Third person point of view"CONNOR!" Sigaw ni Dominador pagkakita kay Connor na bigla nalang bumagsak sa sahig. Mabilis nitong dinaluhan si Connor at inalalayan na tumayo. Pagkatayo ni Connor ay nanatiling nakaalalay sa kaniya ang Daddy ni Florence. Sabay nilang hinarap ang babaeng doctor na kapwa gulat at pabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa."Are you okay Mister?" Salat sa pag-aalalang tanong ng doctor habang nakatingin sa kaniya.Hindi niya makuhang tumango dahil hindi niya kayang magsinungaling at sabihin na okay siya kahit malayo iyon sa talagang nararamdaman niya. Kaya naman nagpakatotoo siya at umiling siya bilang sagot at mas pipiliin nalang sana na manahimik pero hindi niya kaya, kkaya nagsalita na siya."How can I be okay kung wala na yung anak ko!?" Matalim na tanong niya.Ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya.Napanganga ang doctor sa naging pagsabog niya at gulat na gulat ang mga mata nito pero dagli din iyong tumalim."Sinabi ko ba na wala na ang
Third person point of view"Nagbibiro ka lang hindi ba?" Tulala na tanong ni Florence kay Connor na aliw na aliw na nakatitig sa kaniya.Nakangisi na umiling-iling si Connor habang naglalakad palapit sa kaniya. Kusang umatras ang katawan niya dahil sa kaba na baka may gawin ito.Mas lalong lumawak ang pagkakangisi nito at mas binilisan ang paglapit sa kaniya.Nung ilang pulgada nalang ang layo nila sa isa't-isa ay pinahiga na siya nito sa kama at kinumutan ng hanggang sa baywang niya."Matulog ka na at huwag ng magtanong pa dahil baka hindi ka na makatulog ng tuluyan," makahulugang sambit nito.Nahigit niya ang paghinga at wari'y may sariling buhay ang mga kamay niya na hinila ang kumot hanggang leeg niya.Hindi na nito napigilan ang humalakhak ng malakas.Namula siya dahil sa naramdaman na pagkapahiya. Alam niya na may nangyari na sa kanila ni Connor pero isang beses lang iyon at iyon ang una niyang karanasan kaya naman hindi niya masisi ang sarili kung bakit ganito nalang ang nara
Third person point of viewTigagal siya habang nakatingin sa mga ito na magkahugpong ang mga labi.Mabilis na tinulak ni Connor si Calixta."What the fvck Calixta!" Sigaw ni Connor dito.Napahikbi siya, dahilan para sabay na mapatingin sa kaniya ang dalawa. Nakangisi sa kaniya si Calixta habang dinidilaan ang pang-ibabang labi na para bang nilalasahan nito ang halik ni Connor.Napatingin siya kay Connor na puno ng takot ang mga mata. Napailing siya at mabilis na naglakad pabalik sa kwarto nito.Bakit ba inisip niya na kaya siya nitong mahalin? Ang tanga-tanga mo Florence! "Florence, let me explain!" Dinig niyang sigaw ni Connor."Connor, hayaan mo na siya! Nandito ako, handa akong gawin ang lahat para sa iyo!" Habang paakyat siya ay dinig niya ang pagmamakaawa at talim sa boses ni Calixta."No!" Hindi na malinaw sa pandinig niya ang huling sinabi ni Connor. Natatalo na ng sakit at pag-iyak niya ang kakayahan niyang makarinig at makapag-isip ng tama.Pagkarating niya sa kwarto ni C
Third person point of view"C-Connor." Ramdam ni Connor ang kaba ni Florence nung tawagin nito ang pangalan niya. Alam niya kung bakit ito kinakabahan at alam niya rin na siya ang dahilan non. Tinignan niya ang mga mata nito at hindi niya napigilan ang matigilan dahil puno iyon ng takot.Napabuntong hininga siya at tuluyang umalis sa ibabaw nito.Napasinghap ito at puno ng pagtutol ang mga mata pero iba ang pinapakita ng expression nito.Kinuha niya ang kumot at binalot niya sa hubad nilang katawan."I know that I put trauma in you at gusto ko lang na malaman mo na hindi ko na uulitin ang nagawa ko sa iyo noon." Tipid ang ngiting aniya at pinagkasya nalang ang sarili sa pagyakap dito."I know, I am just worried that I might not be enough, na pagkatapos nito ay iiwanan mo ulit ako at babalik ka kay Calixta," puno ng pagsuko na sagot nito at dahan-dahan na inalis ang kumot na naka-balot sa katawan nito.Dahil sa ginawa nito ay nahantad sa kanya ang kahubdan nito."What makes you think
Third person point of view"Anong pumasok sa isip mo at nakipaghiwalay ka kay Connor!?" Gulat na bulalas ni Brent sa kapapasok lang na si Florence.Lulugu-lugo na naupo si Florence sa sofa. Wala pang ilang segundo siyang nakaupo ay magkakasunod ng tumulo ang mga luha niya."He is not my boyfriend. Hindi niya ako mahal," komento niya habang umiiyak.Hindi niya makita ang reaksyon ng kaibigan niya pero kahit ganon ay alam niya na pinag-iikutan na siya nito ng mga mata. "B-Brent," dinig niya ang pagkabasag ng boses niya nung tawagin niya ang pangalan nito. "Why is this happening to me?" Isa-isang bumabalik sa kaniya ang mga nalaman niyang ginawa ng parents niya. Ramdam niya ang pag-upo ni Brent sa tabi niya. Hinawakan nito ang kamay niya at marahan iyong pinisil. "Stop crying kasi makakasama iyan sa baby mo," paalala nito.Kaagad siyang natauhan at pilit na pinakalma ang sarili sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagpapakawala ng malalim na paghinga."Ano na ang plano mo ngayon?" tanong
Third person point of view"Connor, tingin mo ay magugustuhan ng anak natin ang damit na ito?"Isang linggo...Isang linggo na ang nakararaan magmula ng tuluyang iwan ni Florence si Connor. At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ito sa tabi niya at malaki ang posibilidad na hindi na buumalik. Pero kagaya ng sinabi nito sa kaniya ay inaayos na niya ang buhay niya ngayon."Connor?" Napatingin siya kay Calixta at doon ang siya natauhan. Kasama pala niya ito ngayon."May sinasabi ka ba?" Tanong niya.Pinilit niyang ibaling dito ang atensyon niya pero wala pang isang minuto ay nag-lakbay na naman ang utak niya kay Florence.Mula ng umalis ito ay saka lang niya na-realize ang labis labis na pagmamahal niya dito."Oo, tinatanong ko kung tingin mo ba ay bagay ito sa anak natin?" Napatingin siya sa damit na ipinapakita nito. Muli na naman naglakbay ang isip niya.Malaki na kaya ang tiyan ni Florence? Yung anak kaya namin bagay na bagay siguro kahit ano pa ang suotin.
Third person point of view"B-Brent, h-h-huli n-na y-yata a-ako n-n-naka m-move o-on n-na s-siya," nahihirapang huminga na sambit niya sa kaibigan niya.Kakatapos lang nilang mag-usap ni Connor. Akala niya ay gagaan na ang pakiramdam niya pero mali pala siya. Mas lalo niyang naramdaman ang pag-iisa at lungkot.Tinignan niya ang kaibigan niya na nakataas ang kilay sa kaniya."Hindi ba gusto mo naman ito? Sinabi mo pa nga na tatanggapin mo kahit na magmahal ito ng iba? Bakit kailangan mong umiyak?"Para siyang sinampal ng katotohanan. Kumirot ang puso niya dahil may katotohanan ang sinabi ng kaibigan, she just refuse to accept na ganoon kabilis dahil deep inside her ay umaasa siya na hindi maghahanap ng iba si Connor.Nahihiya na nagbaba siya ng tingin dahil hindi niya kaya ang tingin na pinapakita sa kaniya ng kaibigan.Nakarinig siya ng pagbuntong hininga kasabay ng mahihinang yabag."Hindi ako nagagalit sa iyo Florence, pero naisip mo ba na napaka-selfish mo? Iniwan mo si Connor at s
Third person point of view"Is she here?" Tanong ni Connor sa kaharap niyang si Brent. Kanina ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at kaagad ng pinuntahan si Florence para suyuin ito dahil alam niyang galit ito sa kaniya. "Paano mo nalaman itong lugar namin?" Tanong ni Brent imbes na sagutin ang tanong niya."Brent please..." may pagmamakaawang sambit niya. Hindi niya maituloy ang sasabihin niya. Kanina ay buong-buo ang loob niya na sinabi sa sarili na kukulitin niya ito para makausap si Florence kung sakali man na hindi ito pumayag pero ngayon ay wala siyang ma-usal maliban sa pangalan nito."Sagutin mo ang tanong ko Connor, ano ang ginagawa mo dito at paano mo nalaman ang tinutuluyan ko?" Seryosong tanong nito.Nagtaas ito ng kilay at naghalukipkip habang hinihintay ang magiging sagot niya.Nagpakawala siya ng buntong hininga at bagsak ang balikat na hinarap ang kaibigan ni Florence."You told me about this place a week ago noong lumipat kayo dito." Pagsukong sagot niya.Napak
Connor point of view"Bro, do you think may manggugulo pa sa kasal niyo ni Florence?" Tanong ni Alisson na nakatayo sa tabi niya."Yeah, I still can't recover from that past incident," tugon naman ni Arisson.Nakangiti siyang umiling bilang sagot sa naging tanong ni Alisson ng hindi inaalis ang tingin sa bukana ng simbahan kung saan nakatayo at naghahanda ng maglakad papasok ng simbahan nag mapapangasawa niya.Sino ba ang makakalimot sa nangyaring insidente na iyon? Noong mga panahong iyon ay akala niya mawawala na ng tuluyan si Florence sa kaniya, habang papunta sila ng hospital ay doon niya unang naramdaman ang kahinaan dahil sa pagkakasaksi niya kung paano dahan-dahan na pumikit ang mga mata ni Florence. Noong mga oras na iyon ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang umiyak at tahimik na magdasal na bigyan pa siya ng pagkakataon na makasama ang babaeng mahal niya at ang magiging anak nila."Bro!" Pasigaw na sambit ni Arisson.Napatingin siya dito only to find na nasa tabi na pala
Connor point of viewMabilis kaming nakarating sa lugar kung saan dinala ni Calixta si Florence, medyo nahirapan pa kami dahil may kalakihan ang lugar at marami ang pasikot-sikot pero eventually ay nahanap din naman namin.Naglakad siya ng dahan-dahan sa likod ng isang may kalakihang poste at mula doon ay nakinig siya ng mga pinag-uusapan.Humigpit ang hawak niya sa baril na dala niya pagkatapos marinig ang nagmamakaawang boses ni Florence."Damn you Calixta!" Mahina at madiin na sambit niya. Mabilis siyang tumayo at sinenyasan ang Daddy ni Florence na mauuna na siyang sumugod.Nasa tapat niya lang ito kaya madali lang silang nagkaintindihan. Tumango ito at sinenyasan siya na umabante na kaagad niyang sinunod. Maingat ang bawat hakbang niya pero may pagmamadali din siya dahil habang tumatagal na hindi niya nakikita si Florence at tanging mga hikbi lang nito ang naririnig niya ay para siyang masisiraan ng bait.Nagkubli siya sa likod ng pinto at palihim na sinilip ang mga nangyayari
Connor point of viewIsang linggo na ang nakakalipas mula noong nagpunta sila sa bahay ni Ruel sa pagba-baka sakali na makita doon si Calixta at makausap ito, at hindi naman sila nabigo, nakausap nila si Calixta pero hindi naging maganda ang kinalabasan. Sa loob ng isang linggo wala silang ginawa kung hindi ayusin ang kasal nila habang naghihintay ng pag-atake ni Calixta, pero hindi nangyari ang inaasahan niya na labis niyang ikinakatakot dahil baka kung kailan ikakasal sila ni Florence ay saka ito manggulo."Bro, kanina ka pa namin kinakausap pero nakatulala ka lang diyan sa labas ng simbahan. Sabihan mo kami kung hindi ka pa handang magpakasal para naman maitakas ka na namin habang hindi pa nagsisimula!" Nawala ang malalim niyang iniisip nung marinig niya ang natatawang boses ni Arisson- asawa ni Joana Me, panganay na anak ni Dominador at Consuelo."Arisson ano ka ba, hindi na tatakbo yan si Connor dahil sigurado na nasa tapat pa lang ng simbahan yan ay lumpo na 'yan," natatawang
Calixta point of viewOne month has passed."Miss Dela Vega, can you slowly open your eyes for me?" Patanong na utos ng doctor.Takot ang nararamdaman niya dahil ayaw niyang ma-dismaya siya sa resulta ng eye transplant niya.One month ago ay tuluyan siyang nabulag, walang kahit anong liwanag siyang nakita hindi kagaya noong una na mayroon kaunting liwanag. Noong mga panahon na iyon ay ang plano niya sana na gantihan sina Florence at Connor pero dahil sa pagkabulag niya ay wala siyang nagawa kung hindi ang ipagpaliban ang paghihiganti na gusto niya. Isang linggo pagkatapos niyang mabulag ay humanap siya ng pwedeng maging donor and luckily ay nakahanap siya sa tulong ng mga doctor na kakilala niya.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Napuno siya ng kaba dahil tanging blurry lang ang nakikita niya."Is your eyesight okay?" Tanong muli ng doctor.Kumurap siya baka sakaling magbago ang mga blurry na nakikita niya at halos mapatalon siya sa saya dahil habang tumatagal ay lumilin
Florence point of viewSorry love, na-late ako," puno ng pagsisisi na wika ni Connor habang yakap siya."L-Late k-ka na t-talaga."Sabay silang napatingin ni Connor sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng mas mahigpit na pagyakap niya kay Connor.Sa harapan nila ay nakatayo at nakangising nakatutok ang baril nung lalaki na nagtangkang pumatay sa kaniya."Nooooooo!" Sigaw niya para patigilin ito sa tangka nitong gawin pero;BANG!Huli na ang lahat dahil isang malakas na putok ng baril ang muling umalingawngaw sa loob ng kwarto niya. Namutla siya kasabay ng pagtakas ng lahat ng dugo na mayroon siya.Nanginginig na pinagmasdan niya ang dahan dahan na pagbagsak ng lalaki na nagtangka sa kaniyang pumatay. Isa-isang pumatak ang dugo mula sa bibig nito. Natutop niya ang bibig niya dahil sa halo-halong emosyon.Dahan-dahan siyang umalis sa kama para puntahan ang lalaki na kasalukuyang naghahabol ng hininga habang nasa kisame lang ang tingin. Bumubuka ang bibig nito na para itong n
Florence point of viewPagkalabas ng kwarto ni Connor at ng mga magulang niya ay saka lang siya tumihaya mula sa pagkakatagilid niya ng higa.Sakto naman na pagtihaya niya ay ang pagbukas ng pinto ng hospital room niya. Pumasok ang isang naka-uniporme ng pang-hospital pero napakunot ang noo niya sa pagtataka dahil masyadong balot ang suot nito."Ikaw ba ang doctor na tumingin sa akin?" Tanong niya.Tumingin ito sa kaniya pero hindi ito sumagot, bumaling ito sa pinto at sinarado iyon. (Click!) Mabilis siyang bumaling sa pinto bago kinakabahan na tumingin siya sa mukha ng staff ng hospital na pumasok."Bakit mo ni-lock yung pinto?" Tanong niya habang umuupo siya at mas idinidikit ang sarili sa dingding ng room niya.Nagsimulang maglakad palapit sa kaniya ang staff, ang mga tingin nito ay nanunuot sa kaniya at para siyang sinasaksak dahil sa sobrang talim non."Tinatanong kita kung ano ang balak mo at kinandado mo ang pinto!?" Singhal niya.Ramdam niya ang pag-ngisi nito sa likod ng fa
Connor point of viewIt feels like deja vu. Hawak niya ngayon ang mga kamay ng walang malay na si Florence, just like noong nag-crash ang eroplano nito, walang kasiguraduhan kung magigising ito at tanging milagro nalang ang kakapitan."Why you did not stopped her!?" Galit na sigaw ng Mommy ni Florence. Lumapit ito sa kaniya at pinagsusuntok siya sa mukha.Sobrang sakit ng mga suntok nito pero walang wala ang mga ito sa sakit na nararamdaman niya habang hawak niya ang kamay ng walang malay niyang minamahal.Hindi siya nakakibo dahil hanggang ngayon ay shock pa rin siya sa mga nangyari."Sumagot ka! Bakit hinayaan mo ang anak ko na magkaganito!?" Muli ay sigaw nito habang mas nilalakasan ang pagsuntok sa kaniya.Tahimik lang na tinanggap niya ang mga suntok na ibinibigay ng Mommy nito."Consuelo, aksidente ang mga nangyari kaya hindi mo pwedeng sisihin si Connor," sambit ni Daddy Dominador at sapilitang inilayo sa kaniya si Mommy Consuelo."No Dominador! Wala siyang ginawa para protekta
Calixta point of view"Ikaw na nga ang inaalala pero ikaw pa ang nagagalit. Magsama kayo ng halimaw mong kaibigan!" Sigaw nito at tumatakbong lumabas ng morgue, muntik pa itong mabangga sa pinto.Kaagad siyang na-konsensya sa nagawa niya dito kaya naman hinabol niya ito para sana suyuin pero habang nakikita niya itong paulit-ulit na nadadapa at bumabangon ay natigilan siya at tahimik lang na tinatanaw ito.Ilang minuto pa niyang tinanaw ito bago siya naglakad pabalik sa morgue."Mas mabuti na siguro na maghiwalay kami ng landas para na rin sa kaligtasan niya," pagkausap niya sa kaibigan niya.Ilang beses pa niyang kinausap ang kaibigan niya bago siya nag-desisyon na umalis ng morgue. Nag-iwan muna siya ng isang liham at one hundred thousand in cash para sa lahat ng expenses pati sa pagpapalibing sa kaibigan niya.Pagkalabas niya ng morgue ay muli siyang tumingin sa huling pagkakataon. Kasabay ng pagtulo ng luha niya ay ang pamamaalam niya sa kaibigan na ilang beses nagligtas sa kaniya
Ruel point of view"I'm sorry sir, but kailangan na po siyang idala sa morgue," sambit ng isang boses.Mula sa pagkakatulala ay mabilis siyang tumingin sa nagsalita. Nakita niya ang dalawang lalaki na nasa harapan ng hinihigaan ng kaibigan niya at nakahawak na ang mga ito sa gurney base sa suot ng mga ito ay nahulaan niya kaagad na staff ito ng hospital.Tumalim ang mga mata niya, "morgue!?" Galit na bulyaw niya. "Bakit ninyo dadalhin sa morgue ang kaibigan ko, hindi pa siya patay!" Dugtong pa niya at hinarangan niya ang mga staff ng hospital na gustong kuhanin ang katawan ng kaibigan niya.Nagkatinginan ang dalawang nasa harapan niya at bakas ang pagtatakha sa mukha ng mga ito. Nagbulungan pa ang mga ito, isang bagay na mas lalong ikinagalit niya."Umalis na kayo dahil wala kayong mapapala dito, hindi pa patay ang kaibigan ko!"Walang nagawa ang dalawang staff ng hospital kung hindi ang umalis nalang. Pagkalabas ng mga ito ay muling bumalik sa kaniya yung mga panahon na hindi pa sila