KABANATA 47: THE KARMA?Nagising ang tatlong bata.Nang tingnan ni Cyrex ang orasan sa tabi ng kama, halos magtatalon siya sa higaan dahil sa gulat."Oh, it's already 10:00 o'clock. Nako gutom na si Mommy at si tita ninang!"Agad na tinapon ng maliit na bata ang kumot sa kanyang tabi ng unan, bumangon mula sa kama, at tumakbo palabas habang may may tulo ng laway at muta pa.Si Calex at Carlex ay umupo na rin. Si Chellsey at Lovely ay patuloy na nag-uusap sa sala. Nang makita nilang nagmamadali si Cyrex palabas, tinanong nila,"Ano'ng nangyari, Cy?""Mommy, tita ninang, gutom na po ba kayo? Magluluto ako para sa inyo."Gusto sanang tumakbo ni Cyrex papunta sa kusina gamit ang kanyang maikli at mabilis na mga binti, ngunit pinigilan siya ni Chellsey."Huwag ka nang magluto baby, kumain na kami, at handa na ang agahan niyo. Maghilamos ka muna at kumain na kayo ng mga kapatid mo pagkatapos.""Ah? Ikaw po ba ang nagluto mommy?""Isang pogi ang nagdala.""Pogi po?" nagtataka na tanong n
KABANATA 48: BEST FRIENDS!Di nagtagal, nakatanggap si Chellsey ng balita habang siya ay nasa mall. Sa sobrang galit, sinagot niya ang kausap sa cellphone,"Anong sinasabi niya na pwede siyang makipaghiwalay kung kailan niya gusto? Pwede ba siyang magbigay ng eksaktong araw? O kaya ay magpakita siya sa akin para makapag-usap kami ng maayos! ak-”Hindi pa natatapos ni Chellsey ang kanyang sinasabi nang biglang ibinaba ng kausap niya ang tawag.Napahawak si Chellsey ang kanyang baywang at hinawakan ang noo habang nagmumura sa kanyang isipan. Naisip lang niya tawagan si manang Lucy para itanong ang tungkol sa hiwalayan pagdating niya sa mall. Yun pala, naka-block ang number ni manang Lucy sakanya cellphone.Agad niyang inalis ang pagkakablock at siya na mismo ang tumawag pabalik. Nang malaman niya na tinawagan siya ni Nigel kagabi at nakipagkasundo na magkita ngayong araw, tuwang-tuwa siya.Pero, sa di inaasahang pangyayari, nagbago na naman ang isip. Hindi niya alam kung galit si Nigel
KABANATA 49: SUPERMAN!Mabilis na tinanong ni Chellsey si Cyrex,"Anak, nasaktan ka ba ng husto?"Mahigpit na niyakap ni Cyrex ang leeg ni Chellsey at mahina siyang umiyak sa balikat nito."Natatakot po ako Mommy.."Si Cyrex ay iba kina Carlex at Calex. Mula pagkabata ay likas siyang mahiyain, malambot ang puso, at mabilis umiyak."Ayos lang, huwag kang ng matakot. Si Mommy at Ninang ay pina alis na ang babaeng masama na iyon. Masakit pa ba ang braso mo?""Masakit pa rin po Mommy..""Heto, ikikiss ni Mommy." Tinulungan naman siya ni Lovely maka tayo at pinagpagan ang kanyang short."Baby Cy, may stall ng ice cream doon, masarap iyon, gusto mo bang bilhan ka ni Tia Ninang?" sabi ni Lovely habang nakangiti.Nagliwanag ang mga mata ng bata at bahagyang nawala ang takot sa Mukha."Sige na, bilhan ka ni Tita Ninang ah" alok ni Lovely at inaabot ang kanyang kamay upang kargahin si Cyrex.Pero mas lalong humigpit ang yakap ng bata kay Chellsey at ayaw niyang bumitiw. Alam niyang kakampi niy
KABANATA 50: GOOD MOVIE Napamura si Chellsey ng mahina at yumuko upang pulutin ang kanyang telepono. Ngunit pagkakuha niya pa lamang dito, biglang may humila sa kanyang buhok.Hinatak siya pabalik ng isang babae nang malakas, dahilan upang mapangiwi siya sa sakit at napahawak sa kanyan ulo."Ikaw na ang unang nag-umpisa! Dapat lang sayo yan at sa totoo lang kulang pa nga yan! Gagawin ko lahat ng gusto ko kahit mamatay ka pa hampaslupa ka!” galit na sigaw pa rin ni Krisa sa harap ni Chellsey.Sabay-sabay siyang inatake ng kasama nitong mga babae habang sinasabihan siya ng hindi maganda.Sa puntong ito galit na galit si Chellsey. Kung hindi lang sana niya gustong umiwas sa gulo, duguan sa ang mga babaeng ito. Tinapakan niya ang dulo ng sapatos ng babaeng humihila sa kanyang buhok, kaya't agad siyang binitawan nito at napasigaw dahil sa sakit!"OMG it hurts! ang paa ko, ang sakit OMG!..." maarteng sabi ni Kriza.Kahit wala siyang ano man na hawak na bagay hindi kayang pantayan ng mga ba
KABANATA 51: ATE RHEA Di nagtagal, dumating si Rhea.Namimili siya ng damit para kay Luke nang malaman niyang naroon si Chellsey at may nanggugulo sa kanya, kaya nag madali siyang pumunta.“Miss Chellsey?”Isang pamilyar na boses ng babae ang narinig mula sa kanyang likod. Lumingon si Chellsey at nakita si Rhea.“Mrs Chavez?”Nagulat si Ate Rhea.“Ikaw nga aba! Nakita ko ang iyong likuran kanina at akala ko nagkakamali lang ako. Ano... anong nangyari bakit ganyan ang itsura mo?”Medyo nahiya si Chellsey at yumuko,“Nagkaroon lang ng di magandang pangyayari sa kanila Mrs Chavez”Napakunot ang noo ni Rhea nang marinig ito at tumingin ng masama kina Kriza at iba pa.Si Kriza lang ang nakakakilala kay Rhea sa mga kasama niya, at nakaramdam siya ng takot. Ang iba naman, kahit mukhang mataas ang katayuan ni Rhea, ay patuloy na nagmamataas, umaasa kay Nixon na tagapagtanggol ni Kriza.“Anong problema? Kilala mo ba ang babaeng ito? Sasabihin ko sa’yo, kahit ilang pulis o kung sino pa man ang
KABANATA 52: SUNOD SUNURAN SA ASAWA Nakapikit ang mga mata ni Nixon at tumingin kay Kriza at sa iba pa. Halos nangangatog na sa takot ang mga kasama ni Kriza, kabilang naman niya ay ang kanyang kapatid na babae, na nakatayo sa gilid at nanginginig rin.Sabi ni Nixon, "Sabihin mo sa akin ang totoo hon, kung wala ka talagang kasalanan, kahit patayin pa ako ng pinsan ko, ipagtatanggol kita. Pero huwag kang magsisinungaling!"Umiling iling at tumanggi si Kriza na aminin ang kanilang nagawa."Siya ang nagsisinungaling! Anak niya ang nagtulak sa anak ko, pero ayaw niyang mag-sorry. Kaya lumapit ako sa kanya para humingi ng paliwanag. Hindi ko inaasahan na magiging gano'n siya katindi at agad na sinugod ako honey maniwala ka sakin tingnan mo, nasugatan ang paa ko dahil sa kanya, huhuhu..." nag papaawa na sabi ni Kriza kay Nixon.Nagtaas ng kilay si Chellsey at nagsabi, “Imposibleng walang CCTV dito. Bakit hindi natin tingnan ang footage?"Nang marinig iyon, nanginginig si Kriza at mga kas
KABANATA 53: ACT KINDNESS Habang nagsasalita si Rhea, namumula ang kanyang mga mata.“Sa totoo lang, malalaman mo lang ang hirap ng pagiging magulang kapag may anak kang katulad nito. Sa loob ng nakaraang dalawang taon, hindi ako nagkaroon ng maayos na tulog o kahit man lang makakain ng tama sa oras nakakawalang gana sobrang bigat sa pakiramdam.”“Noong dalawang taon pagkatapos kong ipanganak si Luke, hindi ko magawang kontrolin ang pagkain ko dahil nagpapasuso ako. Kalaunan, nagkaroon ako ng labis na pagkain. Noong pinakamalaki ang timbang ko, umabot ako ng halos 250 pounds. Pero mula nang magkaroon siya ng problema, pumayat ako ng 80 pounds sa loob lamang ng dalawang buwan… Ang hirap… sobrang hirap…”Tahimik na nakikinig si Chellsey at nagsalita lamang nang matapos si Rhea,“Alam kong napakahirap ng pinagdaanan mo nitong mga nakaraang taon Mrs. Chavez.”Ang pagunawa ay madalas na mahirap ipaliwanag. Ang mga taong hindi pa nakaranas ng ganoong sitwasyon ay hindi lubos na maiintindih
KABANATA 54: MALING AKALA LANG ANG LAHAT“Gumawa ka lang ng mabuting gawain araw-araw, at ikaw ay magiging mabuting tao paglaki mo. Kapag lumaki na si Cyrex kailangang maging mabuti siyang tao na tumutulong sa iba. Ang pagtulong sa iba ay pagtulong din sa sarili tandaan mo yan baby ko ha.” sabi ni Chellsey na nakatitig sa anak habang nakangiti.“Opo Mommy si Cyrex ay makinig palagi kay mommy at maging mabuting tao po ako hindi ako tutulad sa mga babae na nang away satin Mommy, sobrang bad po nila!”Ngumiti si Chellsey at sinabi,“Tapos na ang nangyari ngayon wala ng mangaaway pa sa atin. Kapag nakasama mo na ang iyong ninang at mga kapatid mamaya, huwag mo nang sasabihin ito okay lang ba?”“Okay po mommy.”Ayaw ni Chellsey na magalit si Lovely pati na sina Calex at Carlex dahil sa nangyari. Sa huli, lahat ng ito ay nakaraan na. Bahagyang kumunot ang noo ni Cyrex , ngunit tumango siya nang may pag-aatubili.Gusto rin niyang magsumbong sa kanyang mga kuya upang makahanap ng paraan na i
KABANATA 74: KUSANG LOOBSamantala, sa Gold City Residential District,Naupo si Nigel sa tabi ng kama ni Sandro at kinausap ito."Hindi mo ba gusto yung babae na nakilala ko kaninang umaga?""Hindi!""Pero siya'y nahanap ni Tito Nikko mo. Naglaan siya ng maraming oras para hanapin siya. Alam mong mahal na mahal ka ni Tito Nikko diba? Para kay Tito Nikko pwede mo bang payagan siya na alagaan ka pa ng ilang araw?""No!""Kung paalisin mo siya ng ganito, malulungkot si Tito Nikko ."Pumaatras si Sandro at tiningnan siya, "Sino po ba ang malulungkot, si Tito Nikko o ikaw?""Huh?" bakas ang gulat sa mukha ni Nigel."Si Tito Nikko po ba ang nag hanap sa kanya, o ikaw daddy?"Si Nigel ay napatigil. Bigla na namang nagtanong si Sandro,"Gusto mo po ba siya?"Nag iba ang mukha ni Nigel at agad na sumagot,"Hindi anak!""Bakit ka po kaya mabait sa kanya?""Mabait ako sa kanya?""Nagpunta ka para ihatid siya kanina daddy. Si Aunt Audrey ang laging kasama ko, pero tuwing aalis siya, siya lang an
KABANATA 73: PARA LANG KAY SANDRONagulat si Chellsey sa sinabi ni Calex “May solusyon ka? Anong solusyon iyan anak?”Sinabi ni Calex ang lahat sa kanyang ina,“Dahil siya ay irritable, autistic, at takot sa mga hindi niya kilalang tao, hindi mo po dapat basta na lang magpakita sa harap niya. Unahin niyo po ipakita na ikaw ay mabuti at hindi mo siya sasaktan. Kapag nagkaroon siya ng magandang impresyon sayo, saka mo po siya unti-unting lapitan.”Napaisip si Chellsey. May punto ang sinabi ni Calex.pero...“Kung hindi ako magpapakita, paano ko siya mapapaniwala na isa akong mabuting tao?”“Tulungan mo siya nang palihim mommy, o ipakita ang kabutihan mo sa kanya. Gumawa ka ng mga paborito niyang pagkain o laruan kung saan po siya comfortable, at ipaabot mo sa kanya sa pinakamalapit sa kanya”“Pero hindi ko alam kung ano ang mga gusto niyang kainin o kung anong laruan ang gusto niya. Sabi ng pamilya niya, wala siyang interes sa kahit ano maliban sa mga bagay na may kaugnayan sa mommy ni
KABANATA 72: I HAVE SOLUTION Nagulat si Lovely.“Hindi ba’t binisita mo na ang batang iyon kaninang umaga? Bakit hindi mo pa rin siya nakausap?”Malalim ang buntong-hininga ni Chellsey.“May sasabihin ako at baka hindi ka maniwala sa sasabihin ko.”“Huh?” nalilitong sabi ni Lovely.“Bago ako pumunta kanina, sinabi ng lalaking iyon na kung makakasama ko ang anak niya ng ten minutes bibigyan niya ako ng 10,000 in cash hindi para sa pangbabayad ng utang ko.”“Oh my god Chellsey! parang namimigay na ng pera ang lalaki iyon!”“Iyon din ang naisip ko noon. Pero hindi ko inasahan... ni hindi umabot ng limang minuto. Sa totoo lang, wala pang tatlong minuto, itinaboy na ako ni Sandro.”“Ha? Anong nangyari?”Ipinaliwanag ni Chellsey ang nangyari. Laking gulat ni Lovely.“May violent tendencies ba siya?”“May bipolar disorder siya at madalas na nagiging impulsive. Kapag umatake ang sakit niya, nagiging marahas siya. Hindi lang siya naninira ng gamit, sinasaktan din niya ang sarili niya kaya sob
KABANATA 71: LABIS NA PANANABIKPagkalabas sa hospital ay dumiretso agad sa School si Chellsey lpara puntahan si Lovely at ang mga bata.Una, gusto niyang makita ang mga bata sa kindergarten. Nag-aalala siya sa unang araw ng mga ito sa school.Pangalawa, hindi pa rin siya mapakali sa sinabi ni Moana tungkol kay Alice.Pagkatapos niyang maikwento ang nangyari hindi maiwasan na magulat at magalit si Lovely."Napakabuti ni Ali sa pinsan ni Liam noon, pero sinumpa pa siya nitong si Moana? Napaka-walang utang na loob niya! Anong klase ng ugali ang meron siya? At ngayon, pati ikaw ay kinamumuhian niya sa walang kwentang dahila? Ha! Napakabait mo pa nga sa kanya sa lagay na yan ha! Kaya sinasabi ko, may kasabihan na, 'Sa bawat taong kaawa-awa, may nakatagong dahilan para sila ay kasuklaman” nakakainis!” sabi ni Lovely na mag kasalubong ang dalawang kilay.“Ngayon, mukha siyang kaawa-awa dahil hindi niya naalagaan ang anak niya kahit kasalanan naman niya ang lahat, pero tingnan mo ang ugali
KABANATA 70: HINDI SIYA MAKAKATANGGI SA AKIN Bahagyang gumalaw ang labi ni Chellsey,"Kung ganoon, tawagan mo na ang pamilya niya. Hindi maganda na itinatago ang ganitong sitwasyon. May suicidal tendencies na siya ngayon. Kapag may nangyaring masama, paano mo ipapaliwanag sa pamilya niya?" sabi ni Chellsey na bahagyang nakataas ang isang kilay.Tumango si Liam, "Humahanap pa ako ng pagkakataon na makausap si Tita."Matapos niyang sabihin iyon, seryoso siyang tumingin kay Chellsey, may halong paghingi ng tawad sa kanyang ekspresyon."I'm so sorry Che. Humingi pa ako ng tulong mo, pero hindi ko inaasahan na nagdudulot pala ito ng sama ng loob sayo." Galit pa rin si Chellsey dahil sa sinabi ni Moana tungkol kay Alice at sa point na iyon, gusto pa rin niyang magalit.Kung hindi lang dahil sa kalagayan ni Moana baka nakipag-away na siya rito. Kahit hindi pisikal na away, siguradong sinigawan na niya ito para mabawasan ang galit niya na meron siya."Ayos lang ako. Sorry kung hindi kita n
KABANATA 69: ANONG NANGYARI KAY ALICE? Nalilito ang mga doctor at nurse, parang baliw na ang isa, ganoon din ang isa pa, ganon ang eksena umang umaga pa lang. Dalawang batang babae na nurse ang mahigpit na humahawak kay Chellsey. "Miss, kalma lang po kayo, kaka-injection lang niya ng pampakalma at pampatulog. Natutulog siya ngayon, hindi niyo siya pwedeng gisingin." sabi ng isang babaeng nurse na pinapakalma siya. "Gisingin niyo siya! Kailangan niya magising! May kailangan akong itanong sa kanya! Importante ito! Kailangan ko siyang maka usap!” pilit na nag pupumiglas na sabi ni Chellsey at ayaw mag pa awat. "Hindi siya magigising agad Miss. Kung may kailangan ka, hintayin mo muna siya magising. Ikalma mo ang sarili mo, kung magpapatuloy ka sa ganito, mapipilitan kaming bigyan ka rin ng pampatulog." Maya maya lang sa wakas ay kumalma si Chellsey. Bumagsak siya sa upuan, diretsong nakatingin kay Moana ang mukha’y maputlang-maputla at pinag papawisan. Mabilis na tumakbo pa
KABANATA 68: LAHAT KAYO MAMATAY NA LANG SANA! Ang video call ng kanyang mga anak ang nakapag pakalma kay Chellsey. Pagkatapos niyang ganap na makabawi, agad niyang naisip si Nigel. Ang pagkikita nila ng isang hindi niya kilalang lalaki ay aksidente lamang. Si Nigel ang layunin niya sa pagkakataong ito. Sinabi ni Nigel na bawal niya itong guluhin, Pero hindi ba’t ang pagtawag upang magtanong ay hindi naman maituturing na panggugulo? Hindi naman niya ito pupuntahan dahil gusto niya ito! Inayos ni Chellsey ang kanyang emosyon at muling tumawag sa Villa Dulalia. Binaba niya ang kanyang pride at mahina niyang tinanong, "Pasensya na po, may oras ba si Nigel para makipag divorce ngayong araw?" Magalang naman ang sagot ng kabilang linya, "Wala po. Kung may oras si Sir Nigel, siya mismo ang tatawag sa inyo. Hintayin n’yo na lamang ang tawag, hindi niyo na po kailangang tumawag ulit salamat" Pagkatapos nito, ibinaba na ang tawag. Napangiwi si Chellsey at napahawak sa kanyang sentido. ‘
KABANATA 67: ANG TATLONG MABABAIT Biglang itinaas ni Nigel ang kanyang mga mata at tumingin kay Chellsey ng deretso. "Nalaman kong nag-aral ka ng architect design sa isang University dito sa Laguna noon. Walang kinalaman iyon sa medicine. Paano mo biglang natutunan ang mga gawain sa medicine?" Nagulat si Chellsey. “Pina Imbestigahan mo ba ako?" Diretso siyang tinitigan ni Nigel walang itinatanggi at walang pag-aalinlangan. Ang puso ni Chellsey ay biglang bumilis ang tibok, parang umakyat ito sa kanyang lalamunan papunta sa utak. "Ano ang inimbestigahan mo?" "May bagay ba na ayaw mong malaman ng iba?" Siyempre! Takot siyang malaman niya ang tungkol kina Calex at Carlex! "Ikaw... ikaw ba'y nagtanong-tanong tungkol sa mga anak ko?!" Alam ni Nigel na alalang-alala si Chellsey para sa kanyang mga anak, kaya’t nag-ingat siyang huwag gamitin ang mga bata para galitin siya. Sinabi niya ang totoo, "Hindi." walang ganang sagot nito. "Sigurado ka?" Tinitigan siya ni Nigel. "Gusto
KABANATA 66: OBSESSION TO HIS MOM Biglang dinampot ni Sandro ang isang bakal na tinidor at mabilis naitinutok ito sa kanyang leeg at galit na sumigaw ito. “Aalis ka ba o hindi? Aalis ka ba o hindi?!” Napasinghap si Chellsey sa takot at nanatiling nakatayo, hindi magawang gumalaw na parang naninigas na yelo. Nakita ito ni Nigel at malakas na sinigawan siya, “Lumayas ka na! Umalis kana dito!” Nagbalik sa ulirat si Chellsey. Nang makita ang galit na mag-ama, dali-dali siyang tumalikod at umalis ng bahay, hindi na nag-abala pang magpalit ng damit o mag-sapatos. Huminga siya nang malalim habang nakasandal sa pinto... Si Sandro at Carlex ay magkamukhang magkamukha, kaya nang bigla itong nagalit, natigilan siya at hindi alam ang gagawin. Bilang isang ina na kusa nang napasok sa papel, siya’y natakot at nag-panic. Tuluyan niyang nakalimutan na isa rin siyang doctor... Dahil dito, hindi niya nagawang pakalmahin si Sandro bilang isang doktor, tulad ng ginawa niya kay Luke Gavin. Mala