Home / Romance / The Billionaire's Ugly Maid / Chapter 3 - Danger and Danger

Share

Chapter 3 - Danger and Danger

Author: Maejin
last update Huling Na-update: 2022-12-21 16:18:10

Hirap na pinilit ni Seven makaalis sa kinahihigaan upang maikubli ang sarili sa mga balang pumapasok sa loob ng kubo.

"Iho, dumapa ka lang muna!" ang utos ni Philip kay Seven.

Natatarantang sumunod si Seven pero hindi rin nito inialis ang tingin sa mag-asawang nagkukubli rin sa gilid.

Patuloy ang putok ng baril sa paligid. Walang tigil na tila ba nais siguraduhing walang mabubuhay sa kanila sa loob.

Mayamaya ay patakbong lumapit si Philip kay Seven.

"A-anong pong ginagawa ninyo? Baka tamaan kayo ng bala!" nag-aalalang sambit ni Seven.

Hindi umimik si Philip sa halip ay ubod lakas nitong itinumba ang kamang kinahihigaan ni Seven kanina. Iyon ay upang magsilbing harang ang kama.

"Imelda, halika rito!" tawag ni Philip sa asawa nito.

Ang kamang itinumba ni Philip ay upang magsilbing harang o shield nila sa mga balang pumapasok.

"Konting tiis na lamang po, parating na rin sina lolo..." pagpapalakas loob ni Seven sa mag-asawa at sa sarili na rin niya.

Mabilis namang tumayo si Imelda at tumakbo papunta kina Seven ngunit sa pagputok muli ng mga baril mula sa labas ay tinamaan ang katawan nito ng ilang ulit.

"Imelda!" Malakas na hiyaw ni Philip at tinakbo nito ang asawa.

Nasalo ni Philip ang asawa bago ito bumagsak.

"A-ang anak n-natin... B-baka k-kung a-ano r-ring m-mangyari s-sa k-kaniya..." duguang wika ni Imelda.

Umiiyak na hinaplos ni Philip ang pisngi ng asawa. Kasunod niyon ay ang pagtama rin ng bala sa kaniyang katawan. Magkayakap na bumagsak ang mag-asawa.

Napatulala naman si Seven sa nasaksihan. Hindi siya makakilos. Hindi niya alam ang gagawin ng mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay nabingi siya at tanging ang mag-asawa lamang ang nakikita niya sa paligid.

"Seven! Seven!"

Hindi malaman ni Seven kung naririnig niya ba ang pangalan niya. Nananatili pa rin siyang nakatitig sa wala ng buhay na katawan ng mga taong nagmagandang loob lang naman na tulungan siya.

"Seven!" malalakas na yugyog sa balikat ni Seven ang nagpabalik sa huwisiyo nito.

"T-tatay..." nayakap nang mahigpit ni Seven ang amang si Sebastian.

"It's alright... You're safe now," saad ni Sebastian habang tinatapik ang balikat ng anak.

"P-patay n-na b-ba s-sila?" may takot at mangiyak-ngiyak namang pansin ni Ellie sa mag-asawang magkayakap pa ngunit wala ng buhay.

"Who would do this!" nanggagalaiti namang sambit ni Sigmund habang nakakuyom ang mga kamao nito.

"Ang mabuti pa ay umalis na tayo rito at baka bumalik pa ang mga taong iyon," wika naman ni Sebastian at dahan-dahang itinatayo si Seven.

Habang nagpapaputok ang mga kalalakihang may takip sa mukha ay may tumawag sa kanila para sabihing umalis na dahil parating na umano ang mga pulis kasama ang Ziff family.

Hindi maipinta ang mukha ni Seven sa loob ng sasakyan dahil sa sinapit ng mag-asawang kahit sa kaunting oras niya lang nakasama ay nakagaanan niya na ng loob.

"Please, lolo, give them a decent burial..." mahinang saad ni Seven.

"You're bleeding, Seven!" natatarantang sabi ni Sigmund nang makita ang dugong umaagos sa sugat nitong natapalan lang ng mga dahon dahon.

"P-please, 'lo..." sa halip ay ang tungkol sa burol ng mag-asawa ang pilit na sinasabi ni Seven.

Marahan namang tumango si Sigmund. Katabi nito si Seven sa gitnang upuan habang nasa passenger seat naman si Sebastian. Bakante ang backseat dahil ang ina ni Seven ay may dalang sariling sasakyan. Sina Helena at Samuel lang ang wala roon. Kasunod nila ang mga pulis upang masigurado ang kaligtasan nila hanggang pag-uwi. Malapit lang ang probinsiyang iyon sa Maynila kaya naman mabilis lang din ang kanilang biyahe.

"Get to the nearest hospital!" nababahala na ring utos ni Sebastian sa driver.

"Whoever did this, I swear, I'll never stop until I find them..." mababakas ang galit sa mukha ni Sigmund habang nakatingin kay Seven.

Napabuntonghininga naman si Sebastian. Tumingin ito sa labas mula sa bintana na tila ba may pinagdududahan ito sa nangyari sa kaniyang anak...

MAINGAT na bumaba sa van si Seven habang inaalalayan siya ng inang si Ellie. Tatlong araw din siyang naglagi sa ospital mula nang makabalik silang Maynila.

"Nanay, kaya ko na po," nakangiting inalis ni Seven ang kamay ni Ellie sa kaniyang palad.

"Seven naman. Hayaan mo na ako," pagnguso naman ni Ellie.

Pinasadahan naman ng tingin ni Seven ang ina. Napakunot noo siya.

"Why are you overdressed?"

Naglikot naman ang mata ni Ellie sa tanong ng anak.

Tumikhim naman si Sigmund na pababa pa lang din sa van.

"Let's go inside, first, apo. Huwag mo masyadong tanungin ang nanay mo at baka ma-heart attack 'yan," pagbibiro ni Sigmund.

Hindi na lang nga umimik si Seven at sabay-sabay na silang tatlong pumasok sa mansiyon.

"Where is Grace?" tanong ni Sigmund sa isa sa mga katulong na nandoon.

Ikinagulat naman ni Seven ang tanong ng lolo niya.

"Grace? Lola Grace?" paniniyak ni Seven.

Ngumiti sina Sigmund at Ellie kay Seven.

"But 'lo..." makikita ang pagkadismaya sa mukha ni Seven.

"Don't worry, Seven, she's only here for you. Kapag magaling ka na ay uuwi na rin si mama," si Ellie ang sumagot.

Napakunot-noo muli si Seven. Kailan pa natutong magsalita ng ingles ang nanay niya?

Alam ni Seven na may nangyayaring hindi niya alam at kinakabahan siya kung anuman iyon.

"What is really happening here, 'nay?" Seryosong tanong ni Seven.

"Apo, let me answer you, but let's ask your nanay to go first. May kailangan siyang puntahan at baka kanina pa naghihintay sa kaniya ang mga tao roon," mahinahong saad ni Sigmund.

Bumuntonghininga si Ellie at h******n nito sa noo ang anak.

"I have to go..." bulong ni Ellie sa tainga ng anak.

Hindi na nagawa pang tumutol ni Seven. Ayaw niya ng awrang nararamdaman niya ngayon sa mansiyon. Pakiramdam niya ay magdudulot ito ng panibagong gulo sa kanilang pamilya.

"Your nanay will replace me as chairman in ZC."

Parang bombang sumabog sa harapan ni Seven ang sinabi ng kaniyang lolo.

NAKATAYO sa pintuan si Seven habang hinhintay ang sasakyang maghahatid sa kaniya sa puntod ni Alberto. Naipalibing din kaagad si Alberto at hindi nga siya nakapunta dahil sa kalagayan niya. Ngayong araw niya bibisitahin ang driver na halos naging kaibigan na rin niya.

Huminto sa harapan niya ang itim na kotse at bumaba ang driver niyon upang pagbuksan siya.

Pagkarating niya sa sementeryo kung saan inilibing si Alberto ay ibinaba na niya ang pumpon ng bulaklak na dala.

"I'm sorry, Alberto..." nahihirapan niyang sabi sa puntod ng lalaki.

Mayamaya ay tumunog ang cellphone ni Seven at nang makita niya kung sino iyon ay kaagad niya itong sinagot.

"So, it's a girl. What's her status? Is she doing fine? What can we do for her? Can we send her to school?" Sunod-sunod na tanong ni Seven sa kausap.

Nag-utos kasi si Seven ng tao upang puntahan ang kabundukan o lugar ng mag-asawang tumulong sa kaniya na namatay din. Pinasubaybayan niya ang anak ng mag-asawa at ngayon nga ay nalaman niyang babae ito.

"What?!" Halos dumagundong ang boses ni Seven nang marinig ang mga sumunod na sinabi ng taong inutusan niya.

Tahimik at nanatili namang nakatayo lang sa gilid ang bagong driver ni Seven.

"Where is she now?" tanong ni Seven.

Matamang pinakikinggan ni Seven ang sinasabi ng kausap nang bigla na lamang may humintong malaking van sa labas ng sementeryo kung saan kita sila. Bumaba ang mga armadong lalaki roon at pinaulanan sila ng bala.

Kaagad na nagtago sa likod ng isa sa mga puno si Seven at napatulala siya nang lingunin niya ang kaniyang driver. Mukhang patay na ito.

Ipinikit ni Seven ang mga mata at tinanggap na sa sariling nakatakda na siguro talaga siyang mamatay noong unang pagkakataon pa lang na may bumaril sa kaniya.

Subalit napamulat siyang muli ng mga mata nang makarinig ng putukan ngunit hindi sa kaniyang direksiyon. Dahan-dahan siyang sumilip at may nakita niyang may kabarilan na ang mga lalaking nagpaulan ng bala sa kanila.

Sunod niyang nakita ang pag-alis na ng van sakay ang mga lalaking may takip ang mga mukha. Pagkatapos ay tumakbo papunta sa kaniya ang mga lalaking hula niyang nagligtas sa kaniya.

"Sir Seven?" Untag ng isang lalaki.

"Y-yes... I-It's me..." habol ang hiningang sagot ni Seven.

Napag-alaman ni Seven na tauhan iyon ng kaniyang lolo. Nag-hire na pala ang kaniyang lolo ng mga taong magbabantay umano sa kaniya. Sa madaling sabi, magkakaroon siya ng mga bodyguard.

Nandoon pa rin sila sa sementeryo nang tumawag sa kaniya ang kaniyang lolo.

"Okay, 'lo... I understand," mahinang sambit ni Seven bago niya patayin ang tawag.

Sinabi ni Sigmund kay Seven na hindi na muna ito papasok sa ZC. Pansamantala umano munang hindi magagampanan ni Seven ang posisyon nito bilang bagong CEO ng ZC. Iyon ay hanggang sa malaman daw kung sino ang nais magpapatay sa kaniya. Sinabi rin ni Sigmund kay Seven na hindi muna ito puwedeng basta-basta lumabas ng mansiyon para sa kaligtasan nito.

"Tayo na, sir," yakag ng isa sa mga magsisilbing bantay o bodyguard ni Seven.

Tumango si Seven at nang makasakay na siya sa sasakyan ay saka niya naalala ang kausap kanina. Dali-dali niya itong tinawagan.

"Where is she?" unang tanong ni Seven.

"Okay... This is what you're going to do..." ani Seven at hinimay niya ngang mabuti sa kausap kung ano ang gagawin.

Ayon sa inutusan ni Seven, mayroon umanong nagtangkang pumatay sa anak ng mag-asawa. Nailigtas lamang ito ng lalaki. Nang mga sandaling iyon nga ay kasama ng lalaki ang anak ng mag-asawa. Sinabi ni Seven sa lalaki na huwag babanggitin ang tungkol sa kaniya o ang tungkol sa pagkakaligtas sa kaniya ng mga magulang. Binilinan niya ang lalaki na alukin na lamang ang anak ng mag-asawa na umalis doon at dadalhin nga ito sa kaniya. Kunwari ay kaibigan ng mag-asawa ang lalaki at tutulungan nito ang anak ng mag-asawa. Dadalhin nga ang anak ng mag-asawa kay Seven upang ipasok bilang katulong na makakapaglayo sa kapahamakan dito...

PALINGA-LINGA sa loob ng mansiyon ang babaeng walang kaalam-alam sa kung ano ba ang nangyayari sa buhay nito.

Eksakto namang pababa si Seven sa hagdanan at namataan niya kaagad ang babaeng ipinahanap niya. Ang anak ng mag-asawang nagligtas sa kaniya.

Tumikhim si Seven dahil kanina pa siya nakatayo sa harapan ng babae pero tila hindi siya nito napapansin. Patuloy sa pag-ikot ang ulo ng babae. Tila ba inaaral ng babae ang bawat kasulok-sulokan ng bahay.

Napatingin na nga ang babae kay Seven at napasinghap naman ang huli.

Mayroong malaking bukol sa mukha ang babae at hindi naman sinasadya ni Seven na bahagyang magulat sa pagharap ng babae.

"W-what's your name?" Awkward na tanong ni Seven.

"N-neym?" Maang ng babae.

Biglang naalala ni Seven na baka katulad ng mag-asawang tumulong sa kaniya ay baka hindi rin nakakaintindi ng english ang anak ng mga ito.

"Ang ibig—"

"Neym? Pangalan ko po?" Putol ng babae.

Napatango na lamang si Seven habang sinisipat ang mukha ng babae. Masyado lang malaki ang bukol sa mukha ng babae na tumabon na sa isang mata nito. Pero kung titingnan ang isang mata ng babae ay mayroon itong makapal at mahahabang pilikmata. Maamo rin ang mata ng babae at makikita ang kainosentehan dito. May kakapalan ang kilay ng babae at ang ilong nito ay kalahati lang din ang nakikita dahil sa bukol. Ang tanging malinaw sa detalye ng mukha ng babae ay ang mapula at may kanipisan nitong mga labi. Sunod na bumaba ang tingin niya sa katawan ng babae. Balingkinitan naman ang katawan nito at kahit maitim ito ay makikitang makinis ang balat nito. Napalunok pa siya at nag-iwas ng tingin ng hindi sinasadyang dumako ang mga mata niya sa dibdib ng babae.

"Puwede niyo pong hawakan kung gusto ninyo."

Literal na napaubo si Seven sa sinabing iyon ng babae!

"Huwag po kayong mag-alala, jerm-pri po ito," nakangiting dagdag pa ng babae.

Tila nagsikip ang paghinga ni Seven kaya naman napahawak siya sa kaniyang kuwelyo at sinubukan iyong luwagan.

"W-what a-are y-you t-talking a-about?" Namumula ang mukhang sambit ni Seven.

"Nakatingin po kasi kayo sa bukol ko kaya naisip ko pong pahawakan sa inyo para hindi po kayo matakot," nahihiyang saad ng babae.

"B-bukol?" tila lalong nataranta si Seven sa isinagot ng babae.

Ilang sandali pa ang lumipas na nakatitig si Seven sa babae saka nito na-realize kung ano ang bukol na binabanggit sa kaniya.

"Ahh... B-buko—" kusang hindi itinuloy ni Seven ang sasabihin at napailing na lang ito sa sarili.

"Filippa. Filippa po ang pangalan ko," pagpapakilala na ng babae.

"Okay... Filippa..." napabuga ng hangin si Seven. Hindi ito makapaniwalang napaisip siya ng iba ng babae.

"Anong apelyido mo?" wala sa sariling tanong ni Seven upang mabago lang ang tensiyon na nararamdaman niya.

"Pipit po."

Muling napaubo si Seven at tila nanghihinang napaupo sa sofa malapit sa kinatatayuan nila.

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Ugly Maid   Chapter 1 - Board of Directors

    Namuo ang tensiyon sa loob ng conference room nang sabihin na ni Chairman Sigmund Ziff kung sino ang magiging CEO ng ZC o Ziff Corporation."You really don't trust my son, chairman?" gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ni Helena Ziff, ang isa sa mga board of directors ng ZC."I'm not your chairman anymore, Helena. Isa pa, akala ko ba ay hindi na natin kukuwestyunin kung ano ang kalalabasan ng meeting na ito, Helena? Why are you smirking now?" kampante at kalmado namang sagot ni Sigmund.Kasabay kasi ng paghirang ng magiging CEO ay ang pag-alis naman ni Sigmund bilang chairman dahil na rin sa edad nito."You are really—" natigil sa sasabihin dapat si Helena nang maramdaman niya ang kamay na pumigil sa kaniya."I guess this meeting is adjourned then. Forgive my mother for her very unprofessional action, chairman," maluwang ang pagkakangiting sambit ng lalaking katabi ni Helena sa pahabang lamesa roon."Samuel—""No need for sweet comforting words, Mr. Vice-chairman," putol naman ng lala

    Huling Na-update : 2022-12-21
  • The Billionaire's Ugly Maid   Chapter 2 - Ambush

    Napabuntonghininga si Seven matapos ang pakikipag-usap sa kaniyang Lolo Sigmund. Binati lang naman siya nito sa pagkakahirang sa kaniya bilang bagong CEO ng ZC. Wala siya sa ZC kanina dahil nga sa lakad na iniutos ng Lolo Sigmund niya. Binabaybay nila ngayon ang may kahabaang daan papunta sa isang sikat na isla kung saan naghihintay ang investors na ayon sa kaniyang lolo ay mga special investors na ayaw umano ipakita ang mukha nang basta-basta."Congratulations, sir!"Napangiti si Seven nang magsalita ang driver niyang si Alberto. Close naman siya rito dahil hindi naman siya iyong klase ng amo na hindi nakikipag-interact sa mga empleyado."You did hear what lolo said?" kunwari ay iniarko ni Seven ang kaniyang kilay na nakikita naman ni Alberto sa rear-view mirror nito. Sa backseat kasi siya nakaupo at bakante lang palagi ang passenger seat."Sa lakas po ng boses ni Don Sigmund, sir, eh!" natatawang sagot ni Alberto.Napatawa na lang din naman si Seven bago muling sumeryeso ang mukha n

    Huling Na-update : 2022-12-21

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Ugly Maid   Chapter 3 - Danger and Danger

    Hirap na pinilit ni Seven makaalis sa kinahihigaan upang maikubli ang sarili sa mga balang pumapasok sa loob ng kubo."Iho, dumapa ka lang muna!" ang utos ni Philip kay Seven.Natatarantang sumunod si Seven pero hindi rin nito inialis ang tingin sa mag-asawang nagkukubli rin sa gilid.Patuloy ang putok ng baril sa paligid. Walang tigil na tila ba nais siguraduhing walang mabubuhay sa kanila sa loob.Mayamaya ay patakbong lumapit si Philip kay Seven."A-anong pong ginagawa ninyo? Baka tamaan kayo ng bala!" nag-aalalang sambit ni Seven.Hindi umimik si Philip sa halip ay ubod lakas nitong itinumba ang kamang kinahihigaan ni Seven kanina. Iyon ay upang magsilbing harang ang kama."Imelda, halika rito!" tawag ni Philip sa asawa nito.Ang kamang itinumba ni Philip ay upang magsilbing harang o shield nila sa mga balang pumapasok."Konting tiis na lamang po, parating na rin sina lolo..." pagpapalakas loob ni Seven sa mag-asawa at sa sarili na rin niya.Mabilis namang tumayo si Imelda at tuma

  • The Billionaire's Ugly Maid   Chapter 2 - Ambush

    Napabuntonghininga si Seven matapos ang pakikipag-usap sa kaniyang Lolo Sigmund. Binati lang naman siya nito sa pagkakahirang sa kaniya bilang bagong CEO ng ZC. Wala siya sa ZC kanina dahil nga sa lakad na iniutos ng Lolo Sigmund niya. Binabaybay nila ngayon ang may kahabaang daan papunta sa isang sikat na isla kung saan naghihintay ang investors na ayon sa kaniyang lolo ay mga special investors na ayaw umano ipakita ang mukha nang basta-basta."Congratulations, sir!"Napangiti si Seven nang magsalita ang driver niyang si Alberto. Close naman siya rito dahil hindi naman siya iyong klase ng amo na hindi nakikipag-interact sa mga empleyado."You did hear what lolo said?" kunwari ay iniarko ni Seven ang kaniyang kilay na nakikita naman ni Alberto sa rear-view mirror nito. Sa backseat kasi siya nakaupo at bakante lang palagi ang passenger seat."Sa lakas po ng boses ni Don Sigmund, sir, eh!" natatawang sagot ni Alberto.Napatawa na lang din naman si Seven bago muling sumeryeso ang mukha n

  • The Billionaire's Ugly Maid   Chapter 1 - Board of Directors

    Namuo ang tensiyon sa loob ng conference room nang sabihin na ni Chairman Sigmund Ziff kung sino ang magiging CEO ng ZC o Ziff Corporation."You really don't trust my son, chairman?" gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ni Helena Ziff, ang isa sa mga board of directors ng ZC."I'm not your chairman anymore, Helena. Isa pa, akala ko ba ay hindi na natin kukuwestyunin kung ano ang kalalabasan ng meeting na ito, Helena? Why are you smirking now?" kampante at kalmado namang sagot ni Sigmund.Kasabay kasi ng paghirang ng magiging CEO ay ang pag-alis naman ni Sigmund bilang chairman dahil na rin sa edad nito."You are really—" natigil sa sasabihin dapat si Helena nang maramdaman niya ang kamay na pumigil sa kaniya."I guess this meeting is adjourned then. Forgive my mother for her very unprofessional action, chairman," maluwang ang pagkakangiting sambit ng lalaking katabi ni Helena sa pahabang lamesa roon."Samuel—""No need for sweet comforting words, Mr. Vice-chairman," putol naman ng lala

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status