MARIING kagat ni Megara ang ibabang labi habang pababa siya ng hagdan. Nagngingitngit ang kalooban niya sa tuwing naaalala ang pagpunta ni Russel sa condo ng babae nito.
Bigla tuloy siyang napahinto sa tapat ng pinto ng kanilang bahay. Napaisip siya kung sino ang bumili ng condo unit ng babae—ito ba o ang asawa niya? Dahil doon ay mas lalong kumulo ang dugo niya.
Mula sa harap ng pinto, bumalik siya at pumasok sa loob ng kusina, saka binuksan ang fridge nila at kinuha ang may bawas ng wine bottle sa loob. Hindi na siya nag-abalang magdala ng wine glass. Diretso siyang lumabas ng bahay at nagtungo sa labahan, doon ay tumungga siya ng wine.
"Akala niya siguro, madadala pa niya ako ng pabulaklak at pa-surprise dinner niya." Kagat ang ibabang labi, nailing siya bago muling tumungga ng red wine.
Nagpabalik-balik siya ng lakad sa harap ng washing machine, nakahawak ang isang kamay niya sa kabilang baywang at ang isa pa, hawak ang bote ng wine na binili pa
NAGPAKAWALA nang malalim na buntong-hininga si Megara matapos matanaw ang paglabas nang ikalabing-anim na babae mula sa gusali kung nasaan ang condo unit ng kabit ni Russel.May isang babae kanina na papasa bilang kabit ng asawa niya. Maganda ito, maputi, matangkad, nakasuot ng pekpek shorts at black sando na pang-itaas, pero may kasama naman itong matandang hukluban na humahalik-halik pa rito. Dahil doon ay naisip niyang imposible rin kung iyon ang kerida ng asawa niya.Nagbuga siya ng hangin matapos sumandal sa malaking katawan ng puno. Pinagsalikop niya ang dalawang braso sa tapat ng dibdib. Biglang kumalam ang sikmura niya.Kanina nang umalis si Russel sa bahay nila, sumunod na rin siya rito. Mabilis ang pagpapatakbo nito kaya nawala sa paningin nila ng driver ng taxing sinasakyan niya. Sa sobrang inis, dumiretso na lang siya sa labas ng condo ng babae at hinanap ng mga mata ang kotse ng asawa, ngunit wala naman iyon doon. Mukhang may ibang pinuntahan si Rus
MATAPOS makatanggap ng text mula sa taong nagpapakilos sa kaniya, agad na nagtungo ang lalaking si Rinhu Tianok sa abandonadong gusali kung saan naghihintay ang kaniyang boss. Pagkapasok pa lang sa gusali, mabilis niyang nilapitan ang taong nakatayo sa gitna ng abandonadong building, pero sinalubong siya nito nang malakas na sampal."Anong ginawa mo kay Megara!" Umalingawngaw ang malakas na tinig nito sa buong gusali.Nang mag-angat siya ng mukha para balingan ito, nanlilisik na ang mga mata at pulang-pula na rin sa galit ang buong mukha nito.Napapailing siyang nagbaba ng pangin. "Siya ang humabol sa akin! Wala akong kasalanan!"Sa pangalawang pagkakataon ay nakatanggap siya ng sampal mula rito. Sa lakas niyon ay napapilig siya ng ulo. Pakiramdam niya ay bahagya siyang nahilo.Kinuwelyuha siya nito gamit ng dalawang kamay. "Tarantado ka! Binayaran kita para bantayan si Megara! Hindi para ipahamak!"Naramdaman niya ang pagpapawis ng noo haba
BUMUKAS ang elevator, muli siyang nagpakawala ng hangin bago humakbang palabas at tinahak ang daan patungo sa kuwarto ni Megara. Subalit mabilis siyang natigilan nang matanaw ang isang babaeng nakatayo sa labas ng silid ng asawa."Fuck!" mahina niyang mura bago nilapitan ito.Umangat ang kamay ng babae at aktong bubuksan ang pintuan, pero mabilis niya itong nahablot sa braso.Napasinghap sa gulat si Narissa. Nanlalaki pa ang mga matang bumaling ito sa kaniya. Walang salitang kinaladkad niya ito patungo sa fire's exit."Ano na naman ba ang ginagawa mo rito!" bulyaw niya sa babae na ikinatigil nito.Nanlalaki ang mga matang sinalubong ng babae ang galit niyang mukha. Bakas ang gulat sa pagmumukha nito at bahagya pang nakaawang ang bibig."Ano? Guguluhin mo kami? Naaksidente na ang asawa ko! Puwede bang patahimikin mo kami kahit ngayon lang!"Malalim ang paghingang umiling ito sa kaniya. "Hindi ako nandito para manggulo—""P
NAPANSIN niyang sandaling natigilan si Megara sa sinabi niya, pero kapagkuwa'y tumango na lang din ito. Itinuro nito ang mga pagkain at bahagyang ibinuka ang bibig. Napangiti siya bago ito muling sinubuan.Ilang linggo na rin niyang pinapaasikaso ang paghahanap ng bagong bahay para sa kanila ni Meg. Pakiramdam niya ay mas magiging ligtas ang asawa sa ibang lugar.Ang dating bahay nila ay kabisado na ng lalaking si Rinhu Tianok, maging si Narissa ay alam na rin nito. At sa nangyari kanina, duda siyang titigilan siya ng babae.Malakas ang loob nitong magpakita kay Meg dahil buntis ito. Oras na malaman ng asawa niya ang kalagayan ni Narissa, paniguradong hindi na siya mapapatawad pa ng asawa."Say 'ah'," bahagya pa niyang ibinuka ang bibig matapos sabihin iyon.Sinunod naman siya ni Meg, binuka nito ang mga labi at hinintay ang pagkain na isusubo niya. Hindi niya iniwan ang asawa, ni hindi niya ito hinayaan na kumilos, hangga't hindi nauubos ang pagka
ALAS-NUEBE na nang tumigil sa isang malaki at mataas na gate ang kotseng kinalululanan nila. Katulad sa dati nilang bahay, awtomatik na bumukas ang malaking tarangkahan nang may remote na pindutin si Russel.Pumasok ang sasakyan sa loob ng isang malawak na front yard. Binagtas nito ang may kataasan at kahabaan ng driveway hanggang sa marating nila ang tuktok kung nasaan ang bahay. Malaki iyon, kulay puti at matatawag na niyang mansiyon.Napangiti siya nang tuluyang huminto ang kotse. Mula sa loob ng sasakyan, tinanaw niya ang malaking double doors ng mansiyon.Nang pagbuksan naman siya ng lalaki, namangha pa siya nang matitigan mula sa tuktok ng driveway ang front yard na puno ng iba't ibang mga bulaklak. Karamihan pa sa mga ito ay peonies na may iba-ibang kulay.Naramdaman niya ang pagpulupot ng mga bisig ni Russel mula sa likuran niya, kasabay nito ang pag-ihip nang malakas na hangin na tumatama sa kaniyang mukha."Did you like the house?" bulong
MAY kalakasang hinampas ni Megara ang lalaki sa braso nito. Umayos siya ng pagkakaupo at humarap sa malaking telebisiyon saka ito binuksan."Simula bukas, papasok na uli ako sa opisina. At si Manang, stay in na siya sa atin para may makasama ka at mag-aasikaso sa iyo."Umismid siya nang muling makita ang paglabas ng mukha ni Rinhu sa screen ng TV. Mabilis niyang iniba ang channel at naghanap ng ibang mapapanood."Baka naman pati sa banyo, naglagay ka ng camera?" Hindi niya narinig na sumagot si Russel kaya takang nilingon niya ito. "Nilagyan mo?""Siyempre, Meg—""Ano ba naman iyan!" Naiinis siyang umalis mula sa pagkakaupo at nilapitan ang pinto ng banyo saka itinuro. "Ilabas mo ang mga camera! Ngayon na!""Pero, Meg—""Russel, kung gusto mong magkaayos tayo, ayusin mo iyang pinaggagawa mo! Naiinis na naman ako!"May ilang segundo itong nakatitig sa kaniya. Para bang nag-iisip pa ito kung anong puwedeng idahilan o
WALANG gana niyang ipinatong sa ibabaw ng mesa ang cell phone. Nang dahil sa nangyari kay Meg, nakalimutan niya ang schedule ng DNA test ni Narissa.Agad niyang pinadalhan ng mensahe ang kaibigan na nagsasabing sa susunod na araw na lamang niya dadalhin doon ang babae. Bago pa man makapasok ulit si Aliyah, nakatanggap siya ng text mula sa kaibigan na maghihintay ito bukas."How's Meg?" tanong ni Aliyah matapos nitong ilapag ang ilan pang mga folders sa mesa niya.Tumango siya rito nang may maliit na ngiti sa mga labi. "Galos lang ang nakuha niya mula sa aksidente."Narinig niya itong nagpakawala ng buntong-hininga. Mula sa mga papeles, nag-angat siya ng tingin dito at nakita itong umiiling."Hindi ko naisip na mangyayari ito sa kaniya. After all she's been through. Imagine, niloko mo na, naaksidente pa!" Umiling-iling ito habang inaayos ang ilang papel sa loob ng folder.Napalunok siya nang wala sa oras. Tama naman si Aliyah. Siya ang nagbib
TAHIMIK silang nasa hapagkainan habang kumakain. Ang katulong nila ay abala sa loob ng kusina habang gumagawa ng panghimagas, si Meagara naman ay nakatuon ang buong atensiyon sa kinakain nito."Sabing ako na nga, 'di ba?" natatawa niyang wika habang mataman na pinanonood ang ginagawa nito.kanina nang magpresinta siyang balatan ang shrimp, maging ang alimango na sinusubukan nitong buksan, tumanggi ang babae. Hindi niya alam pero ramdam niya ang biglang panlalamig nito.Agad siyang nakaramdam ng pangamba nang maisip na baka nagkakaganoon ito dahil sa babaeng si Narissa. Ramdam niya ang pag-iwas nito, pansin din niya ang pagiging mailap ng mga mata nito.Ngayon naman ay halos malukot na ang mukha nito sa inis dahil nahihirapan itong balatan ang hipon at alimango na kinakain. Dumukwang siya at kinuha ang alimango sa kamay nito at ang isang plato na mayroon maraming hipon."Bakit ba parang may problema ka? Pansin kong hindi ka mapakali." Naglakas-loob