"DAMN IT!"
Malakas na nagmura si Russel bago umalis sa ibabaw ng kama at pinulot ang mga damit na nasa sahig. Mabilis ang mga kilos na muli niyang isinuot ang mga hinubad na kasuotan bago muling binalingan si Narissa.
"What the fuck are you doing here, Narissa!"
Nanatiling nakaupo sa kama ang dalaga habang tila walang pakialam na pinagmasdan siya. Mabilis naman siyang tumukod sa ibabaw ng kama at sinubukan itong hilahin sa kamay, subalit mabilis nitong iniwas ang sarili sa kaniya.
"Ano ba, Russel? Kagigising ko lang!"
"Shut it! Baka maabutan ka pa ni Megara! Umalis ka na rito!"
Lalo nitong pinalis ang kamay niyan at galitin na humawak sa magkabilang baywang. "Puwede ba? Matapos mo akong tawagan kagabi? Ikaw ang nagpapunta sa akin dito, Russel!"
Agad naman natigilan si Russel nang marinig ang sinabi nito. Nakatukod pa rin ang mga tuhod niya sa ibabaw ng kama habang pinagmamasdan ang dalaga.
"What are you saying?" Puno ng kalituh
MARAHAS na ibinato ni Russel ang hawak nitong kopita nang marinig ang sinabi ng lalaki sa harap niya. Naglikha nang malakas na ingay ang pagkabasag ng baso sa sahig.Halos manginig naman sa takot ang lalaking inupahan niya sa paghahanap kay Megara. Inayos nito ang malaking reading glass sa mukha at napapalunok na tumango."Give me one more chance, sir. I-I'll definitely find your wife—""Dapat lang na hanapin mo ang asawa ko!" bulyaw niya na muling ikinatigil nito. Nag-aapoy ang mga mata niya sa galit. "I'm paying you double to find Megara! It's been almost a month and you still can't find her!"May ilang sandaling napapikit ang lalaki dahil sa kabang nararamdaman nito. "Sir, natunton ko ang hotel na huli niyang tinuluyan. Pero halos tatlong linggo na iyong nakakalipas—""Bullshit!" Dinampot ni Russel ang isang folder sa ibabaw ng mesa at ibinato iyon sa lalaki. Sapul ito sa mukha. "Bigyan mo ako ng ibang update! Hindi iyong ilang lingg
ILANG ulit na umiling ang dalagang si Narissa matapos nitong marinig ang mga sinabi niya. Tila hindi makapaniwalang ngumiti pa ito."Ano'ng drama ba ito, Russel?"Tuluyan niyang hinarap ang babae at seryoso itong tinitigan sa mga mata. "Hindi ito drama, Narissa. Ayoko na. Let's end this.""No!" matigas na sabi ng babae. "Ano ito? Matatapos nang ganoon-ganoon lang dahil sinabi mo? Ngayon pa? We've come along way, Russel! Hindi tayo puwedeng matapos nang ganoon na lang!"Huminga nang malalim si Russel bago itinuon muli ang atensiyon sa pag-iimpake. Kung pakikinggan niya si Narissa, hahaba lang ang usapan nila. Alam niyang wala itong pinapakinggan iba maliban sa sarili, kaya walang silbi ang kausapin ito."You're not leaving, Russel. You can't do this to me!"Tinapunan niya ng tingin ang babae nang mahimigan ng pagbabanta ang tinig nito."Ano pa bang gusto mo? Narissa, we've been fucking each other for two months now! Hindi ka pa ba napa
MULA sa bahay, mabilis na nagtungo si Russel sa opisina upang hanapin ang ilang bagay na kailangan niya. Pagkalabas pa lamang ng elevator, bumungad na sa kaniya ang empty desk ni Aliyah.Wala sa mesa nito ang babae, pero nasisiguro niyang pumasok ito sa trabaho dahil naroon ang ilang gamit ng dalaga sa ibabaw ng mesa nito, kabilang na ang cell phone.Mabilis siyang pumasok sa loob ng opisina niya at binuksan isa-isa ang drawer ng kaniyang desk. Kung tama ang pagkakaalala niya, nailagay niya sa isa sa mga iyon ang calling card ng doctor na minsang tumingin sa asawa niya.May sarili silang family doctor kaya hindi niya masiyadong binigyan ng pansin ang babaeng doktora nang minsang mahimatay si Megara at ito ang tanging naroon sa pinangyarihan para tingnan ang babae. Pero sa nahanap niyang papel, mukhang ito ang doctor na kinuha ng asawa niya."Damn it!" Hindi niya napigilan ang sarili. Halos pagbali-baliktarin na niya ang mga gamit sa loob ng bawat drawer,
MATAGAL na nakatulala si Russel sa mukha ng lalaki matapos ng mga narinig mula rito. Nagbalik sa kaniya ang mga panahon kung kailan binasura ng korte ang kasong sinampa ng pamilyang Santos laban sa kaniya.Tandang-tanda niya ang mga hiyaw at pagtangis ng ina ni Jandra Santos nang tuluyan silang makasakay ng kotse. Ilang araw rin itong nanatili sa labas ng mansiyon nila at paulit-ulit na nagwawala at humihiyaw habang humihingi ng katarungan.Mariin siyang lumunok. "Imposibleng hindi mo alam na asawa ko si Megara. Bakit kailangan mo pang lapitan ang asawa ko? Hindi pa ba sapat ang sampung milyon para sa pagtahimik mo!""Kahit kailan, walang perang makatutumbas sa panaghoy ng konsensiya na gabi-gabing bumabagabag sa amin!"Galit niya itong kinuwelyuhan gamit ang isang kamay at malakas na hinila papalapit sa kaniya. "Puwes, ano pang kailangan mo! Bakit mo ba ito ginagawa!""Wala! Sinabi ko na, hindi ba? Kinailangan ni Megara ang serbisiyon ko! Hanggang
MATAGAL na nakatitig si Russel sa pinto ng apartment ni Megara habang iniisip ang mga dapat gawin at sabihin. Pagkatapos niyang marinig ang sinabi ng lalaking si Kane Agsunta, tila lumulutang na sa ere ang utak niya.Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Simula nang makita niyang lumabas si Meg mula sa isang hotel room kasama ang lalaking si Roy, isang bagay lang ang inisip niya, pinagtaksilan siya ng asawa. Pero ngayon, matapos malaman ang sitwasiyon nito, at pagkatapos ng mga bagay na narinig mula sa lalaking imbistigador, hindi na niya alam kung paano haharapin ang babae. Napakalaki ng kasalanan niya rito.Huminga siya nang malalim bago itinaas ang isang kamay at kumatok sa pinto. Malamlam ang mga mata niya habang hinihintay ang pagbukas ng pintuan. Lahat ng minimorya niyang salita at kung anu-ano pang mga bagay na binalak gawin, mabilis na naglaho ngayong segundo na lang ang hinihintay para sa muli nilang pagkikita.Nang tuluyang bumukas ang pintuan, bumunga
ILANG beses na lumunok si Megara matapos marinig ang sinabi ni Russel. Hindi magawang magsalitang tinitigan niya ang buong mukha nito. Nakikita niya ang lungkot sa mga mata ng lalaki.Huminga siya nang malalim bago nag-iwas ng tingin. Pilit niyang iniisip ang mga sinabi nito sa kaniya, lalo na ang sakit na tinutukoy nito.Napapailing siyang muling nag-angat ng mukha sa asawa. "I don't understand."Mariin itong pumikit saka humugot ng malalim na hangin. Muli nitong kinuha ang kamay niya at malungkot iyong tinitigan. Halata na nahihirapan itong magsalita—hirap na hirap sa pagsasabi sa kaniya ng totoo."I was a teenager back then. Isang taon bago ako tuluyang iniwan ni Papa, I met a girl named Jandra Santos. She was a nursing student, a few years older than me. Naging girlfriend ko siya at ilang beses may nangyari sa amin bago ko tuluyang nasabi sa kaniya ang tungkol sa kondisiyon ko."Nag-angat ito ng tingin sa kaniya. Nakita niya ang pamumula
NAKAUPO sa harap ng maliit na dining table nito si Megara habang nakatulala at patuloy na iniisip ang mga bagay na nalaman niya.Nagsalin siya ng alcohol sa baso niya na puno ng ice cubes. Matagal niya iyong tinitigan bago nilingon ang ibabaw ng kama kung saan naroon ang isang bouquet ng mga bulaklak ng peonies, isang middle size na teddy bear, at isang box ng expensive chocolate.Kanina lang ay natanggap niya ang mga ito mula sa isang delivery guy. Galing kay Russel ang mga ito. Nalaman niya iyon dahil sa maliit na card na kalakip ng mga bulaklak.Nagbuga siya ng hangin bago binawi ang tingin at diretsong nilagok ang alak na laman ng baso niya. Nakasulat sa card na babalik ito mamayang gabi.Marahas niyang ibinaba ang baso at matalim na tumitig sa kawalan. Iniisip niya kung ano ang puwedeng gawin para makaganti sa asawa at sa kabit nito. Gusto niyang mag-iwan ng isang alaala na hindi malilimutan ng dalawa bago siya tuluyang umalis.Aaminin niya, a
MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Megara matapos nitong maupo sa dulo ng kama nila ni Russel. Iginala niya ang tingin sa buong silid at hindi naiwasang hindi makaramdam ng paninikip ng dibdib.Pumayag siyang makipagbalikan dito sa kondisiyon na magkahiwalay sila ng tutulugan. Pumayag naman ito sa gusto niya. Sa ngayon, nasa sala ito at doon matutulog hanggang sa tuluyan silang magkaayos dalawa.Mapait siyang ngumiti. Alam naman niyang hindi na talaga sila magkakaayos. Kahit nandoon siya, ginagawa niya lang iyon para gawin ang paghihiganti rito, at hindi para isalba ang kasal nila.Malungkot siya. Kung puwede nga lang makipagbalikan dito at ayusin ang pagsasama nila, pero hindi na niya kaya. Naniniwala siya, na oras na niloko ka na ng isang lalaki, paulit-ulit ka na nilang lolokohin. At isa pa, matapos ng mga nalaman niya tungkol sa nakaraan ni Russel, tila mas lalo siyang itinulak niyon palayo. May sakit ito, at hindi na nito mapipigilan ang kagustuh
MALAKAS siyang humiyaw nang makita ang nakabulagta na katawan ng lalaki sa sahig. Ilang ulit siyang umiling habang nangingilid ang mga luha sa magkabila niyang pisngi.Ilang segundong walang lumabas na boses mula sa bibig niya. Nakaawang lamang ang mga labi niya at sunod-sunod sa pag-agos ang luha sa magkabilang pisngi."R-Russel!" Sa wakas ay nagawa niyang isatinig habang nanginginig ang katawan niya sa labis na kilabot na nararamdaman. "Russel!"Muling tumawa si Narissa. Nangingilid ang luha sa magkabila nitong pisngi. Marahas siya nitong hinawakan sa braso at buong puwersang hinatak palayo roon."Bitiwan mo ako! Russel! Huwag!" Pilit inaabot ng kamay niya ang katawan ng lalaki, subalit marahas siyang hinatak ni Narissa.Kahit pa nang bumagsak siya sa sahig dahil sa pagpipilit na makawala rito, kinaladkad pa rin siya nito patungo sa pintuan.Pilit siyang pinatayo ng babae hanggang sa makalabas sila ng beach house."Ano'ng tinitingin
NGUMISI ang babaeng si Narissa matapos niyang mahablot sa buhok si Megara. Hinigpitan niya ang pagkakakapit sa buhok nito bago nito bago kinuha ang baril na itinatago niya sa kaniyang likod."Ilang taon man ang lumipas, kahit kailan, hindi kita magagawang kalimutan, Meg! Kung hindi ka na rin lang magiging akin, hindi ka rin mapupunta sa kaniya!"Sa sinabi niyang iyon, malakas na humiyaw si Megara bago tinabig ang baril na hawak niya. Hindi sinasadyang mapaputok niya iyob kaya mabilis na nagtakip ng magkabilang tainga nito si Megara nang makawala sa kaniya.Napalingon naman siya sa pinto nang marinig ang paghinto ng isang kotse sa labas ng bahay. Mabilis niyang pinulupot ang mga braso sa leeg ng babae at tinutukan ito ng baril.Sumunod ay bigla na lamang bumukas ang pintuan ng bahay at bumungad sa kanila ang gulat na mukha ni Russel."Megara!"Ngumisi siya nang marinig ang nag-aalalang boses ng lalaki. Akmang lalapitan sila nito pero agad niy
MALAPAD na ngumiti si Narissa bago nginuso ang silyang katapang nito. Tila inuutusan siyang maupo roon."Mag-uusap tayo."Binawi niya ang paningin at binitiwan ang hawak na siradura. Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumapit dito, subalit hindi na siya naupo at nanatili na lang na nakatayo."Hindi ko naisip na aabot ka sa ganito.""Ako rin," mabilis nitong tugon. "Ni minsan ay hindi ko inakalang magkakaganito ako. Ang dami kong tao na nagamit, para lang makaabot sa kung nasaan ako ngayon. Nagpanggap pa akong buntis ako, sinulsulan ang mga doctor, maipalabas lang na totoo ang kasinungalingan ko."Umiling siya sa babae. "Itigil mo na ito, Narissa. Tama na. Magbagong-buhay na tayo.""Nasasabi mo iyan kasi masaya ka. Paano naman ako?" Lumamlam ang mga mata ng babae.Mariin siyang lumunok. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin, para lang makumbinsi ang babae na tumigil na."Hindi puwede, Meg. Hangga't hindi ka bumabalik sa
MATAPOS maligo ni Russel ay naabutan nito ang asawa sa dulo ng kama. Nakaupo habang nakatulala sa kawalan. Agad siyang nakaramdam ng kaba nang maisip na baka may nangyari dito nang iwan niya.Mabilis niyang nilapitan ang asawa at lumuhod sa paanan nito. "Baby, what's the matter? I-inaway ka ba ni Narissa? May ginawa ba siya sa iyo?"Mabilis itong umiling nang mapansin ang galit at pag-aalala sa tono niya. Mariin itong lumunok bago yumakap sa kaniya nang mariin."Russel." Nagsimula itong umiyak habang yumuyugyog ang balikat.Nang dahil dito ay mas lalo siyang kinabahan. Mula sa pagkakaluhod, tumayo siya at naupo sa tabi nito."Ano ba'ng nangyari? Sabihin mo sa akin." Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at nag-aalalang tinitigan.Humihikbi itong lumuluha. Hindi ito nagsalita pero nagpatuloy lang sa pag-iyak. Lalo siyang nakaramdam ng takot nang dahil doon."Meg, tinatakot mo ako. Sabihin mo na sa akin, ano ba'ng problema?"P
MATAGAL binalot ng katahimikan ang dalawang babae matapos silang maiwan ni Russel. Nakakrus ang dalawang braso ni Narissa sa tapat ng dibdib nito, siya naman ay mataman na nakatitig sa babae.Nag-umpisang mangilid ang luha sa magkabilang pisngi niya. Nang makita iyon ni Narissa ay napapalunok itong nag-iwas ng tingin.Huminga siya nang malalim bago lumapit sa harap nito. Ilang ulit pa siyang huminga bago tuluyang lumuhod sa paanan ng babae. Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa magkabilang pisngi niya.Tumalim naman ang mga mata ni Narissa. Pilit nitong iniiwas ang mukha sa kaniya ngunit hindi nito naitago ang pamumula ng mga mata."Please, please, nagmamakaawa ako. Riss, pabayaan mo na kami!"Kumuyom ang mga kamao ng babae, pero hindi ito natinag sa kinatatatuan"Please, huwag mong sirain ang pamilya na gusto kong buuin!" Ilang ulit siyang umiling pero tila walang pakialam si Narissa sa pag-iyak at pagluhod niya.Huminga ito nang malal
HALOS manlisik ang mga mata ni Narissa habang nakatitig sa pader na nagsisilbing tanging harang sa silid na tinutuluyan niya at sa kuwarto nina Megara at Russel.Nanginginig ang mga kamao niya sa bawat ungol at halinghing na ginagawa ng dalawa. Nasisiguro niya na sinasadya ng mga ito ang ginagawa para marinig niya."Magbabayad ka sa ginawa mo. Sisiguraduhin ko na mababawi ko siya mula sa iyo!"Nangilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, subalit marahas niya itong pinalis. Malayo na ang narating niya. Hindi siya papayag na mauwi lang sa wala ang pagtitiis niya.Noong gabing iyon, matagal siyang nanatiling gising habang nakatitig sa kawalan. Nang umabot ang alas-tres ng madaling araw, walang ingay siyang lumabas ng silid at bumaba sa kusina.Mabilis niyang tiningnan ang sariling cell phone para i-check kung may natanggap ba siyang mensahe. Mahina siyang nagmura nang makitang walang ni isang text doon.Kinuha niya ang baso ng tubig at mabilis
PAGSAPIT ng alas-siete ng gabi, nasa ibaba na si Russel at nagluluto ng pagkain, habang siya, nasa loob pa rin ng silid at iniisip ang mga dapat gawin. Nang lumipas ang mahigit limang minuto mula nang bumaba ang lalaki, mabilis siyang lumapit sa kulay mahogany na cabinet, saka kinuha ang ilang underwear niya sa loob.Mula sa suot niyang damit, mabilis siyang nagpalit sa isang kulay pulang bikini na bumagay sa kulay at hubog ng katawan niya. Nagsuot pa siya ng see-through white kimono bago tuluyang lumabas ng silid."Russel, makinig ka sa akin!"Naabutan naman niyang nagtatalo sina Russel at Narissa. Ayon sa narinig niya, pinagpipilitan ng babae na iwan na siya ni Russel at piliin ito at ang bata ng asawa niya.Tumalim ang mga mata niya. Hindi nga siya nagkamali sa hinala. Mabilis siyang lumabas mula sa pinagkukublihan. Nakatalikod mula sa kaniya si Russel at abala sa paghuhugas ng mga gulay kaya hindi siya agad napansin nito.Nakuha niya ang atensi
NAPAPIKIT siya ng mga mata nang marinig ang gustong mangyari ni Narissa. Inuutos nito na magsasama silang tatlo sa iisang bahay hangga't hindi pa nito naipapanganak ang bata.Mariin siyang tumutol sa gusto nitong mangyari. "Kung gusto mo ng makakasama, ikukuha kita ng katulong.""Ayoko nga!" mataray nitong tugon nang balingan siya. "Dalawa tayong gumawa nito, dapat dalawa tayo ang mag-asikaso.""Narissa!""Ano ka, sinusuwerte? Matapos mong gumawa ng bata, ibibigay mo sa iba ang responsibilidad?" Inirapan siya nito bago pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib.Tapos na silang mag-agahan at kasalukuyang pinag-uusapan ang dapat gawin dahil sa sitwasiyon ni Narissa. Nang balingan naman niya ng tingin si Megara, mahinahon itong nakaupo sa silya. Nakatutok ang mga mata nito sa mesa, minsan naman ay mag-aangat ng mukha sa babae."Hindi ako papayag sa gusto mo. Mas nanaisin ko pang sirain mo na lang ako sa mga tao, kaysa hayaan kang tumira k
NANATILI sa loob ng silid si Megara habang nakatanaw siya sa pader. Yakap niya ang unan sa dibdib. Puno ng pangamba ang dibdib niya.Buong akala niya ay tapos na siya sa problemang ito, pero ngayong dumating na ang pinakahihintay niya, hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Ang galit na mayroon siya sa kaniyang dibdib, sa isang iglap, mabilis na naglaho.Ngayon ay kinukuwestiyon na niya ang sarili. Pakiramdam niya, siya ang may kasalanan ng lahat. Para bang siya pa ang nagdala ng problema sa kanila ni Russel.Nang hindi siya mapakali sa kinauupuan. Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa harap ng kama. Nasa labas si Russel at nakikipag-usap sa babae, habang siya ay piniling magkulong sa kuwarto.Ramdam niya ang panginginig ng mga kamay niya. Nangingilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa takot.Tumigil siya sa paglalakad at naupo sa dulo ng kama. "Diyos ko, ano'ng gagawin ko?"Tumingala siya at umusal nang