"Are you happy with my surprise, Tita?"I couldn't describe the fear in Tita Azon's face as soon as she realized that the woman in the wheel chair is alive. She tensed and paled, para siyang nakakita ng multo..buhay na multo. Kung pwede lang siguro na tumakbo ito palabas ginawa niya na. But she can't do that 'coz my husband's men were already down stage.Her mouth parted as she looked at me. Nawala ang kaninang kumpyansa at yabang niya sa sarili. Pati si Tito Art na paiyak-iyak pa kanina parang natuklaw ng ahas. Ah hindi pala dahil siya pala mismo ang ahas. Ang anak naman nilang si Ariella, biglang nawala yung angas niya, namumutla din ang mukha nito. Hindi ko alam kung takot dahil sa kaalamang buhay ang mommy at daddy ko o sa katotohanang alam niya ang ginawa ng mga magulang niya? And this could be their end."What? You're not surprised, Tita, Tito? Did I fail?" Kunwari malungkot kong tanong.Hindi pa rin gumagalaw si Tita Azon at Tito Art kulang ang salitang gulat para ilarawan ang
"Ano Ariella, gusto mo pa?" She glared at me. "Sagot!" pero nanatili itong tahimik, takot si gaga. "Weak ka pala e. Sige na Sir, dalhin niyo na po ang mga yan." "A-adrianna Nak,baka nagkakamali ka lang. You know how much we value our family. We are family baby. Kahit hindi ka nanggaling sa amin ni Mommy Azon mo, we treated you as our own. Kaya kung sino man ang nagsabi sayong kami ang nag-utos para maaksadinte kayo ng gabing yun hindi yon totoo nak." Tito Art said with matching paiyak -iyak pa. Ang galing talagang magdrama. Luluhod pa sana ito pero hindi niya na nagawa ng biglang sumulpot si Daddy Andrew sa harapan niya at sunod-sunod na malalakas na suntok ang ginawa sa kanya. "Don't you dare call my daughter your own Art. Ang kapal ng mukha mong tawaging anak ang anak ko pagkatapos mong pagtangkaan ang buhay namin." umiling-iling si Tito Art. "Dont try to deny it, Martinez, I've already spoken to Baldo." Si Baldo ang tauhan ni Daddy na nakita kong inabutan ng pera ni Tito Art b
"Lablab mo po Momma ko?" I heard my little Aaden's cute voice talking to his dad. Nasa banyo silang dalawa ngayon. Si Gaden ang nagpaligo sa bata kasi masama ang pakiramdam ko kanina pagkagising ko.Gaden is a very hands on dad. Since then, he's the one who is taking care of everything. From Aaden's feeding bottle, changing his diaper, playing with him, swimming lessons, teaching basic abc's, taking him to nap,si Gaden lahat ang may gawa. Kaya hindi na din ako nagtataka kung sobrang close nilang mag-ama."Yes young man, I love your mama very much...like this." sumilip ako. Nakita kong nakadipa si Gaden pinapakita sa bata kung gaano kalaki ang pagmamahal niya sa akin. "Aaden love love momma like this." ginaya din ni Aaden ang ginawa ng Dada niya kaya sabay silang nagtawanan dalawa. Parang sumasayaw ang puso ko sa tuwa. Imbes na papasok ako para ibigay ang tuwalya hinayaan ko muna silang dalawang mag-usap.Nagtago ako sa likod ng pintuan at tahimik na nakikinig sa usapan nilang mag-
"What happened, young man? What's wrong?"Pagkalabas ko buhat niya na si Aaden. May suot na din siyang t-shirt at sweat pants. Pero malaki pa rin ang bukol sa harapan niya, mukhang hindi pa humuhupa ang gyera. Pinapatahan niya ang bata. Nakatago ang mukha nito sa leeg na dada niya at mahigpit na nakayakap ang mga kamay sa batok ng asawa ko.Naunang lumabas si Gaden sa akin dahil kailangan ko pang maglinis ng katawan at magbihis. Hindi na nga namin natapos ang labing-labing naming dalawa at mabilis na naglinis ng katawan si Gaden dahil umaatungal na ang bata sa labas.This is the first time I heard him cried like that like he was so scared of someone or something. Sanay naman itong naglalarong mag-isa lalo na kapag alam niyang andito lang din kami ng dada niya sa paligid. But this time, I don't know why he cried like that kahit narinig niyang andun lang kami ng daddy niya sa loob ng banyo."Aaden Clay, what's wrong?" masuyo kong tanong sa kanya.Umiiyak pa rin si Aaden kahit buhat na i
"What the hell happened to you, Montenegro? I told you, you're not a criminal. Mabuti na lang hindi mo napuruhan ang gagong yun. Do you really think killing him would end all these? Tangna Montenegro, mag-isip ka naman. Wag mong palaging pairalin ang galit mo." I don't know what to say so I kept quiet while sitting beside my husband who is now also being silent while listening to Kuya Nate who is scolding him since he came back this morning. He's usually composed and quiet but this time kanina pa ito nagsasalita. Last night when Gaden told me that he killed someone parang nablangko ang utak ko. It took time for me before I could process what he said. Mabuti na lang at dumating si Kuya Nate at iba pa niyang mga tauhan dito sa bahay dahil hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.Sila ang nag-asikaso dun sa tauhan nilang nagtangkang kunin si Aaden kagabi. When we checked the cctv last night, we saw that guy in the terrace trying to come inside. Sinakto niyang maiwan mag-isa ang bata
Hello Avangers ko! This is The Billionaire's Temptation 's last chapter. It's been a tough journey for me and I want to thank all of you Avangers ko for being with me. Salamat sa hindi niyo pag-iwan sa akin at sa patuloy niyong pagsuporta sa mga akda ko.Sana may natutunan kayo sa kwento ng pagmamahalan nina Gaden at Addy. Maraming salamat po sa inyong lahat. Epilogue will be divided into 10 parts (Gaden's POV).Salamat kaayo sa inyong tanan!Amping, Avangers!__________________________________________________"Will you please stop talking Montenegro, ang ingay mo po." Annoyed kong sita sa asawa ko pero with respect pa rin. Respeto sa mga matanda at pa-expire kong asawa. Sa makunat na Gors na feeling bagets na ayaw akong tantanan.Kanina niya pa ako dinadaldal pero wala ako sa mood. For what reason? Muli ko na namang naalala ang lahat ng sinabi ni Ariella dun sa event. I know she's just making the stories na may pangako si Gaden sa kanyang kasal pero ewan ko ba kumukulo talaga ang
Gaden's POV"Tag-singko, tag-singko, tag-singko na lang!"" Sibuyas, kamatis, bawang, luy-a, tag-singko, tag-singko na lang!""Bili na mga Ma'am, mga Sir, tag-singko na lang!""Miss beautiful, may discount dalawang supot sampong piso na lang!"Ito ang sinisigaw ko kapag nagtatawag ng mga customer dito sa palengke. Katatapos lang ng klase ko sa hapon at dito ang ruta ko sa Bangkerohan public market ngayon. Mula sa Magallanes Elementary School, nilalakad ko lang ang papunta dito sa palengke para maninda ng sari-saring gulay at mga rekado para kahit papano makatulong ako sa mga gastusin namin ni Mama.Maliit pa lang mulat na ako sa kahirapan. Kung saan-saan kami napapadpad ni Mama at nitong huling tatlong taon dito kami sa Davao. Wala akong permanenteng kaibigan dahil wala kaming permanenteng bahay. I grow up not knowing my father. Kami lang dalawa ni Mama ang magkasama noon pa pero ni minsan hindi ko siya tinanong kung saan ang tatay ko. Masaya na ako kahit kaming dalawa lang ni Mama
A week after my graduation in grade six, nagulat na lang ako ng biglang nagtanong si Mama sa akin na kung ayos lang ba sa akin na luluwas kami ng Maynila. May nag-offer daw ng trabaho sa kanya bilang waitress doon. May mga taga Manila daw na kumain sa karenderya na pinagtatrabuhan niya na naghahanap ng mga empleyado para sa bagong bukas na resto. Maganda daw ang offer sa kanya, mas malaki ang sahod kesa sa trabaho niya ngayon bilang washer plus may kasama pang accomodation para sa amin.That means new place, new adjustments. I have to leave again the life I had in Davao and start a new life in Manila. Pero wala akong problema kahit saan man, ayos lang sa akin. Ang mahalaga para sa akin ay kasama ko si mama saan man kami mapadpad. I trust my mother's choice. I will always honor whatever decisions she make."Sol, ito ang magiging tirahan niyo ng anak mo." Inilibot ko ang tingin sa apartment na sinabi nung manager ng resto kung saan magtatrabaho ang mama ko. Siya yung sinasabi ni Ma