Kasalukuyan ngayong nasa Ahsford Corp. si Seb. Busy siya sa opisina niya nang makatanggap siya ng tawag mula sa mommy niya at sinabi nito ang magandang balita. Gising na raw ang daddy niya. Wala ng inaksayang oras si Seb at mabilis niyang kinuha ang susi ng kotse niya at pinasibad ito pauwe sa mansion. Finally, ay nagising na rin ang daddy niya. Habang nagmamaneho pauwe ay tinawagan niya ang kanyang PI na pumunta sa mansion. May dapat silang pag-usapan. Kung gising na ang daddy niya, maaring masagot na nito ang mga tanong nila. Malaking tulong ito para mahuli na nila ang may gawa nito sa daddy niya. At hindi niya pwedeng palagpasin ang ginawa ng hayop na 'yon kung sino man siya. The good thing is nanatiling naka block ang news tungkol sa nangyari sa ama niya. Pagdating sa mansion ay nadatnan niya sa labas ng gate si Roland at halos sabay lang sila na dumating. "Ano'ng balita sa imbestigasyon mo?" tanong niya kaagad nang makapasok sila sa loob. "Sir, sa ngayon wala pa akong nakuh
"Sigurado ka hubby? Okay lang talaga sa 'yo na mag work ako?" ulit ni Abi sa sinabi ng asawa niya. Marahan na tumango si Seb at nakangiting tinitigan ang reaksyon niya. "Yeah, I'm sure," anito. "Isa pa sa Ashford Corp., ka naman magtatrabaho kaya okay lang. Araw-araw pa rin naman tayong magkakasama. At para na rin hindi ka mabagot dito sa bahay kapag nasa school ang mga bata," nakangiting wika ni Seb. Mabuti naman at naisipan ito ng asawa niya. Nasanay na siya na may trabahong ginagawa kaya hinahanap-hanap na ito ng katawan niya. Akala ni Abi hindi na niya mararamdaman muli ang ganitong saya. Saya na kasama ang lalaking mahal niya at ang mga anak nila. Akala niya wala ng pag-asa na mabuo pa sila. Pero thank God, dahil hindi sumuko si Seb sa kanila. Hanggang ngayon bumabawi ito at pinapatunayan ang sarili nito sa kanya. Ang lalaking nanakit ng sobra sa puso niya ay siya rin ang lalaking gumamot ngayon sa puso niyang sugatan. Sana nga ay mahuli na sina Sandra at Johnson para matapos
"Ang dami nyong nagbabantay. Papaanong nakidnap ang anak ko!" galit na galit na bulyaw ni Seb sa mga tauhan niya. Pagkarating nila sa mansion ay galit ang salubong ng asawa niya na kanina pa hindi maipinta ang mukha. Lalo pang nagdagdagan ang galit ni Seb nang malaman nito na wala na si Johnson at Sandra sa lugar na pinagtataguan ng mga ito. Kuyom ang kamao nito na pabalik-balik ng lakad sa sala at napapahilamos ng palad sa mukha. Hindi na sila pumunta pa sa police station dahil ang mga police na mismo ang pinapunta ng daddy ni Seb sa mansion. Habang kausap ni Seb at ng daddy nito ang police officer ay hindi naman mapakali si Abi. Kanina pa siya naiiyak habang iniisip niya si Shane. Paano kung umiiyak na ngayon ang anak niya. Paano kung sinasaktan na ito ngayon ng dumukot dito. "Mom," napatingin si Abi sa mother in law niya nang tumabi ito sa kanya at niyakap siya. Napahagulhol siya sa balikat ng ina. "Lord, please, ibalik niyo na po sa amin ang anak ko," piping dasal ni Abi.
Naibagsak ni Seb ang telepono sa sobrang galit nang babaan siya ng tawag ni Johnson. "Nababaliw na talaga ang lalaking 'yon, lahat gagawin niya para sa pera," tiim-bagang na wika ni Seb. "Seb, sino ang kumuha sa anak natin? Kilala mo ba kung sino siya? Bakit nila dinukot si Shane ano ang kailangan nila?" sunod-sunod na tanong ni Abi sa asawa. "Hindi lang basta kilala, kundi kilalang-kilala. Si Johnson, siya ang may gawa nito sa anak natin. Siya ang nagpadukot kay Shane at siya rin ang nag-utos ng pamamaril kay dad," wika ni Seb at inilipat ang tingin sa daddy niya. "Oh my God!" hindi makapaniwalang sambit ng mommy niya at napatakip pa ito ng dalawang palad sa bunganga. "See? Wala talagang idinulot na maganda yang anak mo sa labas Samuel! Nababaliw na siya at pati ikaw na sarili niyang ama kaya niyang ipapatay!" galit na sabat ng mommy niya. "Ganun siya ka desperado sa pera mom. Kaya malamang na kinasabwat niya ang ama ni Sandra. Lalo pa at isa itong sindikato kaya mas lal
Pagkatapos makipag-usap ni Seb kay Roland at sa mga pulis ay umakyat na siya sa taas. Hindi na muling bumaba pa ang asawa niya kaya baka nakatulog na ito. Nakahanda na ang pera na ibibigay niya kay Johnson bukas. Kailangan na lang niyang gawin ay maghintay ng umaga. Mag-isa lang siyang makikipagkita bukas para masigurado niya na ligtas ang anak niya at tutupad si Johnson sa napag-usapan nilang dalawa. Binuksan ni Seb ang pinto ng masters bedroom pero wala roon ang asawa niya. Muli niya itong isinara at naglakad patungo sa kwarto ng mga anak nila. Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura at iniiwasan na makalikha ng anu mang ingay. Nakita niya si Abi na nakahiga sa kama ng mga bata. Nakatihaya ito habang nakayakap ang anak nilang si Sofie. Si Gavin naman ay nasa sulok, nakadapa at mahimbing din ang tulog. Maingat siyang umupo sa gilid ng kama sa tabi ni Abi. Pinagmasdan niya ang magandang mukha ng asawa niya at bakas sa pisngi nito ang luhang natuyo dala ng pag-iyak. Hinaplos niya
"Hayop ka Sebastian! Hindi ka marunong tumupad sa usapan!" galit na galit na sigaw ni Johnson kay Seb. Kaya naman muling humarap si Seb sa lalaki. Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ni Abi nang bumunot ng baril si Johnson at itinutok iyon sa anak nila ni Seb. Kaya naman mas binilisan ni Abi ang pagtakbo at niyakap ng mahigpit ang anak niya. Kasabay niyon ay ang umalingawngaw na pagputok ng baril. Na agad sinundan ng isa pang sunod-sunod na mga putok ng baril. Unti-unting nagmulat ng mga mata si Abi at nakita niyang yakap-yakap ni Seb silang dalawa ni Shane. Napahiwalay sila ng yakap sa isa't- isa nang marinig nila ang pag-iyak ni Shane sa pagitan nilang dalawa ng asawa niya. Agad na nataranta si Abi at ininspeksyon ang katawan ng anak. Pero wala itong tama ng baril. Maging kay Seb ay ganun rin ang ginawa niya. "Are you okay, wife?" may pag-aalalang tanong ni Seb sa kanya. "Seb, si...si Johnson...." nangininig na sambit ni Abi na ang mga mata ay nakatingin sa ibang di
SEBASTIAN Dalawang araw matapos ang nangyaring insidente ay tahimik nilang ipinalibing ang bangkay ni Johnson. Hindi na nila ito pinatagal pa, dahil wala naman ng rason pa. Kahit na ganun ang nangyari ay binigyan pa rin ito ng maayos na libing ng daddy ni Seb. After all kapatid pa rin niya ang lalaki at anak pa rin ito ng kanyang ama. Inutusan ni Seb ang mga tauhan niya na mag matyag sa buong paligid ng sementeryo dahil malakas ang kutob niya na baka puntahan ni Sandra ang kapatid niya at baka nasa paligid lang din ngayon ang babae. Alam naman niya na may relasyon ang dalawa. Isa pa sigurado siyang alam na ni Sandra ang nangyari kay Johnson dahil may isang tauhan ito na nakatakas nang araw na mabaril ang kapatid niya. At hindi malabong nagsumbong na ito kay Sandra. Gagawin din niya ang lahat ng makakaya niya para mahuli si Sandra. Dahil hanggat nasa labas pa ang babae ay hindi ligtas ang pamilya niya. Lalo na at hindi basta-basta ang ama nito. Pagkatapos na mailibing si Johnso
Matulin na lumipas ang isang buwan at sa loob ng buwan na iyon ay medyo naging maayos na ulit ang buhay nila. Although hindi pa rin nahuhuli ng batas si Sandra ay hindi naman tumitigil si Seb at ang mga kapulisan na mahuli ito. 'Yon nga lang sa ngayon ang alam nila ay wala na sa bansa si Sandra. Batay ito sa bagong impormasyon na nakalap ng mga tauhan ni Seb. At sa loob ng isang buwan ay hindi muna siya nagtrabaho sa kumpanya ng asawa niya at tinutukan muna niya ang tatlong anak habang nag ho-home schooling ang mga ito. Pina undergo na rin nila ang mga anak nila ng therapy sa isang specialist (child psychologist) psychotherapy (talk therapy). Dahil nagkaroon ng PTSD si Shane, ito 'yong tinatawag na post traumatic stress disorder. Sa tatlo nilang anak ito kasi ang mas nagkaroon ng trauma dahil sa nasaksihan nito ang nangyari kay Johnson. Sa awa ng Diyos at sa tulong ng therapy ay naging maayos na ulit si Shane at ang dalawa pa nilang mga anak ni Seb. Naging masigla na ulit ang mga i
"Shit," muling napamura si Seb nang sabihin ni Abi na samahan niya ang asawa sa loob ng delivery room. Hindi naman sa takot siya or duwag siya kundi kinakabahan siya ng sobra. Napatingin si Seb sa palad niya at kita niyang sobrang puti nito na tila wala ng dugo. Ambilis din nang kabog ng dibdib niya na akala mo ay siya itong manganganak. Nasasaktan siya sa tuwing nakikita ang asawa na napapangiwi sa sakit ng tiyan. Nasaktan siya kanina sa natamo niyang sampal sa asawa niya pero mas nasasaktan siya na nakikita itong nahihirapan. Nakahiga na ngayon si Abi at nakabukaka ang dalawang hita nito. Mahigpit din na nakahawak sa kamay niya ang kamay ng asawa niya habang nasa gilid siya nito. Na para bang sa kanya kumukuha ng lakas. Ngunit kasabay nang malakas na pag-ire ni Abi at paglabas ng baby nila ay siya namang biglang pagbuhos ng mga luha sa mga mata niya. ******** Nagising si Abi na puting kisame agad ang nabungaran ng paningin niya. Nanghihina siya at parang naubos ang l
Five months later... "Hubby," gising ni Abi kay Seb na mahimbing ang tulog sa tabi niya. "Manganganak na ata ako, hubby," saad ni Abi at muling niyugyog ang balikat ng asawa niya para gisingin ito. Pero nakakailang gising na siya ay hindi pa rin nagigising si Seb at nakanganga pa ito. Hindi man lang natinag sa panggigising niya. Nagising kasi siya ngaying madaling araw dahil nakaramdam siya ng panaka-nakang sakit sa tiyan niya. Idagdag pa ang pangangalay ng balakang niya. Kabuwanan na kasi niya ngayong buwan. Pero ang expected due date niya ay sa susunod na linggo pa. Pero mukhang hindi na ata siya aabutin next sunday dahil pakiramdam niya ngayong araw ay lalabas na ang baby nila. "Ouch," daing niya nang muling makaramdam ng sakit. Naninigas ang tiyan niya kaya napapangiwi siya sa sakit. Napahaplos siya sa tiyan niya at hinimas-himas ito. Nakasuot naman siya ng maternity night dress kaya ready na siya ano mang oras na dalhin na siya sa hospital. Ang problema niya ay tulo
Maingat siyang inilapag ni Seb sa dulo ng kama. Yumuko ito sa harapan niya at agad na sinibasib ng halik ang labi niya. Hindi na rin siya nagpakipot pa at kaagad na nag-init ang katawan niya nang magsimulang maglumikot ang kamay ni Seb sa malulusog niyang dibdib. Kahit na may suot pa siyang nighties ay damang-dama niya ang init na nagmumula sa palad nito. Hinuli nito ang dila niya at sinupsop iyon, kaya hindi niya napigilan ang mapaungol. "Uhmmn..." Bumaba ang halik ni Seb sa leeg niya at pinatakan siya roon ng magagaang halik. Habang ang malikot nito kamay ay nasa hita na niya naglalakbay. Lalo tuloy siyang nakiliti. Pakiramdam niya basang-basa na siya down there. Idagdag pa na buntis kaya mataas ang libido niya sa katawan. Natatawa na lang tuloy siya sa sarili niyang karupukan. Kanina lang kasi sobrang inis niya kay Seb, tapos heto ngayon namamasa na siya. "Naku Abi, maghinay-hinay ka at buntis ka pa naman," paaalala ng isip niya. "Ahhh....ohhh..." ungol ng himasin ni Seb ang
Tatlong buwan ang mabilis na lumipas at ngayon apat na buwan ng buntis si Abi. Matapos ang nangyari noon ay naging maayos na ulit ang buhay nila. Wala na si Sandra, patay na ang babae. Namatay ito na wala man lang pagsisisi sa lahat ng kasamaang ginawa nito. Ngayon malaya na sila, wala nang nangugulo sa kanila, wala nang banta sa buhay nila. Pati mga anak nila ay ligtas na sa kapahakan. Mula sa kusina kung saan tanaw ang pool area ay masayang pinagmamasdan ni Abi ang mag-aama niya habang naliligo sa pool. Puno ng tawanan at asaran ang mga ito. Kawawa nga lang ang nag-iisa nilang prinsesa na si Sofie na lagi na lang napagtitripan na asarin ng dalawa nitong kuya. Kaya maya-maya naiiyak na lang ito bigla lalo na kapag ang kakambal nito ang nang-aasar. "Ang saya-saya nila no?" Dinig niyang boses mula sa likod niya kaya napalingon siya rito, saka niya nakita ang maaliwalas at masayang mukha ng biyenan niyang babae. Naririto kasi sila ngayon sa kusina at tinutulungan siyang maghan
After two days ay nakalabas na ng hospital si Seb. Hindi pa man masyadong magaling ang sugat nito pero mas pinili nito na sa mansion na lang magpapagaling. Dalawa ang tama ng bala sa katawan nito. Isa sa tagiliran at isa sa kaliwang balikat. Pero thanks God dahil maayos na ang lalaki. Hanggang sa mabilis na lumipas ang mga araw at tuluyan na nga itong gumaling at balik trabaho na. Pati siya ay ganun din, dahil katwiran niya mabo-bored lang siya sa bahay lalo pa at nasa man araw-araw ang mga bata. Busy silang dalawa ni Lanie sa pagpi-print ng mga documents na kakailanganin mamaya ni Seb para sa meeting nito sa board room nang biglang bumukas ang pinto. Pag-angat niya ng tingin ay nakita na si Nikko ang pumasok mula roon kasama ang fiancée nito na si Alex. "Hey dude! "Hi, Abi." Bati ni Nikko na malawak ang pagkakangiti ng lalaki. "Yes, dude, napadalaw ka?" ani Seb. Huminga muna nang malalim si Nikko bago ito nagsalita. Pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang pasimple ni
"Seb! No! No! No! Please wake up, love. Wake up, please.... " hagulhol ni Abi at pilit na ginigising si Seb na wala ng buhay. "Abi...Abi... gising bess, binabangungot ka 'ata," wika ni Lyca at pilit na ginigising nang paulit-ulit ang kaibigan niya. Kanina pa kasi niya napapansin na pabalinh-baling ang ulo nito sa kama habang nakapikit ang mga mata. "Beshie, gising na. Hindi maganda 'yang panaginip mo," muli pang saad ni Lyca at pilit na ginigising ang kaibigan. ******** Napdilat naman ng mga mata si Abi nang maramdaman niyang paulit-ulit na may yumuyugyog sa braso niya at pilit siyang ginigising. Bago niya tuluyang imulat ang mga mata narinig pa niya ang boses ng kaibigan niya. "Beshie, gising na. Hindi maganda 'yang panaginip mo," klarong dinig niya sa mga salita. Bumungad sa paningin niya si Lyca na nakatunghay sa kanya at nakangiti. Saka siya napatingin sa sarili niya. Doon niya napansin na nakahiga siya sa hospital bed. "Beshie, si Seb? Wala na si Seb," aniya at napah
"Lord, please save my husband. Huwag niyo po siyang pabayaan, please...." mahigpit na dasal ni Abi, habang hawak nang mahigpit ang kamay ni Seb sa loob ng ambulansya. "Paki-bilisan please!" paki-usap niya sa driver ng ambulance. Mabilis naman na humarurot ang sasakyan patungo sa hospital. Ni hindi na magawang tignan kanina ni Abi si Harry na may tama rin ng bala ng baril. Pero alam niyang naisakay na rin ito sa ambulance at nakasunod lamang sa kanila. Halos panawan siya ng ulirat habang pinagmamasdan si Seb na basang-basa na ng dugo ang suot na damit ng asawa niya. Pagdating sa hospital ay agad na sumalubong ang mga nurses at ilang doctor sa kanila ni Abi. Walang sinayang na sandali at mabilis na dinala si Seb sa emergency room sakay sa strecher. Naiwan naman sa labas ng ER si Abi na umiiyak. Halos hindi na naubos-ubos ang luha niya sa kakaiyak. Sobrang nag-aalala siya para sa kaligtasan ni Seb. Lalo pa at napakaraming dugo ang nawala rito. "Abi, I'm sorry," wika n
"Seb?" "Abi?" Bumuhos ang luha ni Abi nang makita niya ang asawa na dumating para iligtas sila. Mabilis siyang nilapitan ng asawa niya at niyakap nang mahigpit, saka ito nagmamadaling kinalas ang tali sa kamay niya at sa paa. Sunod naman na binalingan ni Seb si Lyca at tinulungan ang babae. "Let's go. Huwag kayong humiwalay sa akin. Sumunod lang kayo sa likod ko, okay?" anito at tumango naman silang dalawa ni Lyca. Patuloy na maririnig ang malalakas na putok ng baril sa pagitan ng mga tauhan ni Seb at ni Sandra. Pero halos maubos na ang mga tauhan ni Sandra dahil kokonti na lang ang mga ito. Idagdag pa na dumating din ang ilang kapulisan para tumulong. "Seb, dito!" sigaw ng isang lalaki na at kumaway sa kanila. Pagtingin niya rito ay nakita niyang si Harry ang sumigaw at kumakaway sa kanila. May hawak din itong baril at nakikipagbarilan sa mga tauhan ni Sandra, habang nakakubli sa sasakyan. Palabas na sila ng abandonadong building at kung kailan malapit na sila kay Ha
Hindi alam ni Abi kung anong oras na ba at hindi siya dinadalaw ng antok. Hindi naman sila makapag-usap ni Lyca dahil parehong may busal ng panyo ang mga bibig nila. Naaawa siya sa kaibigan niya. Pati ito nadamay pa sa paghihiganti ni Sandra na walang basehan. Nababaliw na talaga ang babaeng 'yon! Napatingin si Abi nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong lalaki na nagtatawanan. May dalang pagkain ang dalawa at ang isa naman ay tubig. Bigla tuloy siyang nauhaw. Kanina pa nanunuyo ang lalamunan niya. Pero wala naman siyang plano na kumain kahit oa nagugutom na siya. Inilagay ng dalawang lalaki ang pagkain sa harap nila ni Lyca. Kung kanina sa upuan sila itinali habang nakaupo, ngayon naman ay sa lapag na. Matapos ilapag ang pagkain ay lumapit ang mga ito sa likod nila at tinanggal ang panyo sa bibig nila. "Kumain na kayo mga miss. Bilin ni madam na pakain raw muna kayo," wika ng isang lalaki na pangit ang mukha. "Tama, kumain daw muna kayo bago niyo salu