Third person point of view"Florence!" Sigaw ni Connor habang umiikot sa buong hospital para hanapin si Florence.Where did she go?Nakakaramdam na siya ng pagod sa paghahanap pero hindi pa rin niya makita ang hinahanap niya hanggang sa:"Are you looking for a girl with a brown wavy hair na hanggang baywang?" Napatingin siya sa gawing kaliwa niya dahil may madadaanan siyang grupo ng mga nurse na puro lalaki. Tumango siya sa itinanong ng isa sa mga ito."She went there," sagot nito at may itinuturo.Tinignan niya ang itinuturo nito. It is the fire exit.Tumango siya bilang pasasalamat at kaagad ng pinuntahan ang lugar. Pagdating niya sa naturang lugar ay walang kahit sino ang naroon. Hindi ganoon kaluwang ang fire exit kaya naman madaling makikita kung may tao sa lugar."SHIT!" Mura niya pagkatapos mapagtanto na naloko siya ng mga lalaki na iyon. Tumakbo siya palabas ng fire exit para balikan ang grupo ng kalalakihan pero wala na ang mga iyon kung saan niya nakita.Kumabog ang dibd
Third person point of view"CONNOR!" Sigaw ni Dominador pagkakita kay Connor na bigla nalang bumagsak sa sahig. Mabilis nitong dinaluhan si Connor at inalalayan na tumayo. Pagkatayo ni Connor ay nanatiling nakaalalay sa kaniya ang Daddy ni Florence. Sabay nilang hinarap ang babaeng doctor na kapwa gulat at pabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa."Are you okay Mister?" Salat sa pag-aalalang tanong ng doctor habang nakatingin sa kaniya.Hindi niya makuhang tumango dahil hindi niya kayang magsinungaling at sabihin na okay siya kahit malayo iyon sa talagang nararamdaman niya. Kaya naman nagpakatotoo siya at umiling siya bilang sagot at mas pipiliin nalang sana na manahimik pero hindi niya kaya, kkaya nagsalita na siya."How can I be okay kung wala na yung anak ko!?" Matalim na tanong niya.Ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya.Napanganga ang doctor sa naging pagsabog niya at gulat na gulat ang mga mata nito pero dagli din iyong tumalim."Sinabi ko ba na wala na ang
Third person point of view"Nagbibiro ka lang hindi ba?" Tulala na tanong ni Florence kay Connor na aliw na aliw na nakatitig sa kaniya.Nakangisi na umiling-iling si Connor habang naglalakad palapit sa kaniya. Kusang umatras ang katawan niya dahil sa kaba na baka may gawin ito.Mas lalong lumawak ang pagkakangisi nito at mas binilisan ang paglapit sa kaniya.Nung ilang pulgada nalang ang layo nila sa isa't-isa ay pinahiga na siya nito sa kama at kinumutan ng hanggang sa baywang niya."Matulog ka na at huwag ng magtanong pa dahil baka hindi ka na makatulog ng tuluyan," makahulugang sambit nito.Nahigit niya ang paghinga at wari'y may sariling buhay ang mga kamay niya na hinila ang kumot hanggang leeg niya.Hindi na nito napigilan ang humalakhak ng malakas.Namula siya dahil sa naramdaman na pagkapahiya. Alam niya na may nangyari na sa kanila ni Connor pero isang beses lang iyon at iyon ang una niyang karanasan kaya naman hindi niya masisi ang sarili kung bakit ganito nalang ang nara
Third person point of viewTigagal siya habang nakatingin sa mga ito na magkahugpong ang mga labi.Mabilis na tinulak ni Connor si Calixta."What the fvck Calixta!" Sigaw ni Connor dito.Napahikbi siya, dahilan para sabay na mapatingin sa kaniya ang dalawa. Nakangisi sa kaniya si Calixta habang dinidilaan ang pang-ibabang labi na para bang nilalasahan nito ang halik ni Connor.Napatingin siya kay Connor na puno ng takot ang mga mata. Napailing siya at mabilis na naglakad pabalik sa kwarto nito.Bakit ba inisip niya na kaya siya nitong mahalin? Ang tanga-tanga mo Florence! "Florence, let me explain!" Dinig niyang sigaw ni Connor."Connor, hayaan mo na siya! Nandito ako, handa akong gawin ang lahat para sa iyo!" Habang paakyat siya ay dinig niya ang pagmamakaawa at talim sa boses ni Calixta."No!" Hindi na malinaw sa pandinig niya ang huling sinabi ni Connor. Natatalo na ng sakit at pag-iyak niya ang kakayahan niyang makarinig at makapag-isip ng tama.Pagkarating niya sa kwarto ni C
Third person point of view"C-Connor." Ramdam ni Connor ang kaba ni Florence nung tawagin nito ang pangalan niya. Alam niya kung bakit ito kinakabahan at alam niya rin na siya ang dahilan non. Tinignan niya ang mga mata nito at hindi niya napigilan ang matigilan dahil puno iyon ng takot.Napabuntong hininga siya at tuluyang umalis sa ibabaw nito.Napasinghap ito at puno ng pagtutol ang mga mata pero iba ang pinapakita ng expression nito.Kinuha niya ang kumot at binalot niya sa hubad nilang katawan."I know that I put trauma in you at gusto ko lang na malaman mo na hindi ko na uulitin ang nagawa ko sa iyo noon." Tipid ang ngiting aniya at pinagkasya nalang ang sarili sa pagyakap dito."I know, I am just worried that I might not be enough, na pagkatapos nito ay iiwanan mo ulit ako at babalik ka kay Calixta," puno ng pagsuko na sagot nito at dahan-dahan na inalis ang kumot na naka-balot sa katawan nito.Dahil sa ginawa nito ay nahantad sa kanya ang kahubdan nito."What makes you think
Third person point of view"Anong pumasok sa isip mo at nakipaghiwalay ka kay Connor!?" Gulat na bulalas ni Brent sa kapapasok lang na si Florence.Lulugu-lugo na naupo si Florence sa sofa. Wala pang ilang segundo siyang nakaupo ay magkakasunod ng tumulo ang mga luha niya."He is not my boyfriend. Hindi niya ako mahal," komento niya habang umiiyak.Hindi niya makita ang reaksyon ng kaibigan niya pero kahit ganon ay alam niya na pinag-iikutan na siya nito ng mga mata. "B-Brent," dinig niya ang pagkabasag ng boses niya nung tawagin niya ang pangalan nito. "Why is this happening to me?" Isa-isang bumabalik sa kaniya ang mga nalaman niyang ginawa ng parents niya. Ramdam niya ang pag-upo ni Brent sa tabi niya. Hinawakan nito ang kamay niya at marahan iyong pinisil. "Stop crying kasi makakasama iyan sa baby mo," paalala nito.Kaagad siyang natauhan at pilit na pinakalma ang sarili sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagpapakawala ng malalim na paghinga."Ano na ang plano mo ngayon?" tanong
Third person point of view"Connor, tingin mo ay magugustuhan ng anak natin ang damit na ito?"Isang linggo...Isang linggo na ang nakararaan magmula ng tuluyang iwan ni Florence si Connor. At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ito sa tabi niya at malaki ang posibilidad na hindi na buumalik. Pero kagaya ng sinabi nito sa kaniya ay inaayos na niya ang buhay niya ngayon."Connor?" Napatingin siya kay Calixta at doon ang siya natauhan. Kasama pala niya ito ngayon."May sinasabi ka ba?" Tanong niya.Pinilit niyang ibaling dito ang atensyon niya pero wala pang isang minuto ay nag-lakbay na naman ang utak niya kay Florence.Mula ng umalis ito ay saka lang niya na-realize ang labis labis na pagmamahal niya dito."Oo, tinatanong ko kung tingin mo ba ay bagay ito sa anak natin?" Napatingin siya sa damit na ipinapakita nito. Muli na naman naglakbay ang isip niya.Malaki na kaya ang tiyan ni Florence? Yung anak kaya namin bagay na bagay siguro kahit ano pa ang suotin.
Third person point of view"B-Brent, h-h-huli n-na y-yata a-ako n-n-naka m-move o-on n-na s-siya," nahihirapang huminga na sambit niya sa kaibigan niya.Kakatapos lang nilang mag-usap ni Connor. Akala niya ay gagaan na ang pakiramdam niya pero mali pala siya. Mas lalo niyang naramdaman ang pag-iisa at lungkot.Tinignan niya ang kaibigan niya na nakataas ang kilay sa kaniya."Hindi ba gusto mo naman ito? Sinabi mo pa nga na tatanggapin mo kahit na magmahal ito ng iba? Bakit kailangan mong umiyak?"Para siyang sinampal ng katotohanan. Kumirot ang puso niya dahil may katotohanan ang sinabi ng kaibigan, she just refuse to accept na ganoon kabilis dahil deep inside her ay umaasa siya na hindi maghahanap ng iba si Connor.Nahihiya na nagbaba siya ng tingin dahil hindi niya kaya ang tingin na pinapakita sa kaniya ng kaibigan.Nakarinig siya ng pagbuntong hininga kasabay ng mahihinang yabag."Hindi ako nagagalit sa iyo Florence, pero naisip mo ba na napaka-selfish mo? Iniwan mo si Connor at s