Pumunta ako sa katapat na unit bago kumatok ng tatlong beses. Halos mangalay ako kakakatok dahil sa tagal kumabas ni Justine. Nakalutang naman sa ere ang aking kaliwang kamay ng biglang nagbukas ang pintuan kaya agad ko ayong binaba. Nag iwas naman agad ako ng tingin ng makita na walang saplot pang itaas si Justine."What?"masungit na tanong niya sa akin. "Gutom na ako, magdamit ka muna." Sita ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang pag alis niya sa pwe
Hindi ako makapaniwala sa taong kasama ko ngayon. Nandito kami sa isang bakanteng kubo hindi kalayuan sa aking tinutuluyan na hotel. “What are you doing here?” Judd asked me pero ang kanyang mga mata ay nakatuon sa tuhod kung kanyang ginagamot. “Isinama ako dito ni Justine.” Sagot ko pa. “Asan si Shayla?” Tanong ko pa at nakita ko na natigilan siya sa aking naging tanong. “Bumalik kana sa manila, hindi mo kailangan na nandito ka.” Naguluhan ako sa kanyang sinabi. “Ikaw bakit nandito ka?” Balik tanong ko sa kanya. Tumayo naman ito at inalis ang tuhod ko na nakapatong sa kanyang binti. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at huminga ng malalim bago sinulyapan ako at ibinalik ulit ang cellphone niya sa kanyang bulsa. “Ihahatid na kita.” Walang buhay niyang sabi sa akin at hinawakan ako sa braso. Tinabig ko ang kamay niyang yun at pinakatitigan siya sa kanyang mga mata. “Pwede bang sabihin mo sa akin lahat Judd? Gusto kung makita ang anak ko.” May diin ko na sambit sa k
Kahit anong papansin ko kay Judd ay hindi niya talaga ako pansinin, hindi naman kasi sa gusto ko lang magpapansin syempre para maging aware din sana siya na hindi naman mapapagkatiwalaan si Kassy lalo na't engage na silang dalawa. "Anong gagawin ko?" Tanong ko sa aking sarili habang nag mumukmok dito sa loob ng aking kwarto.Dinampot ko ang aking cellphone na nasa ibabaw ng kama at sinubukan na tawagan si Judd, ilang ring pa ay may sumagot noon. "Hello?" Bungad ko. "What do you want." Malamig na tanong niya sa akin. Napalanunok naman ako dahil pamamaraan ng kanyang pagsasalita."Pwede ba tayo mag usap?" Muli ay tanong ko. "I'm busy, Sam sa ibang araw na lang. Bye." Parang may dumurog sa aking puso dahil sa narinig. Hindi naman siya ang Judd na nakilala ko, Judd na hindi ako kayang tanggihan at pagpatayan basta-basta ng tawag. Pero anong nangyari? Kasalanan ko ba talaga lahat? Wala na ba akong karapatan na maging masaya samantalang siya ay nagpapakasaya sa piling ni Kassy? Tapos
Pinilit ko namang isipin na ang lahat ng iyon ay dahil sa kapatid lang ang turing sa akin ni Judd. Na ang gabi na yun ay isa lamang sa mga paglalambing niya sa akin. Napag pasyahan ko na rin na idistanya ang sarili ko sa kanya dahil kahit papaano ay alam ko naman na mali ang aming ginagawa. I mean, hindi na tama bilang sa isang magkaibigan lang. Ayoko na rin na malaman pa ni Kassy ang tagpo na yun at magkagulo pa silang dalawa ni Judd kaya kahit nasa malayo ay akin na lang tiningnan ang aking mahal na kaibigan. “Malungkot ka ata ngayon?” tanong sa akin ni Bianca habang kumakain kami dito sa canteen. “Bakit naman magiging malungkot? Pagdadahilan ko. “Wala napansin ko lang naman.” Sagot pa niya sa akin. Kumagat naman ako ng burger na aking binili at marahan na ngumuya. Napalingon pa ako sa malawak na glass nitong canteen na makikita at matatanaw ang mga tao na nagdaraanan. Nakita ko si Judd at Kassy na magkahawak ang mga kamay kaya agad naman akong nag iwas ng tingin. Dahil kung s
Samantha’s Point of View I was busy brushing my hair when Bianca approach me. “Tara sa gym!” Kulbit sa akin ni Bianca. “Ano naman ang gagawin ko doon?”Tanong ko sa kanya. “Ay, na late kana sa balita? May laro ngayon ng volley ball sa gym at mainit raw ang magiging laban.” Napaisip ako sa kanyang sinabi, dahil paborito ko rin ang laro na volley ball kaya nga lang medyo masakit ang aking puson dahil sa buwanang dalaw. “Kayo na lang, dito na lang muna ako.” Sagot ko na ikinanguso naman niya. “Bahala ka nandun pa naman ang ultimate crush mo.” Nanlalaki ang aking mga mata sa binitawan na salita ni Bianca. Agad akong tumayo kahit medyo naiilang sa aking buwanang dalaw ay lumapit ako ng mabilis kay Bianca at tinakpan ang kanyang bibig. “Ano ba ang sinasabi mo?” Naiinis ko na tanong sa kanya. Sinanggi naman ni Bianca ang aking kamay na nakatakip sa kanyang bibig kaya natanggal ang kamay ko doon. “Uy, aminin mo na kasi na crush mo ang volley ball captain ng Team A.” Malakas na sabi ni Bia
After 3 years“Judd nasaan na ang diaper ni Val?” Hiyaw ko. “Teka lang, hon!” Sigaw niya sa kung saan.Kahit naka aircon na ang kabuuan ng kwarto ng mga bata ay tagaktak pa rin ang aking pawis. Nagyakag kasi si Shayla na pumunta ng mall at hindi napayag na hindi kasama ang kanyang tatlong kapatid.“Ang dami ng tae mo anak.” Rinig kung sabi ni Judd habang papalapit sa aming pwesto. “Tumae na naman ikaw ha Veron.” Natatawa kung sabi at kiniliti ito na siya namang ikinautas niya ng tawa.“Mom, are they done?” Singit ni Shayla na ngayon ay nakadungaw sa may pintuan. “Wow, ang sexy naman ni ate ah!” Komento ko at nagpaikot ikot pa siya sa aming harapan ni Judd.“Ay baka may naiibig na ha.” Suway ni Judd na agad ko namang hinampas sa kanyang braso. “Ouch!” Daing pa niya.“Anong sinasabi mo? Sa bata pa ni Shayla naiibig agad?” Naiinis kung sabi sa kanya bago binihisan ang mga bata. “Tulungan mo ako dito huwag kang tumunganga.” Sabi ko pa na ikinanguso naman niya.Habang ang mga bata ay aking
Kassy's Point of ViewI never thought we would reach this far. Ang akala ko pa noon ay isa lang akong kontrabida sa kwento ng buhay nilang dalawa. Yes, dumadaan naman sadya tayo, pero hindi ko nilalahat. Dumadaan tayo sa punto na pinipili natin ang maging masama o magpakasama dahil sa katayuan natin sa buhay. Pero lahat ng yun ay pwedeng mabago kung patatakbuhin ng maayos ang ating isip at iisipin din kung ano ang pwedeng kahinatnan sa bandang huli. Mas pinili ko ang mag pakatotoo at pinili ang kabutihan na sana noong una pa lang ay aking ginawa upang hindi na nauwi sa malaking pagkakamali. Ang habol ko lang talaga noon kay Kuya Judd ay pera pero wala sa plano ang pagpayag na magpakasal sa kanya. Sadyang hindi lang mahirap magustuhan noon si Kuya Judd kaya siguro nagpadalos-dalos rin ako kahit na mayroon akong karelasyon ng mga panahon na yun at yun nga ay si Jacob. When Ate Samantha stop our marriage, galit lamang ang naramdaman ko noon sa kanya and came to the point that I accur
"Kas! Make it fast naman! Kanina ka pa diyan sa banyo kulang na lang diyan kana tumira!" Inis na sigaw ko mula dito sa labas ng banyo. "Patapos na!" Sigaw niya pabalik sa akin. "Saan mo ba kasi nabili yun? Dinamay mo pa ako!" Inis ko na sabi. "Basta ko lang siya dinampot doon sa market." Natatawa na sabi niya sa akin. "Bilisan mo na at kanina pang naghihintay ang ibang investor sa conference!" Sigaw ko pang muli. Hindi na niya ako sinagot at nakangiti na siya ng lumabas ng banyo habang inaayos ang parag-an ng kanyang T-shirt. Tinulak ko pa siya ng bahagya bago nagmadali na pumasok sa banyo. "Magdahan-dahan ka nga ate! Ako na naman ang malilintikan sa asawa mo kapag nadulas ka!" Suway niya sa akin ngunit isinara ko ang pintuan ng banyo ng sobrang lakas huli na ng mapagtanto kung ano ang amoy na naiwan ni Kassy sa loob ng banyo. "Ang baho!" Sigaw ko at dinig na dinig ko ang malakas na tawa niya mula sa labas. Bwesit! Makakaganti rin ako sa kanya! Ilang buwan ang lumipas matapos ku
Dalawang beses ko ipinaling ang aking ulo, sa pagmulat ng aking mata ay kadiliman agad ang sumalubong sa akin. Idilat ko man ang mga mata ay para pa rin akong nakapikit. Hindi naman maiwasan ang napahikbi ng maalala ang mga nangyari. Ang hikbi na pinipigilan ay kusang lumakas hanggang sa nabalot na ng iyak ang lugar kung nasaan ako. Pero isa lang ang matitiyak ko, nasa isang silid ako dahil sa echoe na nililikha ng pag iyak ko."Tulong!" Iyak na sigaw ko. "Judd! Tulungan niyo ako!" Iyak ko pa ngunit pakiramdam ko ako'y humingi ng tulong pero nakalubog sa isang napakalalim na hukay at walang pag asa na may makakita o makarinig man lang. Iyak lamang ako ng iyak hanggang sa makarinig ako ng pagbukas ng pintuang bakal base sa bigat at ingay ng buksan ayon ng kung sino. Pinakiramdaman ko ang buong paligid ng makarinig ako ng isang mabigat na yabag ng paa. "Sino yan!?" Sigaw ko ngunit hindi pa rin naimik kung sino man ayon. Halos kilabutan ako ng maramdaman ang malamig na bagay mula sa a
Hanggang sa supamit ang gabi ay napagpasyahan na ni daddy ang magpaalam at umuwi raw kuno sa kanyang tinutuluyan na bahay, pinilit ko pa siya na dito na lang matulog ngunit talagang hindi ko siya mapigilan. Ika nga sa mga kasabihan ay mahirap pilitin ang aayaw. "So kelan niyo balak bumalik?" Tanong ko habang nakatayo sa may harap ng gate dito sa labas ng aming bahay. "Basta tatawag ako. May inaasikaso lang kasi si daddy, princess." Nakangiti niyang usal at inigay ni daddy ang kanyang palad sa aking pisngi at pinahid ayon, hindi ko na namalayan na may tumutulo na palang luha sa aking mga mata dahil na rin siguro sa pananabik at pangungulila ko sa kanya."But make sure you are always safe." Humihikbi na sabi ko at tumago lang siya sa akin. Naramdaman ko naman ang presensya ni Judd mula aking likudan at hinawakan ako sa aking magkabilang braso. Napansin ko pa ang bahagyang pagtungo ni Judd sa aking ama at ganun din si Daddy bago tuluyan ng tumalikod sa aking pwesto at sumakay sa kanyang
Naging maayos ang ilang araw na pamamalagi ni Kassy, hinayaan ko muna na tumita silang mag ina sa bahay ko at kami naman ni Judd at Shayla ay lumipat na dito sa aming mismong bahay. Si Mommy Jasmin naman ay mas pinili na samahan nalang si Kassy para kapag naalis si Kassy ay bantay si Julius at may ilan ring mga butler ang nagbabantay sa bahay para sa kanilang siguridad. Ngayong alam ko na buhay si daddy, nagtataka pa rin naman ako kung bakit hindi pa rin niya maisipan na magpakita sa akin. Ang kasalanan naman na ibinintang kay Judd ngayon ay naayos na at napatunayan na wala siyang kasalanan kundi si Jacob talaga. Pinaghahanap na ito ng mga kapulisan kaya medyo panatag na ang loob ko dahil hindi lang kami ang nakakaalam ng tungkol kay Jacob, kundi pati na rin ang mga kapulisan ay hinahanap ito."Mommy, can you open this for me. Please." Kinuha ko naman ang candy na hawak ni Shayla bago binuksan ayon. "Brush your teeth pagkatapos kumain ng candy okay." Paalala ko at tumango naman siy