Third person point of view"Connor, sino ang pupunta ng america?" Tanong muli ni Florence dahil walang sumagot sa una niyang pagtatanong.Pinakatitigan niya ang dalawang lalaki na nasa harapan niya at nagkakambatan ang mga ito, sa hinuha niya ay nagtuturuan ang dalawa kung sino ang sasagot sa tanong niya."Connor!" Napipikon na tinawag niya ang pangalan nito.Napatayo ito at halata ang kaba sa mukha."Ako, plano ko na d-,"Parang bomba na sumabog sa pandinig niya ang sinabi nito kaya naman bago pa nito matapos ang dapat na sabihin ay sumingit na siya."Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad? Dahil ba ito sa mga nalaman mo tungkol sa akin. Kasi kung dahil doon ay handa naman akong baguhin ang sarili ko. God I really hate my life!" Bulalas niya na hindi na pinatapos ang sasabihin pa sana nito.Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Tumalikod na siya dahil hindi na niya hahayaan na masaktan lang siya dahil magpapaalam na ito sa kaniya."Florence!"Tinawag nito ang pangalan niya pero hindi
Third person point of view"Kiss me back, Florence." Hinihingal na utos ni Connor habang patuloy sa ginagawang paghalik sa kaniya.Pero dahil sa iba ang naging epekto ng pagkakasabi nito ng salitang mahal ay pakiramdam niya ay wala na siya sa kaniyang sarili.Tumigil ito sa paghalik at pansamantalang lumayo bago tumingin sa kaniya ng may pagtataka. "Okay ka lang ba. May masakit ba sa iyo?" Nag-aalalang tanong nito.Umiling siya at nginitian ito pero hindi siya gumawa ng anumang kilos maliban sa simpleng pag-iling. Ninanamnam niya muna ang epekto ng mabulaklak nitong salita sa kaniyang isipan."Florence, talk to me mahal," pagsusumamo nito.Muli siyang natigilan dahil sa muli nitong pagtawag sa kaniya ng mahal.Napanganga ito sa kaniya at unti-unting nanlaki ang mga mata at kaagad na bumakas ang realization sa mukha nito.Dahil sa naging reaksyon nito ay tipid siyang ngumiti. "This is the first time na sinabihan mo ako na mahal mo ako, nagulat lang ako dahil walang nagsasabi nun sa a
Third person point of viewSabay na naglakad palabas ng kwarto si Connor at Florence ng magkahawak ang kamay. Napagdesisyunan ng dalawa na ituloy ang naudlot nilang date sa kabila ng naging pagtatalo nila."Do you think papayag ang parents mo na isama kita sa US?" Nababahalang tanong ni Connor.Napaisip si Florence at maging siya ay kaagad ding nabahala dahil kapag nagkataon kasi ay ito ang unang beses na talagang lalayo siya sa pamilya niya ng hindi trabaho ang dahilan.Nagpatuloy ang dalawa sa pag-uusap hanggang sa makarating sila sa sala ng bahay sa first floor."So, okay na kayong dalawa? Mukhang blooming ka ah, Florence!"Napatigil sila sa pag-uusap ni Connor at sabay na napatingin kay Brent na nakataas ang kilay habang may nang-aasar na ngisi.Kaagad na nag-init ang buong mukha niya at pakiramdam niya ay umakayat sa ulo niya ang lahat ng dugo niya dahil may ibang kahulugan ang mga ngisi nito.Pinandilatan niya si Brent na bigla nalang humalakhak. Nagtatakang nagpabalik-balik ang
Third person point of view"Welcome to Sub Urban's Steak House!" Masiglang pagbungad ng isang dalagang staff.Napangiti si Florence dahil sa masiglang mukha ng staff na sumalubong sa kanila."Hello!" Ganting bati niya rito. "A reservation for Connor Sullivan," dugtong pa niya. Sub Urban's is a famous steak house here in Bukidnon and hindi sila tumatanggap ng walk in. Reservations only kaya naman kagabi pa lang nung nagplano sila na mag-date ay nagpa-reserve na si Connor.Hinintay niya na i-assist sila ng staff ng lugar pero wala siyang nakuha na pagbati mula rito pabalik sa halip ay katahimikan ang kaniyang natanggap. Tinignan niya ang dalagang staff only to find na kaya pala wala siyang natanggap na pagbati mula rito ay nakatulala na ito ngayon sa kasama niya.Pinukol niya ng masamang tingin si Connor na wala ang atensyon sa kaniya kung hindi nasa cellphone nito. Mukha namang naramdaman nito ang nakamamatay niyang tingin dahil dahan-dahan itong bumaling sa kaniya at kaagad itong n
Third person point of view"Kusa na akong sasama sa iyo, hindi mo na ako kailangan na itanan pa kaya pakasalan mo na ako!""HAHAHAHAHA!" Nagkaroon ng malakas na tawanan sa buong restaurant. Maging ang dalawang matanda kanina ay tawa na rin ng tawa.Kaagad siyang pinamulhan ng mukha dahil sa kahihiyan. Maging ang luha niya na sobra ang pagtulo kanina ay parang bula na naglaho. Tinignan niya si Connor na nakaluhod pa rin sa harapan niya at mukha na itong ngawit na ngawit dahil nakaumang ang kamay nito sa kaniya. Pero isa lang ang napansin niya na nagpahagikgik sa kaniya at yun ay ang pamumula ng mukha nito. Siguro ay hindi din nito inasahan na magiging ganito katawa-tawa ang proposal nito.Napapailing na naglakad siya palapit dito at ginaya niya ito. Lumuhod siya sa harapan nito at inumang niya ang kamay niya dito."Oo naman papakasalan kita kahit saang planeta o kahit sa bangketa pa iyan!" Pagsakay niya sa kalokohan nito.Muling nagkaroon ng tawanan at sigawan lalo na nung naisuot na
Third person point of view"I am dying out there, Connor!" Reklamo niya at sinimulan itong suntuk-suntokin.Tumatawa na sinasalag nito ang bawat suntok niya. "Love, stop! Hindi ko naman kasalanan kung kinikilig sila sa atin!" Natatawang sambit nito.Mas lalo siyang nainis dahil sa malakas at puno ng pang-aasar nitong tawa.Nakalabas na sila ng restaurant at kasalukuyang nasa sasakyan dahil plano na nilang umuwi. Nag-aya na siya since pagod na rin kasi siya at pakiramdam niya ay hapong-hapo ang katawan niya. Siguro ay dahil ito sa pagbubuntis niya.Marami siyang nabasa na magazine na kapag buntis ay madaling mapagod, pero nagtataka siya dahil pagdating sa oras nila ni Connor ay hindi naman siya napapagod? Mas lalo pa nga siyang ginaganahan na para bang nagiging booster ang sex para sa kaniya. Nahihiya naman siyang magtanong sa mga ate niya kung bakit ganoon kaya umaasa nalang siya sa mga magazine.Ipinilig niya ang ulo niya para iwaksi ang mga iniisip niya. "Tuwang-tuwa ka naman? Sig
Third person point of view"Love!" Tawag ni Connor kay Florence.Hindi siya nito pinansin, dire-diretso lang itong naglakad hanggang sa kotse niya na parang walang naririnig.Pauwi na sila ngayon, tinapos lang nila na maayos ng doctor ang mga bills nila at nung nakapagbayad na siya ay nagpatiuna na itong maglakad palabas."Come on Love, binibiro lang naman kita!" Natatawang sambit niya habang nakasunod siya dito.Hindi niya napigilan ang sarili na lihim na mapahagikgik dahil nakakatuwa talaga ito kapag napipikon.Galit na tumingin ito sa kaniya dahilan para mapahinto siya sa paglalakad at namumutlang nagtaas ng kamay."Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Singhal nito sa kaniya.Magkakasunod siyang umiling at tinikom ng matindi ang bibig para hindi kumawala ang pinipigil niyang tawa.Mas lalong sumama ang tingin nito at nanginginig ang kamay na itinuro siya."Siguro ay tuwang-tuwa ka na nakikita ng ibang babae ang katawan mo!?" Galit na tanong nito. "Ano, gusto mo na ba sila? Ayaw mo na ba
Third person point of view"You are kidding, right?" Pag-uulit na tanong niya dahil hindi nito sinagot ang nauna niyang tanong.Bumaling ito sa kaniya at pinag-ikutan siya ng mata. "Yeah!" She said in a duh tone.Naiiling na bumalik siya sa pagmamaneho habang pilit na pinapaalalahanan ang sarili na magpigil.Hindi tumagal ng isang oras ang naging byahe nila pauwi dahil hindi naman ganoon kalayo ang hospital at wala din traffic. Eksaktong trenta minutos ay itinigil niya ang kotse niya sa tapat ng bahay nila Brent. Kaagad siyang pinagbuksan ng guard."Magandang gabi po Sir," bati sa kaniya ng guard pagtapat niya dito.Nakita niya ang pagsilip ng guard sa loob ng kotse niya."Magandang gabi din po," ganting bati niya at tinanguan lang ito bago muling pina-usad ang sasakyan.Kaagad na idiniretso niya ang kotse sa malaking garahe ng bahay nila Brent. Pero nagtaka siya dahil may isang Audi A3 ang nakaparada sa usual na pinagpaparadahan niya.Wala naman ang sasakyan na iyon nung umalis sila
Connor point of view"Bro, do you think may manggugulo pa sa kasal niyo ni Florence?" Tanong ni Alisson na nakatayo sa tabi niya."Yeah, I still can't recover from that past incident," tugon naman ni Arisson.Nakangiti siyang umiling bilang sagot sa naging tanong ni Alisson ng hindi inaalis ang tingin sa bukana ng simbahan kung saan nakatayo at naghahanda ng maglakad papasok ng simbahan nag mapapangasawa niya.Sino ba ang makakalimot sa nangyaring insidente na iyon? Noong mga panahong iyon ay akala niya mawawala na ng tuluyan si Florence sa kaniya, habang papunta sila ng hospital ay doon niya unang naramdaman ang kahinaan dahil sa pagkakasaksi niya kung paano dahan-dahan na pumikit ang mga mata ni Florence. Noong mga oras na iyon ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang umiyak at tahimik na magdasal na bigyan pa siya ng pagkakataon na makasama ang babaeng mahal niya at ang magiging anak nila."Bro!" Pasigaw na sambit ni Arisson.Napatingin siya dito only to find na nasa tabi na pala
Connor point of viewMabilis kaming nakarating sa lugar kung saan dinala ni Calixta si Florence, medyo nahirapan pa kami dahil may kalakihan ang lugar at marami ang pasikot-sikot pero eventually ay nahanap din naman namin.Naglakad siya ng dahan-dahan sa likod ng isang may kalakihang poste at mula doon ay nakinig siya ng mga pinag-uusapan.Humigpit ang hawak niya sa baril na dala niya pagkatapos marinig ang nagmamakaawang boses ni Florence."Damn you Calixta!" Mahina at madiin na sambit niya. Mabilis siyang tumayo at sinenyasan ang Daddy ni Florence na mauuna na siyang sumugod.Nasa tapat niya lang ito kaya madali lang silang nagkaintindihan. Tumango ito at sinenyasan siya na umabante na kaagad niyang sinunod. Maingat ang bawat hakbang niya pero may pagmamadali din siya dahil habang tumatagal na hindi niya nakikita si Florence at tanging mga hikbi lang nito ang naririnig niya ay para siyang masisiraan ng bait.Nagkubli siya sa likod ng pinto at palihim na sinilip ang mga nangyayari
Connor point of viewIsang linggo na ang nakakalipas mula noong nagpunta sila sa bahay ni Ruel sa pagba-baka sakali na makita doon si Calixta at makausap ito, at hindi naman sila nabigo, nakausap nila si Calixta pero hindi naging maganda ang kinalabasan. Sa loob ng isang linggo wala silang ginawa kung hindi ayusin ang kasal nila habang naghihintay ng pag-atake ni Calixta, pero hindi nangyari ang inaasahan niya na labis niyang ikinakatakot dahil baka kung kailan ikakasal sila ni Florence ay saka ito manggulo."Bro, kanina ka pa namin kinakausap pero nakatulala ka lang diyan sa labas ng simbahan. Sabihan mo kami kung hindi ka pa handang magpakasal para naman maitakas ka na namin habang hindi pa nagsisimula!" Nawala ang malalim niyang iniisip nung marinig niya ang natatawang boses ni Arisson- asawa ni Joana Me, panganay na anak ni Dominador at Consuelo."Arisson ano ka ba, hindi na tatakbo yan si Connor dahil sigurado na nasa tapat pa lang ng simbahan yan ay lumpo na 'yan," natatawang
Calixta point of viewOne month has passed."Miss Dela Vega, can you slowly open your eyes for me?" Patanong na utos ng doctor.Takot ang nararamdaman niya dahil ayaw niyang ma-dismaya siya sa resulta ng eye transplant niya.One month ago ay tuluyan siyang nabulag, walang kahit anong liwanag siyang nakita hindi kagaya noong una na mayroon kaunting liwanag. Noong mga panahon na iyon ay ang plano niya sana na gantihan sina Florence at Connor pero dahil sa pagkabulag niya ay wala siyang nagawa kung hindi ang ipagpaliban ang paghihiganti na gusto niya. Isang linggo pagkatapos niyang mabulag ay humanap siya ng pwedeng maging donor and luckily ay nakahanap siya sa tulong ng mga doctor na kakilala niya.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Napuno siya ng kaba dahil tanging blurry lang ang nakikita niya."Is your eyesight okay?" Tanong muli ng doctor.Kumurap siya baka sakaling magbago ang mga blurry na nakikita niya at halos mapatalon siya sa saya dahil habang tumatagal ay lumilin
Florence point of viewSorry love, na-late ako," puno ng pagsisisi na wika ni Connor habang yakap siya."L-Late k-ka na t-talaga."Sabay silang napatingin ni Connor sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng mas mahigpit na pagyakap niya kay Connor.Sa harapan nila ay nakatayo at nakangising nakatutok ang baril nung lalaki na nagtangkang pumatay sa kaniya."Nooooooo!" Sigaw niya para patigilin ito sa tangka nitong gawin pero;BANG!Huli na ang lahat dahil isang malakas na putok ng baril ang muling umalingawngaw sa loob ng kwarto niya. Namutla siya kasabay ng pagtakas ng lahat ng dugo na mayroon siya.Nanginginig na pinagmasdan niya ang dahan dahan na pagbagsak ng lalaki na nagtangka sa kaniyang pumatay. Isa-isang pumatak ang dugo mula sa bibig nito. Natutop niya ang bibig niya dahil sa halo-halong emosyon.Dahan-dahan siyang umalis sa kama para puntahan ang lalaki na kasalukuyang naghahabol ng hininga habang nasa kisame lang ang tingin. Bumubuka ang bibig nito na para itong n
Florence point of viewPagkalabas ng kwarto ni Connor at ng mga magulang niya ay saka lang siya tumihaya mula sa pagkakatagilid niya ng higa.Sakto naman na pagtihaya niya ay ang pagbukas ng pinto ng hospital room niya. Pumasok ang isang naka-uniporme ng pang-hospital pero napakunot ang noo niya sa pagtataka dahil masyadong balot ang suot nito."Ikaw ba ang doctor na tumingin sa akin?" Tanong niya.Tumingin ito sa kaniya pero hindi ito sumagot, bumaling ito sa pinto at sinarado iyon. (Click!) Mabilis siyang bumaling sa pinto bago kinakabahan na tumingin siya sa mukha ng staff ng hospital na pumasok."Bakit mo ni-lock yung pinto?" Tanong niya habang umuupo siya at mas idinidikit ang sarili sa dingding ng room niya.Nagsimulang maglakad palapit sa kaniya ang staff, ang mga tingin nito ay nanunuot sa kaniya at para siyang sinasaksak dahil sa sobrang talim non."Tinatanong kita kung ano ang balak mo at kinandado mo ang pinto!?" Singhal niya.Ramdam niya ang pag-ngisi nito sa likod ng fa
Connor point of viewIt feels like deja vu. Hawak niya ngayon ang mga kamay ng walang malay na si Florence, just like noong nag-crash ang eroplano nito, walang kasiguraduhan kung magigising ito at tanging milagro nalang ang kakapitan."Why you did not stopped her!?" Galit na sigaw ng Mommy ni Florence. Lumapit ito sa kaniya at pinagsusuntok siya sa mukha.Sobrang sakit ng mga suntok nito pero walang wala ang mga ito sa sakit na nararamdaman niya habang hawak niya ang kamay ng walang malay niyang minamahal.Hindi siya nakakibo dahil hanggang ngayon ay shock pa rin siya sa mga nangyari."Sumagot ka! Bakit hinayaan mo ang anak ko na magkaganito!?" Muli ay sigaw nito habang mas nilalakasan ang pagsuntok sa kaniya.Tahimik lang na tinanggap niya ang mga suntok na ibinibigay ng Mommy nito."Consuelo, aksidente ang mga nangyari kaya hindi mo pwedeng sisihin si Connor," sambit ni Daddy Dominador at sapilitang inilayo sa kaniya si Mommy Consuelo."No Dominador! Wala siyang ginawa para protekta
Calixta point of view"Ikaw na nga ang inaalala pero ikaw pa ang nagagalit. Magsama kayo ng halimaw mong kaibigan!" Sigaw nito at tumatakbong lumabas ng morgue, muntik pa itong mabangga sa pinto.Kaagad siyang na-konsensya sa nagawa niya dito kaya naman hinabol niya ito para sana suyuin pero habang nakikita niya itong paulit-ulit na nadadapa at bumabangon ay natigilan siya at tahimik lang na tinatanaw ito.Ilang minuto pa niyang tinanaw ito bago siya naglakad pabalik sa morgue."Mas mabuti na siguro na maghiwalay kami ng landas para na rin sa kaligtasan niya," pagkausap niya sa kaibigan niya.Ilang beses pa niyang kinausap ang kaibigan niya bago siya nag-desisyon na umalis ng morgue. Nag-iwan muna siya ng isang liham at one hundred thousand in cash para sa lahat ng expenses pati sa pagpapalibing sa kaibigan niya.Pagkalabas niya ng morgue ay muli siyang tumingin sa huling pagkakataon. Kasabay ng pagtulo ng luha niya ay ang pamamaalam niya sa kaibigan na ilang beses nagligtas sa kaniya
Ruel point of view"I'm sorry sir, but kailangan na po siyang idala sa morgue," sambit ng isang boses.Mula sa pagkakatulala ay mabilis siyang tumingin sa nagsalita. Nakita niya ang dalawang lalaki na nasa harapan ng hinihigaan ng kaibigan niya at nakahawak na ang mga ito sa gurney base sa suot ng mga ito ay nahulaan niya kaagad na staff ito ng hospital.Tumalim ang mga mata niya, "morgue!?" Galit na bulyaw niya. "Bakit ninyo dadalhin sa morgue ang kaibigan ko, hindi pa siya patay!" Dugtong pa niya at hinarangan niya ang mga staff ng hospital na gustong kuhanin ang katawan ng kaibigan niya.Nagkatinginan ang dalawang nasa harapan niya at bakas ang pagtatakha sa mukha ng mga ito. Nagbulungan pa ang mga ito, isang bagay na mas lalong ikinagalit niya."Umalis na kayo dahil wala kayong mapapala dito, hindi pa patay ang kaibigan ko!"Walang nagawa ang dalawang staff ng hospital kung hindi ang umalis nalang. Pagkalabas ng mga ito ay muling bumalik sa kaniya yung mga panahon na hindi pa sila