Share

Chapter Thirty-eight

ITINAAS niya ang isang kamay at sinenyasan ang waitress na dalhan uli siya ng order niyang mango juice. Nakadadalawang baso na siya subalit hindi pa rin dumarating ang imbistigador na asawa ng kaibigan niya.

Itinaas niya ang relong-pambisig saka sinipat ang orasan—alas-dose na ng tanghali. Mahigit kalahating oras na rin siyang naghihintay. Nang malaman mula sa babaeng nasa front desk ng hotel kung sino ang naghatid sa kaniya, ang pinakaunang tinawagan niya ay ang imbistigador.

Tumagal pa nang ilang minuto ang kaniyang paghihintay, napangiti siya nang makita ang pagbukas ng salaming pintuan ng restaurant at pumasok ang lalaking hinihintay niya.

"I'm sorry kung nakipagkita uli ako sa iyo. Urgent kasi ito."

Agad na umiling ang lalaki. "Huwag kang mag-alala. Trabaho ko ito."

Bago sila nag-umpisa sa pag-uusap, um-order na rin sila nito ng pagkain para sa tanghalian.

Mabilis niyang kinuha ang litrato ng lalaki sa loob ng sling bag niya saka

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status