“Oh kamusta naman ngayon ang masayang bagong kompletong pamilya?” pang-aasar ni Shine ng makapasok ako sa opisina niya. Natawa at nailing na lang ako sa kaniya. “Kamusta naman na ang puso mo?”
“Walang dapat kamustahin sa puso ko dahil okay lang ako.”“Sus okay nga lang ba?” pang-aasar pa niya.“Siya nga pala, nalaman mo na ba?” pag-iiba ko ng tanong sa kaniya. Sumeryoso naman ang reaksyon ng mukha niya.“Oo nalaman ko na, ang nagpakalat ng ganung klase ng balita ay si Ava Bautista. Masyadong malalim ang inggit ng taong yun sayo kaya mag-iingat ka sa kaniya. Base sa nakikita ko ay kaya niyang pumatay ng tao, hindi siya ganun lang Tiffany kaya mag-iingat ka sa kaniya.”“Hindi ko na siya kilala, matagal ko na siyang kasama sa iisang bahay at napakalayo niya sa totoong Ava na nakilala ko.”“Kahit nasa loob kayo ng iisang bahay dati ay hindi mo pa rin siya dapat pagkatiwalaan. Huwag mong babalewalain ang mga ginagawa“Bakit naman hindi? Hindi naman na nakakapagtaka kung maging sila ay maexpose sa tv, ang Daddy nila ay may-ari ng isang entertainment company samantalang ang Mommy nila ay model at artista. Walang masama kung susunod sila sa mga yapak natin.” ngumiti naman siya sa akin. “Yun lang ba ang problema?” baling niya naman sa lalaking nandito pa. “Yes Sir, yun lang po. Mauna na po ako.” paalam niya naman saka lumabas ng opisina. Muli akong sumimsim ng tsaa ko. Magugustuhan ba ng mga bata ang tungkol sa bagay na iyun? Magugustuhan lang naman siguro nila. Saka nagiging madalas na rin ang pagtawa at pagngiti ni Daniel. Hindi ko lang siya siguro napagtuunan ng pansin, nasasabi sa akin ng yaya nila na napapadalas ang pagkatulala niya sa tuwing may mag-amang magkasama siyang nakikita. Nangungulila lang siguro siya kaya siya ganun, matagal na siguro nila akong gustong tanungin pero hindi nila magawa o baka naman nahihiya lang silang magtanong. Nang m
Nakatitig ako ngayon sa mga anak kong abala ng inaayusan ng mga make up artist ng kompanya ni Samuel. Mabilis lang ang pagdaan ng araw, napapayag niya ang mga bata na maging model ng kompanyang ito. Napapangiti na lang ako habang tinitingnan silang dalawa. Bakas na bakas ang masayang mukha ni Sammy habang bahagya lang namang nakangiti si Daniel. Isinuot na sa kanila ngayon ang mga damit nila. “Look how happy they are,” “I know, napakaganda nilang pagmasdan.” “Saan pa ba mga magmamana kundi sa mga magulang.” Nilingon ko naman si Samuel na nasa gilid ko lang. “What? Kahit sino sinasabi na kamukhang kamukha ko si Daniel.” “Alam ko at hindi mo na kailangang ipangalandakan pa, kaya pati ugali at pagiging seryoso ay nakuha sayo.” napairap na lang ako sa kaniya, tuwang tuwa siya kapag laging sinasabi sa kaniya na, sa kaniya nagmana ang mga bata. Masaya naman akong ipinagmamalaki niya ang mga anak namin pero sumosobra na siya sa kahanginan niy
“Sorry for doing that,” “Don’t be sorry po kasi naiintindihan namin ni Kuya.” Ngumiti naman ako sa kaniya, wala na akong hihilingin sa kanilang dalawa dahil kahit na bata pa lang sila ay marunong na silang umintindi. “Ayan naaaaa,” excited pa niyang saad ng iserve na sa amin ang mga pagkain. Tahimik naman na kaming kumaing apat at napapatingin na lang kami ni Samuel sa magkambal sa tuwing magsasalita ang mga ito. Natatawa na lang din kami kapag nagkwekwento sila. Mas nagiging madaldal na rin ngayon si Daniel, nagkwekwento na rin siya sa mga nangyari sa araw niya. “Alam mo Mommy may minsan pa pong kalokohan yan si Kuya noong nasa London tayo, pinilosopo niya yung teacher namin sa sagot niya.” pagsusumbong pa ni Sammy. “Akala ko ba sekreto lang nating dalawa?” kunot noo pang tanong ni Daniel at mabilis namang napatakip sa bibig sa Sammy dahil sa sinabi niya. Natawa na lang kaming dalawa ni Samuel. “Sorry Kuya, wala namang nar
“Bumangon ka na muna diyan para makakain ka at makainom ng gamot.” Sambit ko, ibinaba ko na muna sa side table niya ang lugaw na niluto ko saka ko siya tinulungang umupo at isandal ang likod niya sa headboard ng kama niya. Ramdam ko ang init ng katawan niya, masyado kasing workaholic kaya nagkakasakit eh, siguro wala nanamang tulog ang lalaking ito habang nasa trip nila kaya nagkasakit.“Yung mga bata kumain na ba?”“Huwag mo silang alalahanin dahil bahala na si Anna sa kanilang dalawa.” Kinuha ko naman na ang lugaw saka siya sinubuan. Tiningnan pa niya ako bago niya isubo ang isinusubo ko sa kaniya. “Sa susunod kasi magpahinga ka rin, ganito ka na lang ba kapag sinasakit ka? masyado mong sinasarili.”“Sanay naman na ako ng mag-isa, walang mag-aasikaso kapag sinakit na.”“Ewan ko sayo Samuel, ang tanda mo na pero yang isip mo parang bata. Kung walang mag-aalaga sayo
“Noong gabing nakasama kita. May nakita ako sayo na hindi ko nakita sa iba.”“Ang pagiging mababang babae ko ba? Na naibigay ko ang pagkababae ko sa hindi ko kilala?”“Hindi, hindi dahil sa bagay na iyun. Pareho tayong lasing ng mangyari ang bagay na iyun. Alam ko ang ginagawa ko pero hindi ko mapigilan dahil sa init na nararamdaman ko. I’m so disappointed when I saw your money in the side table, karaniwan kasi sa mga ganung babae ay inaaway ang mga lalaki at pipilitin silang pakasalan ka lalo na kapag alam nilang mayaman ka. Mas lalo akong naging determinado na ipahanap ka ng kailangan akong ipakasal sa iba, nang lumipat ka sa pamamahay ko ay hindi ko namamalayang napapangiti na lang ako kapag nakikita kita. Nasaktan ako dahil pakiramdam ko niloko mo ako kahit na wala naman akong karapatan sayo. Asawa lang kita sa papel.” Dahan dahan niya akong pinaharap sa kaniya, nang makita niya ang mga lumandas na mga luha sa a
“Good morning mommy and daddy!” masayang bati sa amin ni Sammy at Daniel. Hinalikan ko naman sila sa pisngi. “Good morning, how’s your night?” “Okay lang naman po, medyo nanibago lang po kasi wala kaming katabi ni Kuya.” “I’m sorry baby, hindi ko na kayo napuntahan kagabi.” “Okay lang naman po. How’s your feeling Daddy? Magaling ka na po?” baling niya naman kay Samuel. Naghanda naman na ako ng mga pagkain sa lamesa. “Okay na ako baby, magaling na nurse ang Mommy niyo eh.” Mapangloko niya pa niyang saad sa mga bata. Sinamaan ko naman siya ng tingin. “Wala po talagang tatalo kay Mommy sa pag-aalaga, hindi ka niya iiwan hangga’t hindi ka nagaling.” “Kaya nga magaling na ang Daddy baby eh.” “What happened to you po ba Daddy, bakit ka sinakit?” tanong naman ni Daniel. “Medyo naging busy lang anak sa trabaho pero okay na ang Daddy.” Ngiti niyang saad, nilagyan ko naman na ng mga pag
Iniwan ko na muna ang mga bata sa mansion ni Samuel at umuwi na muna ako. Mabilis ko namang binuksan ang Ipad ko dahil dun sinend ng taong inuutusan ko sa pag-iimbestiga ang mahahalagang impormasyon. “Hello?” sagot ko ng may tumawag sa cell phone ko. [Confirm, ang kompanyang siyang pinapatakbo ng mga Santos ngayon ay hindi sa kanila kundi sa isang matalik nilang kaibigan na namayapa na maraming taon na ang nakakalipas.] “Ang ibig mo bang sabihin ay ibinigay sa kanila ang kompanyang iyun?” [Hindi, nagtataka lang ako sa mga nalaman ko at sigurado akong tama ang mga nakuha kong impormasyon. Mahirap lang ang mga Santos noon at kaibigan nila ang pamilyang Guerero na nagmamay-ari ng kompanya ng mga Santos ngayon. Namatay sa isang car accident ang mag-asawang Guerero pero noong inaalam nila kung anong naging sanhi ng aksidente ay walang sira yung sasakyan, ibig sabihin sinadya ang pagkamatay nila. May isang anak na babae ang mag-asawang yun p
THIRD PERSON POV “Gusto kong alamin mo ang bawat kilos ni Tiffany, masama ang kutob ko sa mga plano niya.” saad ni Samuel kay Noah. Nasa garden sila ngayon at dun nag-uusap. Iba ang pakiramdam niya sa nararamdamang galit ni Tiffany. Hindi niya rin alam kung bakit bigla na lamang inihabilin ni Tiffany ang mga anak nila sa kaniya. “Paanong iba ang kutob mo?” “Sa tingin ko may mga plano siyang hindi niya ipinapaalam sa akin. Gusto niyang mapabagsak ang kompanya ng mga Bautista at ganun na rin sa mga Santos. Parang may mali, alam kong may mali hindi ko lang alam kung ano kaya gusto kong alamin mo iyun. Alamin mo kung bakit yung galit niya ay mas lalong umapoy, pakiramdam ko poot na ang nararamdaman niya.” “Baka naman desidido lang talaga siyang mapabagsak ang mga taong nagpahirap sa kaniya noon.” “Hindi, dahil noong nakipagkasundo siya sa akin ay sinabi niyang tulungan ko siya pero ngayon kumikilos na lang siya
“Para saan ba talaga ang kwintas na yan Samuel?” panggugulo sa akin ni Noah. Ilang gabi ko na itong pinagpupuyatan at gusto ko ako mismo ang nagdesign ng kwintas na ‘to. Alam kong ang alam ni Tiffany ay marami akong ginagawa sa kompanya, ginagabi ako dahil pagkatapos ng trabaho ko ay ito naman ang ginagawa ko. Gusto kong maperfect ang design na ‘to. “Alam mo nagdududa na talaga ako sayo pare eh, pinakasalan mo ba si Tiffany dahil mahal mo siya o dahil lang talaga sa mana?” “Shut up.” “Masyado ka diyang seryoso, pre bagong kasal ka pero nandito ka sa opisina mo gabing gabi tapos yung asawa mo naghihintay sayo, kung naghihintay nga ba.” Napatigil na lang ako sa ginagawa ko dahil sa bwisit na bubwit na ‘to. “Joke lang, di ka naman mabiro.” “Get out, “Biro lang, sige na mananahimik na ako rito sa gilid.” “I said get out!” inis ko ng saad sa kaniya. Wala na siyang ginawa kundi ang bwisitin ako sa tuwing ito na ang ginagawa ko. Kakamot kamot naman siya sa ulong lumabas. Damn you Noah. G
Tahimik naman naming tinahak ang daan patungo sa kaniya. Gusto ko rin siyang makausap muna bago si Ava. Lahat naman kami nagkakamali, nakakagawa ng hindi tama. Nakakapag-isip ng hindi maayos, mapupuno ng galit ang puso mo at ang galit mo ay walang magandang patutunguhan, ang paghihiganti na akala mo ay makakapagbigay sayo ng satisfaction pero mali pala dahil hindi ka kayang pasayahin ng paghihiganti mo. Hayaan mong batas ang gumawa at tadhana na ang bahala.Ang mga akusasyon ni Ava na mali, masyado niya lang kasing napapansin ang mga taong nasa paligid niya. Hindi niya lang nararamdaman ang pagpapahalaga sa kaniya ng ibang tao dahil mas sinisilip niya ang iba.Mabilis naming tinahak ang daan papunta kay Ava matapos namin sa kaniya. Lumabas na rin ako sa kotse ng makarating kami, panay din ang yuko ng mga pulis na nakakasalubong ko.“Dadalawin ko sana si Ava Bautista.” Saad ko sa front desk. Pumasok naman na ako sa silid kung saan pw
Isang linggo na rin ang lumipas simula noong mangyari ang araw na yun. Noong mga nakaraang araw ay ramdam mo pa ang takot sa mga anak ko, halos hindi sila makatulog at makakain ng maayos. Mas pinili rin nilang manatili na lang sa loob ng bahay kaya medyo nahirapan talaga kaming kausapin sila pero ngayon okay naman na. Nakakatawa at nakakapaglaro na uli sila ng maayos at walang iniisip. “Daddy look out!” sigaw pa ni Daniel ng muntik tamaan ng bola ang Daddy niya. Mabilis namang nasalo ni Samuel ang bolang dapat ay tatama sa kaniya. Wala akong narinig kundi ang tawanan nilang mag-aama. “Mommy, ayaw mo po sumali?” “Kayo na lang muna baby, mas nag-eenjoy si Mommy na panoorin kayong naglalaro.” Sagot ko kay Sammy, nilingon naman ako ni Samuel at ngumiti kaya ngumiti na lang din ako. Masasabi kong kompleto na ang pamilya namin, wala ng ibang iniisip kundi ang kasiyahan ng bawat isa. “Bakit ang daya naman? Bakit kayo magkakampi?” rinig ko pan
“Pakiusap Samuel, makinig ka na lang.” “Pero Tiffany,” “Just listen to her, isipin mo ang mga anak natin. Hindi dapat nila ito nararanasan.” Nilingon ko naman siya at ipinakita ko sa kaniyang okay lang, magiging okay lang ang lahat. Wala naman na siyang nagawa at umatras na saka nakihalobilo sa mga taong nasa gilid. Nilingon ko naman si Ava. “Pakawalan mo na ang mga anak ko, ako lang naman ang kailangan mo at hindi sila. Nakikiusap ako sayo bilang ina, pakiusap Ava huwag mo namang iparanas sa mga bata ang ganitong klaseng pangyayari. Parang awa mo na.” “Oh sige, papayag ako. Meet your parents in paradise.” Anas niya saka itinutok sa akin ng mabuti ang hawak niyang baril. Lumandas sa pisngi ko ang maiinit na likido, nilingon ko si Samuel na nag-aalalang nakatingin sa akin. Ang mga anak ko ang mahalaga sa akin sa mga oras na ito, hindi dapat ‘to nangyayari dahil alam kong tatatak sa isip nila ang lahat. Naipikit ko na lamang
Dahil sa pag-uusap naming dalawa kahapon ay nakaramdam ako ng kaunting ginhawa. May ngiti akong pumasok ngayon sa kompanya niya at nababati ko na pabalik ang mga empleyado niyang bumabati sa akin. Ngayon na rin namin itutuloy ang naudlot na photoshoot namin kahapon. “Sigurado ka ng itutuloy natin ang photo shoot?” “Oo naman, ang tagal na nito saka medyo okay na ako oh.” Ipinakita ko pa sa kaniya ang ngiti kong hindi pilit kaya natawa na lang siya. “Okay, let’s go.” Anas niya kaya sabay na kaming nagtungo kung saan gaganapin ang photoshoot. Inayusan naman na ako ng make up artist saka ko isinuot ang damit na gagamitin ko. Alam kong magiging maayos din ang lahat, tiwala lang. “Okay ready!” muling sigaw ng photographer kaya umayos na ako saka ako ngumiti sa camera. “Good, nice one!” pagpupuri niya, inayos ko naman na ang performance ko ngayong araw dahil hindi na pwedeng macancel pa ito. Alam ko rin namang marami pang gagawin ang mga
Tumayo naman na ako at nilibot ang bahay na ‘to. Nakasunod lang naman si Nanay Belen habang kwenekwento niya ang tungkol sa mga magulang ko. Pumasok din kaming dalawa sa kwarto niya at ibinigay sa akin ang isang photo album, kinuha ko naman iyun at binuklat. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang lumalandas ang mga luha ko. Nahaplos ko na lamang ang imahe ng mga magulang ko habang masayang nakatingin sa akin. Base sa nakikita ko ay galing talaga ako sa masaya at mapagmahal na pamilya, ipinagkait lang sa akin ng mga Santos ang bagay na yun.Nakita ko rin ang picture naming dalawa ni Ava ng magkasama at ganun na rin ng mga magulang niya. Magiging matalik sana tayong magkaibigan kapag nagkataon, kapag hindi lang nangyari ang lahat ng ito.“Alam po ba ni Ava ang tungkol sa ginawa ng mga magulang niya?”“Hindi niya alam ang tungkol sa bagay na yun, nalaman niya lang na hindi kayo tunay na magkapatid ay noong bago
“Okay ready!” sigaw ng photographer ng maiset na nila ang lahat. Tumayo naman na ako sa gitna at sinubukan kong ituon dun ang atensyon ko pero parang hindi ko magawa. “Ms. Tiffany, may problema po ba?” umiling naman ako sa photographer saka sinubukan uling ngumiti sa camera pero naibaba na lang niya ang paningin niya sa camera. “Nakangiti ka pero hindi ang yung mga mata, magpahinga na po muna tayo dahil alam ko namang kagagaling niyo lang sa hospital.” “No its’s okay, wala pa tayong nasisimulan tapos pahinga agad?” “Okay lang po Ms. Tiffany hindi rin naman po tayo makakapagsimula kapag ganiyan pa rin ang itsura niyo.” Anas niya, napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko lang talaga maituon yung atensyon ko sa shoot. Naupo naman na muna ako sa couch at uminom ng tubig, hindi ko naman na nilingon kung sino ba ang umupo sa tabi ko. Nakakailang buntong hininga na ako, inaalala ko pa rin sila Mommy at Daddy, naging magulang ko rin naman sil
“Naku Ma’am kami na po rito, magpahinga na lang po muna kayo ron. Kalalabas niyo lang po ng hospital eh.” Pagtatanggi niya naman. “Just listen to her Tiff, magpahinga ka na muna.” Singit naman ni Samuel na bagong pasok ng kusina. “Pero nababagot na ako, pakiramdam ko tuloy hindi na nagana iba kong kalamnan dahil sa tagal kong nakatulog at nakahiga sa hospital.” “Sinabi naman ng Doctor na huwag mong bibiglain ang sarili mo diba? Ano bang gusto mo magtrabaho pagkatapos ay manatili nanaman sa hospital? You choose.” Napabuntong hininga na lang ako, ang galing talaga magpapili. Wala naman na akong nagawa ng hawakan niya ang kamay ko at naglakad kami papasok ng kwarto niya. “Ano bang gagawin natin dito?” “Sinabi ko naman sayong magpahinga ka na muna.” “Pero pwede naman sa pool o sa garden na lang ako, huwag lang sa kwarto.” Pinaupo niya naman ako sa kama niya habang nakatayo siya sa harapan ko kaya tiningala ko siya.
Mabilis namang lumipas ang mga araw. Masaya akong makakalabas na rin ako ng hospital, hindi naman nagmukhang hospital yung room ko dahil feeling ko nasa bahay lang ako. Pinadala naman na lahat ni Samuel ang mga gamit namin sa mga body guard niya kanina kaya wala kaming dala dala ngayong naglalakad palabas ng hospital. “Diretso na ba tayo sa bahay?” “Oo naman, saan mo pa ba balak pumunta? Namimiss ko na ang mga bata kaya sila muna ang pupuntahan ko.” “Baka gusto mo lang kasing pumunta muna sa condo mo.” “Dun na muna tayo sa mga bata. Gusto ko na silang makita.” Saad ko, hindi naman na umimik pa si Samuel. Marami na siyang nabiling mga pasalubong sa mga bata dahil iniutos niya na ito sa mga tauhan niya. Halos tatlong linggo ko silang hindi nakita kaya alam kong katulad ko ay nalulungkot din sila. Halos hindi ako makapaghintay bumaba ng buksan na ng mga security guard niya ang gate. Nang maiparada na rin ni Samuel ang sasakyan