Third person point of view"B-Brent, h-h-huli n-na y-yata a-ako n-n-naka m-move o-on n-na s-siya," nahihirapang huminga na sambit niya sa kaibigan niya.Kakatapos lang nilang mag-usap ni Connor. Akala niya ay gagaan na ang pakiramdam niya pero mali pala siya. Mas lalo niyang naramdaman ang pag-iisa at lungkot.Tinignan niya ang kaibigan niya na nakataas ang kilay sa kaniya."Hindi ba gusto mo naman ito? Sinabi mo pa nga na tatanggapin mo kahit na magmahal ito ng iba? Bakit kailangan mong umiyak?"Para siyang sinampal ng katotohanan. Kumirot ang puso niya dahil may katotohanan ang sinabi ng kaibigan, she just refuse to accept na ganoon kabilis dahil deep inside her ay umaasa siya na hindi maghahanap ng iba si Connor.Nahihiya na nagbaba siya ng tingin dahil hindi niya kaya ang tingin na pinapakita sa kaniya ng kaibigan.Nakarinig siya ng pagbuntong hininga kasabay ng mahihinang yabag."Hindi ako nagagalit sa iyo Florence, pero naisip mo ba na napaka-selfish mo? Iniwan mo si Connor at s
Third person point of view"Is she here?" Tanong ni Connor sa kaharap niyang si Brent. Kanina ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at kaagad ng pinuntahan si Florence para suyuin ito dahil alam niyang galit ito sa kaniya. "Paano mo nalaman itong lugar namin?" Tanong ni Brent imbes na sagutin ang tanong niya."Brent please..." may pagmamakaawang sambit niya. Hindi niya maituloy ang sasabihin niya. Kanina ay buong-buo ang loob niya na sinabi sa sarili na kukulitin niya ito para makausap si Florence kung sakali man na hindi ito pumayag pero ngayon ay wala siyang ma-usal maliban sa pangalan nito."Sagutin mo ang tanong ko Connor, ano ang ginagawa mo dito at paano mo nalaman ang tinutuluyan ko?" Seryosong tanong nito.Nagtaas ito ng kilay at naghalukipkip habang hinihintay ang magiging sagot niya.Nagpakawala siya ng buntong hininga at bagsak ang balikat na hinarap ang kaibigan ni Florence."You told me about this place a week ago noong lumipat kayo dito." Pagsukong sagot niya.Napak
Third person point of view"Nagseselos ako dahil ibang pangalan ang paulit-ulit na tinatawag mo kahit nandito naman ako."Mabilis siyang bumaling sa likuran niya dahil mula roon ang narinig niyang nagtatampong boses ni Connor.Magkakasunod na tumulo ang luha na kanina pa niya pinipigilan. "F-Florence."Kaagad siyang tumakbo at dinamba ito ng yakap kasabay ng paulit-ulit niyang paghingi ng sorry dito."I'm s-sorry C-Connor. I'm s-sorry!" "Shh... it's alright Florence," anito habang hinihimas ang likod niya para patahanin siya."I'm sorry if naging matigas ako sa iyo," muling paghingi niya ng paumanhin.Naramdaman niya ang pag-iling nito at paglayo sa kaniya. Kaagad siyang kinabahan dahil baka hindi nito nagustuhan ang paulit-ulit na paghingi niya ng sorry."P-Please, I-I'll s-stop s-saying s-sorry, j-just d-don't l-leave m-me."Who would have thought that loving someone so much can be traumatic? Yun kasi ang nararamdaman niya ngayon. She is so scared that he might leave her because
Third person point of view"Someone named Anikka is on the line, and she is looking for you Connor."Natigilan si Connor at kumabog ang dibdib niya pagkarinig sa pangalan na binanggit ni Brent. Anikka, it's been awhile seen he last talk to her. Ano kaya ang kailangan nito sa kaniya?Hindi niya maiwasan na magtanong kung ano ang pakay nito dahil sobrang tagal na nung huling kinausap siya nito.Mabagal siyang tumayo at nagsimulang maglakad papasok ng bahay. Sa gilid ng mga mata niya ay nakikita niya ang pagkabahala ni Florence. Palihim siyang nagbuntong hininga dahil alam niya na nakakaramdam na naman ito ng takot.Gusto niyang manatili sa tabi ni Florence pero hindi niya maiwasan na ma-excite sa kaalaman na makakausap niyang muli si Anikka.Minadali na niya ang pagpasok sa bahay at nung naroon na siya sa loob ay kaagad niyang tinungo ang kinaroroonan ng telepono na nakataob. Kinuha niya ang telepono at kaagad na tinutok iyon sa tainga niya."Anikka," pagtawag niya sa pangalan nito.
Third person point of viewPangko-pangko ni Connor papasok ng bahay ang nakatulog ng si Florence. "How is she?" Tanong ng madadaanan niyang si Brent. Nasa sala ito at nagkakape kahit na medyo alanganin ang oras. Nakatingin ito sa walang malay na buhat niya."Shaken up, I am worried about how she might react tomorrw," sagot niya.Tumango lang ito at sinenyasan siya na idala na sa kwarto si Florence. Itinuro lang nito sa kaniya ang kwarto.Tumango lang din siya dito at muling nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa kwarto na tinutuluyan nito. Pagkapasok sa kwarto ay hindi na siya nag-abala pa na buksan ang ilaw, mas gusto niya na nakapatay lang ang ilaw para makapag-pahinga pa ito ng maayos. Baka rin kasi magising ito kapag binuksan niya ang ilaw.Inihiga niya ito sa kama at maingat na ibinalot ng kumot ang katawan nito. Pagkakita na maayos na ito ay tumayo siya at naglakad papunta sa kinalalagyan ng remote para sa aircondition nitong kwarto at in-adjust iyon para h
Third person point of viewPagkatapos ng pag-uusap nila ni Brent ay bumalik siya sa kwarto ni Florence para tignan kung nagising na ito.Dahan-dahan siyang naglakad palapit dito ng hindi inaalis ang tingin sa mahimbing at payapa nitong mukha.Malapit na siya sa kinaroroonan nito ng biglang tumunog ang cellphone niya. Napatalon siya sa gulat at mabilis na kinuha iyon para tignan.Bago niya sagutin ang tawag na galing sa kaibigan ay tinapunan niya muna ng tingin si Florence. Nung masiguro na mahimbing pa rin itong natutulog ay maingat na naglakad siya palabas ng kwarto."Anikka's back!" Kaagad na bungad sa kaniya ng kaibigan, ni hindi na nag-abala pa na bumati.Muli niyang naalala ang naging pagtawag ng babae na dating tinatangi."Yeah I know," mahinang sagot niya."Sabina's jealous-""And so is Florence," pagputol niya sa sasabihin nito. Natahimik ito kaya naman sasamantalahin niya iyon para kumpirmahin ang hinala niya. "Ikaw siguro ang nagsabi kung nasaan ako!" It wasn't a question,
Third person point of view"Connor, sino ang pupunta ng america?" Tanong muli ni Florence dahil walang sumagot sa una niyang pagtatanong.Pinakatitigan niya ang dalawang lalaki na nasa harapan niya at nagkakambatan ang mga ito, sa hinuha niya ay nagtuturuan ang dalawa kung sino ang sasagot sa tanong niya."Connor!" Napipikon na tinawag niya ang pangalan nito.Napatayo ito at halata ang kaba sa mukha."Ako, plano ko na d-,"Parang bomba na sumabog sa pandinig niya ang sinabi nito kaya naman bago pa nito matapos ang dapat na sabihin ay sumingit na siya."Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad? Dahil ba ito sa mga nalaman mo tungkol sa akin. Kasi kung dahil doon ay handa naman akong baguhin ang sarili ko. God I really hate my life!" Bulalas niya na hindi na pinatapos ang sasabihin pa sana nito.Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Tumalikod na siya dahil hindi na niya hahayaan na masaktan lang siya dahil magpapaalam na ito sa kaniya."Florence!"Tinawag nito ang pangalan niya pero hindi
Third person point of view"Kiss me back, Florence." Hinihingal na utos ni Connor habang patuloy sa ginagawang paghalik sa kaniya.Pero dahil sa iba ang naging epekto ng pagkakasabi nito ng salitang mahal ay pakiramdam niya ay wala na siya sa kaniyang sarili.Tumigil ito sa paghalik at pansamantalang lumayo bago tumingin sa kaniya ng may pagtataka. "Okay ka lang ba. May masakit ba sa iyo?" Nag-aalalang tanong nito.Umiling siya at nginitian ito pero hindi siya gumawa ng anumang kilos maliban sa simpleng pag-iling. Ninanamnam niya muna ang epekto ng mabulaklak nitong salita sa kaniyang isipan."Florence, talk to me mahal," pagsusumamo nito.Muli siyang natigilan dahil sa muli nitong pagtawag sa kaniya ng mahal.Napanganga ito sa kaniya at unti-unting nanlaki ang mga mata at kaagad na bumakas ang realization sa mukha nito.Dahil sa naging reaksyon nito ay tipid siyang ngumiti. "This is the first time na sinabihan mo ako na mahal mo ako, nagulat lang ako dahil walang nagsasabi nun sa a
Connor point of view"Bro, do you think may manggugulo pa sa kasal niyo ni Florence?" Tanong ni Alisson na nakatayo sa tabi niya."Yeah, I still can't recover from that past incident," tugon naman ni Arisson.Nakangiti siyang umiling bilang sagot sa naging tanong ni Alisson ng hindi inaalis ang tingin sa bukana ng simbahan kung saan nakatayo at naghahanda ng maglakad papasok ng simbahan nag mapapangasawa niya.Sino ba ang makakalimot sa nangyaring insidente na iyon? Noong mga panahong iyon ay akala niya mawawala na ng tuluyan si Florence sa kaniya, habang papunta sila ng hospital ay doon niya unang naramdaman ang kahinaan dahil sa pagkakasaksi niya kung paano dahan-dahan na pumikit ang mga mata ni Florence. Noong mga oras na iyon ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang umiyak at tahimik na magdasal na bigyan pa siya ng pagkakataon na makasama ang babaeng mahal niya at ang magiging anak nila."Bro!" Pasigaw na sambit ni Arisson.Napatingin siya dito only to find na nasa tabi na pala
Connor point of viewMabilis kaming nakarating sa lugar kung saan dinala ni Calixta si Florence, medyo nahirapan pa kami dahil may kalakihan ang lugar at marami ang pasikot-sikot pero eventually ay nahanap din naman namin.Naglakad siya ng dahan-dahan sa likod ng isang may kalakihang poste at mula doon ay nakinig siya ng mga pinag-uusapan.Humigpit ang hawak niya sa baril na dala niya pagkatapos marinig ang nagmamakaawang boses ni Florence."Damn you Calixta!" Mahina at madiin na sambit niya. Mabilis siyang tumayo at sinenyasan ang Daddy ni Florence na mauuna na siyang sumugod.Nasa tapat niya lang ito kaya madali lang silang nagkaintindihan. Tumango ito at sinenyasan siya na umabante na kaagad niyang sinunod. Maingat ang bawat hakbang niya pero may pagmamadali din siya dahil habang tumatagal na hindi niya nakikita si Florence at tanging mga hikbi lang nito ang naririnig niya ay para siyang masisiraan ng bait.Nagkubli siya sa likod ng pinto at palihim na sinilip ang mga nangyayari
Connor point of viewIsang linggo na ang nakakalipas mula noong nagpunta sila sa bahay ni Ruel sa pagba-baka sakali na makita doon si Calixta at makausap ito, at hindi naman sila nabigo, nakausap nila si Calixta pero hindi naging maganda ang kinalabasan. Sa loob ng isang linggo wala silang ginawa kung hindi ayusin ang kasal nila habang naghihintay ng pag-atake ni Calixta, pero hindi nangyari ang inaasahan niya na labis niyang ikinakatakot dahil baka kung kailan ikakasal sila ni Florence ay saka ito manggulo."Bro, kanina ka pa namin kinakausap pero nakatulala ka lang diyan sa labas ng simbahan. Sabihan mo kami kung hindi ka pa handang magpakasal para naman maitakas ka na namin habang hindi pa nagsisimula!" Nawala ang malalim niyang iniisip nung marinig niya ang natatawang boses ni Arisson- asawa ni Joana Me, panganay na anak ni Dominador at Consuelo."Arisson ano ka ba, hindi na tatakbo yan si Connor dahil sigurado na nasa tapat pa lang ng simbahan yan ay lumpo na 'yan," natatawang
Calixta point of viewOne month has passed."Miss Dela Vega, can you slowly open your eyes for me?" Patanong na utos ng doctor.Takot ang nararamdaman niya dahil ayaw niyang ma-dismaya siya sa resulta ng eye transplant niya.One month ago ay tuluyan siyang nabulag, walang kahit anong liwanag siyang nakita hindi kagaya noong una na mayroon kaunting liwanag. Noong mga panahon na iyon ay ang plano niya sana na gantihan sina Florence at Connor pero dahil sa pagkabulag niya ay wala siyang nagawa kung hindi ang ipagpaliban ang paghihiganti na gusto niya. Isang linggo pagkatapos niyang mabulag ay humanap siya ng pwedeng maging donor and luckily ay nakahanap siya sa tulong ng mga doctor na kakilala niya.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Napuno siya ng kaba dahil tanging blurry lang ang nakikita niya."Is your eyesight okay?" Tanong muli ng doctor.Kumurap siya baka sakaling magbago ang mga blurry na nakikita niya at halos mapatalon siya sa saya dahil habang tumatagal ay lumilin
Florence point of viewSorry love, na-late ako," puno ng pagsisisi na wika ni Connor habang yakap siya."L-Late k-ka na t-talaga."Sabay silang napatingin ni Connor sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng mas mahigpit na pagyakap niya kay Connor.Sa harapan nila ay nakatayo at nakangising nakatutok ang baril nung lalaki na nagtangkang pumatay sa kaniya."Nooooooo!" Sigaw niya para patigilin ito sa tangka nitong gawin pero;BANG!Huli na ang lahat dahil isang malakas na putok ng baril ang muling umalingawngaw sa loob ng kwarto niya. Namutla siya kasabay ng pagtakas ng lahat ng dugo na mayroon siya.Nanginginig na pinagmasdan niya ang dahan dahan na pagbagsak ng lalaki na nagtangka sa kaniyang pumatay. Isa-isang pumatak ang dugo mula sa bibig nito. Natutop niya ang bibig niya dahil sa halo-halong emosyon.Dahan-dahan siyang umalis sa kama para puntahan ang lalaki na kasalukuyang naghahabol ng hininga habang nasa kisame lang ang tingin. Bumubuka ang bibig nito na para itong n
Florence point of viewPagkalabas ng kwarto ni Connor at ng mga magulang niya ay saka lang siya tumihaya mula sa pagkakatagilid niya ng higa.Sakto naman na pagtihaya niya ay ang pagbukas ng pinto ng hospital room niya. Pumasok ang isang naka-uniporme ng pang-hospital pero napakunot ang noo niya sa pagtataka dahil masyadong balot ang suot nito."Ikaw ba ang doctor na tumingin sa akin?" Tanong niya.Tumingin ito sa kaniya pero hindi ito sumagot, bumaling ito sa pinto at sinarado iyon. (Click!) Mabilis siyang bumaling sa pinto bago kinakabahan na tumingin siya sa mukha ng staff ng hospital na pumasok."Bakit mo ni-lock yung pinto?" Tanong niya habang umuupo siya at mas idinidikit ang sarili sa dingding ng room niya.Nagsimulang maglakad palapit sa kaniya ang staff, ang mga tingin nito ay nanunuot sa kaniya at para siyang sinasaksak dahil sa sobrang talim non."Tinatanong kita kung ano ang balak mo at kinandado mo ang pinto!?" Singhal niya.Ramdam niya ang pag-ngisi nito sa likod ng fa
Connor point of viewIt feels like deja vu. Hawak niya ngayon ang mga kamay ng walang malay na si Florence, just like noong nag-crash ang eroplano nito, walang kasiguraduhan kung magigising ito at tanging milagro nalang ang kakapitan."Why you did not stopped her!?" Galit na sigaw ng Mommy ni Florence. Lumapit ito sa kaniya at pinagsusuntok siya sa mukha.Sobrang sakit ng mga suntok nito pero walang wala ang mga ito sa sakit na nararamdaman niya habang hawak niya ang kamay ng walang malay niyang minamahal.Hindi siya nakakibo dahil hanggang ngayon ay shock pa rin siya sa mga nangyari."Sumagot ka! Bakit hinayaan mo ang anak ko na magkaganito!?" Muli ay sigaw nito habang mas nilalakasan ang pagsuntok sa kaniya.Tahimik lang na tinanggap niya ang mga suntok na ibinibigay ng Mommy nito."Consuelo, aksidente ang mga nangyari kaya hindi mo pwedeng sisihin si Connor," sambit ni Daddy Dominador at sapilitang inilayo sa kaniya si Mommy Consuelo."No Dominador! Wala siyang ginawa para protekta
Calixta point of view"Ikaw na nga ang inaalala pero ikaw pa ang nagagalit. Magsama kayo ng halimaw mong kaibigan!" Sigaw nito at tumatakbong lumabas ng morgue, muntik pa itong mabangga sa pinto.Kaagad siyang na-konsensya sa nagawa niya dito kaya naman hinabol niya ito para sana suyuin pero habang nakikita niya itong paulit-ulit na nadadapa at bumabangon ay natigilan siya at tahimik lang na tinatanaw ito.Ilang minuto pa niyang tinanaw ito bago siya naglakad pabalik sa morgue."Mas mabuti na siguro na maghiwalay kami ng landas para na rin sa kaligtasan niya," pagkausap niya sa kaibigan niya.Ilang beses pa niyang kinausap ang kaibigan niya bago siya nag-desisyon na umalis ng morgue. Nag-iwan muna siya ng isang liham at one hundred thousand in cash para sa lahat ng expenses pati sa pagpapalibing sa kaibigan niya.Pagkalabas niya ng morgue ay muli siyang tumingin sa huling pagkakataon. Kasabay ng pagtulo ng luha niya ay ang pamamaalam niya sa kaibigan na ilang beses nagligtas sa kaniya
Ruel point of view"I'm sorry sir, but kailangan na po siyang idala sa morgue," sambit ng isang boses.Mula sa pagkakatulala ay mabilis siyang tumingin sa nagsalita. Nakita niya ang dalawang lalaki na nasa harapan ng hinihigaan ng kaibigan niya at nakahawak na ang mga ito sa gurney base sa suot ng mga ito ay nahulaan niya kaagad na staff ito ng hospital.Tumalim ang mga mata niya, "morgue!?" Galit na bulyaw niya. "Bakit ninyo dadalhin sa morgue ang kaibigan ko, hindi pa siya patay!" Dugtong pa niya at hinarangan niya ang mga staff ng hospital na gustong kuhanin ang katawan ng kaibigan niya.Nagkatinginan ang dalawang nasa harapan niya at bakas ang pagtatakha sa mukha ng mga ito. Nagbulungan pa ang mga ito, isang bagay na mas lalong ikinagalit niya."Umalis na kayo dahil wala kayong mapapala dito, hindi pa patay ang kaibigan ko!"Walang nagawa ang dalawang staff ng hospital kung hindi ang umalis nalang. Pagkalabas ng mga ito ay muling bumalik sa kaniya yung mga panahon na hindi pa sila