ISAKulang pa! Kulang na kulang pa ang pagluhod para sa lahat ng nagawa niyang kasalanan. Gusto kong magdusa siya lalo at gumapang sa putikan!"Bakit ikaw lang? Kasama iyang dalawang nasa likuran mo!"Napatingin ako kay inay sa sinabi niya. Ang tinutukoy niya ay sina Gwen at Uno."What? Are you out of your freaking mind! Bakit ako luluhod sa iyo!" pagalit na siyaw ni Gwen."Kung hindi ka luluhod, makakaalis na kayo!""Baliw ka nang matanda ka!""Gwen, luhod!" natigilan si Gwen nang utusin iyon ni Uno.Hindi makapaniwalang tumingin ito kay Uno. "Pero Uno, I'm Gwen Harrison! Don't expect me to just kneel in front of anyone!""Sabihing luhod, Gwen!"Napaigtad si Gwen nang muli itong magtaas ng boses. Matagal siyang tumingin sa sariling asawa at napipilitang lumuhod sa semento. Ganoon na rin ang ginawa ni Uno.Nang-iinsultong tumawa si Inay. "Hindi sincere, pero puwede na. Now, stay like that for a couple of minutes. Babalikan ko kayo!""Ano!" sumigaw si Senyora Celestia. "Gusto mo kaming
ISADUMATING ang mga Cavallaro pagsapit ng gabi. Hindi makapaniwalang napangiti ako habang tinitingnan si Senyora Celestia. Taas-noo pa rin itong pumasok na parang hindi lumuhod sa amin kanina.Inihatid sila ng mga katulong sa kanilang kuwarto. Nagpahanda naman ng maraming pagkain si Inay sa chef.Wala pang limang minuto mula nang makaupo kami sa harap ng hapag, pumasok sa dining room si Senyora Celestia at naupo sa kabilang dulo ng lamesa."Anong ginagawa mo?" Umarko ang mga kilay ni Inay.Umikot ang mga mata ni Senyora Celestia. "Hindi ba halata? Seriously, Minerva, akala ko pa naman, matalino ka."Tumawa si Inay. "Alam kong makapal ang mukha mo, pero hindi ko inaasahan na ganito na kakapal. Oo nga't pinayagan ko kayong tumira sa pamamahay ko, pero hindi ibig sabihin no'n, libre ang lahat ng gagawin at kakainin n'yo rito."Natigilan ito sa narinig. "At anong ibig mong sabihin?"Sakto naman na dumating sina Uno at Gwen sa dining, kaya narinig ng mga ito ang lahat."Kung gusto mong ku
UNO"Is that your son?" Bumungad sa akin ang gulat na mukha ni Gwen nang makapasok ito sa mansion mula sa garden. "Anong ginagawa ng batang iyon dito!"I grabbed her by the wrist, halos kaladkarin ko na siya palabas ng mansion. "Uno! It hurts! Ano ba? Ang kamay ko!""Bakit mo ginawa iyon?" Tinitigan ko siya gamit ang matatalim na mga mata."Ang ano na naman bang ikinagagalit mo!""Why did you tell Alas about the truth?"Ilang sandali siyang natigilan sa narinig. Naging mailap ang mga mata niya sa akin."Damn it! Sagutin mo ako!""He deserves to know the truth! Kawawa naman ang bata, walang kaalam-alam sa totoo!""Huwag kang magpanggap na ginawa mo iyon para sa kapakanan ng anak ko!" Mahigpit ko siyang hinila sa braso. Napangiwi siya sa sakit."Oo na! Bitiwan mo ako! Sinabi ko sa kaniya dahil galit ako sa kabit mo! After that woman left you and your son, siya pa rin ang mahal mo?""Bakit mo idinamay ang bata!""E, ano ngayon! Hindi puwedeng ako lang ang nasasaktan! Wala akong pakialam
ISAKINAUMAGAHAN, paggising ko, kagaya ng inaasahan ay wala na si Uno. Balik na naman siya sa asawa niya.Nagbuga ako ng hangin nang makabangon. Paano ba kami nakarating sa ganito? Nasa iisang bubungan kaming tatlo. Kay Gwen siya sa araw, at sa akin naman sa gabi. Ang gulo.Tumayo na ako at naligo. Pumili ako ng maganda at matingkad na damit na susuotin. Gusto kong maging maganda sa paningin ng anak kong si Alas. Gusto kong maging maaliwalas ang paligid para sa kaniya.Nang makababa ako ay nandoon na sina Inay at ang iba pa. Lumapit ako sa kanila para makita kung ano ang pinagtitipunan nila.Natigilan ako nang makita si Senyora Celestia, basang-basa at nanginginig ito. Nakaagapay sa kaniya si Uno na nakatingin naman kay Inay."Oh, bumalik ka? Bakit? Wala ka bang kaibigan o kakilala na nagpatuloy sa iyo kagabi? Akala ko ba, makapangyarihan ang pangalan mo?" nang-iinis na sabi si Inay.Binalingan ni Uno ang ina nito. "Ma."Natuon kay Senyora Celestia ang atensyon naming lahat. Hinihinta
ISANILINGON ako ni Senyora Celestia nang may makahulugang ngiti sa mga labi. Kinilabutan ako sa paraan nang pagtitig niya."Nandito na pala ang anak mo. Sinabi n'yo na sa kaniya ang totoo?""Wala kang pakialam.""But he's my grandson. Masama bang magtanong?""Mabuti pang bumalik ka na sa kusina kung saan ka nararapat!"Tiningnan niya ako nang masama. Muli niyang sinulyapan si Alas bago bumalik sa kusina.Nagmamadali akong umakyat sa tuktok ng hagdan. "Bakit lumabas ka, anak? Nasaan si Lala?""Nagpaalam kanina, mama. She's in a hurry, ihing-ihi na raw siya, e. And I was curious about the party. Kaya bumaba ako."Bumuntonghininga ako sa mga narinig. Mabilis ko siyang kinarga at dinala pabalik sa kuwarto niya."Anak, you promised me na hindi ka lalabas.""I'm sorry, mama. Gusto ko lang naman masilip ang party sa labas, e. Hindi pa kasi ako nakakakita ng party."Ngumiti ako sa mga narinig. "Hayaan mo, baby ko, pagkatapos nito, magpapa-party tayo para sa iyo.""For me? Talaga?""Oo naman!
ISADALAWANG araw hindi umuwi si Uno, dalawang araw rin nakakulong sa basement si Senyora Celestia. Sinisiguro kong tubig lang ang nakukuha niya at hindi nabibigyan ng pagkain. Maranasan man lang niya ang mga dinanas ko noong ginugutom niya ako habang nakakulong.Humigop ako ng kape habang nagpapabilad ng araw sa balkonahe. Miss ko na si Uno. Wala akong makausap kaya mas lalo ko siyang naiisip.Umalis si Inay kasama si Alis, namili ang mga ito sa bayan at nag-bonding. Inilabas ni Inay ang anak ko dahil naaawa na raw siya rito, hindi man lang makalabas ng bahay sa takot namin na idamay ito ni Senyora Celestia."Senyorita!"Natigilan ako sa malalim na pag-iisip nang sunod-sunod na katok sa pinto ang narinig ko.Boses iyon ni Tan. Ano na naman kaya ang nangyari?Mabilis kong nilapitan ang pinto at binuksan ito. "May problema ba? Kulang na lang, gibain mo itong pinto ng kuwarto.""Senyorita, sumama ka sa akin sa basement. May nangyari kay Celestia!"Dagli akong natigilan sa narinig. Unang
ISANAPAPANGIWI ako habang ginagamot at hinihipan ni Uno ang sugat ko. Ingat na ingat ito sa paglalagay ng ointment sa mukha ko na halos bawat lapat ng bulak ay siyang pag-ihip naman niya."I'm sorry, Isa. This is all my fault.""Hindi naman ikaw ang kumalmot sa akin.""Hindi kita dapat iniwan."I swallowed hard with those words. Nakokonsensya na naman tuloy ako sa pang-iiwan sa kaniya noon. But I don't have to feel this way. I did it for Heart, to keep her alive. Kahit ano, magagawa ko para sa anak ko.Napansin kong puno ng pag-aalala ang mga mata niya. Hindi ko tuloy alam kung paano sasabihin ang dahilan kung bakit kami nagkasabunutan ni Gwen."You shouldn't be here. Puntahan mo si Senyora Celestia."Ibinaba ko ang kamay niya. Nakita ko ang pagkalito sa kaniyang mukha."Ikinulong ko siya sa basement."Natigilan siya sa mga narinig. Hindi siya umimik pero alam kong nag-aalala siya kay Senyora Celestia. She's still his mother after all. Ano pa man ang mangyari, hindi niya matatalikura
ISANATIGILAN ako sa paghakbang nang makitang kalalabas lang ng kuwarto ni Gwen. Taas-noo itong naglalakad habang hila ang maleta sa isang kamay.Tumigil siya sandali at tumingin sa akin nang matalim. Walang salitang lumabas sa bibig niya pero nararamdaman ko ang binibigay niyang vibes. Gusto niya akong patayin. Taas-noo siya bumaba ng hagdan at umalis.Nasaan naman kaya si Uno? Hindi ba niya alam na aalis na si Gwen? Dahil sa pagiging likas na pakialamera ko, sumunod na naman ako sa kaniya nang palihim.Gusto ko lang naman makita kung anong gagawin nila ni Dos. Kung may karapatan nga lang ako, gusto kong magbigay ng payo kay Dos na pag-isipan niya ang mga ginagawa niya. Gwen is a walking redflag. Masisira ang buhay niya kapag sumama siya sa babaeng ito."Senyorita."Kamuntikan na akong mapatili nang biglang may magsalita sa likuran ko. Paglingon ko ay bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Tan."Anong ginagawa mo rito!" mahina ngunit matigas kong tanong."You can't leave the mansion