KABANATA 22: ANOTHER TROUBLE Namumula ang kanyang mga mata dahil sa galit. Nanginig na si Chellsey sa takot at ipinaliwanag kung ano ang kanyang balak gawin."Bibigyan ko siya ng acupuncture para makatulog muna siya. Sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon. Gusto nang matulog ng katawan niya, pero ang utak niya ay lumalaban. Para siyang may sariling kaaway. Ang ganitong matinding sitwasyon ay masama sa katawan niya at may posibilidad na may mangyaring hindi maganda pa sa bata.”Matagal na tinitigan ni Nigel si Chellsey. Nang makita niyang seryoso ito at walang halong na kasinungalingan ay binitawan niya ang pagkakahawak kay Chellsey. Lihim na bumuntong-hininga si Chellsey at mabilis na sinimulan ang acupuncture ka Sandro. Maya-maya lang ay bumalik na sa normal ang tibok ng puso ni Sandro ."Salamat sa Diyos, bumalik na rin sa normal ang tibok ng puso niya." nakahinga ng maluwag si Nikko.Tinanggal ni Chellsey ang mga karayom at sinabing, "Ngayon hihintayin na lang natin siyang m
KABANATA 23: NO DIVORCE Si Nigel ay nakaupo sa gilid ng kama kasama si Sandro . Mahigpit na hawak ni Nigel ang maliit na kamay ni Sandro . Lumapit si Nikko at Pinakalma siya.Don't worry too much, at least he's okay now.”“Nasaan siya?” tanong ni Nigel nang hindi makita si Chellsey na kasama ni Nikko."She left first because of an emergency.""Umalis na siya?!" paguulit ni Nigel at tumingin kay Nikko.“Oo, sabi niya may emergency at kailangan niyang umalis.”Kumunot ang noo ni Nigel"Hayaan natin siya, hindi natin siya puwedeng ikulong Kailangan pa rin natin ang tulong niya kapag ginawa natin iyo baka hindi niya na tayo tulungan kay Sandro. Kaya mo na ba siyang pagkatiwalaan para sa anak mo? dagdag pa na sabi ni Nikko.Kung ilang araw pa lang ang nakalipas, siguradong sasabihin ni Nigel na wala siyang pakialam pero ngayon, hindi siya sigurado kung si Chellsey ang tunay na ina ni Sandro , at hindi rin siya tiyak kung matutulungan ni Chellsey si Sandro sa sakit na meron ito Kaya't han
KABANATA 24: THEY KNOW THE TRUTH"Miss Chellsey, ipinapasabi ni Sir na may biglaan siyang gagawin ngayon, kaya hindi pa siya makilipag kita ngayong araw. Makikipag-ugnayan daw siya ulit sayo bukas." sabi ng katulong.Nakakunot ang noo ni Chellsey. "Si Nigel ba 'yon kanina?""Opo, ang si Sir Nigel po."Dali-daling hinabol ni Chellsey si Nigel, "Hoy! Itigil mo ang kotse! Nigel! itigil mo..." sigaw ni Chellsey pag labas ng gate.Nagmadali siyang lumabas ng mansyon, pero nakaalis na si Nigel at hindi na niya inabutan. Hingal na hingal si Chellsey sa galit. “Ano bang nangyayari? Pipirmahan lang siya wala namang akong balak sa ari arian mo, pero bakit napaka-komplikado? Kahit na may gagawin siya, pwede naman niyang pirmahan bago umalis!” tanong niya sa sarili.Galit na galit si Chellsey dahil hindi na naman natuloy ang gusto niya. Tumayo si Chellsey sa may pintuan at nagbuntong-hininga ng matagal, pinakalma ang sarili. Maghintay na lang ng isang araw pa, basta pumayag lang siyang makipa
KABANATA 25: LOVELY AND ALICE Nang marinig nilang lalabas silang para mamasyal natuwa ang tatlong bata. Mabilis silang nagbihis at sumama kay Chellsey palabas.Sumakay sila ng taxi at nagtungo sa Enchanted Kingdom para maranasan ng mga bata ang sumakay sa iba't ibang rides doon.Ito ang unang beses na makalabas ang tatlong bata para maglaro. Habang tinitingnan nila ang mga lugar dito, sobrang natutuwa sila. Gusto nilang subukan lahat ng nakikita nila.Kahit kaunti lang ang pera ni Chellsey , alam niyang hindi pa makakapunta ang mga bata dito. Ayaw niyang sirain ang kasiyahan nila kaya bumili siya ng mga tiket."Nasa labas na rin lang tayo para mag-enjoy, hayaan na lang sila na magpakasaya." sabi niya sa sarili.Sumakay sila ng Ferris wheel at roller coaster. Matapang si Carlex at sinubukan pa ang malaking baking ride.Si Cyrex naman ay medyo takot at hindi kayang subukan ang mga nakakatakot na rides kaya sinamahan siya ni Chellsey para sumakay sa simpleng rides.Tuwang tuwa ang cut
KABANATA 26: NIGEL'S FAMILY Walang pakialam si Lovely. “I’m a high school teacher now. There’s a child in my class whose parents are getting divorced recently. The child is usually picked up by his mother, and his mother also attends all the school activities.” “Minsan, sinabi ng nanay ng bata na walang sinuman ang pwedeng sumundo sa bata maliban sa kanya.” “Siyempre, bilang teacher susundin namin ang gusto ng magulang. Kaya nang dumating ang tatay ng bata para sunduin siya, hindi ko siya pinayagan at tinawagan ko pa ang nanay ng bata para ipaalam ang nangyari. Nagalit ang tatay kaya sinaktan niya ako.” malungkot na kwento ni Lovely. “Napanood ko ang video sa internet sinaktan ka niya.” “Sinampal lang ako, pero agad din naman akong inilayo ng mga kasamahan ko look oh wala namang sugat sa mukha ko. Kung hindi lang siya mas matanda sakin papatulan ko siya!” “Ayan ka na naman... kung kay Ali nangyari yon hindi siya magdadalawang isip kahit lalaki pa yon bugbog sarado talaga
KABANATA 27: THE SANDOVAL FAMILY Nang malaman ni Nigel na paparating sila, agad niyang pinigilan ang mga ito sa labas ng kwarto. Hindi niya hinayaang makalapit sila kay Sandro.Nagpakita ng pagkadismaya si Rina, ang panganay na tiyahin ni Nigel at sinabi, “Nigel, as soon as we heard that Sandro was ill and hospitalized, we rushed to see him. Not only do you not know how to be grateful, but you also don’t let us enter the ward. What do you mean?” sabi ng kanyang tiyahin.Hindi man lang tiningnan ni Nigel ang tiyahin niya at sinabing,“Sandro doesn’t want you to see him.” mapait na sabi ni Nigel kay Rina.“Bullshit, I'm his grandmother! I’m your aunt! Do you put me in your eyes when you talk to me like this? What's wrong with you?”Pagbanggit ng tungkol sa kanyang ama, tiningnan siya ni Nigel at nagsalita,“If it weren’t for my dad, do you think you would have the right to speak in front of me?”“You... Dad! Listen, if this is your favorite grandson, does he take our Family seriousl
KABANATA 28: DNA RESULTS Pinayuhan ni Reyna ang kanyang nakatatandang kapatid, Don’t be sad, I support Gerald in this matter. As the saying goes, we don’t have to worry about thieves stealing, but we have to worry about thieves thinking about it. Gerald is at the age of full of blood and vigor, how can he be frightened by temptation.” Sumang-ayon ang nakatatandang kapatid, “That’s right, but you heard what dad said, it’s all Gerard's fault.” “Dad was angry, don’t bother with him, think about how to get rid of that bitch first.” “She will never be part of our family or else I will kill her.” Umalis si Rina na puno ng galit. Si Reyna ay tumingin sa kapatid niyang sumakay sa kotse at umalis, bahagyang sumingkit ang mga mata at puno ng plano ang kanyang nasaisip. Pagpasok ni Reyna sa kotse, tinanong niya ang driver, "Nalaman mo na ba ang lahat?" "Yes, Madam. malubha ang kalagayan ni Young Master Sandro at nalaman ko gusto niyang tumalon kung nasaan siya para magpaka
KABANATA 29: LABIS NA PAGKALITO*NEGATIVE-*Tinititigan ni Nigel ang laman ng folder habang nakakunot ang noo.Hindi niya alam kung ano ang eksaktong nararamdaman niya. Sa totoo lang, handa na ang kanyang isipan sa ganitong resulta.Kasi, kung si Chellsey nga ang tunay na ina ni Sandro , wala siyang dahilan para itago ang katotohanan.Sa kahit anong anggulo mo tingnan, ang tanging paraan para makuha niya ang pinakamalaking benepisyo ay ang kilalanin si Sandro.Gayunpaman, tinanong pa rin ni Nigel "Did you do it yourself?" Tanong ni Nigel "Well, I didn't even ask my assistant to help.” agad naman sumagot ang kapatid.Nananatiling seryoso si Nigel at hindi sumagot.Nilukot niya ang papel at itinapon ito kay Kalil at bumalik sa silid ni Sandro. Naguguluhan si Nikko, Para kanino ba ang DNA test na iyon?""Sa tingin ko, kay Miss Chellsey at kay Sandro iyon Doc." sabi ni Kalil.Nanlaki ang mata ni Nikko , “Nigel suspects that Miss Chellsey is Sandro's biological mother? My God, why wo
KABANATA 55: GALIT NA TIGREHabang nag iisip ng isang bagay, muling nagtanong si Nigel,"Hindi mo gustong mapalapit sa kanya, paano naman si Sandro? Lumapit ka ba kay Luke para lang mapalapit kay sandro?"Agad na umiling si Chellsey,"Aksidente lang na natulungan ko si Luke! Nagkataon na nakita ko siya sa kalsada at may sakit siya, kaya’t tinulungan ko siya ng kusa. Tapos nalaman ko sa magulang niya na nagwawala siya. Nag-alala ako sa kalagayan niya, kaya pumunta ako sa ospital para makita siya, at doon kami nagkakilala pero bago iyon, hindi ko pa kilala si sandro! Kinalaunan, ang ama ni Sandro mismo ang nagdala sa akin sa kanya. Kung hindi siya nag kusang-loob, hindi ko malalaman ang tungkol sa kanya, lalo na’t hindi ko siya makikilala. Hindi ko na kasalanan kung naniniwala ka o hindi basta hindi ndi ako nagsisinungaling!"Tiningnan siya ni Nigel halatang naiinis. Pagkaraan ng ilang minuto, sinabi niyang may halong iritasyon,“Tell her to go upstairs to pick up her child.”Agad naman
KABANATA 54: MALING AKALA LANG ANG LAHAT“Gumawa ka lang ng mabuting gawain araw-araw, at ikaw ay magiging mabuting tao paglaki mo. Kapag lumaki na si Cyrex kailangang maging mabuti siyang tao na tumutulong sa iba. Ang pagtulong sa iba ay pagtulong din sa sarili tandaan mo yan baby ko ha.” sabi ni Chellsey na nakatitig sa anak habang nakangiti.“Opo Mommy si Cyrex ay makinig palagi kay mommy at maging mabuting tao po ako hindi ako tutulad sa mga babae na nang away satin Mommy, sobrang bad po nila!”Ngumiti si Chellsey at sinabi,“Tapos na ang nangyari ngayon wala ng mangaaway pa sa atin. Kapag nakasama mo na ang iyong ninang at mga kapatid mamaya, huwag mo nang sasabihin ito okay lang ba?”“Okay po mommy.”Ayaw ni Chellsey na magalit si Lovely pati na sina Calex at Carlex dahil sa nangyari. Sa huli, lahat ng ito ay nakaraan na. Bahagyang kumunot ang noo ni Cyrex , ngunit tumango siya nang may pag-aatubili.Gusto rin niyang magsumbong sa kanyang mga kuya upang makahanap ng paraan na i
KABANATA 53: ACT KINDNESS Habang nagsasalita si Rhea, namumula ang kanyang mga mata.“Sa totoo lang, malalaman mo lang ang hirap ng pagiging magulang kapag may anak kang katulad nito. Sa loob ng nakaraang dalawang taon, hindi ako nagkaroon ng maayos na tulog o kahit man lang makakain ng tama sa oras nakakawalang gana sobrang bigat sa pakiramdam.”“Noong dalawang taon pagkatapos kong ipanganak si Luke, hindi ko magawang kontrolin ang pagkain ko dahil nagpapasuso ako. Kalaunan, nagkaroon ako ng labis na pagkain. Noong pinakamalaki ang timbang ko, umabot ako ng halos 250 pounds. Pero mula nang magkaroon siya ng problema, pumayat ako ng 80 pounds sa loob lamang ng dalawang buwan… Ang hirap… sobrang hirap…”Tahimik na nakikinig si Chellsey at nagsalita lamang nang matapos si Rhea,“Alam kong napakahirap ng pinagdaanan mo nitong mga nakaraang taon Mrs. Chavez.”Ang pagunawa ay madalas na mahirap ipaliwanag. Ang mga taong hindi pa nakaranas ng ganoong sitwasyon ay hindi lubos na maiintindih
KABANATA 52: SUNOD SUNURAN SA ASAWA Nakapikit ang mga mata ni Nixon at tumingin kay Kriza at sa iba pa. Halos nangangatog na sa takot ang mga kasama ni Kriza, kabilang naman niya ay ang kanyang kapatid na babae, na nakatayo sa gilid at nanginginig rin.Sabi ni Nixon, "Sabihin mo sa akin ang totoo hon, kung wala ka talagang kasalanan, kahit patayin pa ako ng pinsan ko, ipagtatanggol kita. Pero huwag kang magsisinungaling!"Umiling iling at tumanggi si Kriza na aminin ang kanilang nagawa."Siya ang nagsisinungaling! Anak niya ang nagtulak sa anak ko, pero ayaw niyang mag-sorry. Kaya lumapit ako sa kanya para humingi ng paliwanag. Hindi ko inaasahan na magiging gano'n siya katindi at agad na sinugod ako honey maniwala ka sakin tingnan mo, nasugatan ang paa ko dahil sa kanya, huhuhu..." nag papaawa na sabi ni Kriza kay Nixon.Nagtaas ng kilay si Chellsey at nagsabi, “Imposibleng walang CCTV dito. Bakit hindi natin tingnan ang footage?"Nang marinig iyon, nanginginig si Kriza at mga kas
KABANATA 51: ATE RHEA Di nagtagal, dumating si Rhea.Namimili siya ng damit para kay Luke nang malaman niyang naroon si Chellsey at may nanggugulo sa kanya, kaya nag madali siyang pumunta.“Miss Chellsey?”Isang pamilyar na boses ng babae ang narinig mula sa kanyang likod. Lumingon si Chellsey at nakita si Rhea.“Mrs Chavez?”Nagulat si Ate Rhea.“Ikaw nga aba! Nakita ko ang iyong likuran kanina at akala ko nagkakamali lang ako. Ano... anong nangyari bakit ganyan ang itsura mo?”Medyo nahiya si Chellsey at yumuko,“Nagkaroon lang ng di magandang pangyayari sa kanila Mrs Chavez”Napakunot ang noo ni Rhea nang marinig ito at tumingin ng masama kina Kriza at iba pa.Si Kriza lang ang nakakakilala kay Rhea sa mga kasama niya, at nakaramdam siya ng takot. Ang iba naman, kahit mukhang mataas ang katayuan ni Rhea, ay patuloy na nagmamataas, umaasa kay Nixon na tagapagtanggol ni Kriza.“Anong problema? Kilala mo ba ang babaeng ito? Sasabihin ko sa’yo, kahit ilang pulis o kung sino pa man ang
KABANATA 50: GOOD MOVIE Napamura si Chellsey ng mahina at yumuko upang pulutin ang kanyang telepono. Ngunit pagkakuha niya pa lamang dito, biglang may humila sa kanyang buhok.Hinatak siya pabalik ng isang babae nang malakas, dahilan upang mapangiwi siya sa sakit at napahawak sa kanyan ulo."Ikaw na ang unang nag-umpisa! Dapat lang sayo yan at sa totoo lang kulang pa nga yan! Gagawin ko lahat ng gusto ko kahit mamatay ka pa hampaslupa ka!” galit na sigaw pa rin ni Krisa sa harap ni Chellsey.Sabay-sabay siyang inatake ng kasama nitong mga babae habang sinasabihan siya ng hindi maganda.Sa puntong ito galit na galit si Chellsey. Kung hindi lang sana niya gustong umiwas sa gulo, duguan sa ang mga babaeng ito. Tinapakan niya ang dulo ng sapatos ng babaeng humihila sa kanyang buhok, kaya't agad siyang binitawan nito at napasigaw dahil sa sakit!"OMG it hurts! ang paa ko, ang sakit OMG!..." maarteng sabi ni Kriza.Kahit wala siyang ano man na hawak na bagay hindi kayang pantayan ng mga ba
KABANATA 49: SUPERMAN!Mabilis na tinanong ni Chellsey si Cyrex,"Anak, nasaktan ka ba ng husto?"Mahigpit na niyakap ni Cyrex ang leeg ni Chellsey at mahina siyang umiyak sa balikat nito."Natatakot po ako Mommy.."Si Cyrex ay iba kina Carlex at Calex. Mula pagkabata ay likas siyang mahiyain, malambot ang puso, at mabilis umiyak."Ayos lang, huwag kang ng matakot. Si Mommy at Ninang ay pina alis na ang babaeng masama na iyon. Masakit pa ba ang braso mo?""Masakit pa rin po Mommy..""Heto, ikikiss ni Mommy." Tinulungan naman siya ni Lovely maka tayo at pinagpagan ang kanyang short."Baby Cy, may stall ng ice cream doon, masarap iyon, gusto mo bang bilhan ka ni Tia Ninang?" sabi ni Lovely habang nakangiti.Nagliwanag ang mga mata ng bata at bahagyang nawala ang takot sa Mukha."Sige na, bilhan ka ni Tita Ninang ah" alok ni Lovely at inaabot ang kanyang kamay upang kargahin si Cyrex.Pero mas lalong humigpit ang yakap ng bata kay Chellsey at ayaw niyang bumitiw. Alam niyang kakampi niy
KABANATA 48: BEST FRIENDS!Di nagtagal, nakatanggap si Chellsey ng balita habang siya ay nasa mall. Sa sobrang galit, sinagot niya ang kausap sa cellphone,"Anong sinasabi niya na pwede siyang makipaghiwalay kung kailan niya gusto? Pwede ba siyang magbigay ng eksaktong araw? O kaya ay magpakita siya sa akin para makapag-usap kami ng maayos! ak-”Hindi pa natatapos ni Chellsey ang kanyang sinasabi nang biglang ibinaba ng kausap niya ang tawag.Napahawak si Chellsey ang kanyang baywang at hinawakan ang noo habang nagmumura sa kanyang isipan. Naisip lang niya tawagan si manang Lucy para itanong ang tungkol sa hiwalayan pagdating niya sa mall. Yun pala, naka-block ang number ni manang Lucy sakanya cellphone.Agad niyang inalis ang pagkakablock at siya na mismo ang tumawag pabalik. Nang malaman niya na tinawagan siya ni Nigel kagabi at nakipagkasundo na magkita ngayong araw, tuwang-tuwa siya.Pero, sa di inaasahang pangyayari, nagbago na naman ang isip. Hindi niya alam kung galit si Nigel
KABANATA 47: THE KARMA?Nagising ang tatlong bata.Nang tingnan ni Cyrex ang orasan sa tabi ng kama, halos magtatalon siya sa higaan dahil sa gulat."Oh, it's already 10:00 o'clock. Nako gutom na si Mommy at si tita ninang!"Agad na tinapon ng maliit na bata ang kumot sa kanyang tabi ng unan, bumangon mula sa kama, at tumakbo palabas habang may may tulo ng laway at muta pa.Si Calex at Carlex ay umupo na rin. Si Chellsey at Lovely ay patuloy na nag-uusap sa sala. Nang makita nilang nagmamadali si Cyrex palabas, tinanong nila,"Ano'ng nangyari, Cy?""Mommy, tita ninang, gutom na po ba kayo? Magluluto ako para sa inyo."Gusto sanang tumakbo ni Cyrex papunta sa kusina gamit ang kanyang maikli at mabilis na mga binti, ngunit pinigilan siya ni Chellsey."Huwag ka nang magluto baby, kumain na kami, at handa na ang agahan niyo. Maghilamos ka muna at kumain na kayo ng mga kapatid mo pagkatapos.""Ah? Ikaw po ba ang nagluto mommy?""Isang pogi ang nagdala.""Pogi po?" nagtataka na tanong n