Share

Chapter 2 - Ambush

Author: Maejin
last update Huling Na-update: 2022-12-21 16:16:02

Napabuntonghininga si Seven matapos ang pakikipag-usap sa kaniyang Lolo Sigmund. Binati lang naman siya nito sa pagkakahirang sa kaniya bilang bagong CEO ng ZC. Wala siya sa ZC kanina dahil nga sa lakad na iniutos ng Lolo Sigmund niya. Binabaybay nila ngayon ang may kahabaang daan papunta sa isang sikat na isla kung saan naghihintay ang investors na ayon sa kaniyang lolo ay mga special investors na ayaw umano ipakita ang mukha nang basta-basta.

"Congratulations, sir!"

Napangiti si Seven nang magsalita ang driver niyang si Alberto. Close naman siya rito dahil hindi naman siya iyong klase ng amo na hindi nakikipag-interact sa mga empleyado.

"You did hear what lolo said?" kunwari ay iniarko ni Seven ang kaniyang kilay na nakikita naman ni Alberto sa rear-view mirror nito. Sa backseat kasi siya nakaupo at bakante lang palagi ang passenger seat.

"Sa lakas po ng boses ni Don Sigmund, sir, eh!" natatawang sagot ni Alberto.

Napatawa na lang din naman si Seven bago muling sumeryeso ang mukha nito.

He's Seven Ziff, the illegitimate child of Sebastian Ziff. Pero luckily, he's part of the family. Part of the family means, hindi siya nagtatago o nanlilimos. Katulad na lamang nga ang balitang sinabi ng lolo niya, siya na ang bagong CEO ng Ziff Corporation o ZC. It is a family-owned corporation because Ziff family owns the majority of the company.

Pero kung sa ibang tao, masaya ang balitang isa ka ng CEO, sa kaniya hindi ganoon kapurong saya ang nararamdaman niya. Dahil iyon sa kaniyang Kuya Samuel.

Over the years, matindi na ang kumpetisyon sa pagitan nila ng kuya niya. Hindi niya gustong makipagkumpetisyon dito pero kailangan. Kailangan niyang patunayan na hindi lang siya basta bastardong anak. Na matino rin ang mga bastardong kagaya niya. Na maaaring biktima lang sila ng mga pagmamahalang hindi pinagbigyan sa lipunan. Iyon ang kailangan niyang ilaban at patunayan lalo na at pinaghirapan niya rin naman iyon mula pagkabata niya. Mas close rin siya sa kaniyang Lolo Sigmund kaysa sa kaniyang Kuya Samuel dahil lumaki siya sa poder ng matanda. Alam niya kasing inilayo si Samuel ng ina nito sa mga Ziff noon dahil sa galit. Kaya naman naniniwala siyang wala siyang kasalanan sa nangyaring iyon dahil desisyon iyon ng ina ni Samuel.

Nasa ganoon siyang pagmumuni-muni nang bigla siyang may marinig na putok at kasunod niyon ay ang paggewang ng kotseng kinalululanan niya.

"Alberto! Anong nangyayari!" gulat na tanong ni Seven kay Alberto habang nakakapit siya nang mahigpit sa kaniyang upuan.

"P-parang may putok ng baril na tumama sa gulong natin, sir!" mabilis namang sagot ni Alberto.

'Putok ng baril?' naguguluhan si Seven sa sinabi ng driver. Bakit may babaril sa kanila?

"Tatawagan ko si lolo," sabi ni Seven kay Alberto at inilabas na niya ang kaniyang cellphone.

Ngunit hindi pa man napipindot ni Seven ang cellphone niya ay isa na namang putok ng baril ang narinig nila. Ang isa ay naging madami. Ang mga balang iyon ay deretsong tumatama sa kanilang sasakyan.

"Alberto!" pagtawag ni Seven sa driver ngunit wala siyang sagot na narinig.

Kinabahan siya lalo na nang may makita siyang talsik ng dugo sa passenger seat.

Dahil hindi naman siya sanay sa mga ganoong pangyayari o tanawin, nanginginig siyang napasiksik sa gilid. Ang hawak niyang cellphone kanina ay hindi na rin niya makita. Marahil ay nabitiwan niya iyon at tumilapon na lang din kung saan nang hindi niya namamalayan.

Mayamaya pa ay may nakita siyang mga taong lumapit sa kanila na nakasuot ng itim na bonet na tanging mga mata lang ang kita. May hawak ang mga ito na mahahabang baril at dahil hindi naman tinted ang kotse, alam niyang kita rin siya ng mga ito.

Napapikit na lamang siya nang makitang itutok ng isa sa mga taong iyon ang baril sa kaniya.

"May parating! Tapusin mo na 'yan!" dinig ni Seven na sigaw ng isa.

Muli niyang iminulat ang mga mata at ang pagliwanag ng duluhan ng baril na nakatutok sa kaniya ang namulatan niya mula sa bintana ng kotse. Ramdam niya ang pagtama ng baril sa kaniyang kaliwang dibdib at doon na rin siya napapikit nang tuluyan...

MAY mga naririnig na boses sa paligid si Seven. Unti-unti siyang nagdilat ng mga mata at hindi siya sigurado kung kisame ba ang nasisilayan niya. Kung hindi siya nagkakamali, gawa sa bamboo ang nakikita niya. Sinubukan niyang ilibot pa ang paningin sa paligid at nakaramdam siya ng pananakit ng katawan at hirap sa paghinga. Pero nakumpirma nga ang duda niya na nasa isang kubo o bahay-kubo siya.

"Philip, g-gising na ang binata..."

Nanlalabo pa ang mga mata ni Seven kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukhang nakatunghay sa kaniya. Babae ito pero sigurado siyang hindi ito ang kaniyang ina sa boses pa lamang.

"Huwag ka munang gumalaw masyado, iho. Baka duguin muli ang iyong sugat."

Sunod na nilingon ni Seven ang boses lalaking lumapit sa kinahihigaan niya at pumigil sa kaniyang gumalaw.

"S-sugat?" anas niya at saka siya napapikit.

Nagkatinginan naman ang mag-asawang nag-asikaso kay Seven.

"W-wala ka bang natatandaan sa nangyari, iho?" alanganing tanong ng babae kay Seven.

Bahagyang ngumiwi si Seven habang pilit na inaalala ang mga nangyari. Ilang sandali pa nga ay bigla siyang napadilat at napabangon ngunit maagap din siyang nahawakan ng lalaking si Philip nang mapaigik siya.

"Sabi ko naman sa 'yo, eh. Hindi ka muna puwedeng gumalaw," saad ni Philip.

"N-nasaan a-ako?" tanong ni Seven.

"Nandito ka sa aming tahanan. Nakita ka namin sa kalsada kaninang pauwi kami," sagot ni Philip.

Saka naalala ni Seven si Alberto. Inilibot niyang muli ang paningin sa pag-asang nandoon din si Alberto.

"Ikinalulungkot namin, iho, pero kung iyong kasama mo ang hinahanap mo..." malungkot na hindi naituloy ng babae ang sasabihin.

"Patay na ang kasama mo nang makita namin kayo kaya hindi na namin siya kinuha upang iligtas," si Philip na nga ang tuluyang nagsabi kay Seven.

Nanlumo naman si Seven sa narinig.

"Hindi namin kakayaning pagalingin ang sugat mo rito. Kailangan ka pa ring madala sa pagamutan," mayamaya ay sabi ni Philip.

"S-sino h-ho k-kayo? B-bakit ninyo ako tinulungan?" nagawang itanong ni Seven. Naisip niya lang kasi na kung sa iba, matatakot sila na tulungan siya lalo na at obvious naman pinagbabaril ang sasakyang kinalululanan nila ni Alberto.

Bahagya namang ngumiti ang babae kay Seven bago nagwika, "Ako si Imelda at siya ang aking asawang si Philip. Isa kami sa mga nanggagamot dito sa amin sa kabundukan, iho. Bilang mga manggagamot kahit hindi maituturing na tunay na mga doktor, hindi namin maaatim na hindi tulungan ang taong nangangailangan kahit pa mapanganib katulad ng iniisip mo."

Napamaang si Seven. "K-kabundukan?"

Muling nagkatinginan sina Philip at Imelda.

"Oo, iho. Dinala ka namin dito sa amin. Lulan kami ng aming tricycle kaninang madaanan ka namin at doon ka namin isinakay. Lamang, hanggang sa paanan ng bundok lang ang kaya talaga ng tricycle dahil hindi naman napapasemento ang aming daanan paakyat. Sa pasagad ka na namin isinakay paakyat dito sa amin at masuwerte ka lang talaga na nabuhay ka pa. Buong akala namin ay hindi ka na namin maililigtas dahil sa tagal na idinudugo ng sugat mo," paliwanag ni Philip.

"P-pasagad?" Nagawa pang itanong ni Seven ang kakaibang salita na narinig niya.

Napangiti si Imelda. "Pasagad ang tawag namin doon sa hinihila ng kalabaw, kung alam mo iyon."

Napatango na lamang si Seven.

"Sandali lamang pala at may ibibigay kami sa 'yo," mayamaya ay wika ni Philip.

Umalis nga sandali si Philip at pagbalik ay may hawak na itong cellphone. Iniabot niya ito kay Seven.

"Kinuha namin ang cellphone dahil alam naming kakailanganin mo iyan," saad ni Philip.

Nabuhayan bigla ng pag-asa si Seven.

"Gusto sana naming tawagan yung mga kanina pa rin tumatawag sa 'yo, pero natatakot naman kami. Kaya naisip naming hihintayin na lang namin na magising ka," ani Imelda.

"Tama lang po ang ginawa ninyo..." maluwang ang pagkakangiting sagot ni Seven.

"Tawagan mo na kung sino ang tatawagan mo, iho. Kailangan ka talagang madala sa pagamutan dahil baka anumang oras ay magdugo ulit ang sugat mo. Natanggal lang namin ang bala at nagamot nang kaunti ang sugat mo pero hindi iyon sapat. Baka mamaya lang ay magdeliryo ka kaya kailangan ay nasa pagamutan ka na," wika naman ni Philip.

"Sige po. Marami po palang salamat sa pagtulong ninyo sa akin. Napakabuti po ninyo," bukal sa loob na pahayag ni Seven.

"Walang anuman, iho," pagngiti naman ni Imelda.

Idinayal nga ni Seven ang numero ng kaniyang lolo na siya niyang nakitang pinakamaraming missed call sa kaniya. Kasama sa mga naroon ay ang kaniyang ama at ina na tiyak niyang sobra na talagang nag-aalala sa kaniya.

Ilang sandali pa ay narinig niya na ang boses ng Lolo Sigmund niya.

"Lolo!" pigil ni Seven ang emosyon ng mga sandaling iyon. "A-ayos lang po ako, 'lo... P-pero wala na po yata si Alberto..." hindi na rin niya napigilan ang pagpatak ng luha.

Nagtagal pa ang usapan nina Seven at Sigmund. Sinabi ni Seven kung nasaan siya at sinabi niya rin ang sinabi ng mag-asawang tumulong sa kaniya na kailangan nga siyang madala pa rin kaagad sa pagamutan.

"Maraming salamat po talaga sa tulong ninyo. Papunta na po ang pamilya ko rito para sunduin ako," ani Seven sa mag-asawa matapos ang pag-uusap nila ng kaniyang lolo.

"Tama na ang pasasalamat mo, iho. Kagaya nga ng sinabi namin kanina, ginawa lang namin kung ano ang tama," sagot ni Imelda.

"If so, please accept my reward for the both of you. Let me thank you wholeheartedly," nakangiting ani Seven.

Bigla namang naalarma si Seven nang makita ang emosyon sa mukha ng mag-asawa.

"D-did I say something wrong?" natatarantang tanong ni Seven.

"P-pasensiya ka na, iho, pero puwede bang huwag mo kaming inglesin? N-nakakahiya man pero, h-hindi kasi kami nakakaintindi kahit kaunti," napapakamot sa ulong sabi ni Philip.

Bigla namang nakaramdam ng hiya si Seven, "Naku, pasensiya na po!"

Tumawa na lamang ang mag-asawa kaya naman natawa na lang din si Seven.

"Ano ba kasi iyong sinasabi mo, iho?" pagkuway tanong ni Philip.

"Sir, ma'am, nais ko po sanang ibalik ang tulong na ibinigay ninyo sa akin," seryosong sabi na ni Seven.

"Hindi na kailangan, iho. Sinabi naman na namin na—"

"Hindi naman po ako makakapayag niyan. Utang ko po sa inyo ang buhay ko. Kaya hayaan po ninyong bigyan ko kayo ng malaking bahay at perang magagamit ninyo upang makapagpatayo po kayo ng kahit maliit na klinika sa Maynila. Mas magkakaroon po kayo ng maraming oportunidad doon," putol ni Seven.

Napanganga naman ang mag-asawa sa narinig.

"Huwag niyo po sana itong tanggihan..." ani Seven.

"Napakaganda ng iyong iniaalok, iho. Ngunit hindi namin kami nakapag-aral ng pagdodoktor kaya hindi rin yata kami maaaring magkaroon ng sariling pagamutan," saad ni Imelda na halos naluha sa alok na naghihintay sa kanila.

Saka naman napagtanto ni Seven ang bagay na iyon.

"Anak? Mayroon po ba kayong anak? Kung mayroon po, ako na po ang bahalang pag-aralin siya," dalangin ni Seven na sana ay mayroon ngang anak ang mag-asawa na maaaring mag-aral sa Maynila at mas mabigyan ng magandang oportunidad sa buhay.

Matagal bago nakasagot ang mag-asawa.

"B-bakit po? Wala po ba kayong anak?" nalungkot si Seven sa isiping wala siyang maialok na iba sa mag-asawa.

"Mayroon kaming anak," bigla ay sabi ni Philip.

Umaliwalas ang mukha ni Seven.

"Pero elementary lang ang natapos ng aming anak at twenty-eight years old na siya ngayon. M-mukhang hindi na rin okey sa kaniya na magpatuloy sa pag-aaral," ang may kalungkutang sambit ni Imelda.

"Isa pa ay baka hindi siya tanggapin ng mga tao sa siyudad. Baka katakutan at ipagtabuyan lamang siya," segunda naman ni Philip.

Magtatanong pa sana si Seven kung bakit nasabi iyon ni Philip tungkol sa anak ng mga ito nang bigla na lamang may sunod-sunod na putok silang marinig...

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Ugly Maid   Chapter 3 - Danger and Danger

    Hirap na pinilit ni Seven makaalis sa kinahihigaan upang maikubli ang sarili sa mga balang pumapasok sa loob ng kubo."Iho, dumapa ka lang muna!" ang utos ni Philip kay Seven.Natatarantang sumunod si Seven pero hindi rin nito inialis ang tingin sa mag-asawang nagkukubli rin sa gilid.Patuloy ang putok ng baril sa paligid. Walang tigil na tila ba nais siguraduhing walang mabubuhay sa kanila sa loob.Mayamaya ay patakbong lumapit si Philip kay Seven."A-anong pong ginagawa ninyo? Baka tamaan kayo ng bala!" nag-aalalang sambit ni Seven.Hindi umimik si Philip sa halip ay ubod lakas nitong itinumba ang kamang kinahihigaan ni Seven kanina. Iyon ay upang magsilbing harang ang kama."Imelda, halika rito!" tawag ni Philip sa asawa nito.Ang kamang itinumba ni Philip ay upang magsilbing harang o shield nila sa mga balang pumapasok."Konting tiis na lamang po, parating na rin sina lolo..." pagpapalakas loob ni Seven sa mag-asawa at sa sarili na rin niya.Mabilis namang tumayo si Imelda at tuma

    Huling Na-update : 2022-12-21
  • The Billionaire's Ugly Maid   Chapter 1 - Board of Directors

    Namuo ang tensiyon sa loob ng conference room nang sabihin na ni Chairman Sigmund Ziff kung sino ang magiging CEO ng ZC o Ziff Corporation."You really don't trust my son, chairman?" gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ni Helena Ziff, ang isa sa mga board of directors ng ZC."I'm not your chairman anymore, Helena. Isa pa, akala ko ba ay hindi na natin kukuwestyunin kung ano ang kalalabasan ng meeting na ito, Helena? Why are you smirking now?" kampante at kalmado namang sagot ni Sigmund.Kasabay kasi ng paghirang ng magiging CEO ay ang pag-alis naman ni Sigmund bilang chairman dahil na rin sa edad nito."You are really—" natigil sa sasabihin dapat si Helena nang maramdaman niya ang kamay na pumigil sa kaniya."I guess this meeting is adjourned then. Forgive my mother for her very unprofessional action, chairman," maluwang ang pagkakangiting sambit ng lalaking katabi ni Helena sa pahabang lamesa roon."Samuel—""No need for sweet comforting words, Mr. Vice-chairman," putol naman ng lala

    Huling Na-update : 2022-12-21

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Ugly Maid   Chapter 3 - Danger and Danger

    Hirap na pinilit ni Seven makaalis sa kinahihigaan upang maikubli ang sarili sa mga balang pumapasok sa loob ng kubo."Iho, dumapa ka lang muna!" ang utos ni Philip kay Seven.Natatarantang sumunod si Seven pero hindi rin nito inialis ang tingin sa mag-asawang nagkukubli rin sa gilid.Patuloy ang putok ng baril sa paligid. Walang tigil na tila ba nais siguraduhing walang mabubuhay sa kanila sa loob.Mayamaya ay patakbong lumapit si Philip kay Seven."A-anong pong ginagawa ninyo? Baka tamaan kayo ng bala!" nag-aalalang sambit ni Seven.Hindi umimik si Philip sa halip ay ubod lakas nitong itinumba ang kamang kinahihigaan ni Seven kanina. Iyon ay upang magsilbing harang ang kama."Imelda, halika rito!" tawag ni Philip sa asawa nito.Ang kamang itinumba ni Philip ay upang magsilbing harang o shield nila sa mga balang pumapasok."Konting tiis na lamang po, parating na rin sina lolo..." pagpapalakas loob ni Seven sa mag-asawa at sa sarili na rin niya.Mabilis namang tumayo si Imelda at tuma

  • The Billionaire's Ugly Maid   Chapter 2 - Ambush

    Napabuntonghininga si Seven matapos ang pakikipag-usap sa kaniyang Lolo Sigmund. Binati lang naman siya nito sa pagkakahirang sa kaniya bilang bagong CEO ng ZC. Wala siya sa ZC kanina dahil nga sa lakad na iniutos ng Lolo Sigmund niya. Binabaybay nila ngayon ang may kahabaang daan papunta sa isang sikat na isla kung saan naghihintay ang investors na ayon sa kaniyang lolo ay mga special investors na ayaw umano ipakita ang mukha nang basta-basta."Congratulations, sir!"Napangiti si Seven nang magsalita ang driver niyang si Alberto. Close naman siya rito dahil hindi naman siya iyong klase ng amo na hindi nakikipag-interact sa mga empleyado."You did hear what lolo said?" kunwari ay iniarko ni Seven ang kaniyang kilay na nakikita naman ni Alberto sa rear-view mirror nito. Sa backseat kasi siya nakaupo at bakante lang palagi ang passenger seat."Sa lakas po ng boses ni Don Sigmund, sir, eh!" natatawang sagot ni Alberto.Napatawa na lang din naman si Seven bago muling sumeryeso ang mukha n

  • The Billionaire's Ugly Maid   Chapter 1 - Board of Directors

    Namuo ang tensiyon sa loob ng conference room nang sabihin na ni Chairman Sigmund Ziff kung sino ang magiging CEO ng ZC o Ziff Corporation."You really don't trust my son, chairman?" gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ni Helena Ziff, ang isa sa mga board of directors ng ZC."I'm not your chairman anymore, Helena. Isa pa, akala ko ba ay hindi na natin kukuwestyunin kung ano ang kalalabasan ng meeting na ito, Helena? Why are you smirking now?" kampante at kalmado namang sagot ni Sigmund.Kasabay kasi ng paghirang ng magiging CEO ay ang pag-alis naman ni Sigmund bilang chairman dahil na rin sa edad nito."You are really—" natigil sa sasabihin dapat si Helena nang maramdaman niya ang kamay na pumigil sa kaniya."I guess this meeting is adjourned then. Forgive my mother for her very unprofessional action, chairman," maluwang ang pagkakangiting sambit ng lalaking katabi ni Helena sa pahabang lamesa roon."Samuel—""No need for sweet comforting words, Mr. Vice-chairman," putol naman ng lala

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status