KABANATA 16: MOMMY'S SECRET?Nagtago si Carlex sa dilim na part ng lugar kung nasaan si Chellsey at Audrey at lihim na nagmamasid. Kung hindi lamang siya sinabihan ng kanyang nakatatandang kapatid na protektahan ang kanyang ina nang palihim at huwag magpakita maliban kung kinakailangan, baka sumugod na siya ngayon pa lang dahil sa galit kay Audrey.Nakita niyang hinahabol si Chellsey ng tatlong tauhan. Agad niyang inihagis ang dala niyang mga dart, at tumama ito sa mga hita ng mga tauhan, dahilan upang sila'y sabay-sabay na bumagsak sa lupa at hindi na nakatayo.Mabilis na tumakbo si Carlex papunta kay Audrey habang sumisigaw mula sa malayo."Ate! tabi po, nakaharang kayo!" sigaw ni Carlex kay Audrey habang mabilis na tumatakbo at papalapit ng papalapit.Paglingon ni Audrey nakita niya si Carlex na tumatakbo na parang isang maliit na sasakyan sa kalsada Agad siyang kinabahan, dahil masakit ito pag tumama sa kanya."No no no!... dahan-dahan lang! Ikaw na batang makulit, wag kang lalap
KABANATA 17: KAILANGAN KA NI SANDROPaglabas ni Chellsey mula sa banyo, handa na ang mainit na tinola na niluto ni Cyrex para sa kanya. Nilagyan ito ng paborito niyang hiniwang sayote at dahon ng malunggay, kasama ang dalawang itlog na nilaga sa sabaw.Si Cyrex ay likas na mahilig sa pagluluto ng iba't ibang putahe natutunan niya ito noong nasa probinsya pa sila dahil na rin madalas nasa trabaho ang kanilang ina bukod don ay may kakaibang pang talento si Cyrex, kaya laging masarap ang kanyang mga luto. Natuwa at hindi mapigilang ngumiti si Chellsey lumapit siya sa bunsong anak at binuhat sabay halik sa mag kabilang pisngi."Ang ating bunso ang pinaka iyakin pero magaling mag luto sa buong mundo, siya ang cute kong pasaway na anak pero masarap mag luto" sabi ni Chellsey at ibinaba si Cyrex.Upang mawala ang pag aalala sa kanya ng mga anak mas mabuting bigyan niya ito ng oras kapag nasa bahay siya lalo na ang bunsong anak.Namula si Cyrex sa hiya mula sa halik ng kanyang ina at pag pur
KABANATA 18: FIND HER AND BRING HERE Laking ginhawa ni Audrey nang marinig niya ito. Mukhang tama ang hinala niya hindi siya gusto ni Nigel, at siya lang ang nagpupumilit kay Nigel totoo nga na isa siyang mapang-akit na babae makuha lang si Nigel.Sinimulan ni Audrey ang kanyang pag-arte."Dahil sa maling akala niya sa relasyon natin, dinala niya ang mga tauhan niya at binugbog ako, halos masira ang mukha ko, huhuhu..."Iniba ni Audrey ang katotohanan para maging masama si Chellsey kay Nigel at kung maaari para maawa si Nigel sa kanya.Napakaraming nagawa ni Audrey para kay Nigel ngunit ni hindi pa sila nag kiss o nagyakap dahil wala naman talaga silang relasyon."Saan ang mga bodyguard mo? Binugbog ka niya at wala silang ginawa?" tanong ni Nigel."Nasugatan din ang mga bodyguard ko ng mga tao niya. Ang dami ng saskayan ang dala niya at binugbog ako nang walang kaalam-alam kung ano ang kasalanan ko. Kung hindi dahil sa isang mabuting loob na tumawag sa pulis, baka nasira na ang muk
KABANATA 19: SAVE HER AGAIN Maagang nagising si Chellsey kinabukasan. Hindi niya alam na may mga mata ng nakamasid sa kanya. Pagkagising, agad niyang tinawagan si manang Lucy na kinakausap niya nung nagpunta siya sa Dulalia Garden upang tanungin kung nakabalik na si Nigel, ngunit negatibo ang sagot na nakuha niya. Nagdulot ito ng sakit ng ulo kay Chellsey at panghihinayang. Kailan nga kaya niya makakausap ang asawa niya, parang nawawalan na siya ng pagasa. “Haay...” malalim na buntong-hininga ni Chellsey na puno ng inis. Maaga pa naman kaya nahiga muna siya at nagbukas ng kanyang cellphone. Una niyang balak ay hanapin ang mga posibleng kinaroroonan ni Nigel ngunit sa halip ay nakita niya ang isang missing person notice mula sa magulang ni Luke. Dahil hindi nila matagpuan si Chellsey napilitan ang magulang ni Luke na magpaskil ng missing person notice online. Nag pabroadcast ng impormasyon sa lahat ng pangunahing media at istasyon ng TV na para bang sinisigurado nilang m
KABANATA 20: LUKE GAVIN CHAVEZ Gusto nang bumaba ni Kalil ng sasakyan upang iligtas si Chellsey ngunit nang makita niya ng nawalan ng malay si Rufo, kumalma siya.Nang makita niya ang itsura ni Rufo sa dahil sa windshield, hindi niya na pigil ang sabihin kay Nigel na,"Napaka-pervert talaga nitong si Mr. Rufo, Nakakahiya na kilala ko siya." Itinaas ni Nigel ang kanyang kilay at tumingin sa labas at malamig na nagsalita, "Dahil mahilig siyang maghubad, hayaan mo siyang tumakbo nang hubo’t hubad ng tatlong beses na ikot dito at huwag siyang papayagang magsuot ng damit."Napangisi si Kalil. Malamig ang panahon at tatakbo nang walang damit? Exciting! Karapat-dapat lang iyon sa kanya. Kung tunay kang lalaki, huwag mong apihin ang babae. Anong kakayahan ang mayroon ang mga ito sa paggamit ng puwersa?Bumaba si Kalil ng kotse upang sunduin si Chellsey.Pagkabukas na pagkabukas pa lang ni Chellsey ng pinto ng sasakyan agad siyang tumalon palabas. Gusto na niyang tumakbo ngunit biglang nak
KABANATA 21: THE MOTHER AND SON"Huling pag asa".Si Nigel naman ay malalim ang iniisip. Katulad ng estado ng isipan ni Mr. Chavez, nais din niyang subukan ang lahat ng paraan kahit konting pag-asa lang ang meron.Kung hindi lang sa mga nangyari dati, matagal na sana niyang hinayaanMakalipas ang halos kalahating oras, bumukas ang pinto. Nakatayo si Chellsey sa pintuan at nagsabi,"He's Okay now, nagugutom utom daw siya at gusto niyang kumain ng chicken" seryosong sabi niya.“Oh my god!” hindi makapaniwala na sabi ni Mrs. Chavez habang naka takip ang bibig.Nagulat ang lahat. Si Mrs. Chavez ang unang nakarecover at mabilis na pumasok sa kwarto. Nakaupo si Luke sa kama, tahimik na nakatingin sa kanya at sinabi, "Mommy, I'm hungry." nanghihina na sabi pa ni Luke.Sa sobrang tuwa ni Mrs. Chavez muntik na siyang umiyak. Natakot siyang baka malungkot ang anak kaya agad niyang tinakpan ang kanyang bibig at nag pigil ng iyak.Muling nagsalita si Luke, "Mommy, gutom ako at gusto kong kum
KABANATA 22: ANOTHER TROUBLE Namumula ang kanyang mga mata dahil sa galit. Nanginig na si Chellsey sa takot at ipinaliwanag kung ano ang kanyang balak gawin."Bibigyan ko siya ng acupuncture para makatulog muna siya. Sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon. Gusto nang matulog ng katawan niya, pero ang utak niya ay lumalaban. Para siyang may sariling kaaway. Ang ganitong matinding sitwasyon ay masama sa katawan niya at may posibilidad na may mangyaring hindi maganda pa sa bata.”Matagal na tinitigan ni Nigel si Chellsey. Nang makita niyang seryoso ito at walang halong na kasinungalingan ay binitawan niya ang pagkakahawak kay Chellsey. Lihim na bumuntong-hininga si Chellsey at mabilis na sinimulan ang acupuncture ka Sandro. Maya-maya lang ay bumalik na sa normal ang tibok ng puso ni Sandro ."Salamat sa Diyos, bumalik na rin sa normal ang tibok ng puso niya." nakahinga ng maluwag si Nikko.Tinanggal ni Chellsey ang mga karayom at sinabing, "Ngayon hihintayin na lang natin siyang m
KABANATA 23: NO DIVORCE Si Nigel ay nakaupo sa gilid ng kama kasama si Sandro . Mahigpit na hawak ni Nigel ang maliit na kamay ni Sandro . Lumapit si Nikko at Pinakalma siya.Don't worry too much, at least he's okay now.”“Nasaan siya?” tanong ni Nigel nang hindi makita si Chellsey na kasama ni Nikko."She left first because of an emergency.""Umalis na siya?!" paguulit ni Nigel at tumingin kay Nikko.“Oo, sabi niya may emergency at kailangan niyang umalis.”Kumunot ang noo ni Nigel"Hayaan natin siya, hindi natin siya puwedeng ikulong Kailangan pa rin natin ang tulong niya kapag ginawa natin iyo baka hindi niya na tayo tulungan kay Sandro. Kaya mo na ba siyang pagkatiwalaan para sa anak mo? dagdag pa na sabi ni Nikko.Kung ilang araw pa lang ang nakalipas, siguradong sasabihin ni Nigel na wala siyang pakialam pero ngayon, hindi siya sigurado kung si Chellsey ang tunay na ina ni Sandro , at hindi rin siya tiyak kung matutulungan ni Chellsey si Sandro sa sakit na meron ito Kaya't han
KABANATA 74: KUSANG LOOBSamantala, sa Gold City Residential District,Naupo si Nigel sa tabi ng kama ni Sandro at kinausap ito."Hindi mo ba gusto yung babae na nakilala ko kaninang umaga?""Hindi!""Pero siya'y nahanap ni Tito Nikko mo. Naglaan siya ng maraming oras para hanapin siya. Alam mong mahal na mahal ka ni Tito Nikko diba? Para kay Tito Nikko pwede mo bang payagan siya na alagaan ka pa ng ilang araw?""No!""Kung paalisin mo siya ng ganito, malulungkot si Tito Nikko ."Pumaatras si Sandro at tiningnan siya, "Sino po ba ang malulungkot, si Tito Nikko o ikaw?""Huh?" bakas ang gulat sa mukha ni Nigel."Si Tito Nikko po ba ang nag hanap sa kanya, o ikaw daddy?"Si Nigel ay napatigil. Bigla na namang nagtanong si Sandro,"Gusto mo po ba siya?"Nag iba ang mukha ni Nigel at agad na sumagot,"Hindi anak!""Bakit ka po kaya mabait sa kanya?""Mabait ako sa kanya?""Nagpunta ka para ihatid siya kanina daddy. Si Aunt Audrey ang laging kasama ko, pero tuwing aalis siya, siya lang an
KABANATA 73: PARA LANG KAY SANDRONagulat si Chellsey sa sinabi ni Calex “May solusyon ka? Anong solusyon iyan anak?”Sinabi ni Calex ang lahat sa kanyang ina,“Dahil siya ay irritable, autistic, at takot sa mga hindi niya kilalang tao, hindi mo po dapat basta na lang magpakita sa harap niya. Unahin niyo po ipakita na ikaw ay mabuti at hindi mo siya sasaktan. Kapag nagkaroon siya ng magandang impresyon sayo, saka mo po siya unti-unting lapitan.”Napaisip si Chellsey. May punto ang sinabi ni Calex.pero...“Kung hindi ako magpapakita, paano ko siya mapapaniwala na isa akong mabuting tao?”“Tulungan mo siya nang palihim mommy, o ipakita ang kabutihan mo sa kanya. Gumawa ka ng mga paborito niyang pagkain o laruan kung saan po siya comfortable, at ipaabot mo sa kanya sa pinakamalapit sa kanya”“Pero hindi ko alam kung ano ang mga gusto niyang kainin o kung anong laruan ang gusto niya. Sabi ng pamilya niya, wala siyang interes sa kahit ano maliban sa mga bagay na may kaugnayan sa mommy ni
KABANATA 72: I HAVE SOLUTION Nagulat si Lovely.“Hindi ba’t binisita mo na ang batang iyon kaninang umaga? Bakit hindi mo pa rin siya nakausap?”Malalim ang buntong-hininga ni Chellsey.“May sasabihin ako at baka hindi ka maniwala sa sasabihin ko.”“Huh?” nalilitong sabi ni Lovely.“Bago ako pumunta kanina, sinabi ng lalaking iyon na kung makakasama ko ang anak niya ng ten minutes bibigyan niya ako ng 10,000 in cash hindi para sa pangbabayad ng utang ko.”“Oh my god Chellsey! parang namimigay na ng pera ang lalaki iyon!”“Iyon din ang naisip ko noon. Pero hindi ko inasahan... ni hindi umabot ng limang minuto. Sa totoo lang, wala pang tatlong minuto, itinaboy na ako ni Sandro.”“Ha? Anong nangyari?”Ipinaliwanag ni Chellsey ang nangyari. Laking gulat ni Lovely.“May violent tendencies ba siya?”“May bipolar disorder siya at madalas na nagiging impulsive. Kapag umatake ang sakit niya, nagiging marahas siya. Hindi lang siya naninira ng gamit, sinasaktan din niya ang sarili niya kaya sob
KABANATA 71: LABIS NA PANANABIKPagkalabas sa hospital ay dumiretso agad sa School si Chellsey lpara puntahan si Lovely at ang mga bata.Una, gusto niyang makita ang mga bata sa kindergarten. Nag-aalala siya sa unang araw ng mga ito sa school.Pangalawa, hindi pa rin siya mapakali sa sinabi ni Moana tungkol kay Alice.Pagkatapos niyang maikwento ang nangyari hindi maiwasan na magulat at magalit si Lovely."Napakabuti ni Ali sa pinsan ni Liam noon, pero sinumpa pa siya nitong si Moana? Napaka-walang utang na loob niya! Anong klase ng ugali ang meron siya? At ngayon, pati ikaw ay kinamumuhian niya sa walang kwentang dahila? Ha! Napakabait mo pa nga sa kanya sa lagay na yan ha! Kaya sinasabi ko, may kasabihan na, 'Sa bawat taong kaawa-awa, may nakatagong dahilan para sila ay kasuklaman” nakakainis!” sabi ni Lovely na mag kasalubong ang dalawang kilay.“Ngayon, mukha siyang kaawa-awa dahil hindi niya naalagaan ang anak niya kahit kasalanan naman niya ang lahat, pero tingnan mo ang ugali
KABANATA 70: HINDI SIYA MAKAKATANGGI SA AKIN Bahagyang gumalaw ang labi ni Chellsey,"Kung ganoon, tawagan mo na ang pamilya niya. Hindi maganda na itinatago ang ganitong sitwasyon. May suicidal tendencies na siya ngayon. Kapag may nangyaring masama, paano mo ipapaliwanag sa pamilya niya?" sabi ni Chellsey na bahagyang nakataas ang isang kilay.Tumango si Liam, "Humahanap pa ako ng pagkakataon na makausap si Tita."Matapos niyang sabihin iyon, seryoso siyang tumingin kay Chellsey, may halong paghingi ng tawad sa kanyang ekspresyon."I'm so sorry Che. Humingi pa ako ng tulong mo, pero hindi ko inaasahan na nagdudulot pala ito ng sama ng loob sayo." Galit pa rin si Chellsey dahil sa sinabi ni Moana tungkol kay Alice at sa point na iyon, gusto pa rin niyang magalit.Kung hindi lang dahil sa kalagayan ni Moana baka nakipag-away na siya rito. Kahit hindi pisikal na away, siguradong sinigawan na niya ito para mabawasan ang galit niya na meron siya."Ayos lang ako. Sorry kung hindi kita n
KABANATA 69: ANONG NANGYARI KAY ALICE? Nalilito ang mga doctor at nurse, parang baliw na ang isa, ganoon din ang isa pa, ganon ang eksena umang umaga pa lang. Dalawang batang babae na nurse ang mahigpit na humahawak kay Chellsey. "Miss, kalma lang po kayo, kaka-injection lang niya ng pampakalma at pampatulog. Natutulog siya ngayon, hindi niyo siya pwedeng gisingin." sabi ng isang babaeng nurse na pinapakalma siya. "Gisingin niyo siya! Kailangan niya magising! May kailangan akong itanong sa kanya! Importante ito! Kailangan ko siyang maka usap!” pilit na nag pupumiglas na sabi ni Chellsey at ayaw mag pa awat. "Hindi siya magigising agad Miss. Kung may kailangan ka, hintayin mo muna siya magising. Ikalma mo ang sarili mo, kung magpapatuloy ka sa ganito, mapipilitan kaming bigyan ka rin ng pampatulog." Maya maya lang sa wakas ay kumalma si Chellsey. Bumagsak siya sa upuan, diretsong nakatingin kay Moana ang mukha’y maputlang-maputla at pinag papawisan. Mabilis na tumakbo pa
KABANATA 68: LAHAT KAYO MAMATAY NA LANG SANA! Ang video call ng kanyang mga anak ang nakapag pakalma kay Chellsey. Pagkatapos niyang ganap na makabawi, agad niyang naisip si Nigel. Ang pagkikita nila ng isang hindi niya kilalang lalaki ay aksidente lamang. Si Nigel ang layunin niya sa pagkakataong ito. Sinabi ni Nigel na bawal niya itong guluhin, Pero hindi ba’t ang pagtawag upang magtanong ay hindi naman maituturing na panggugulo? Hindi naman niya ito pupuntahan dahil gusto niya ito! Inayos ni Chellsey ang kanyang emosyon at muling tumawag sa Villa Dulalia. Binaba niya ang kanyang pride at mahina niyang tinanong, "Pasensya na po, may oras ba si Nigel para makipag divorce ngayong araw?" Magalang naman ang sagot ng kabilang linya, "Wala po. Kung may oras si Sir Nigel, siya mismo ang tatawag sa inyo. Hintayin n’yo na lamang ang tawag, hindi niyo na po kailangang tumawag ulit salamat" Pagkatapos nito, ibinaba na ang tawag. Napangiwi si Chellsey at napahawak sa kanyang sentido. ‘
KABANATA 67: ANG TATLONG MABABAIT Biglang itinaas ni Nigel ang kanyang mga mata at tumingin kay Chellsey ng deretso. "Nalaman kong nag-aral ka ng architect design sa isang University dito sa Laguna noon. Walang kinalaman iyon sa medicine. Paano mo biglang natutunan ang mga gawain sa medicine?" Nagulat si Chellsey. “Pina Imbestigahan mo ba ako?" Diretso siyang tinitigan ni Nigel walang itinatanggi at walang pag-aalinlangan. Ang puso ni Chellsey ay biglang bumilis ang tibok, parang umakyat ito sa kanyang lalamunan papunta sa utak. "Ano ang inimbestigahan mo?" "May bagay ba na ayaw mong malaman ng iba?" Siyempre! Takot siyang malaman niya ang tungkol kina Calex at Carlex! "Ikaw... ikaw ba'y nagtanong-tanong tungkol sa mga anak ko?!" Alam ni Nigel na alalang-alala si Chellsey para sa kanyang mga anak, kaya’t nag-ingat siyang huwag gamitin ang mga bata para galitin siya. Sinabi niya ang totoo, "Hindi." walang ganang sagot nito. "Sigurado ka?" Tinitigan siya ni Nigel. "Gusto
KABANATA 66: OBSESSION TO HIS MOM Biglang dinampot ni Sandro ang isang bakal na tinidor at mabilis naitinutok ito sa kanyang leeg at galit na sumigaw ito. “Aalis ka ba o hindi? Aalis ka ba o hindi?!” Napasinghap si Chellsey sa takot at nanatiling nakatayo, hindi magawang gumalaw na parang naninigas na yelo. Nakita ito ni Nigel at malakas na sinigawan siya, “Lumayas ka na! Umalis kana dito!” Nagbalik sa ulirat si Chellsey. Nang makita ang galit na mag-ama, dali-dali siyang tumalikod at umalis ng bahay, hindi na nag-abala pang magpalit ng damit o mag-sapatos. Huminga siya nang malalim habang nakasandal sa pinto... Si Sandro at Carlex ay magkamukhang magkamukha, kaya nang bigla itong nagalit, natigilan siya at hindi alam ang gagawin. Bilang isang ina na kusa nang napasok sa papel, siya’y natakot at nag-panic. Tuluyan niyang nakalimutan na isa rin siyang doctor... Dahil dito, hindi niya nagawang pakalmahin si Sandro bilang isang doktor, tulad ng ginawa niya kay Luke Gavin. Mala