Nanginginig ang aking kamay habang hinihintay na sagotin ni Chairman Marcelo ang tawag ko. Kakapalan ko na ang pagmumukha ko.
"Hello? Sino po sila? Ako po ang personal assistant ni Chairman Marcelo." "A-Anabelle Enriquez po, Sir. Pwede ko po bang makausap si Chairman?" sagot ko habang kinakagat ang aking pang-ibabang labi. "This is Chairman Marcelo of Del Fuego Industries -" "Good evening po, Chairman. Si Anabelle po ito. Pasensiya na po kung napatawag ako sa ganitong oras." "Anabelle? Ikaw ba 'yung babaeng tumulong sa akin kanina?" "Yes po. Ako nga po," nahihiyang saad ko. "Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo, hija? I forgot to ask your name earlier dahil mukhang nagmamadali ka habang ang apo ko namang si Raheel ay hindi makausap ng maayos." Tiningnan ko si Nanay. "Ayos lang po. Walang problema sa akin 'yon." "Kumusta na pala ang Nanay mo?" Hindi ako nakasagot agad. Nanatili lang akong nakatitig kay Nanay habang kinukuskos ang kuko ko. Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko. Para na ring binenta ko ang sarili ko sa taong mayaman. Dinaig ko pa ang bayarang babae sa gagawin kong desisyon. "Nandiyan ka pa ba, Ana?" "Y-Yes, Chairman." "Nakapagdesisyon ka na ba, hija?" Napapikit ako sa tanong niya. "Yes po. Kaya po ako tumawag sa inyo dahil -" "Sinong kausap mo, Lolo?" Bumilis ang tibok ng puso ko nang narinig ko ang boses ng apo niya. "Kaibigan ko lang. Kumusta ang paghahanap niyo kay Andrea? Nakita niyo na ba siya?" sunod-sunod na tanong ni Chairman Marcelo sa apo niya. "May nakapagsabi sa amin na pumunta raw siya sa ibang bansa. Aalis ako ngayon para hanapin si Andrea -" "Sa ganitong oras, Raheel? You can't leave the country without my permission!" "But Grandpa, I need to find her!" sigaw ni Raheel. "Hindi ka pa rin ba natatauhan, Raheel? Ayaw niya sa 'yo! She doesn't love you. Ginagamit ka lang niya. Huwag kang maging bulag dahil lang sa pag-ibig, hijo. Kung mahal ka niya, hindi siya aalis ng bansa lalo na't sa susunod na araw na ang kasal ninyo!" Ilang minuto rin silang nagsisigawan sa kabilang linya. Pinipilit ni Raheel si Chairman Marcelo na payagan siyang lumabas ng bansa para hanapin ang fiance niya. "You will not leave the house, Raheel. Kung susuwayin mo ang sinabi ko, wala kang makukuhang mana galing sa akin, at hindi kita kikilaning kadugo!" Napapikit ako nang narinig ang pagkabasag ng isang bagay at ang malakas na pagsarado ng pinto. "Nandiyan ka pala, hija. Akala ko ay pinatay mo na ang tawag," saad ni Chairman Marcelo. Bumuntong hininga siya. "Narinig mo pa tuloy kaming nag-aaway ng apo ko." "Pasensiya po kung hindi ko sinasadyang pakinggan ang pinag-usapan niyo." "Ayos lang, hija. Ako dapat ang humingi ng pasensiya sa 'yo sa inaasal ng apo ko kanina." Tumikhim si Chairman Marcelo. "Saang hospital pala naka-confine ang Nanay mo?" "Sunrise Medical Center po, Chairman. Ah, Chairman Marcelo, baka po nakakaabala na ako sa inyo, tatawag na lang ulit ako kapag nakapagdesisyon na ako. Pasensiya po sa abala." Huminga ako ng malalim pagkatapos kong ibaba ang tawag. Isinubsob ko ang mukha ko sa aking mga braso. Akala ko buo na ang desisyon ko na magiging kapalit sa bride ng apo niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong pinanghihinaan ng loob para sabihin kay Chairman Marcelo na pumapayag na ako. "Ate Anabelle, may naghahanap po sa inyo sa labas." Napabalikwas ako ng bangon nang narinig ko ang sinabi ni Lara. Inayos ko muna ang sarili ko bago tumayo upang tingnan ang taong naghahanap sa akin. Umawang ang labi ko nang nakitang nakatayo si Chairman sa harapan ng pinto habang nakaupo naman sa bankanteng upoan ang apo niya. Nahihiyang nilakihan ko ang pagbukas ng pinto para papasokin sila. "Magandang araw po, Chairman Marcelo," bati ko. Bumaling ako kay Lara. "Bumili ka muna ng maiinom nila," utos ko sa kaniya na agad niya namang sinunod. "Pasok po kayo, Chairman." "Pasensiya na, hija, kung hindi ako nakapagpaalam sa 'yo na bibisita kami ngayong araw," sabi ni Chairman Marcelo pagpasok niya sa loob ng kwarto. Tumingin siya kay Nanay at naglakad patungo roon. Tinupi ko ang bedsheets na nasa sahig. Sinulyapan ko si Raheel. Nahuli ko siyang nakatitig sa akin. Halos hindi maipinta ang mukha niya nang nagtama ang dalawa niyang kilay. Napalingon ako sa pinto nang bigla itong bumukas at pumasok si Dr. Santos. "Good morning, Chairman Marcelo. Ito po ang medical records ni Mrs. Enriquez na hinihingi niyo sa akin," sabi Dr. Santos. May ibinigay siyang papel kay Chairman. Tumingin si Dr. Santos sa akin. May ibinigay rin siyang papel sa akin. "Kailangan niyo po itong pirmahan para sa operasiyon ng Nanay niyo, Ma'am." Bumaba ang paningin ko sa papel na ibinigay ni Dr. Santos. "W-Wala pa po akong pera para sa operasiyon ni Nanay, Dok." "Chairman Marcelo will pay everything. Wala ka ng kailangang bayaran, Ma'am," saad ng doktor. Lumipat ang paningin ko kay Chairman Marcelo. Nasa kay Nanay ang paningin niya. "M-Maraming salamat po, Chairman. Pero -" "Ako na ang bahala sa lahat ng mga gastosin dito sa hospital, hija. Pirmahan mo na lang 'yan para sa operasiyon ng Nanay mo," sabi niya nang hindi man lang lumilingon sa akin. Lumapit ang isa niyang tauhan sa akin. May ibinigay rin siyang papel. Halos lumuwa ang eyeballs ko nang nabasa ang isang kontrata. "Ang kailangan mo lang gawin ay pakasalan ang apo ko kapalit ng perang gagamitin sa operasiyon ng Nanay mo," dagdag ni Chairman Marcelo."Dearly beloved, we are gathered here today in the presence of God and these witnesses to join Raheel and Anabelle in holy matrimony. Marriage is a sacred union, a commitment of love and devotion between two souls." The priest looks at us, smiling warmly.Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahawakan ito ni Raheel. Nakatitig siya sa akin na para bang hinihila niya ang kaluluwa ko palabas. Mabilis ang tibok ng puso na siyang nagpadagdag ng kaba ko. Tumingin ang pari sa kaniya. "Raheel, do you take Anabelle to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish until death do you part?"Humigpit ang paghawak niya sa mga kamay ko. Kinakabahan ako habang hinihintay siyang sumagot. Nakasalalay sa mga kamay niya ang buhay ni Nanay. Pagkatapos ng kasal namin ay saka pa ooperahan si Nanay. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Chairman Marcelo. Siguro naiinip na rin siya
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Raheel. Tama naman siya. Hindi namin parehong ginusto ang kasal na 'to. Pagkatapos kong magbihis, inayos ko muna ang higaan ko. Ako ang matutulog sa sahig habang siya naman ay sa kama matutulog. Tinanggal ko rin ang ibang palamuti na inilagay sa buhok ko at sinuklay-suklay ko ang mahaba kong buhok. Nang matapos na akong magsuklay ay roon pa lang ako lumabas ng kwarto para balikan ang ibang panauhin. Pagbaba ko nang hagdanan, nakita ko sina Chairman Marcelo at Raheel na nag-uusap. Sumilip ako sa labas, umuwi na ang ibang guest dahil wala na akong nakita. Nginitian ako ni Chairman Marcelo nang nag-angat siya ng tingin sa akin. Kumaway siya sa akin at pinapapunta sa kinaroroonan nila. "Nagustohan mo ba ang mga binili kong damit para sa 'yo?" tanong ni Chairman Marcelo habang sumisimsim siya ng tsaa. Tumango ako at umupo sa tabi ni Raheel. "Maraming salamat po. Nag-abala pa po kayo," nahihiyang saad ko. May kinuha si Chairman Marcelo sa bulsa
Bumaba ang paningin ko sa sahig nang may nakita akong tumutulong dugo. Napabuga ako nang hangin nang napansin ang sugat sa daliri niya. "May sugat ka," sabi ko. Itinago niya ang kamay niya sa akin. "I know. Hindi naman ako manhid. Matulog ka na," malamig niyang sabi. Naglakad siya patungo sa cabinet, may hinahanap siya roon. Bumalik ako sa pagkakahiga habang pinagmamasdan siya sa ginagawa niya. Ginagamot niya ang kaniyang sugat. Ipinikit ko ang mga mata ko matulog dahil maaga pa ako bukas. Pupuntahan ko si Nanay at ibibigay ko rin ang sahod ni Lara. Napabalikwas ako ng bangon nang may narinig akong kumalampag sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung anong oras na kaya tumingin ako sa wall clock. Pasado alas dos pa ng madaling araw. Sinilip ko si Raheel, nakatagilid siya at niyayakap ang sarili. Huminga ako ng malalim bago umahan. Naghanap ako ng kumot sa cabinet at ibinalot ito sa katawan niya. Hinaan ko rin ang aircon para hindi siya gaanong lamigin. Kinabukasan, nagising ako na w
Tumayo ako at ibinalik sa kanya ang mga pagkaing dinala niya. "Hindi pera ang habol ko sa pamilya mo, Raheel. Kung may ibang paraan lang para mailigtas si Nanay ay hindi na ako pumayag na ikasal sa taong kagaya mo. Alam kong kinasusuklaman mo ako pero huwag mong ipamukha sa akin na pera-pera lang ang lahat. Pinakasalan kita dahil kapalit ng pagpapakasal ko sa 'yo ay ang kaligtasan ni Nanay. Pero hindi ibig sabihin no'n ay mukha na akong pera," sabi ko. Nagkibit-balikat siya at kinuha ang supot. "Fine. Hindi mo naman 'to kailangan dahil binigyan ka ni Lolo ng pera, right?" Itinapon niya sa basurahan ang mga pagkain. Kumukulo ang dugo ko sa galit habang pinagmamasdan siyang isarado ang basurahan. "Ano ba ang meron sa 'yo at bakit gustong-gusto ka ni Lolo para sa akin? We don't even know kung saan ka galing. Basta-basta ka na lang pumasok sa mga buhay namin. He forced me to marry you. Hindi niya man lang ako hinayaang pumili kung sino ang gusto kong makasama sa buhay ko." "Sa tingin m
Dalawang linggo na ang nakaraan mula nang natapos ang operasyon sa puso ni Nanay. Sa awa ng Diyos, matagumpay ang operasyon. Kagigising niya lang kahapon. Halos awayin ko na ang doktor sa kakatanong kung matagumpay ba talaga ang operasyon dahil ang tagal niyang nagising. Under monitoring pa rin si Nanay. Ang bilin ng doktor ay huwag daw muna siyang magsasalita. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Kahit kating-kati na akong makipag-usap kay Nanay, pinigilan ko ang sarili ko. "Ate Ana, kumain po muna kayo. Pupunta muna ako sa school," sabi ni Lara pagkatapos niyang kumain. "Sige. Ako na ang bahalang maglinis diyan. Baka mahuli ka pa," saad ko. Tumayo ako at kinuha sa kaniya ang mga plato. Habang kumakain, abala rin ako sa kaiisip kung papaano ko sasabihin kay Nanay na ikinasal ako nang wala siya. Ayokong ilihim sa kaniya ang totoo. May karapatan siyang malaman dahil anak niya ako. Pero takot ang nangingibabaw sa akin ngayon. Natatakot akong sabihin sa kaniya dahil baka mabigla siya at
Nanatili ako sa labas ng kwarto ni Nanay dahil nagwawala siya kapag nakikita niya ako. Magdadalawang oras na ako sa labas habang hinihintay na kumalma si Nanay. Wala akong ibang hinihiling kundi ang gunaling siya. Hindi ko aakalain na panunumbat ang makukuha ko sa kaniya matapos kong gawin ang lahat mailigtas lang siya. Hindi ko matanggap na kinamumuhian ako ng sarili kong ina. Ako ang sinisisi niya kung bakit siya itinakwil ng pamilya niya at hindi siya nakatapos sa pag-aaral. "Miss Anabelle..." Agad akong nag-angat ng tingin kay Dr. Santos nang nakita ko siyang lumabas ng kwarto. Tumayo ako at nilapitan siya. "Nakausap ko ang isa sa pamilya ng Nanay mo. Pupunta raw sila rito." "Talaga po? Paano niyo po nalaman ang -" "Ang Nanay mo mismo ang tumawag sa kaniya." Bumuntong si Dr. Santos. "Pinapasabi niya rin pala na ayaw ka raw niyang makita. Hindi raw siya magdadalawang-isip na magpakamatay kung makikita ka niya ulit." Bumagsak ang balikat ko. Para akong binuhosan ng malamig na
Bumaba ako sa kama at inayos pinulot ang damit niya na nasa sahig. Pag-angat ko ng tingin, dumapo ang mga mata ko sa isang papel na nasa drawer niya. Naglakad ako patungo roon para tingnan sana ito, ngunit biglang bumukas ang pinto. "Bakit mo hawak ang damit ko?" tanong ni Raheel. Marahas niyang hinablot ang marumi niyang polo sa kamay ko at itinapon ito sa basurahan. "Don't touch my things." "Hindi ko naman pinapakialaman ang mga gamit mo. Ilalagay ko lang sana sa -" "I don't care, Anabelle. Just don't touch my things. Huwag kang umakto na mapagmahal, mapag-aruga, at mabuting asawa sa akin kapag tayong dalawa lang." "Sorry. Hindi na mauulit. Hindi mo na kailangan pang sabihin ang mga 'yon sa akin." "Mabuti na 'yung alam mo." Naglakad siya patungo sa pinto at binuksan ito. Napatingin ako sa kaniya. "The door is open. Grandpa is not here. You can use the guest to sleep. Ayokong may kasama ako sa kwarto ko." I had no choice but to leave his room and use the guest room. Hindi ko al
Maraming tao sa loob ng kompanya nila. Pakiramdam ko ako lang ang naiiba sa lahat. Ang ganda-ganda ng mga kasuotan nila. Halatang mamahalin ang mga ito. "Your wife is here," saad ng lalaking misteso nang pumasok kami sa opisina ni Raheel. Nakaupo sila sa couch habang nagyoyosi. Kaya ko nalaman na opisina niya ito dahil may nakalagay na office of the CEO sa labas ng pinto. "These are my friends, Anabelle," sabi ni Raheel. Bakas sa tono ng pananalita niya na labag sa loob niya ang pagpunta ko rito. "Kaya pala hindi mo kami inimbitahan sa kasal mo dahil -" Hindi natapos ng lalaking may mahabang buhok ang sasabihin niya nang taponan siya ng masamang tingin ni Raheel. Ngumisi siya at tumayo saka lumapit sa akin. "Logan. You're so beautiful. I hope he will not give you a hell life, Miss Belle." "Shut up, Logan. I had no choice but to marry her para ibigay ni Lolo sa akin ang posisyon." Pinasadahan niya ako ng tingin. "She married me without knowing that she's just ruining her life," s