Share

Take Me Home

Author: MisisDChinita
last update Last Updated: 2025-02-25 21:53:40
Dalawang linggo na pala ang nakalipas, tunay ngang mabilis lang ang araw. Sa dalawang linggong iyon ay hindi pa rin bumabalik si Stefan, palagi naman akong kinakausap ni Tita Zarina para malibang ako. Lumipat na rin ako sa bahay nila ni Tito Savion, ngunit nagbigay daan muna silang dalawa para magkaroon daw ako ng privacy kahit okay lang naman talaga na kasama ko sila sana, ngunit pinili na lang din nilang lumipat sa isa pa nilang rest house.

Itong bahay na ito ay kay Tita Zarina, malaki rin may apat na kwarto, may malaking sala at may dalawang kusina, ang isa ay nasa loob ng bahay at ang isa naman ay nasa labas, na kung tawagin nila ay dirty kitchen.

Gusto ko sanang bumangon ngunit parang hinihila pa rin ako ng higaan. Ilang araw na rin ako ganito na parang tamad na tamad kung kailan naman ako pumapasok na ulit sa Lions University.

Oo, tama kayo ng nabasa, bumalik na ulit ako sa pag-aaral dahil na rin sa tulong ni Tita Zarina, kahit nung una ay alangan din talaga ako kung babalik ba
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • The Billionaire's Weakness, Calliste   Get Back To Me

    “Calliste! Naririnig mo ba ang sarili mo?!” Galit na sigaw sakin ni Myla ang kaibigan ko magmula ng lumipat kami dito sa Taguig. “Oo, alam ko na ang ibig mong sabihin pero wala akong magawa, wala akong magawa dahil hindi naman ako tapos ng pag-aaral.” Huminga ako ng malalim at pilit kong iniharap siya sakin at tinitigan ko siya sa kanyang mga mata, “Myla, alam mong lahat ay gagawin ko para kay Raya.” Alam kong mali ngunit kung ito lang din ang paraan para magkaroon ako ng extra income para sa aming dalawa ni Raya gagawin ko. Wala naman na akong pagkukunan ng pera dahil na rin sa maaga kaming iniwan ng mga magulang namin dahil sa nangyari sa kanilang car accident. May tumutulong samin na isang matandang lalaki ngunit hindi naman siya nagpapakilala, at nahihiya na rin akong iasa sa kanya ang mga gastusin namin sa pang araw-araw. “Maraming trabaho kasi Calliste! Bakit kailangan mo pang magbenta ng sigarilyo sa isang bar?! Bakit kailangang sa bar ka pa sumayaw?!” Sumigaw na naman siya

    Last Updated : 2025-02-27
  • The Billionaire's Weakness, Calliste   Last More Chance

    “Excuse me, Sir. Pero hindi naman yata kasama sa kasunduan ang laitin mo ako?” Sabi ko sa kanya at tiningnan ko siya, ngayon ko lang na appreciate ang itsura niya. Gwapo siya, bagay sa kanya ang jawline niya, at kahit na medyo madilim dahil dim light lang ang nakabukas sa hallway ay kita ko pa rin ang mga mata nyang kulay amber, makapal na kilay na akala mo isa siyang model. “And for your information, original ang Nike shoes ko. Sadyang matagal na kaya akala mo lang ay peke.” Bagay sana ang kanta ni Daniel Padilla na ‘Nasa Iyo na ang lahat’ sa kanya. Hindi talaga nagbibigay ang Dios ng perfect na tao. Dahil ang ugali niya ay panget!Pero sige dahil kailangan ko ng pera, titiisin ko ang ugali niya. “Whatever.” Tanging sagot niya lang at tumalikod na siya sakin para pumasok sa unit niya. “Sumunod ka sa akin.” Ito na naman ang boses nyang may awtoridad. Sumunod na lamang ako sa kanya habang ginagala ko ang mga mata ko sa paligid ng hallway papunta sa unit niya. Napakaganda talaga, kung

    Last Updated : 2025-02-27
  • The Billionaire's Weakness, Calliste   The New Chapter Of Her Life

    Hawak pa rin niya ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa kanyang sasakyan. “Saan natin siya pupuntahan?” Basag niya sa katahimikan. “S-Sa amin, malapit lang din sa amin.” Bahagya pa akong nalito sa aking isasagot. Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin, “N-Stefan?” Utal kong tawag sa kanya. Tiningnan naman niya ako diretso sa aking mga mata, “what?” “Yung k-kamay ko.” Nahihiya kong ani, halos manlaki naman ang mga mata niya nang ma-realize niya ang sinabi ko. Binitawan niya agad ang kamay ko at umikot na sa driver seat na parang walang nangyari. Kaya naman sumakay na rin ako. “Saan tayo?” “Sa Dreamland po.” “Oh, I have a house in Mckinley–”Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil tumunog ang kanyang cellphone. Nang makita niya sa screen ang tumatawag ay halos hindi na niya alam kung paano sasagutin ito. Tumingin siya sa akin at sinenyasan niya akong ‘wag akong maingay. “H-Hi, babe!” Bati niya sa kabilang linya. Si Cerise pala ang tumatawag kaya naman pala si

    Last Updated : 2025-02-28
  • The Billionaire's Weakness, Calliste   She Ruins Us

    Hindi ako makagalaw, nananatili pa ring pikit ang aking mga mata. Hindi ko rin alam kung pwede na ba akong dumilat, ang tanging alam ko lang ay hinayaan ko na lang siya sa nasimulan kong halik sa kanyang labi. Mariin akong pumikit, ayaw man ng katawan ko ngunit pumasok na lamang sa isip ko ang ginawa ko. Sh*t! Malakas ko siyang itinulak kahit na hindi naman siya ang may kasalanan. “S-Sorry!” Sabi ko sa kanya habang hawak ko ang aking labi at dali-dali akong lumabas ng kanyang unit. Jusmiyo! Calliste! Nasisiraan ka na ba ng bait?! Inis kong sabi sa aking sarili. Nakaramdam ako ng matinding init sa aking pisngi. Bakit ko iyon ginawa?! Bakit ko hinanap bigla ang labi niya?! Hindi pwede! Wala pang dalawang araw pero mukhang mawawalan ako ng trabaho sa ginawa ko!Anong sasabihin ko pagbalik ko?! Sorry, Stefan. Pero ang sarap ng halik mo?!Sa sobrang taranta ko hindi ko na namalayan ang pagkagat ko sa aking kuko na wala na talagang pag-asa na tila mawawala na rin ito sa mapa. Sh*t! Pu

    Last Updated : 2025-02-28
  • The Billionaire's Weakness, Calliste   Fortuna Beach Resort

    Almost two weeks na… sa halip na gusto kong ipaalala ang sarili ko kay Stefan bilang kababata niyang si Calliste ay hinayaan ko na lang siyang kilalanin ako bilang Cerise. Kasalanan ko naman yata iyon dahil ayun ang sinabi kong gusto kong pangalan noon para unique. Ngayon, talagang pinagsisisihan ko nang gustuhin ang pangalang Cerise dahil dito. Ang dami na rin naming napuntahan kung saan-saan lang, ilang beses na akong nag suggest na pumunta sa Batangas, para sana ipaalala manlang sa kanya ang ginagawa at pinupuntahan namin noon pero ayaw niya. Ayaw niya rin mag hiking. Ayaw daw niya kasi ng napapagod siya. Ayaw daw niya ng naglalakad siya ng mahaba, sabi ko kasi sa kanya ito ang madalas naming gawin ang umakyat sa bundok-bundok kung tawagin namin na gawa lang sa mga buhangin na pinagpatong-patong noon para mag mukhang bundok at sisigaw kami kung anong gusto naming isigaw noon. Tapos bababa kami nang nagtatawanan kasi mukha kaming mga ewan, pero at the same time nailabas namin ‘y

    Last Updated : 2025-03-01
  • The Billionaire's Weakness, Calliste   Can We Rewrite Our Story?

    Ano kayang magiging reaksyon ni Stefan kapag nakita niya ang kapatid ko. Humiwalay siya sa pagkakayakap. “Let’s go, bibilhan kita ng dress. I know your size already, I remember how you told me that when we were on a phone call.” Phone call? Ako?“When did I say that?” Umalis siya sa harapan ko at kinuha ang susi ng kanyang sasakyan na nakasabit lang sa sabitan niya ng mga car keys niya sa pader. “You’re so forgetful, baby. Let’s go!” Sumunod ako sa kanya, nang lumabas na siya ng unit niya. Naka jogger pants lang kaming parehas at parehas din kaming naka loose white t-shirt. Naalala ko ang dress at shoe size na binigay niya sa akin na kasyang-kasya sa akin. Ibig sabihin pala. Talagang nakakausap niya si Cerise. Naglalakad na kami papunta sa lobby ng condo, “Cerise wait for me there.” Turo niya sa couch. Bumaling siyang muli sa akin, “I’ll just get the car.” Saka siya umalis. Ginala ko ang mga mata ko at hindi ako nagkakamali, nakatingin ang mga staff nila sa akin. “Tama nga ang

    Last Updated : 2025-03-04
  • The Billionaire's Weakness, Calliste   Strangers

    Hindi katulad kaninang pagpunta namin sa Boracay parang mas naging mabilis ang naging pagbalik namin ngayon sa Manila. Walang imik si Stefan kaya mas mabuti na lang din at hindi siya nagsasalita dahil hindi ko rin alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin dahil alam kong may kasalanan ako at baka mamaya ang sayang nararamdaman kong ito ay talagang panandalian lang katulad ng sinasabi sa akin ni Mama. “Babe…” Naramdaman kong inalis na ni Stefan ang headset ko, kaya nabalik ako sa ulirat. “Babe, we’re here.” sambit niya kaya napatingin ako sa labas at tama nga, nandito na kami sa Lions University. Saan naman kaya kami pupunta? Parang gusto ko na lang kasing magpahinga, para bang mas kailangan ko ng pahinga ngayon dahil nakakaramdam ako ng matinding pagod. Hindi ako nagsasalita hanggang sa makababa na kami sa ground floor. Nang sumakay kami sa kanyang sasakyan ay ganun pa rin, tahimik pa rin akong sumakay kahit pa napapansin ko ang panay tingin niya sa akin.

    Last Updated : 2025-03-05
  • The Billionaire's Weakness, Calliste   Can We Go Back To The Start?

    “I know this sounds selfish, Calliste dahil mas inisip ko pa ang anak ko ngayon kaysa sa nararamdaman mo. Pero thank you for loving him.” Muli niya akong hinaplos sa aking pisngi. “I know, by now… Ansel and Emily are so proud for having you. You are brave, you are fearless… and I am so proud of you.” Nginitian ko siya, para na siyang si Mommy. “Alam kong magiging masaya si Stefan kapag nalaman niyang ikaw nga ang kaibigan niyang matagal na niyang hinihintay. I can’t imagine how you make him smile even though Cerise is not real, the fact that he’s been thinking of you and nilagay niya ang sarili niya sa mundo ni Cerise. I’m thanking her na pinangiti niyang muli ang anak ko and it is you… thank you, Calliste.” She kissed me on my forehead. “You need each other, Calliste.”Nginitian ko si Tita Naomi, tumayo na ako at nakita ko sa labas ng pintuan namin si Khai. “He’s not answering!” Nag-aalala niyang tanong sa akin. “Tara, I think papunta na siya sa Taguig!” Nang sabihin niya iyon a

    Last Updated : 2025-03-06

Latest chapter

  • The Billionaire's Weakness, Calliste   I'm Sorry

    Kunot noo kong tinitigan ang wine glass na nasa harapan ko. "Ahhhhh!" sigaw ko.Buhat yata kagabi pag-uwi ko ay panay singhal at sigaw nalang ang ginawa ko.After that party. Pinipilit ako ni Mommy na mag stay muna sa bahay pero hindi ako pumayag. Dahil una, ayaw kong malaman pa nila ang nangyayari sa'kin, pangalawa hindi rin ako makakahinga ng maayos dahil sa tensyon sa pagitan namin ni Dad.Hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Kinsley sa'kin kagabi.Namumuo ang kaniyang luhang nakatingin ng diretso sa'king mga mata. "I heard everything from Oli, I'm sorry." Niyapos niya ako ng mahigpit. "I'm sorry, I know it's hard for you kasi akala mo siguro maiipit ako sainyong dalawa" Hindi ko na din napigilan pa ang aking mga luha dahil sa ginawa niyang pag yakap sa'kin. "Pero no, I got mad at Olivia because she did nothing to stop her sister. She even supports them." Tinapik-tapik niya ang aking likuran."I'm sorry, I-It's not because I don't trust you but I just don't want to add my problems

  • The Billionaire's Weakness, Calliste   Sunflower Bouquet

    Kinakabahan ako.Hindi nagtagal nakarating na din kami sa Blue gardens. Bumaba ako sa likod kung saan hindi ako makikita ng mga bisita.Wala akong practice practice sa gagawin na program bahala na mamaya."Good evening everyone! Welcome to Blue Gardens! We celebrate a wonderful life for a girl who is now turning into a fine lady. All of you who are here tonight have watched her grow over the years into the wonderful person she is now. As a jumpstart, let us all welcome and acknowledge the ever supportive and loving family of our debutant Mr. Frederick Smith, CEO of Smith Corporation with her loving wife Ms. Amelia Smith" rinig kong sabi ng emcee.Hindi ko na masundan ang mga sinasabi niya. Nagulat nalang ako ng biglang buksan ni Stefan ang pintuan kung saan ako naghihintay para sa grand entrance ko.Iniabot niya sa akin ang bouquet ng white roses at dinampian niya ako ng halik sa aking noo.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na para bang sinusuri niyang mabuti ang aking itsura. "I to

  • The Billionaire's Weakness, Calliste   Life With You

    Sikat ng araw ang tumatama sa aking mukha ng magising ako.Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. "Happiest Birthday, Self" sabi ko sa sarili ko. "Ang wish ko sayo, sana maging matapang kana this time! Kaya ba natin yon?! Syempre! Kaya natin yon!" pahabol ko pa at binigyan ko ng isang mahigpit na yakap ang aking sarili.Hinanap ko ang cellphone ko, hindi ko na kasi inabala pa ang sarili kong icharge o ilagay man lang sa side table ko ang phone ko kagabi.Nasa tabi ito ng surfboard pillow ko ng makita ko ito. "hayy, kahit hindi ako mahal ng nagbigay sayo, basta ako aalagaan pa din kita" sabi ko ng kunin ko ang phone ko at ang surfboard pillow ko.Eleven percent nalang ang battery ng phone ko, meaning kailangan ko na siyang icharge. Napansin kong madami ng bumati sa akin pero ni isa wala akong binuksan na mensahe.Palabas na sana ako ng kwarto ko ng may nag doorbell sa unit ko. Agad naman akong tumakbo dahil baka si Stefan yun at madatnan pa siya nila Dad, mayamaya din kasi papunta

  • The Billionaire's Weakness, Calliste   The Phone Call

    "Why? Is there something wrong??" pag-aalala kong tanong sakaniya."I-It's Mom" utal niyang saad sa akin. "Don't worry... So... Do you like it??" He's referring to the surfboard."SUPER! I've been planning to surf nga after the first semester but I remember naiwan ko yung surfboard ko sa Elyu last year!" bahagya naman akong nalungkot dahil bigay pa sakin yun ni Lola."I know, kaya plinano ko talagang after ng exams natin ko ibibigay" Lumapit siya sa lalaking mukhang may ari ng shop na ito. "Bro! This is Addi the one who owns that name" sabay turo niya sa surboard na nakadantay lang sa pader ng shop. "Addi, this is Geoff he's a swimmer too" ahh kaya pala sila nagkakilala."Ohh! Ikaw pala si Addi, nice to meet you!" sabay lahad niya ng kanang kamay. Abot tainga ang aking ngiti ng tanggapin ko ito. "You know what? Kinukulit ako ng kinukulit nitong si Stefanthy" sabay tapik niya sa balikat ni Stefan. "Gusto niya daw before birthday mo magawa na, kaya tomorrow I'll just send it to your bir

  • The Billionaire's Weakness, Calliste   The Renewal of Vows

    Ang bilis ng araw parang nung nakaraan lang eh ayaw kong pumayag sa party na gaganapin sa debut ko. Tapos eto, bukas na agad iyon.Naging magkaibigan nga talaga kami ni Migs. Nag open siya sa akin nung araw din na nagpakilala siya dahil gusto daw niyang marinig ang side ng babae.Nalaman ko din sakaniyang pinipilit din pala siya ng parents niya sa taong ayaw niya. sa kasal na hindi niya pinangarap. Parehas pala kami. Kaya biniro ko siya nun, na baka mamaya siya pala yung pinipilit din sa akin nila Dad. hahaha hindi pa din daw niya namemeet yung babae parehas kami hindi ko pCallisten namemeet yung guy. Wala din siyang idea sa family name. Kaya kung siya man iyong binabanggit ni Dad mukhang hindi naman siya mahirap pakisamahan. hahahakidding aside...Hindi ako mapakali, habang nakaupo ako sa couch dito sa living room ng unit ko. Pinagmamasdan kong mabuti ang kumikinang kinang na silver sequin gown sa aking harapan. Sinabi ko kay Mom na ayaw kong masyadong magarbo ang isusuot ko. Bukod

  • The Billionaire's Weakness, Calliste   Let's Be Friends, again.

    Wala ka ba talagang alam? Wala ka bang sasabihin o bibigyang linaw? Ayan ang mga bagay na gusto kong itanong ngunit wala akong lakas ng loob. Kaya ko pa... magbulag-bulagan.Nang maaninag ko na ang building ng Condo na tinutuluyan ko ay umayos ako ng pagkakaupo at hinarap ko siya ng nakangiti."Uhh thanks for today, masama lang pakiramdam ko, I guess malapit na 'ko mag red days""You sure?""Yeah, bakit may iba pa bang reason para mawala ako sa mood?" hindi ko na napigilan ang maging sarcastic, kaya tinignan ko siya ng seryoso, kitang kita ko sakaniyang mga mata ang gulat sa naging tanong ko. "hayy nako babe, 'wag kana nga mag-isip pa ng kung ano. Okay lang ako, masama lang talaga pakiramdam ko" nakangiting sabi ko sakaniya."O-okay... If you say so, I'll just text you when I-I got home. okay?" kabadong sagot niya saakin.Ngiti lang ang sinagot ko sakaniya.Lumapit siya sa akin, he kissed me on my forehead.Pumikit ako ng mariin ng halikan niya ako sa aking noo. Kung hindi siguro ako

  • The Billionaire's Weakness, Calliste   I Own Every Inch Of You

    Ilang araw na din ang lumipas matapos mangyari ang eksenang 'yon."Thank God! Tapos na natin ang semester na 'to sigurado akong uno ka nanaman..." hindi ko na masundan ang sinasabi ni Calliste saakin, para bang isang bulong nalang ito dahil lumilipad ang isip ko sa ibang bagay.Hangga't wala akong nakikita o naririnig na bagay na makakapag pagising saakin sa katotoohanan ng realidad hindi ko pipilitin, hahayaan kong panahon ang gumawa nito para saakin."Addi?""Hey? Addi!" sigaw na tawag sakin ni Calliste, kasalukuyang nga pala kaming nasa Espresso Cafe. "Are you with me?" ani niya."U-uh yeah" tipid kong sagot."How's Tito nga pala?""Ayun kinukulit nanaman ako, okay naman ang business namin. Pero hindi ko alam sakanila bakit nila ako pinipilit sa 'di ko gustong gawin." totoo naman... Daddy's girl ako pero dahil sa ginagawa nila saakin ni Mommy para bang nagsisimula ng lumayo ang loob ko sakanila.Kunot noo naman akong binalingan ni Calliste. "I feel you, ganyan na ganyan din sila sa

  • The Billionaire's Weakness, Calliste   My Bestfriend

    "Sorry" sabi ng lalaking parang ngayon ko lang napansin dito.Kunot noo ko siyang tinignan na para bang siya na ang pinakamalas na taong nakasalamuha ko sa araw na ito. Kung nasa mood lang ako ngayon? Pupurihin ko ang lalaking ito kaso sorry siya wala ako sa mood. Kaya naman inirapan ko ito at dali-dali na akong naglakad papalapit sa elevator. TsssHahahaha kung napapansin niyong lagi ko nalang kinakausap ang sarili ko, guys wala akong kasama EVERY FVCKIN' DAY kaya ganito ako. Okay?.So ayun, sigurado akong nasa lobby lang din si Kuya Eric, ang driver ko.Tumunog na ang elevator hudyat na nasa Level 1 na ako.As usual, kanya kanya ang mga pwesto ng mga tao na tumatambay at naghihintay lang din dito sa lobby. Ang iba ay masaya, ang iba ay bagsak ang balikat na nakatulala lang, ang iba naman ay kunot din ang noo habang may tinitipa sa kani-kanilang mga cellphone. Para bang sumasabay sila sa awra ko ngayon, para bang tamad na tamad din sila ngayong araw. Damay damay na 'to. hahahahaNaba

  • The Billionaire's Weakness, Calliste   Darkness

    Nagising ako ng may liwanag na tumatama sa aking mukha. Panibagong umagang puno ng katahimikan na naman ang aking paligid.Tanging ingay lang ng split type inverter ang naririnig ko.Hindi ko pa minumulat ang aking mga mata kahit alam kong may pang umagang pasok ako. Kaya naman tumalikod ako para ang aking likuran naman ang tamaan ng araw."Five minutes... five minutes... five minutes" paulit-ulit kong sabi sa aking sarili hanggang sa hindi ko na namalayan na ang limang minuto na hinihingi ko ay naging dalawang oras.And... as usual late nanaman ako. Oh! Let me rephrase that, absent nanaman ako sa morning class ko.Nagmumuni-muni pa ako ng tumunog ang aking cellphone. It's either Olivia or Calliste ang dalawa kong bestfriend or... Timo ang boyfriend ko. Sila lang naman ang mag-aabalang tumawag saakin.I didn't bother to answer it.Pinili ko nalang bumangon kahit tamad na tamad ako.Kinuha ko ang bluetooth mini speaker ko saka ako pumasok sa CR. Pinili kong kanta ang Jolene ni Dolly Pa

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status