KABANATA 39: REVENGE?Kung hindi dahil sa pagdiriwang ng kaarawan ni Kit , baka hindi na sila nagkita ngayon. Ang buhay ng mga nasa mataas na antas ng lipunan ay hindi basta-basta makikilala ng kahit sino lang.Si Kit ay matalik na kaibigan ni Nige at si Liam naman ay isinama ng kaibigan ng isa pang kaibigan ni Kit sa celebration nila.Alam ni Liam na hindi sapat ang kanyang katayuan para mapabilang sa kanilang magkaibigan. Nang makita niyang hindi talaga umiinom si Nigel medyo nahiya siya ngunit hindi siya nawalan ng composure. Nagpatuloy siya sa pagngiti at sinabing,“My name is Liam Gutierrez, and I’m the current manager of ASF Entertainment. I’ve wanted to meet the CEO of Sandoval group for a long time. Now that I’ve met him, I’m shameless enough to show my face in front of you Mr. Sandoval. This is my business card.” pagpapakilala ni Liam sa sarili niya.Inilabas ni Liam ang kanyang business card at inabot kay Nigel. Tinignan lang ito ni Nigel ngunit hindi niya inabot ang kamay n
KABANATA 40: NGITING TAGUMPAYGustong hanapin ni Carlex si Chellsey matapos itong matagalan sa ng magpaalam na pupunta sa banyo.Pero nag-aalala si Lovely na baka may mangyari kay Carlex kung mag-isa lang itong lalabas, kaya't nagdahilan siyang pupunta lang sa banyo. Habang abala si Lovely ay palihim na lumabas si Carlex.Sa hindi inaasahan, nakita niya sina Nigel at Chellsey na nag-uusap sa gitna ng hallway. Nagtago siya sa malayo upang hindi mapansin at hindi rin niya narinig ang pinag-uusapan nila, pero napansin niyang hindi maganda ang ekspresyon ng kanyang Mommy at parang galit kay Nigel.Inisip niya na baka sinasaktan na ni Nigel ang kanyang Mommy habang sila ay nag uusap. Maya maya ay umalis ma si Chellsey at pumasok ng VIP room si Nigel."Kung sino man ang mananakit kay Mommy, siguradong hindi rin siya magiging masaya kahit kailan" sabi ni Carlex sa sarili.Lumapit siya upang ilabas ang kanyang inis kay Nigel.Dumapa siya sa may pinto at nakinig sandali. Narinig niya ang nag
KABANATA 41: ANG WALANG KWENTANG SI RUFO MENDOZA Matalim ang tingin ni Chellsey habang sinabi na, "Saan ka ba nag susuot na bata ka? Hindi mo kabisado ang lugar dito paano mo naisipang lumabas nang mag-isa lang? Ika-." Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, lumapit si Carlex at hinalikan siya sa pisngi. "Shhh don't worry Mommy. Alam mo namang matalino ako diba? Hindi ako maliligaw dito basta basta, at hindi rin ako mag pasaway dito. Miss na miss lang po kita dahil ang tagal na nating hindi nagkita ng ilaw araw." nakangiting sabi ni Carlex. Natigilan si Chellsey. Bigla siyang napangiti at tila nawala ang kanyang galit sa mukha. Alam ni Carlex kung paano siya paamuhin. Sa halip na pagalitan, nagtanong si Chellsey nang may pag-aalala, "Nang lumabas ka ba, may nakasalubong ka bang lalaki na kamukha ni Calex?" Alam agad ni Carlex kung sino ang tinutukoy ng kanyang ina. Kung mayroon man, siguradong sisirain niya ang modd nito, at pipilitin pa niyang inisin ito. Sa kanyang isip
KABANATA 42: SMART KIDSGalit na galit din si Carlex."Iyan pala ang taong pinoprotektahan ni Nigel. Hindi na ako magtataka kung bakit gustong makipaghiwalay ni Mommy kay Nigel!. Kung kaya niyang protektahan ang isang lalaking kalbo na puro kasamaan ang ginagawa, hindi rin siya mabuting tao!"(Nigel: "cough cough!--" ) Nasamid si Nigel dahil na sabihan ng masasakit na salita ng sarili niyang mga anak."At ang babaeng iyon, siya rin ang nambully kay Cyrex sa train station! Hindi talaga katakataka. Magkamukha sila ng mga ipis at daga na magkakasama sa isang lungga ng imbornal. Hindi mabuting tao ang pamilya na mayroon sila!""Hindi ko pwedeng hayaang saktan nila si Mommy nang ganoon na lang! Gusto kong gantihan siya! Gusto kong wasakin ang pamilya ng mga Mendoza!" galit na dagdag pa na sabi ni Carlex.Hindi lang ito sinasabi ni Carlex agad siyang kumuha ng mga bilog na bagay mula sa kanyang maleta na parang mga holen at isinilid ito sa kanyang bulsa.Palabas na siya para pagbayarin si
KABANATA 43: KASAL?"Pero… hindi ko pa rin maintindihan kung bakit iniisip niya iyon? Narcissist ba siya? Hindi naman gustong guluhin ni Mommy ang buhay niya, pero iniisip niya na palaging nakabuntot si Mommy sa kanya," bulong ni Carlex.Sabi ni Calex, "Hindi naman. Sa mga mayayaman, kadalasan, masyado silang nag-iisip kapag may problema.""Bakit?""Kasi, habang mas mayaman ka, mas maraming panganib at kaaway sa paligid mo maraming gusto pagbagsakin ka ng kung sino sinong may galit sayo. Kaya magiging sensitive ka.""Alam mo ba yun kuya? "Oo namam kasi ako, ang kuya niyo ay isang mayamang tao." seryoso sani ni Calex Napanganga si Carlex sa sinabi ng kuya niya."Ikaw? Masyado ka rin bang sensitive? Madalas mo bang isipin na may gustong gumawa ng masama sayo kuya?""Hindi naman.""Huh?""Kasi ako ay isang tahimik na mayaman. Sa mundo, bukod sayo at kay Cyrex , walang nakakaalam na mayaman ako o tayo. Kahit si Mommy, hindi niya alam diba kaya walang magtatangkang saktan ako. Sa mata n
KABANATA 44: MAHIRAP LANG SI CHELLSEYDahan-dahang nagsalita si Chellsey."Oo nga, tama ang sabi mo, pero sabi rin ng matatanda, kung hindi ka mag-aasawa at magkakaanak habang bata pa, baka pagsisihan mo kapag ikaw ay tumanda na."Walang pakialam si Lovely at agad na sumagot,"Sino ba ang may pakialam? Maikli lang ang buhay, kaya dapat nating i-enjoy habang may oras. Buhay ko ito, ang gusto ko lang ay maging masaya at sabi mo nga, ang damdamin ba ay pwedeng pilitin?”“Hindi naman sa ayaw ko ng kasal, kaya lang, hindi pa dumarating ang one and only ko. Kapag dumating siya, ako pa ang mangungulit sa inyong magpakasal ako agad agad."Biglang binago ni Lovely ang usapan at nagtanong,"Eh ikaw? Ano ang plano mo? Maghahanap ka pa ba ng makakasama at magiging daddy ng mga bata??"Umiling si Chellsey,"Nakaranas na ako ng hirap at sakit sa ng ikasala akol, kaya ayoko na. Bukod pa roon, mayroon na akong mga anak, kaya hindi ako malulungkot pag ako ay tumanda.” nakangiting sabi no Chellsey.Lum
KABANATA 45: BEST MAN "Lahat ng nalaman ko ay mula sa may-ari ng Hotel. Sa halagang 34 pesos lang bawat araw ay 1,000 ang bayad nila tuwing katapusan ng buwan na parang isang apartment.""Huh?""Mahahalata mo na mahal na mahal ng may-ari ang tatlong anak ni Miss Chellsey Kung hindi niya iniisip ang negosyo niya sa halip ay baka mamimiss siya ni Miss Chellsey kapag umalis sila at hindi magtatagal, kaya halos ibigay niya na ang isa kwarto ng hotel."Tumingin si Nigel nang may pagdududa kay Kalil."Totoo! Kung hindi ka naniniwala, ikaw mismo ang mag tanong Sir." sabi ni Kalil na bakas pa rin ang gulat sa lahay ng nalaman niyamHindi alam ni Nigel m na ito ay inayos na ni Calex. Hindi na niya ito masyadong pinansin at nagtanong,"May nalaman ka bang connection ni Liam kay Chellsey ?""Nalaman namin na si Miss Chellsey at ang asawa ni Liam na si Alice Swift ay matalik na magkaibigan at magka-klase noong college sila. Si Liam ay senior nila, at malapit sila sa isa’t isa."“Bukod dito, na
KABANATA 46: WHO IS YOUR HUSBAND – CasaElum HotelTumingin si Lovely sa agahan na binili ni Liam at napasigaw,"Nagpunta ka sa Shiney Hotel para bumili ng pang breakfast? at napakarami nito Liam?!""Oo, kasi ang breakfast nila doon ang pinakamasarap. Matagal nang hindi bumalik si Che. Hindi ko alam kung nagbago na ang kanyang panlasa sa mga nakaraang taon, kaya bumili na ako ng marami para hindi maubusan ng mga favorite niya."Sa sobrang mangha si Lovely ay napakagat ng labi,"Eh, paano naman hindi ito masarap? Isang bread lang ay nagkakahalaga ng 1,200 pesos!"Nagulat si Chellsey at agad pinaulit ang presyo."Magkano?!"Sumenyas si Lovely gamit ang kanyang maliit na kamay, "Ang isa ay 1,200!""Kalokohan ang mahal naman niyan?!""Oh diba, hindi mo naisip iyon, di ba? Alam ni Nigel kung paano kumita! Isang tipikal na lalaki na dati ay pinagtatawanan ng mga taong wala sa kalingkingan ni Nigel ngayon!”Ang Shiney Hotel ay isang negosyo na pagmamay-ari ni Nigel. Nagbago ang mukha ni Che
KABANATA 74: KUSANG LOOBSamantala, sa Gold City Residential District,Naupo si Nigel sa tabi ng kama ni Sandro at kinausap ito."Hindi mo ba gusto yung babae na nakilala ko kaninang umaga?""Hindi!""Pero siya'y nahanap ni Tito Nikko mo. Naglaan siya ng maraming oras para hanapin siya. Alam mong mahal na mahal ka ni Tito Nikko diba? Para kay Tito Nikko pwede mo bang payagan siya na alagaan ka pa ng ilang araw?""No!""Kung paalisin mo siya ng ganito, malulungkot si Tito Nikko ."Pumaatras si Sandro at tiningnan siya, "Sino po ba ang malulungkot, si Tito Nikko o ikaw?""Huh?" bakas ang gulat sa mukha ni Nigel."Si Tito Nikko po ba ang nag hanap sa kanya, o ikaw daddy?"Si Nigel ay napatigil. Bigla na namang nagtanong si Sandro,"Gusto mo po ba siya?"Nag iba ang mukha ni Nigel at agad na sumagot,"Hindi anak!""Bakit ka po kaya mabait sa kanya?""Mabait ako sa kanya?""Nagpunta ka para ihatid siya kanina daddy. Si Aunt Audrey ang laging kasama ko, pero tuwing aalis siya, siya lang an
KABANATA 73: PARA LANG KAY SANDRONagulat si Chellsey sa sinabi ni Calex “May solusyon ka? Anong solusyon iyan anak?”Sinabi ni Calex ang lahat sa kanyang ina,“Dahil siya ay irritable, autistic, at takot sa mga hindi niya kilalang tao, hindi mo po dapat basta na lang magpakita sa harap niya. Unahin niyo po ipakita na ikaw ay mabuti at hindi mo siya sasaktan. Kapag nagkaroon siya ng magandang impresyon sayo, saka mo po siya unti-unting lapitan.”Napaisip si Chellsey. May punto ang sinabi ni Calex.pero...“Kung hindi ako magpapakita, paano ko siya mapapaniwala na isa akong mabuting tao?”“Tulungan mo siya nang palihim mommy, o ipakita ang kabutihan mo sa kanya. Gumawa ka ng mga paborito niyang pagkain o laruan kung saan po siya comfortable, at ipaabot mo sa kanya sa pinakamalapit sa kanya”“Pero hindi ko alam kung ano ang mga gusto niyang kainin o kung anong laruan ang gusto niya. Sabi ng pamilya niya, wala siyang interes sa kahit ano maliban sa mga bagay na may kaugnayan sa mommy ni
KABANATA 72: I HAVE SOLUTION Nagulat si Lovely.“Hindi ba’t binisita mo na ang batang iyon kaninang umaga? Bakit hindi mo pa rin siya nakausap?”Malalim ang buntong-hininga ni Chellsey.“May sasabihin ako at baka hindi ka maniwala sa sasabihin ko.”“Huh?” nalilitong sabi ni Lovely.“Bago ako pumunta kanina, sinabi ng lalaking iyon na kung makakasama ko ang anak niya ng ten minutes bibigyan niya ako ng 10,000 in cash hindi para sa pangbabayad ng utang ko.”“Oh my god Chellsey! parang namimigay na ng pera ang lalaki iyon!”“Iyon din ang naisip ko noon. Pero hindi ko inasahan... ni hindi umabot ng limang minuto. Sa totoo lang, wala pang tatlong minuto, itinaboy na ako ni Sandro.”“Ha? Anong nangyari?”Ipinaliwanag ni Chellsey ang nangyari. Laking gulat ni Lovely.“May violent tendencies ba siya?”“May bipolar disorder siya at madalas na nagiging impulsive. Kapag umatake ang sakit niya, nagiging marahas siya. Hindi lang siya naninira ng gamit, sinasaktan din niya ang sarili niya kaya sob
KABANATA 71: LABIS NA PANANABIKPagkalabas sa hospital ay dumiretso agad sa School si Chellsey lpara puntahan si Lovely at ang mga bata.Una, gusto niyang makita ang mga bata sa kindergarten. Nag-aalala siya sa unang araw ng mga ito sa school.Pangalawa, hindi pa rin siya mapakali sa sinabi ni Moana tungkol kay Alice.Pagkatapos niyang maikwento ang nangyari hindi maiwasan na magulat at magalit si Lovely."Napakabuti ni Ali sa pinsan ni Liam noon, pero sinumpa pa siya nitong si Moana? Napaka-walang utang na loob niya! Anong klase ng ugali ang meron siya? At ngayon, pati ikaw ay kinamumuhian niya sa walang kwentang dahila? Ha! Napakabait mo pa nga sa kanya sa lagay na yan ha! Kaya sinasabi ko, may kasabihan na, 'Sa bawat taong kaawa-awa, may nakatagong dahilan para sila ay kasuklaman” nakakainis!” sabi ni Lovely na mag kasalubong ang dalawang kilay.“Ngayon, mukha siyang kaawa-awa dahil hindi niya naalagaan ang anak niya kahit kasalanan naman niya ang lahat, pero tingnan mo ang ugali
KABANATA 70: HINDI SIYA MAKAKATANGGI SA AKIN Bahagyang gumalaw ang labi ni Chellsey,"Kung ganoon, tawagan mo na ang pamilya niya. Hindi maganda na itinatago ang ganitong sitwasyon. May suicidal tendencies na siya ngayon. Kapag may nangyaring masama, paano mo ipapaliwanag sa pamilya niya?" sabi ni Chellsey na bahagyang nakataas ang isang kilay.Tumango si Liam, "Humahanap pa ako ng pagkakataon na makausap si Tita."Matapos niyang sabihin iyon, seryoso siyang tumingin kay Chellsey, may halong paghingi ng tawad sa kanyang ekspresyon."I'm so sorry Che. Humingi pa ako ng tulong mo, pero hindi ko inaasahan na nagdudulot pala ito ng sama ng loob sayo." Galit pa rin si Chellsey dahil sa sinabi ni Moana tungkol kay Alice at sa point na iyon, gusto pa rin niyang magalit.Kung hindi lang dahil sa kalagayan ni Moana baka nakipag-away na siya rito. Kahit hindi pisikal na away, siguradong sinigawan na niya ito para mabawasan ang galit niya na meron siya."Ayos lang ako. Sorry kung hindi kita n
KABANATA 69: ANONG NANGYARI KAY ALICE? Nalilito ang mga doctor at nurse, parang baliw na ang isa, ganoon din ang isa pa, ganon ang eksena umang umaga pa lang. Dalawang batang babae na nurse ang mahigpit na humahawak kay Chellsey. "Miss, kalma lang po kayo, kaka-injection lang niya ng pampakalma at pampatulog. Natutulog siya ngayon, hindi niyo siya pwedeng gisingin." sabi ng isang babaeng nurse na pinapakalma siya. "Gisingin niyo siya! Kailangan niya magising! May kailangan akong itanong sa kanya! Importante ito! Kailangan ko siyang maka usap!” pilit na nag pupumiglas na sabi ni Chellsey at ayaw mag pa awat. "Hindi siya magigising agad Miss. Kung may kailangan ka, hintayin mo muna siya magising. Ikalma mo ang sarili mo, kung magpapatuloy ka sa ganito, mapipilitan kaming bigyan ka rin ng pampatulog." Maya maya lang sa wakas ay kumalma si Chellsey. Bumagsak siya sa upuan, diretsong nakatingin kay Moana ang mukha’y maputlang-maputla at pinag papawisan. Mabilis na tumakbo pa
KABANATA 68: LAHAT KAYO MAMATAY NA LANG SANA! Ang video call ng kanyang mga anak ang nakapag pakalma kay Chellsey. Pagkatapos niyang ganap na makabawi, agad niyang naisip si Nigel. Ang pagkikita nila ng isang hindi niya kilalang lalaki ay aksidente lamang. Si Nigel ang layunin niya sa pagkakataong ito. Sinabi ni Nigel na bawal niya itong guluhin, Pero hindi ba’t ang pagtawag upang magtanong ay hindi naman maituturing na panggugulo? Hindi naman niya ito pupuntahan dahil gusto niya ito! Inayos ni Chellsey ang kanyang emosyon at muling tumawag sa Villa Dulalia. Binaba niya ang kanyang pride at mahina niyang tinanong, "Pasensya na po, may oras ba si Nigel para makipag divorce ngayong araw?" Magalang naman ang sagot ng kabilang linya, "Wala po. Kung may oras si Sir Nigel, siya mismo ang tatawag sa inyo. Hintayin n’yo na lamang ang tawag, hindi niyo na po kailangang tumawag ulit salamat" Pagkatapos nito, ibinaba na ang tawag. Napangiwi si Chellsey at napahawak sa kanyang sentido. ‘
KABANATA 67: ANG TATLONG MABABAIT Biglang itinaas ni Nigel ang kanyang mga mata at tumingin kay Chellsey ng deretso. "Nalaman kong nag-aral ka ng architect design sa isang University dito sa Laguna noon. Walang kinalaman iyon sa medicine. Paano mo biglang natutunan ang mga gawain sa medicine?" Nagulat si Chellsey. “Pina Imbestigahan mo ba ako?" Diretso siyang tinitigan ni Nigel walang itinatanggi at walang pag-aalinlangan. Ang puso ni Chellsey ay biglang bumilis ang tibok, parang umakyat ito sa kanyang lalamunan papunta sa utak. "Ano ang inimbestigahan mo?" "May bagay ba na ayaw mong malaman ng iba?" Siyempre! Takot siyang malaman niya ang tungkol kina Calex at Carlex! "Ikaw... ikaw ba'y nagtanong-tanong tungkol sa mga anak ko?!" Alam ni Nigel na alalang-alala si Chellsey para sa kanyang mga anak, kaya’t nag-ingat siyang huwag gamitin ang mga bata para galitin siya. Sinabi niya ang totoo, "Hindi." walang ganang sagot nito. "Sigurado ka?" Tinitigan siya ni Nigel. "Gusto
KABANATA 66: OBSESSION TO HIS MOM Biglang dinampot ni Sandro ang isang bakal na tinidor at mabilis naitinutok ito sa kanyang leeg at galit na sumigaw ito. “Aalis ka ba o hindi? Aalis ka ba o hindi?!” Napasinghap si Chellsey sa takot at nanatiling nakatayo, hindi magawang gumalaw na parang naninigas na yelo. Nakita ito ni Nigel at malakas na sinigawan siya, “Lumayas ka na! Umalis kana dito!” Nagbalik sa ulirat si Chellsey. Nang makita ang galit na mag-ama, dali-dali siyang tumalikod at umalis ng bahay, hindi na nag-abala pang magpalit ng damit o mag-sapatos. Huminga siya nang malalim habang nakasandal sa pinto... Si Sandro at Carlex ay magkamukhang magkamukha, kaya nang bigla itong nagalit, natigilan siya at hindi alam ang gagawin. Bilang isang ina na kusa nang napasok sa papel, siya’y natakot at nag-panic. Tuluyan niyang nakalimutan na isa rin siyang doctor... Dahil dito, hindi niya nagawang pakalmahin si Sandro bilang isang doktor, tulad ng ginawa niya kay Luke Gavin. Mala