ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Megara matapos isandal ang likod nito sa malaking puno na pinagkukublihan niya. Ilang ulit siyang lumunok nang maramdaman ang malakas na pagtibok ng kaniyang puso. Kung dahil ba sa kaba o takot, hindi niya sigurado.
Nasa harap siya ngayon ng isang gusali kung saan pumasok si Russel. Building iyon ng mga condo unit na malapit sa kompanya ng asawa niya, pero bakit nandito ang lalaki? Sino ang nakatira sa loob ng gusaling iyon?
Kanina, sa halip na umalis para mag-mall, pinigilan niya ang driver ng taxing sinasakyan at sinabihan itong pumarada at magkubli sa hindi kalayuan. Ilang minuto siyang naghintay sa labas ng private subdivision. Nang makita ang papalayong kotse ni Russel, inutusan niya ang taxi driver na sundan ang sasakyan ng lalaki.
Hindi niya alam kung bakit, pero biglang sumagi sa isip niya na pupuntahan ni Russel ang kabit nito. Mas lumakas ang hinala niya nang tumigil sa tapat ng kompanya nito ang kots
LAGLAG ang mga balikat na naupo si Russel sa mahabang sofa sa sala ng condo unit ni Narissa. Hawak pa rin niya ang picture ng ultrasound ng babae, pero wala roon ang paningin niya. Maging ang isip niya'y lumilipad sa kung saan.Nakangiti namang naghahanda ng maiinom at makakain si Narissa sa kitchen nito. Masaya ang babae dahil sa nakitang reaksiyon ni Russel kanina.Paano, namutla ang mukha ng lalaki nang kumpirmahin ng doctor na buntis nga siya. Ibig sabihin lang niyon, unti-unti na itong naniniwala.Tangan ang tray ng dalawang kamay kung nasaan ang dalawang glass of red wine at ilang slices ng tuna melt sandwiches, tila sumasayaw ang puwetan niya nang lumapit siya sa lalaki at nilapag sa ibabaw ng round table sa harap nito ang mga pagkain."Heto, kumain ka muna. Mag-uusap pa tayo tungkol sa baby natin."Nagsalubong naman ang mga kilay ni Russel sa narinig. Tinitigan siya nito nang may talim sa mga mata.Natawa na lang siya bigla. "Russel,
PINAGMASDAN niyang buksan ni Narissa ang pintuan ng condo unit nito hanggang sa makapasok ang dalaga sa loob. Sinundan niya ito patungo sa sala at may ilang segundong pinagmasdan habang nakaupo ito sa mahabang sofa.Nakakrus ang dalawang kamay ng babae sa tapat ng dibdib nito. Halata ang inis sa pagmumukha. Kanina habang lulan sila ng kotse niya, nagtalo silang dalawa dahil pinagpipilitan nitong doon siya matulog sa condo unit nito. Hindi siya pumayag kaya nag-inarte ang babae."Ano ba kasing pinaggagagawa mo? Bakit bigla na lang sumakit iyang tiyan mo?" Matalim niya itong tinitigan habang hinihintay itong makasagot.Mula sa kawalan, binaling nito ang mga mata sa kaniya. Masama siyang tinitigan. "Narinig mo naman siguro ang nurse, `di ba? Stress ang dahilan ng nangyari sa akin! At nang dahil iyon sa iyo!"Lukot ang mukhang umupo siya sa armchair sa kaliwa ng sofa at naiiling na tinitigan ang dalaga. Sa init ng ulo niya, gusto na lang niya itong saktan nan
MARIING kagat ni Megara ang ibabang labi habang pababa siya ng hagdan. Nagngingitngit ang kalooban niya sa tuwing naaalala ang pagpunta ni Russel sa condo ng babae nito.Bigla tuloy siyang napahinto sa tapat ng pinto ng kanilang bahay. Napaisip siya kung sino ang bumili ng condo unit ng babae—ito ba o ang asawa niya? Dahil doon ay mas lalong kumulo ang dugo niya.Mula sa harap ng pinto, bumalik siya at pumasok sa loob ng kusina, saka binuksan ang fridge nila at kinuha ang may bawas ng wine bottle sa loob. Hindi na siya nag-abalang magdala ng wine glass. Diretso siyang lumabas ng bahay at nagtungo sa labahan, doon ay tumungga siya ng wine."Akala niya siguro, madadala pa niya ako ng pabulaklak at pa-surprise dinner niya." Kagat ang ibabang labi, nailing siya bago muling tumungga ng red wine.Nagpabalik-balik siya ng lakad sa harap ng washing machine, nakahawak ang isang kamay niya sa kabilang baywang at ang isa pa, hawak ang bote ng wine na binili pa
NAGPAKAWALA nang malalim na buntong-hininga si Megara matapos matanaw ang paglabas nang ikalabing-anim na babae mula sa gusali kung nasaan ang condo unit ng kabit ni Russel.May isang babae kanina na papasa bilang kabit ng asawa niya. Maganda ito, maputi, matangkad, nakasuot ng pekpek shorts at black sando na pang-itaas, pero may kasama naman itong matandang hukluban na humahalik-halik pa rito. Dahil doon ay naisip niyang imposible rin kung iyon ang kerida ng asawa niya.Nagbuga siya ng hangin matapos sumandal sa malaking katawan ng puno. Pinagsalikop niya ang dalawang braso sa tapat ng dibdib. Biglang kumalam ang sikmura niya.Kanina nang umalis si Russel sa bahay nila, sumunod na rin siya rito. Mabilis ang pagpapatakbo nito kaya nawala sa paningin nila ng driver ng taxing sinasakyan niya. Sa sobrang inis, dumiretso na lang siya sa labas ng condo ng babae at hinanap ng mga mata ang kotse ng asawa, ngunit wala naman iyon doon. Mukhang may ibang pinuntahan si Rus
MATAPOS makatanggap ng text mula sa taong nagpapakilos sa kaniya, agad na nagtungo ang lalaking si Rinhu Tianok sa abandonadong gusali kung saan naghihintay ang kaniyang boss. Pagkapasok pa lang sa gusali, mabilis niyang nilapitan ang taong nakatayo sa gitna ng abandonadong building, pero sinalubong siya nito nang malakas na sampal."Anong ginawa mo kay Megara!" Umalingawngaw ang malakas na tinig nito sa buong gusali.Nang mag-angat siya ng mukha para balingan ito, nanlilisik na ang mga mata at pulang-pula na rin sa galit ang buong mukha nito.Napapailing siyang nagbaba ng pangin. "Siya ang humabol sa akin! Wala akong kasalanan!"Sa pangalawang pagkakataon ay nakatanggap siya ng sampal mula rito. Sa lakas niyon ay napapilig siya ng ulo. Pakiramdam niya ay bahagya siyang nahilo.Kinuwelyuha siya nito gamit ng dalawang kamay. "Tarantado ka! Binayaran kita para bantayan si Megara! Hindi para ipahamak!"Naramdaman niya ang pagpapawis ng noo haba
BUMUKAS ang elevator, muli siyang nagpakawala ng hangin bago humakbang palabas at tinahak ang daan patungo sa kuwarto ni Megara. Subalit mabilis siyang natigilan nang matanaw ang isang babaeng nakatayo sa labas ng silid ng asawa."Fuck!" mahina niyang mura bago nilapitan ito.Umangat ang kamay ng babae at aktong bubuksan ang pintuan, pero mabilis niya itong nahablot sa braso.Napasinghap sa gulat si Narissa. Nanlalaki pa ang mga matang bumaling ito sa kaniya. Walang salitang kinaladkad niya ito patungo sa fire's exit."Ano na naman ba ang ginagawa mo rito!" bulyaw niya sa babae na ikinatigil nito.Nanlalaki ang mga matang sinalubong ng babae ang galit niyang mukha. Bakas ang gulat sa pagmumukha nito at bahagya pang nakaawang ang bibig."Ano? Guguluhin mo kami? Naaksidente na ang asawa ko! Puwede bang patahimikin mo kami kahit ngayon lang!"Malalim ang paghingang umiling ito sa kaniya. "Hindi ako nandito para manggulo—""P
NAPANSIN niyang sandaling natigilan si Megara sa sinabi niya, pero kapagkuwa'y tumango na lang din ito. Itinuro nito ang mga pagkain at bahagyang ibinuka ang bibig. Napangiti siya bago ito muling sinubuan.Ilang linggo na rin niyang pinapaasikaso ang paghahanap ng bagong bahay para sa kanila ni Meg. Pakiramdam niya ay mas magiging ligtas ang asawa sa ibang lugar.Ang dating bahay nila ay kabisado na ng lalaking si Rinhu Tianok, maging si Narissa ay alam na rin nito. At sa nangyari kanina, duda siyang titigilan siya ng babae.Malakas ang loob nitong magpakita kay Meg dahil buntis ito. Oras na malaman ng asawa niya ang kalagayan ni Narissa, paniguradong hindi na siya mapapatawad pa ng asawa."Say 'ah'," bahagya pa niyang ibinuka ang bibig matapos sabihin iyon.Sinunod naman siya ni Meg, binuka nito ang mga labi at hinintay ang pagkain na isusubo niya. Hindi niya iniwan ang asawa, ni hindi niya ito hinayaan na kumilos, hangga't hindi nauubos ang pagka
ALAS-NUEBE na nang tumigil sa isang malaki at mataas na gate ang kotseng kinalululanan nila. Katulad sa dati nilang bahay, awtomatik na bumukas ang malaking tarangkahan nang may remote na pindutin si Russel.Pumasok ang sasakyan sa loob ng isang malawak na front yard. Binagtas nito ang may kataasan at kahabaan ng driveway hanggang sa marating nila ang tuktok kung nasaan ang bahay. Malaki iyon, kulay puti at matatawag na niyang mansiyon.Napangiti siya nang tuluyang huminto ang kotse. Mula sa loob ng sasakyan, tinanaw niya ang malaking double doors ng mansiyon.Nang pagbuksan naman siya ng lalaki, namangha pa siya nang matitigan mula sa tuktok ng driveway ang front yard na puno ng iba't ibang mga bulaklak. Karamihan pa sa mga ito ay peonies na may iba-ibang kulay.Naramdaman niya ang pagpulupot ng mga bisig ni Russel mula sa likuran niya, kasabay nito ang pag-ihip nang malakas na hangin na tumatama sa kaniyang mukha."Did you like the house?" bulong