MATAGAL siyang nakatitig sa harap ng sariling repleksiyon sa salamin—namumutlang mukha, nangingitim ang ilalim ng mga matang gabi-gabi kung umiyak. Nawawalan na rin ng kulay ang mga labi niyang dati ay puno ng sigla at matitingkad na ngiti.
Iyon ang laging nakikita ni Megara sa tuwing sisilipin niya ang sarili sa salamin. Tuluyan na niyang napabayaan ang sarili. Kahit anong pangungumbinsi ang gawin niya, hindi na niya kayang magpanggap na walang problema at kaya niya.
Mula sa salamin sa kaniyang harap, nilingon niya ang mga damit na nagkalat sa ibabaw ng kama. Kaninang alas-singko pa siya namimili nang maisusuot, subalit wala siyang matipuhan sa mga kasuotang nasa loob ng cabinet niya.
Gusto niyang lumabas. Gusto niyang mag-shopping at pagurin ang sarili sa mga bagay na nakasulat sa listahan na nahanap niya sa internet. Kanina, nag-research siya kung ano ang puwedeng gawin ng mga babaeng katulad niya. Iyong mga nawalan na ng pagmamahal sa sarili dahil sobr
HAWAK ang paperbag ng damit na binili niya kanina, tulalang lumabas ng malaking mall si Megara. Umihip ang malakas na hangin at tinangay nito ang mahabang buhok niya.Dama niya ang lamig ng paligid sa kaniyang balat. Maging ang sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha, ramdam niya. Sa kabila ng init at lamig na nararamdaman, tila namamanhid ang kaniyang buong katawan.Tila siya naparalisa at walang ibang magawa kundi ang tumunganga roon habang dinadama ang kirot sa kaniyang puso. May ilang minuto pa siyang nanatiling nakatayo. Pilitin man niya ay hindi niya magawang alisin sa isip ang mga nasaksihan kanina.Mula sa kawalan, pinaglandas niya ang paningin niya sa buong paligid. Lahat ng tao, abala sa kani-kanilang ginagawa. Walang ni isa sa mga ito ang tumitigil o humihinto man lang sa paglalakad. Tanging siya lamang ang nanatiling nakatayo habang tila wala sa kaniyang sarili.Parang sirang plaka, paulit-ulit na naglaro sa isipan niya ang mga nakita kani
MARIIN na lumunok ang lalaking si Russel habang nagmamaneho ito pauwi sa kanilang bahay. Manaka-naka niyang nililingon ang asawa na wala nang malay habang nakasalampak sa passenger's seat.Kanina habang nasa condo unit siya ni Narissa at nakikipagtalo sa babae, nakatanggap siya ng tawag mula kay Vicente. Hindi niya ito sinagot dahil buong akala niya, mag-aaya lamang ang lalaki na lumabas para uminom.Subalit nang mabasa niya ang isa sa mga text messages nito na nagsasabing nasa club kung saan ito naroon si Megara, walang paalam siyang lumabas ng unit ni Narissa at halos paliparin na ang sasakyan patungo sa naturang club.Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela at muling nilingon ang babae. Sa sobrang kalasingan nito, ni hindi na siya nito magawang makilala. Kanina ay pinagtatabuyan pa siya nito sa pag-aakalang ibang lalaki siya.Mula sa nahihimbing na mukha ng asawa, bumaba ang paningin niya sa kasuotan nito. Napailing siya matapos madako ang tingin ni
MARAHAS na ibinagsak ni Megara sa ibabaw ng bar counter ang iniinom niyang piña colada. Mariin niyang kinagat ang ibaba niyang labi matapos humigpit ang pagkakahawak niya sa glass."How could you do this to me, Russel?" Ilang ulit siyang lumunok nang maramdaman ang bara sa kaniyang lalamunan.Mahigit isang buwan siyang nalugmok. Wala siyang ibang sinisi sa nangyayari sa kanila kundi ang sarili niya. Inakala niyang dahil sa mga maling desisiyon na nagawa niya noon, kaya sila nagkakasira ngayon ni Russel."But it was him all along," marahas niyang pinalis ang mga luha sa pisngi habang sinasabi iyon.Pilit siyang sinisi nito, pero ang totoo, ito talaga ang may babae. Ito ang nagtraydor sa kanilang dalawa. At kaya ganoon na lang kadali para dito ang iwasan at pagbintangan siya, dahil kagustuhan din nito ang magkalayo sila.Nanginginig sa galit ang mga kamay niyang nakakuyom. Muli niyang dinala sa mga labi ang bibig ng baso saka inubos ang natiti
ITINAAS niya ang isang kamay at sinenyasan ang waitress na dalhan uli siya ng order niyang mango juice. Nakadadalawang baso na siya subalit hindi pa rin dumarating ang imbistigador na asawa ng kaibigan niya.Itinaas niya ang relong-pambisig saka sinipat ang orasan—alas-dose na ng tanghali. Mahigit kalahating oras na rin siyang naghihintay. Nang malaman mula sa babaeng nasa front desk ng hotel kung sino ang naghatid sa kaniya, ang pinakaunang tinawagan niya ay ang imbistigador.Tumagal pa nang ilang minuto ang kaniyang paghihintay, napangiti siya nang makita ang pagbukas ng salaming pintuan ng restaurant at pumasok ang lalaking hinihintay niya."I'm sorry kung nakipagkita uli ako sa iyo. Urgent kasi ito."Agad na umiling ang lalaki. "Huwag kang mag-alala. Trabaho ko ito."Bago sila nag-umpisa sa pag-uusap, um-order na rin sila nito ng pagkain para sa tanghalian.Mabilis niyang kinuha ang litrato ng lalaki sa loob ng sling bag niya saka
MARAHAS na ibinato ni Russel ang isang baso ng alak matapos niyang lumabas ng bahay nang makarinig nang paghinto ng sasakyan. Buong akala niya ay si Megara na ang dumating, subalit nang makalabas, natanaw niya ang paglagpas ng isang taxi sa bahay nila."Fuck it!" pagmumura niya matapos suntukin ang pinto at pabalag iyong isinara.Kagabi ay halos madurog ang puso niya sa ginawa ng babae. Natatakot siya sa ikinikilos nito kaya naisip niyang gumawa ng paraan upang makita kung nagbago nga ang asawa—pati ng damdamin nito. Bumili siya ng bulaklak at tsokolate para sana makausap nang masinsinan ang asawa, pero sa halip, iniwan lang siya nito para pumunta na naman sa club.Ang mga tingin nito, mga kilos ay ibang-iba na sa dating babaeng minahal at pinakasalan niya. Hindi lang ang pakikitungo nito sa kaniya kundi maging ang mga mata nito, punong-puno ang mga iyon ng panlalamig.Pumasok siya sa sala ng kanilang bahay at naupo sa mahabang sofa saka muling nag-
ALAS-OTSO na ng umaga nang magising si Megara. Hindi katulad ng dati na nag-a-alarm pa siya para lang gumising nang maaga at pagsilbihan si Russel, ngayon ay wala na siyang dahilan para gawin pa ang mga bagay na iyon. Puwede na siyang gumising kahit anong oras niyang gustuhin.Matapos maghilamos at magsipilyo, bumaba siya ng kusina para sana magtimpla ng kape. Subalit bigla siyang natigilan sa nabungaran niya, si Russel, nakaupo sa kitchen at nagbabasa ng diyaryo. At may nakahain pang mga pagkain sa ibabaw ng kitchen island sa harap nito.Sandali siyang tumayo sa bukana ng pintuan ng kusina. Makikita ang ilang gitla sa noo niya habang nakatitig sa asawa. Nang mapansin naman nito ang kaniyang presensiya, mabilis nitong nilapag ang diyaryo saka tumayo para malapitan siya."Good morning." Ngumiti ito at akma siyang hahalikan, ngunit mabilis niyang naiwas ang mukha.Walang pakialam na nilagpasan niya ito at lumapit sa fridge para kumuha ng tubig na maiinom. T
HINDI siya mapakali habang nakaupo sa harap ng asawang si Meg at nakikita naman sa malayo ang dalagang si Narissa na panay ang lingon sa gawi nila.Mula sa dalaga ay nabaling sa lalaking kasama nito ang paningin niya. Hindi pamilyar sa kaniya ang mukha ng lalaki kaya alam niyang wala ito sa business industry. Pero sa hitsura nito, hula niya, kung wala ito sa mundo ng pagtuturo ay isa naman itong engineer.Muling nakuha ni Narissa ang atensiyon niya nang ipatong nito ang kamay sa ibabaw ng hita ng lalaki at saka ngumiti. Nakatingin pa rin ito sa kaniya kaya alam niyang sinasadya ng babae ang gawin iyon upang inisin siya.Halos tumaas ang dugo niya sa ulo dahil sa inis. Kung maaari lang niyang lapitan ang dalaga at kaladkarin ito palayo sa kasama nito ay ginawa na niya."A bottle of red wine, and one order of steak sandwich."Nakuha ni Megara ang atensiyon niya nang marinig ang in-order nito. Agad na bumalatay ang pagtataka at pag-aalala sa mukha niy
MABILIS na natigilan si Russel nang makabalik sa kanilang mesa at makitang wala na roon ang asawang si Megara. Luminga siya sa paligid sa pag-aasam na makita ang babae, subalit bigo siyang mahanap ito.Sinubukan niyang umupo muli sa silya at hintayin na muna si Megara. Inisip niyang baka lumabas lang ito sandali dahil may sinagot na tawag o tinawagan.Sa pag-upo niya, muling nahagip ng mga mata niya ang table na kinaroroonan ni Narissa. Nakita niya itong masama ang timpla ng mukha, ngunit hindi ito umalis kasama ang lalaki.Nagbagting ang mga ngipin niya nang mapagtantong hindi nito sinunod ang utos niya. Nagsimula itong kumain nang dumating ang order ng mga ito at umaktang tila walang nangyari.Nailing siya bago itinuon ang atensiyon sa mga pagkain sa kaniyang harap. Malapit na itong lumamig pero hindi pa rin bumabalik si Meg. Sa puntong iyon, saka lang niya napansin na wala na sa ibabaw ng mesa ang cell phone niya. Mabilis siyang kinutuban."Damn
MALAKAS siyang humiyaw nang makita ang nakabulagta na katawan ng lalaki sa sahig. Ilang ulit siyang umiling habang nangingilid ang mga luha sa magkabila niyang pisngi.Ilang segundong walang lumabas na boses mula sa bibig niya. Nakaawang lamang ang mga labi niya at sunod-sunod sa pag-agos ang luha sa magkabilang pisngi."R-Russel!" Sa wakas ay nagawa niyang isatinig habang nanginginig ang katawan niya sa labis na kilabot na nararamdaman. "Russel!"Muling tumawa si Narissa. Nangingilid ang luha sa magkabila nitong pisngi. Marahas siya nitong hinawakan sa braso at buong puwersang hinatak palayo roon."Bitiwan mo ako! Russel! Huwag!" Pilit inaabot ng kamay niya ang katawan ng lalaki, subalit marahas siyang hinatak ni Narissa.Kahit pa nang bumagsak siya sa sahig dahil sa pagpipilit na makawala rito, kinaladkad pa rin siya nito patungo sa pintuan.Pilit siyang pinatayo ng babae hanggang sa makalabas sila ng beach house."Ano'ng tinitingin
NGUMISI ang babaeng si Narissa matapos niyang mahablot sa buhok si Megara. Hinigpitan niya ang pagkakakapit sa buhok nito bago nito bago kinuha ang baril na itinatago niya sa kaniyang likod."Ilang taon man ang lumipas, kahit kailan, hindi kita magagawang kalimutan, Meg! Kung hindi ka na rin lang magiging akin, hindi ka rin mapupunta sa kaniya!"Sa sinabi niyang iyon, malakas na humiyaw si Megara bago tinabig ang baril na hawak niya. Hindi sinasadyang mapaputok niya iyob kaya mabilis na nagtakip ng magkabilang tainga nito si Megara nang makawala sa kaniya.Napalingon naman siya sa pinto nang marinig ang paghinto ng isang kotse sa labas ng bahay. Mabilis niyang pinulupot ang mga braso sa leeg ng babae at tinutukan ito ng baril.Sumunod ay bigla na lamang bumukas ang pintuan ng bahay at bumungad sa kanila ang gulat na mukha ni Russel."Megara!"Ngumisi siya nang marinig ang nag-aalalang boses ng lalaki. Akmang lalapitan sila nito pero agad niy
MALAPAD na ngumiti si Narissa bago nginuso ang silyang katapang nito. Tila inuutusan siyang maupo roon."Mag-uusap tayo."Binawi niya ang paningin at binitiwan ang hawak na siradura. Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumapit dito, subalit hindi na siya naupo at nanatili na lang na nakatayo."Hindi ko naisip na aabot ka sa ganito.""Ako rin," mabilis nitong tugon. "Ni minsan ay hindi ko inakalang magkakaganito ako. Ang dami kong tao na nagamit, para lang makaabot sa kung nasaan ako ngayon. Nagpanggap pa akong buntis ako, sinulsulan ang mga doctor, maipalabas lang na totoo ang kasinungalingan ko."Umiling siya sa babae. "Itigil mo na ito, Narissa. Tama na. Magbagong-buhay na tayo.""Nasasabi mo iyan kasi masaya ka. Paano naman ako?" Lumamlam ang mga mata ng babae.Mariin siyang lumunok. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin, para lang makumbinsi ang babae na tumigil na."Hindi puwede, Meg. Hangga't hindi ka bumabalik sa
MATAPOS maligo ni Russel ay naabutan nito ang asawa sa dulo ng kama. Nakaupo habang nakatulala sa kawalan. Agad siyang nakaramdam ng kaba nang maisip na baka may nangyari dito nang iwan niya.Mabilis niyang nilapitan ang asawa at lumuhod sa paanan nito. "Baby, what's the matter? I-inaway ka ba ni Narissa? May ginawa ba siya sa iyo?"Mabilis itong umiling nang mapansin ang galit at pag-aalala sa tono niya. Mariin itong lumunok bago yumakap sa kaniya nang mariin."Russel." Nagsimula itong umiyak habang yumuyugyog ang balikat.Nang dahil dito ay mas lalo siyang kinabahan. Mula sa pagkakaluhod, tumayo siya at naupo sa tabi nito."Ano ba'ng nangyari? Sabihin mo sa akin." Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at nag-aalalang tinitigan.Humihikbi itong lumuluha. Hindi ito nagsalita pero nagpatuloy lang sa pag-iyak. Lalo siyang nakaramdam ng takot nang dahil doon."Meg, tinatakot mo ako. Sabihin mo na sa akin, ano ba'ng problema?"P
MATAGAL binalot ng katahimikan ang dalawang babae matapos silang maiwan ni Russel. Nakakrus ang dalawang braso ni Narissa sa tapat ng dibdib nito, siya naman ay mataman na nakatitig sa babae.Nag-umpisang mangilid ang luha sa magkabilang pisngi niya. Nang makita iyon ni Narissa ay napapalunok itong nag-iwas ng tingin.Huminga siya nang malalim bago lumapit sa harap nito. Ilang ulit pa siyang huminga bago tuluyang lumuhod sa paanan ng babae. Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa magkabilang pisngi niya.Tumalim naman ang mga mata ni Narissa. Pilit nitong iniiwas ang mukha sa kaniya ngunit hindi nito naitago ang pamumula ng mga mata."Please, please, nagmamakaawa ako. Riss, pabayaan mo na kami!"Kumuyom ang mga kamao ng babae, pero hindi ito natinag sa kinatatatuan"Please, huwag mong sirain ang pamilya na gusto kong buuin!" Ilang ulit siyang umiling pero tila walang pakialam si Narissa sa pag-iyak at pagluhod niya.Huminga ito nang malal
HALOS manlisik ang mga mata ni Narissa habang nakatitig sa pader na nagsisilbing tanging harang sa silid na tinutuluyan niya at sa kuwarto nina Megara at Russel.Nanginginig ang mga kamao niya sa bawat ungol at halinghing na ginagawa ng dalawa. Nasisiguro niya na sinasadya ng mga ito ang ginagawa para marinig niya."Magbabayad ka sa ginawa mo. Sisiguraduhin ko na mababawi ko siya mula sa iyo!"Nangilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, subalit marahas niya itong pinalis. Malayo na ang narating niya. Hindi siya papayag na mauwi lang sa wala ang pagtitiis niya.Noong gabing iyon, matagal siyang nanatiling gising habang nakatitig sa kawalan. Nang umabot ang alas-tres ng madaling araw, walang ingay siyang lumabas ng silid at bumaba sa kusina.Mabilis niyang tiningnan ang sariling cell phone para i-check kung may natanggap ba siyang mensahe. Mahina siyang nagmura nang makitang walang ni isang text doon.Kinuha niya ang baso ng tubig at mabilis
PAGSAPIT ng alas-siete ng gabi, nasa ibaba na si Russel at nagluluto ng pagkain, habang siya, nasa loob pa rin ng silid at iniisip ang mga dapat gawin. Nang lumipas ang mahigit limang minuto mula nang bumaba ang lalaki, mabilis siyang lumapit sa kulay mahogany na cabinet, saka kinuha ang ilang underwear niya sa loob.Mula sa suot niyang damit, mabilis siyang nagpalit sa isang kulay pulang bikini na bumagay sa kulay at hubog ng katawan niya. Nagsuot pa siya ng see-through white kimono bago tuluyang lumabas ng silid."Russel, makinig ka sa akin!"Naabutan naman niyang nagtatalo sina Russel at Narissa. Ayon sa narinig niya, pinagpipilitan ng babae na iwan na siya ni Russel at piliin ito at ang bata ng asawa niya.Tumalim ang mga mata niya. Hindi nga siya nagkamali sa hinala. Mabilis siyang lumabas mula sa pinagkukublihan. Nakatalikod mula sa kaniya si Russel at abala sa paghuhugas ng mga gulay kaya hindi siya agad napansin nito.Nakuha niya ang atensi
NAPAPIKIT siya ng mga mata nang marinig ang gustong mangyari ni Narissa. Inuutos nito na magsasama silang tatlo sa iisang bahay hangga't hindi pa nito naipapanganak ang bata.Mariin siyang tumutol sa gusto nitong mangyari. "Kung gusto mo ng makakasama, ikukuha kita ng katulong.""Ayoko nga!" mataray nitong tugon nang balingan siya. "Dalawa tayong gumawa nito, dapat dalawa tayo ang mag-asikaso.""Narissa!""Ano ka, sinusuwerte? Matapos mong gumawa ng bata, ibibigay mo sa iba ang responsibilidad?" Inirapan siya nito bago pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib.Tapos na silang mag-agahan at kasalukuyang pinag-uusapan ang dapat gawin dahil sa sitwasiyon ni Narissa. Nang balingan naman niya ng tingin si Megara, mahinahon itong nakaupo sa silya. Nakatutok ang mga mata nito sa mesa, minsan naman ay mag-aangat ng mukha sa babae."Hindi ako papayag sa gusto mo. Mas nanaisin ko pang sirain mo na lang ako sa mga tao, kaysa hayaan kang tumira k
NANATILI sa loob ng silid si Megara habang nakatanaw siya sa pader. Yakap niya ang unan sa dibdib. Puno ng pangamba ang dibdib niya.Buong akala niya ay tapos na siya sa problemang ito, pero ngayong dumating na ang pinakahihintay niya, hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Ang galit na mayroon siya sa kaniyang dibdib, sa isang iglap, mabilis na naglaho.Ngayon ay kinukuwestiyon na niya ang sarili. Pakiramdam niya, siya ang may kasalanan ng lahat. Para bang siya pa ang nagdala ng problema sa kanila ni Russel.Nang hindi siya mapakali sa kinauupuan. Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa harap ng kama. Nasa labas si Russel at nakikipag-usap sa babae, habang siya ay piniling magkulong sa kuwarto.Ramdam niya ang panginginig ng mga kamay niya. Nangingilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa takot.Tumigil siya sa paglalakad at naupo sa dulo ng kama. "Diyos ko, ano'ng gagawin ko?"Tumingala siya at umusal nang