Home / Romance / The Billionaire's Ugly Maid / Chapter 1 - Board of Directors

Share

The Billionaire's Ugly Maid
The Billionaire's Ugly Maid
Author: Maejin

Chapter 1 - Board of Directors

Author: Maejin
last update Huling Na-update: 2022-12-21 16:15:07

Namuo ang tensiyon sa loob ng conference room nang sabihin na ni Chairman Sigmund Ziff kung sino ang magiging CEO ng ZC o Ziff Corporation.

"You really don't trust my son, chairman?" gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ni Helena Ziff, ang isa sa mga board of directors ng ZC.

"I'm not your chairman anymore, Helena. Isa pa, akala ko ba ay hindi na natin kukuwestyunin kung ano ang kalalabasan ng meeting na ito, Helena? Why are you smirking now?" kampante at kalmado namang sagot ni Sigmund.

Kasabay kasi ng paghirang ng magiging CEO ay ang pag-alis naman ni Sigmund bilang chairman dahil na rin sa edad nito.

"You are really—" natigil sa sasabihin dapat si Helena nang maramdaman niya ang kamay na pumigil sa kaniya.

"I guess this meeting is adjourned then. Forgive my mother for her very unprofessional action, chairman," maluwang ang pagkakangiting sambit ng lalaking katabi ni Helena sa pahabang lamesa roon.

"Samuel—"

"No need for sweet comforting words, Mr. Vice-chairman," putol naman ng lalaking tinawag na Samuel.

"You can all do sweet talks, Samuel. Pagkalabas ko rito ay puwede niyo namang gawin iyon," nakangiting saad ni Sigmund at tumayo na ito na kababakasan pa rin ng maayos na tindig at lakas. "May I remind all of you, too, that I am no longer your chairman. The new one will meet you all tomorrow."

Sunod na ring nagtayuan ang iba pang naroon maliban kina Helena, Samuel, at ang Vice-chairman na si Sebastian na siya ring ama ni Samuel.

Nang maiwan na silang tatlo roon ay nagpakawala ng mahabang buntonghininga si Sebastian.

"That old man really chose him over Samuel despite the fact that he's not even here!" hindi na nga napigilan ni Helena ang pagbugso ng damdamin.

Ngumiti lang naman si Samuel at saka binalingan ang amang si Sebastian, "So, where is his favorite grandson, really? Hindi niya ba alam na para pala sa kaniya ang meeting na ito?"

"Dad asked him to meet the new investors," mahina namang pagsagot ni Sebastian.

Bigla namang humalakhak at pumapalakpak nang ubod lakas si Samuel.

"Samuel?" nanlalaki naman ang mga matang suway ni Helena sa anak.

"Why? We should celebrate, mom!" palatak lang ni Samuel.

"We should go before you lose it," nagmamadali ng tumayo si Helena at hinatak sa braso si Samuel.

"Iparating mo ang pagbati ko sa iyong bastardo, dad," humahalkhak pa ring saad ni Samuel habang pilit siyang hinihila palabas ni Helena.

Nang maiwan ng mag-isa si Sebastian sa conference room ay nanlulumo na lamang nitong naihilamos ang mga palad sa sariling mukha.

Siya si Sebastian Ziff, 55 years old at mayroong dalawang anak. Si Samuel ang kaniyang panganay na 35 years old at anak niya ito kay Helena. Ang pangalawa ay si Seven, ang kaniyang bastardo ngunit mas higit na kinagigiliwan ng kaniyang amang si Sigmund. Hindi niya rin naman masisisi ang ama dahil mas naging malapit ito kay Seven.

Labing walong taong gulang lamang si Sebastian nang maging anak niya si Samuel. Iyon ay dahil sa kapusukan nila ni Helena sa murang edad. Tinanggap pa rin naman sila ng ama at ikinasal pa nga sila dahil pinanindigan niya si Helena. Subalit hindi naging madali ang buhay may-asawa nila ni Helena dahil nga pareho silang bata na naging magulang. Nagkaroon sila ng mga maliliit na problema noon na nauwi sa matinding awayan. Pinaniniwalaan niyang nagkaroon ng post-partum si Helena at hindi niya iyon naikonsidera bilang asawa. Habang ganoon ang sitwasyon nila, nakilala niya naman si Ellie. Anak ito ng katulong nila at nagkaroon nga sila ng lihim na relasyon at ang naging bunga ay si Seven.

Nalaman ang kataksilang ginawa nila kay Helena at nais ng asawa na kasuhan silang dalawa ngunit hinarang iyon ng kaniyang ama upang hindi malagay ang kanilang pangalan sa kahihiyan. Si Ellie ay ipinadala ng ama sa ibang bansa at doon isinilang si Seven habang si Helena naman ay iniwan siya. Dahil doon ay nailayo si Samuel sa kaniyang ama na ikinalungkot ng huli. Dahil sa pagkasabik ng ama sa apong si Samuel na ipinagkait ni Helena dala ng galit, pinauwi ng kaniyang ama si Ellie kasama si Seven. Magmula noon ay naging masigla na muli ang kaniyang ama nang dahil sa batang Seven.

Nang malaman iyon ni Helena, sumugod ito sa kanilang mansiyon at nagbanta na gagawa ng gulo at ipahihiya ang kanilang pamilya sa media. Kilala kasi ang kanilang pamilya dahil sa Ziff Corporation noon pa man, matagumpay itong kompanya. Kinausap ng kaniyang ama si Helena at pinangakuan ng posisyon sa ZC pati na si Samuel pagdating umano nito sa tamang edad. Sinubukan ngang ayusin ang gusot na iyon ngunit hanggang ngayon ay hindi nga naging maayos ang relasyon ng bawat isa.

Katulad na lamang ngayon na si Seven nga ang napiling maging bagong CEO ng ZC at iyon ang ipinagngingitngit ng kalooban ni Helena. Katwiran kasi ng kaniyang ama, lahat na ng pabor ay naibigay naman na kina Helena at Samuel noon pa man na totoo naman. Hindi talaga nakaranas ng masarap na buhay sina Ellie at anak na si Seven dahil nga sa mga kundisyon ni Helena noon. Nag-aral lamang si Seven sa isang public school kahit na kaya naman sana itong pag-aralin sa isang private school. Ngunit mukhang minana ni Seven ang talino ng lolo nito. Naging valedictorian ito noong elementary na naging susi upang makapasok ito sa isang napakaganda at sikat na eskwelahan ng libre. Dito na nga nagtagpo ang landas ng magkapatid na Samuel at Seven. Naging matinding katunggali ni Samuel si Seven at sa huli, si Seven ang nangibabaw hanggang kolehiyo.

Nang makarating na nga sa ZC sina Samuel at Seven bilang mga ordinaryong empleyado, mas lalong nangibabaw ang galing at talino ni Seven. Naging matindi ang kumpetisyon sa pagitan ng dalawa ngunit matindi ang galit ni Helena dahil nakikita niyang mas magiliw si Sigmund kay Seven. Maging si Samuel ay naimpluwensiyahan ni Helena na magkaroon ng galit sa lolo nito.

Ngayon nga na oras na para bumitiw sa pagiging chairman si Sigmund, isinabay nito ang pagkuha ng bagong CEO ng kompanya at si Seven nga ang napili nito at maging ang mga miyembro ng board of directors maliban kay Helena na si Samuel ang ibinoto.

Alam ni Sebastian na nagsisimula pa lamang talaga ang sigalot sa kanilang pamilya ngunit umaasa siyang maaayos niya ito bago pa mahuli ang lahat...

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Ugly Maid   Chapter 2 - Ambush

    Napabuntonghininga si Seven matapos ang pakikipag-usap sa kaniyang Lolo Sigmund. Binati lang naman siya nito sa pagkakahirang sa kaniya bilang bagong CEO ng ZC. Wala siya sa ZC kanina dahil nga sa lakad na iniutos ng Lolo Sigmund niya. Binabaybay nila ngayon ang may kahabaang daan papunta sa isang sikat na isla kung saan naghihintay ang investors na ayon sa kaniyang lolo ay mga special investors na ayaw umano ipakita ang mukha nang basta-basta."Congratulations, sir!"Napangiti si Seven nang magsalita ang driver niyang si Alberto. Close naman siya rito dahil hindi naman siya iyong klase ng amo na hindi nakikipag-interact sa mga empleyado."You did hear what lolo said?" kunwari ay iniarko ni Seven ang kaniyang kilay na nakikita naman ni Alberto sa rear-view mirror nito. Sa backseat kasi siya nakaupo at bakante lang palagi ang passenger seat."Sa lakas po ng boses ni Don Sigmund, sir, eh!" natatawang sagot ni Alberto.Napatawa na lang din naman si Seven bago muling sumeryeso ang mukha n

    Huling Na-update : 2022-12-21
  • The Billionaire's Ugly Maid   Chapter 3 - Danger and Danger

    Hirap na pinilit ni Seven makaalis sa kinahihigaan upang maikubli ang sarili sa mga balang pumapasok sa loob ng kubo."Iho, dumapa ka lang muna!" ang utos ni Philip kay Seven.Natatarantang sumunod si Seven pero hindi rin nito inialis ang tingin sa mag-asawang nagkukubli rin sa gilid.Patuloy ang putok ng baril sa paligid. Walang tigil na tila ba nais siguraduhing walang mabubuhay sa kanila sa loob.Mayamaya ay patakbong lumapit si Philip kay Seven."A-anong pong ginagawa ninyo? Baka tamaan kayo ng bala!" nag-aalalang sambit ni Seven.Hindi umimik si Philip sa halip ay ubod lakas nitong itinumba ang kamang kinahihigaan ni Seven kanina. Iyon ay upang magsilbing harang ang kama."Imelda, halika rito!" tawag ni Philip sa asawa nito.Ang kamang itinumba ni Philip ay upang magsilbing harang o shield nila sa mga balang pumapasok."Konting tiis na lamang po, parating na rin sina lolo..." pagpapalakas loob ni Seven sa mag-asawa at sa sarili na rin niya.Mabilis namang tumayo si Imelda at tuma

    Huling Na-update : 2022-12-21

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Ugly Maid   Chapter 1 - Board of Directors

    Namuo ang tensiyon sa loob ng conference room nang sabihin na ni Chairman Sigmund Ziff kung sino ang magiging CEO ng ZC o Ziff Corporation."You really don't trust my son, chairman?" gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ni Helena Ziff, ang isa sa mga board of directors ng ZC."I'm not your chairman anymore, Helena. Isa pa, akala ko ba ay hindi na natin kukuwestyunin kung ano ang kalalabasan ng meeting na ito, Helena? Why are you smirking now?" kampante at kalmado namang sagot ni Sigmund.Kasabay kasi ng paghirang ng magiging CEO ay ang pag-alis naman ni Sigmund bilang chairman dahil na rin sa edad nito."You are really—" natigil sa sasabihin dapat si Helena nang maramdaman niya ang kamay na pumigil sa kaniya."I guess this meeting is adjourned then. Forgive my mother for her very unprofessional action, chairman," maluwang ang pagkakangiting sambit ng lalaking katabi ni Helena sa pahabang lamesa roon."Samuel—""No need for sweet comforting words, Mr. Vice-chairman," putol naman ng lala

DMCA.com Protection Status