Share

Chapter Thirty-two

MATAPOS ilapag ng waitress ang isang tasa ng kape, dalawang juice at tatlong sliced ng cakes sa ibabaw ng table nila, nagpasalamat siya sa babae na sinuklian naman nito ng isang ngiti.

Nang makaalis ang waitress, saka niya binalingan sina Becka at ang asawa nitong private investigator. "Salamat talaga sa pagpunta."

"Naku, wala iyon! Napakabait mo sa akin noong highschool pa tayo. Oras na rin para makabawi ako sa iyo." Malapad na ngumiti ang babaeng si Becka.

Hindi pa niya nasasabi sa dalawa ang sadya niya. Iniisip niya pa rin kasi kung sakaling tanungin siya ng mga ito sa posibleng dahilan ng pagmamanman sa kaniya ng lalaki, ano ang sasabihin niya?

Nakita niya ang pag-inom ng kape ng asawa ng kaibigan niya. Matangkad ito, medyo malaki ang pangangatawan at namumutla sa kaputian ang kutis. Matapos nitong ilapag ang kape, binalingan naman siya nito ng tingin.

"Tungkol saan ang gusto mong imbistigahan ko?" Mahinahon ngunit malaki ang boses nito.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status