YUJINAGISING ako dahil sa lamig na nanunuot sa balat ko. I thought it was because of the aircon, pero napagtanto ko na hangin mula sa nakabukas na glass door ng valcony ang nagpapalamig sa akin.It's raining outside. Malakas ang ulan at maging ang ihip ng hangin. Hinanap ko si Dos sa buong kuwarto but I realized that I was alone.Nang tingnan ko ang oras sa alarm, nakita kong it's almost 10 na! "Ang tagal ko palang nakatulog!"Dali akong naligo at nagbihis. I need to go to the hotel. Sabay kaming kakain ng lunch ni Dos!Palabas na sana ako ng kuwarto nang mapansin ko ang 3 pink roses sa ibabaw ng bedside table. Napangiti ako nang malapad."Sweet pero halimaw sa kama!" Natatawa akong bumaba na at naghanap ng driver na maghahatid sa akin sa Golden Hotel.Pagdating ko sa floor kung saan ang office ni Dos, nakita kong paalis si Ursula sa table nito. Siya ang secretary ni Dos."Oh, ikaw pala, Miss Yuji.""Nandyan ba sa loob si Dos? O may ka-meeting siya?""Boss is inside, pero kasama niya
YUJI"Bakit ba ayaw mong magpalit ng style ng mga damit? Ano bang pumasok sa kukoti mo't naisipin mong gawin iyan!""Kasi mommy, daddy said I'm a lot prettier in pink clothes. And bagay raw sa akin ang mga pink colors.""Oo! Noong bata ka pa! Pero ngayon? Mukha ka nang tanga! Iyan siguro ang dahilan kung bakit kahit anong audition mo, hindi ka matanggap-tanggap sa mga palabas kahit pang-extra na role lang! And maybe that's also the reason why you don't have friends! People think you're crazy!""But I have a friend, mommy. I have Nina.""Nag-iisa! Nag-iisa mong kaibigan!""I don't need a lot of friends. I don't want to be like Ate Gwen na puro plastic ang friends niya. One is enough, as long as she's true to me.""Gaga! Aanhin mo ang kaibigan na hindi mo naman mapapakinabangan! Look at your Ate Gwen, nakikipag-socialize sa iba! Marunong makipag-plastic-an kaya ang lawak ng connection!""But I don't want—""I don't want you to be like her, Yuji. I want you to surpass her! Kaya si Gwen a
YUJIPANSIN ko kanina pa titig nang titig sa akin si Dos habang kumakain ako at nagc-cellphone. Nakaupo siya sa upuan niya sa likuran ng kaniyang desk. Ako naman ay nandito sa leather sofa.Hindi ko na natagalan ang mga tingin niyang tagos hanggang kaluluwa. Tumayo na ako at nilapitan siya."Why do you keep on staring at me? Hindi ako makapag-cellphone nang maayos nang dahil sa iyo."Hinila niya ang kamay ko hanggang sa mapaupo ako sa kandungan niya nang nakatalikod. Niyakap niya ako nang mahigpit."I'm sorry.""Bakit ka nagso-sorry?""Sa mga nasabi ko na nakasakit sa damdamin mo. I'm such an asshole."Hindi sinasadyang mapalunok ako. Don't tell me, alam na niyang narinig ko ang lahat. But how? Nakakahiya."I'm sorry, wife.""You don't have to apologize. I understand. Hindi talaga madaling tanggapin ang katulad ko.""No. That's not true.""It's okay. Bata pa ako, alam ko nang mahirap akong mahalin.""No, baby. Please, don't say that. Madali kang mahalin. Kung hindi, bakit baliw na bal
YUJIISANG malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Ate Gwen nang makapasok ako sa living room. Tumayo ako nang tuwid sa kabila ng hapdi na nararamdaman ko sa kaliwang pisngi ko.Sa sobrang inis niya ay muli niya sana akong sasampalin but Lily stopped her by grabbing her arm. Marahas naman niyang binawi ang kamay niyang hawak nito."Nagkamali siya but she's still my daughter, Gwen. Don't hurt her.""I can't believe you married that man! Alam mo ang ginawa niya sa akin but you chose to have a one night stand with him?"Mula sa akin ay bumaling naman siya kay mommy."And you, you let her do this?""I'm the one who made her marry that guy."Natigilan si Ate Gwen sa narinig. Buong oras ay nakatingin lang ako sa sahig. Wala akong mukhang maiharap kay ate."You did what? Sinira ng lalaking iyon ang pangalan ko! Bakit mo hinayaang maikasal sila!""I did that for your sister. Paano kung mabuntis siya? Ayaw ko ng disgrasyada sa pamilyang ito."Nanginig ang mga kamay ni Ate Gwen sa narinig.
DOS"Hindi ko maiiwan si Ate Gwen."Matagal akong natigilan sa mga narinig. "Yuji, ano bang sinasabi mo?""Please, go... ""Wife, ano ka ba? Ano ba ito? Halika na. Umuwi na tayo, umuwi ka na sa akin."Lalong bumuhos ang maraming luha sa mga pisngi niya. Nasasaktan akong makita siyang umiiyak. She doesn't deserve this. My Yuji doesn't deserve to be hurt like this."Dos, hindi na kasi puwede. Si Ate Gwen... baka itakwil niya ako."Kumuyom ang mga kamao ko sa narinig."I can't go. I'm sorry.""Hindi ako aalis dito nang hindi ka kasama.""Dos, please, huwag mo na gawing mahirap ito para sa akin.""Mas nahihirapan ako, Yuji! Asawa kita, sa akin ka dapat sumama! Bakit mas iniisip mo pa si Gwen!"Mariin siyang pumikit. Naupo siya sa kama at niyakap ang mga tuhod sa dibdib niya. "Pamilya ko si Ate."Natahimik ako bigla sa narinig mula sa kaniya. I looked at her straight in the eyes. Natatabunan na ng sakit ang pagmamahal na nararamdaman ko para kay Yuji."At ako... hindi? Hindi mo ako pamilya
YUJIMATAGAL akong nanatiling nakatayo sa labas ng Golden Hotel habang nakatulala. Pagod na pagod na akong umiyak. Akala ko, makakapagpahinga ako kapag nandito ako kay Dos. Pero ngayon, siya pa ang dahilan ng pasakit na nararamdaman ko.Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. I looked like a mess. Basang-basa ako. Giniginaw. Wala man lang kapera-pera.Nagpatuloy ang malakas na ulan kaya wala akong nagawa kundi maglakad sa daan habang nababasa. Wala na rin sa akin kahit magkasakit pa ako. Dahil mas grabe ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa puso ko.All this time, may plano pala siya. Kung hindi dahil sa makukuha niya kay mommy, hindi niya ako pakakasalan. At kaya ayaw niyang maghiwalay kami, dahil sa susunod na taon niya pa ako iiwan. How can I be so stupid?"I'm such an idiot. Bakit hindi ko agad napansin? Bakit naging bulag ako sa totoo? Bakit ba ang bobo ko?"Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang snack house kung saan nagtatrabaho si James.Ayaw ko sanang
YUJIDALAWANG LINGGO ang lumipas, saka lang ako nagkalakas ng loob na pumunta sa mansion ni Dos. It was two in the afternoon. I texted him first, letting he know that I'm coming.Siguro kahit alam ko na ang buong katotohanan, nahirapan pa rin akong gawin ito dahil hindi ko kaya. Si Dos, siya ang nagbigay sa akin ng masasayang alaala na kahit kailan, hinding-hindi ko malilimutan.Tinanggap niya ako, minahal, inalagaan at pinasaya. Oo, totoong sumaya ako sa piling niya. Pero hindi ko alam na iyon lang pala ang nag-iisang totoo sa lahat nang pinaramdam niya sa akin.Hindi niya ako tinanggap... at lalong hindi niya ako minahal. It was all an act. And now, even if it hurts me, I'm ready to let him go.Tatapusin ko na ang bagay na sinimulan ko. Tatapusin ko na ang kahibangan na ito. Tatapusin ko na ang kasal namin."Yuji." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Dumiretso na ako dito sa kuwarto niya.Nakikita ko ang lungkot at sakit sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Wow.
YUJINAKAUPO ako sa sahig at nakayakap sa mga binti ko. Nakatulala ako habang malalim ang iniisip. Gusto kong umiyak pero wala nang lumalabas na luha mula sa mga mata ko. Ubos na. Said na said.Ni sa hinagap, hindi ko naisip na magagawa sa akin ni Dos ang bagay na ito. Siya na pinagkatiwalaan at minahal ko. Bakit kailangan ikulong pa niya ako rito kung wala naman siyang pagmamahal para sa akin! Dahil ba sa deal nila ni Mommy?Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ang pagbukas ng pinto at ang mga yabag na papalapit sa akin. Galit akong bumaling sa malayo para makaiwas sa kaniya."Wife, I brought you breakfast.""I'm not hungry."Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. "Yuji, dalawang araw ka nang hindi kumakain. Ni tubig, ayaw mong uminom. Please, stop this. Sarili mo lang ang pinapahirapan mo."Naniningkit ang mga matang nilingon ko siya. "Gusto mo akong kumain? Palabasin mo ako rito!""I can't."Akala ko kanina, ubos na ang mga luha ko. Pero heto't bumubuhos na naman sila habang nak