ISANILINGON ako ni Senyora Celestia nang may makahulugang ngiti sa mga labi. Kinilabutan ako sa paraan nang pagtitig niya."Nandito na pala ang anak mo. Sinabi n'yo na sa kaniya ang totoo?""Wala kang pakialam.""But he's my grandson. Masama bang magtanong?""Mabuti pang bumalik ka na sa kusina kung saan ka nararapat!"Tiningnan niya ako nang masama. Muli niyang sinulyapan si Alas bago bumalik sa kusina.Nagmamadali akong umakyat sa tuktok ng hagdan. "Bakit lumabas ka, anak? Nasaan si Lala?""Nagpaalam kanina, mama. She's in a hurry, ihing-ihi na raw siya, e. And I was curious about the party. Kaya bumaba ako."Bumuntonghininga ako sa mga narinig. Mabilis ko siyang kinarga at dinala pabalik sa kuwarto niya."Anak, you promised me na hindi ka lalabas.""I'm sorry, mama. Gusto ko lang naman masilip ang party sa labas, e. Hindi pa kasi ako nakakakita ng party."Ngumiti ako sa mga narinig. "Hayaan mo, baby ko, pagkatapos nito, magpapa-party tayo para sa iyo.""For me? Talaga?""Oo naman!
ISADALAWANG araw hindi umuwi si Uno, dalawang araw rin nakakulong sa basement si Senyora Celestia. Sinisiguro kong tubig lang ang nakukuha niya at hindi nabibigyan ng pagkain. Maranasan man lang niya ang mga dinanas ko noong ginugutom niya ako habang nakakulong.Humigop ako ng kape habang nagpapabilad ng araw sa balkonahe. Miss ko na si Uno. Wala akong makausap kaya mas lalo ko siyang naiisip.Umalis si Inay kasama si Alis, namili ang mga ito sa bayan at nag-bonding. Inilabas ni Inay ang anak ko dahil naaawa na raw siya rito, hindi man lang makalabas ng bahay sa takot namin na idamay ito ni Senyora Celestia."Senyorita!"Natigilan ako sa malalim na pag-iisip nang sunod-sunod na katok sa pinto ang narinig ko.Boses iyon ni Tan. Ano na naman kaya ang nangyari?Mabilis kong nilapitan ang pinto at binuksan ito. "May problema ba? Kulang na lang, gibain mo itong pinto ng kuwarto.""Senyorita, sumama ka sa akin sa basement. May nangyari kay Celestia!"Dagli akong natigilan sa narinig. Unang
ISANAPAPANGIWI ako habang ginagamot at hinihipan ni Uno ang sugat ko. Ingat na ingat ito sa paglalagay ng ointment sa mukha ko na halos bawat lapat ng bulak ay siyang pag-ihip naman niya."I'm sorry, Isa. This is all my fault.""Hindi naman ikaw ang kumalmot sa akin.""Hindi kita dapat iniwan."I swallowed hard with those words. Nakokonsensya na naman tuloy ako sa pang-iiwan sa kaniya noon. But I don't have to feel this way. I did it for Heart, to keep her alive. Kahit ano, magagawa ko para sa anak ko.Napansin kong puno ng pag-aalala ang mga mata niya. Hindi ko tuloy alam kung paano sasabihin ang dahilan kung bakit kami nagkasabunutan ni Gwen."You shouldn't be here. Puntahan mo si Senyora Celestia."Ibinaba ko ang kamay niya. Nakita ko ang pagkalito sa kaniyang mukha."Ikinulong ko siya sa basement."Natigilan siya sa mga narinig. Hindi siya umimik pero alam kong nag-aalala siya kay Senyora Celestia. She's still his mother after all. Ano pa man ang mangyari, hindi niya matatalikura
ISANATIGILAN ako sa paghakbang nang makitang kalalabas lang ng kuwarto ni Gwen. Taas-noo itong naglalakad habang hila ang maleta sa isang kamay.Tumigil siya sandali at tumingin sa akin nang matalim. Walang salitang lumabas sa bibig niya pero nararamdaman ko ang binibigay niyang vibes. Gusto niya akong patayin. Taas-noo siya bumaba ng hagdan at umalis.Nasaan naman kaya si Uno? Hindi ba niya alam na aalis na si Gwen? Dahil sa pagiging likas na pakialamera ko, sumunod na naman ako sa kaniya nang palihim.Gusto ko lang naman makita kung anong gagawin nila ni Dos. Kung may karapatan nga lang ako, gusto kong magbigay ng payo kay Dos na pag-isipan niya ang mga ginagawa niya. Gwen is a walking redflag. Masisira ang buhay niya kapag sumama siya sa babaeng ito."Senyorita."Kamuntikan na akong mapatili nang biglang may magsalita sa likuran ko. Paglingon ko ay bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Tan."Anong ginagawa mo rito!" mahina ngunit matigas kong tanong."You can't leave the mansion
ISANAGMAMAKAAWA si Gwen sa paanan ni Uno habang umiiyak ito. Alam kong iniwan siya ni Dos, pero hindi ko alam na makapal ang mukha niya at walang pride para bumalik pa kay Uno. Sabagay, he's her only option. Malamang, babalik siya rito dahil baliw siya.Buong akala ko, ipagtatabuyan ni Uno si Gwen, pero natigilan ako nang magpaalam siya sa akin at dinala ito sa labas para kausapin.Makalipas ang ilang minuto, muli silang pumasok sa loob. Hindi na umiiyak si Gwen at mukhang magkasundo na sila base sa pakikipag-usap nila sa isa't isa.Tinalikuran ko ang eksenang pag-uusap ang dalawa at mabilis na pumasok sa kuwarto ni Alas. Sadya ko itong ni-lock upang hindi makapasok si Uno."Naglalaro ka, baby?""Yes, mama, but I'm bored. I wanna go outside. Puwede ba tayong mamasyal?"Nawala ang ngiti sa mga labi ko sa tanong na iyon ni Alas. Mamamasyal sana kaming tatlo ngayon, pero ito naman ang nangyari.Nasasaktan at naiinis akong isiping nagkaayos na sila agad. Ganoon lang kadali? Pagkatapos ni
ISANAKASABUNOT ako sa buhok ko habang nakaupo sa sofa at hinihintay ang pagdating nina Inay at Uno. Walang tigil sa pagbagsak ang mga luha ko, para akong papanawan ng malay sa tindi ng pag-aalalang nararamdaman ko.Why did I leave him alone? Hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko sa nangyari. Iba na ang pakiramdam ko kanina pero pinili kong huwag pansinin ito at nagpabaya!Halos sabay na dumating sina Uno at Inay kasama ang dalawa naming tauhan. Mabilis akong nilapitan ni Inay at niyakap."It's my fault! It's my fault, inay!""Wala kang kasalanan, anak! Huwag kang mag-alala! Ipapahanap natin sila!"Matagal na nanatiling nakatayo si Uno habang nakatingin lang sa akin. Tulala ito at puno ng pag-aalala ang mga mata."Uno, ang anak natin! Dinukot nila si Alas! Saan ka ba nagpunta! Saan ka galing!" Malakas kong pinaghahampas ang mga binti ko sa pinaghalong inis at takot.Kapag may nangyaring masama kay Alas, mapapatay ko sina Senyora Celestia at Gwen!Nilapitan ako ni Uno nang uma
ISA"No! No! What have you done! No!" Halos mag-hysterical si Senyora Celestia sa galit.Hindi makapaniwalang tumingin ako kay inay sa ginawa niya. "Bakit mo ginawa iyon, inay?"Mahigpit niya hinawakan ang kamay ko. "Huwag kang mag-alala, anak. Hindi niya tayo masasaktan."Napatingin ako sa galit na galit na mukha ni Senyora Celestia, sunod kong tiningnan ang anak kong walang tigil sa pagluha. Halos madurog ang puso sa nakikitang sitwasyon niya."Ah, ganoon? Hindi masasaktan? Ginagalit mo talaga ako! Uunahin ko itong batang ito at isusunod ko kayo!"Umiling ako sa mga narinig. "No, please! Ako na lang!"Halos tumigil ang mundo ko nang makitang biglang itinurok ni Senyora Celestia ang injection sa braso ng anak ko. Nahigit ko ang hininga ko. Titig na titig ako sa naluluhang mga mata ni Alas habang nakatingin sa akin.Hindi ko nakayanan ang nasaksihan at napaluhod na lang ako sa sahig. "Huwag! Anak! Hayop ka! Hayop ka, Celestia! Pati bata, dinamay mo!"Wala akong tigil sa pagsigaw haban
ISAHINDI ako makapaniwala sa mga narinig. All this time, magkasabwat sina Inay at Uno? Plano nila ang lahat nang ito?"Ano? N-nakipagsabwatan ka sa Mineva na iyan! Paano mo nagawa ito sa akin!"Tumawa si Inay. "Si Uno rin ang nagdala sa akin sa anak ko. Siya ang nagpasok kay Dos sa buhay nina Isa at Gwen. Sa tingin mo ba talaga, mas pipiliin ka niya kaysa sa sarili niyang anak at asawa?"Nagsalubong ang mga kilay ko. "Asawa?"Lumingon sa akin si Uno nang marinig niya iyon. Nginitan niya ako matapos kinindatan. "Akin ka."Pakiramdam ko, nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Wake up, Isa! This is not the right time to blush!"Actually, Celestia, lahat ng plano ko, hindi lang galing sa akin, kundi sa anak mo."Hindi makapaniwalang tumingin si Senyora kay Uno. "Bakit mo ito nagawa! Ako pa rin ang nagpalaki sa iyo!"Sinugod nito si Uno at pinagsusuntok sa dibdib.Napasinghap ako nang itulak ni Uno si Senyora Celestia sa maruming sahig. Huminga siya nang malalim. "Dalhin n'yo na ito!"
TRESMAGKAHAWAK-KAMAY kami ni Tiana habang nanunumpa sa harap ng Diyos at ng mga tao—sa pangalawang pagkakataon, na mamahalin at aalagaan namin ang isa't isa hanggang sa kami ay tumanda.After the priest pronounced us as husband and wife, I took Tiana's hand and brought it to my lips, told her how much I love her before giving her a kiss on the lips.After months of fixing everything, we finally decided to get married again in Nuestra Señora de Gracia Church. It's considered one of the oldest catholic churches in Manila.The color theme of our wedding were rustic hues paired with brown and burnt orange, combining it with creamy linen hue and dove gray. So the inside of the church was filled with white and brown flowers that feels light and warm.Tiana was wearing an A-line wedding dress that flatters her hourglass bodyshape. She looks heavenly beautiful today. I can't believe how stunning she is while standing next to me.Nakangiti kaming humarap sa mga tao sa loob ng simbahan. Tiana
TRESDumating kami ni Uno sa isang lumang bahay sa Baguio. Nasa malalim na parte ito ng gubat, sa ibabaw ng burol. Sinalubong kami ng apat na mga lalaking may malalaking pangangatawan at nakasuot ng black tux. Nakilala ko ang isa—si Peter.Dinala nila kami sa likuran ng malaking bahay kung nasaan ang swimming pool. At kulang na lang ay mawala ako sa sarili nang makita si Tiana kasama sina Isa at Yuji, nakatali sa upuan sa loob ng pool na walang tubig. Naka-duct tape ang bibig."Wala kang kaluluwa, Celestia! Pakawalan mo sila!""Oh, Uno! Anak! So good to see you again!"Sa gilid ng swimming pool, saka ko lang napansin ang babaeng nakatayo. Maikli ang buhok nito, katamtaman ang laki ng katawan, pero halos maligo na sa mamahaling alahas na suot. This is the first time I see her in person."Hindi mo man lang ba muna babatiin si Mommy? Didn't you miss me?" Malakas itong tumawa."Tama ang sinasabi nila, baliw ka!" sigaw ko.Natigilan ito sa pagtawa at napatingin sa akin. "Ah, ang pangatlong
TIANANAKAUPO kaming lahat sa loob ng dining room habang nagkakape. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman. Kasinungalingan lang ang lahat. Kahit ang pangalan niya'y imbento rin.Naramdaman ko ang paghawak ni Tres sa kamay ko. Bahagya niya itong pinisil kaya napatingin ako sa kaniya. He smiled at me as if telling me that everything is going to be okay.Hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya at muling lumuha. Halos masira ko ang buhay nila. Nang dahil sa kagustuhan kong maghiganti, maraming tao ang nadamay.Pumasok si Dos sa dining room. Tumango ito sa aming lahat. "Nakausap ko na ang police na kakilala ko. Everything is ready. Kikilos sila mamayang gabi sa utos natin."Tumango si Uno pagkatapos ay tumayo ito. "Kaming tatlo ang pupunta sa address na ibinigay ni Tiana. I want you two to stay here with Isa. Hangga't hindi namin naibabalik sa kulungan si Celestia, hindi kayo puwedeng umalis ng bahay na ito.""I can't," mabilis kong sabi na ikinatigil n
TIANAHAWAK ni Tres ang kamay ko at para bang ayaw na itong bitiwan pa. Sinabi ko kasi sa kaniya na may kailangan akong kumpirmahin para mawala na ang lahat ng agam-agam sa isip ko, pero inakala agad niyang may gagawin akong delikado kaya ayaw na akong iwan."Tres, will you let go of my hand? Hindi naman ako aalis.""No. Delikadong nag-iisa ka. Just yesterday, Golden Hotel was on fire. Hindi yata titigil ang Celestia na iyon hangga't hindi tayo napapatay."Kinilabutan ako sa sinabi niya lalo pa't naisip ko si Sixto."Kaya nga ginagawa ko ito, para mapatunayan na magkasabwat sina Mama Carmen at si Celestia.""You don't need to go anywhere just to prove it. Magkikita tayo ngayon nina Uno. Sasabihin mo sa kanila ang lahat."Huminga ako nang malalim bago tumingin sa entrance ng mall. Kailangan ko munang mapatunayan sa sarili ko na talagang nagsisinungaling si Mama Carmen. Marami siyang nagawa para sa amin ng anak ko, hindi ko basta-bastang makakalimutan ang lahat nang iyon."Sandali. Why
DOSNATIGILAN ako sa ginagawang pagtatrabaho nang tumunog ang alarm na hudyat ng warning. Bago ko pa mahawakan ang intercom, mabilis na pumasok sa office ko si Odette."Sir! Nasusunog ang hotel!""What did you say?" Bigla akong napatayo."Nagsimula ang sunog sa 4th floor! Medyo malaki at mabilis na kumakalat!""Get everyone out! Ensure their safety!"Mabilis kong pinindot ang red button sa ilalim ng desk ko at nagmamadaling inilagay ang importanteng mga papeles sa loob ng secret room. Agad akong lumabas ng office dala ang walkie-talkie sa isang kamay. Inutusan ko ang mga nakatalagang staff na i-double check kung nakasarado na ang lahat ng pintuan at bintana, maging kung naka-turn off na ang mga electrical equipment sa kanilang area.Kasalukuyang in-i-escort ang mga guest sa fire stairs and exits, patungo sa evacuation assembly point. Hindi nagtagal ay dumating na ang mga ambulance at fire trucks. Inutusan ko ang lahat ng tao ko na siguraduhing walang naiwan o na-trap na tao lalo na sa
TIANAMATAGAL kong pinagmasdan si Mama Carmen matapos nang sinabi niya. Tatlo? Bakit tatlo? Akala ko, si Tres lang ang pinaghihigantihan niya at hindi niya kilala ang mga kapatid nito?Nahalata niya siguro ang pagdududa sa mga mata ko kaya bigla siyang kumalma. She turned away from me."I'm sorry, mama. M-mali po ako."Sa sinabi ko ay muli niya akong tiningnan. She tried to hide the anger in her eyes, pero dama ko pa rin ang inis niya.Pilit niya akong nginitian at hinagod sa buhok. "Huwag mo nang uulitin iyon, okay?"Pagkalabas niya ng kuwarto, agad kong kinandado ang pinto. Kinuha ko ang gatas ni Sixto at pinainom ito habang hinihele.Ang ibig sabihin lang nito, si Mama Carmen ang nagpasunog sa bahay nina Uno. Nagsinungaling siya sa akin nang sabihin niyang hindi niya kilala sina Uno at Dos. Nagsisinungaling siya sa akin hanggang ngayon.Nang makatulog muli si Sixto, iniwan ko ito sa pangangalaga ng yaya niya saka mabilis na umalis.Mugto ang gilid ng mga mata ko habang naglalakad s
TIANANAKATAYO ako sa labas ng mall kung saan ko nakita noon ang babaeng sa mga larawan ko lang nakilala. Ilang araw na rin nawala sa isip ko ang tungkol sa kaniya, pero dahil sa mga nangyayari, at sa mga sinabi ni Tres, hindi ko mapigilang hindi isipin kung totoo ba ang nakita ko noong araw na iyon o hindi.Bawat babaeng lumalabas at pumapasok sa mall, mataman kong tinitingnan. Nagbabakasakali akong muli siyang makita. Gusto kong kumpirmahin na namalik-mata lang ako at hindi totoong buhay siya.Mahigit kalahating oras ko nang ginagawa ito, nang bigla na lang akong matigilan. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha sa pisngi ko. Nangangatog ang mga tuhod ko at kumikirot ang puso ko.Bakit ko pa ba ginawa ang paghihiganti na ito? Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, na doble ang sakit na mararamdaman ko, nagpakalayo-layo na lang sana kami ni Sixto.How can I let him go now? Ang lalaking tangi kong minahal, ang ama ng anak ko. Araw-araw na lang, nagigising akong siya ang hinahanap
TIANAAGAD kong pinuntahan ang mall ni Tres pagkatapos malaman na nakabalik na siya. As soon as I entered his office, nalukot agad ang mukha ko sa naamoy. His office reeks of alcohol. Sa harap ng desk nito ay naroon si Tres, nakaupo sa silya niya, nakapikit ang mga mata at may hawak na baso ng alak sa kamay.I took a deep breath. "What happened? Kay aga-aga, umiinom ka na?""Oh, it's you," he said without even glancing at me. "What are you doing here?"Malalim at namamaos ang boses niya. Ni hindi siya makakilos nang tama habang sinusubukang umupo nang maayos. Ano bang nangyari sa kaniya sa beach house at nagkakaganito siya ngayon? Is it because of me?"I'm here to take the mall.""Ah, the mall. Syempre, iyon lang naman ang rason kung bakit ka nandito. Iyon lagi ang rason kung bakit mo ako pinupuntahan."Tinungga nito ang natitirang alak sa laman ng baso niya bago tumayo. Halos sumuray-suray na siya sa paglalakad, makarating lang sa sofa at makaupo."Sit down," he said while massaging
YUJIDos deserves someone better. Someone he can be proud of, and that's not someone who is like me. Maraming issues sa buhay, maraming trauma at insecurities.But I still want to be with him. Just for tonight, I wanna be in his arms. Bukas, promise, gigising ako sa reyalidad.Hinalikan ko siya sa mga labi. "I want you."Parang nagulat pa siya sa sinabi ko. Sinimulan kong hubarin ang suot kong damit until I was naked in front of him. I slowly layed on the bed and smiled. Umibabaw naman siya sa akin matapos maghubad ng sarili niyang kasuotan.Halata ang pananabik at pagnanasa sa mga mata ni Dos habang nakatingin sa hubad kong katawan. I know he missed me, and I missed him, too. So much.Nang makaibabaw siya sa akin ay hinalikan niya ako sa noo at saka sa labi. He started caressing my naked body from my chest down until he found my womanhood. Binawi niya ang mga labi at tumitig sa akin nang mataman.Dos bit his lower lip when I found his shaft and started stroking it. Ungol kami nang un