"Dearly beloved, we are gathered here today in the presence of God and these witnesses to join Raheel and Anabelle in holy matrimony. Marriage is a sacred union, a commitment of love and devotion between two souls." The priest looks at us, smiling warmly.
Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahawakan ito ni Raheel. Nakatitig siya sa akin na para bang hinihila niya ang kaluluwa ko palabas. Mabilis ang tibok ng puso na siyang nagpadagdag ng kaba ko. Tumingin ang pari sa kaniya. "Raheel, do you take Anabelle to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish until death do you part?" Humigpit ang paghawak niya sa mga kamay ko. Kinakabahan ako habang hinihintay siyang sumagot. Nakasalalay sa mga kamay niya ang buhay ni Nanay. Pagkatapos ng kasal namin ay saka pa ooperahan si Nanay. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Chairman Marcelo. Siguro naiinip na rin siya dahil hindi pa sumasagot si Raheel. "I do," sagot niya. Nakahinga ako ng maluwag. Huminga ako ng malalim nang tingnan ako ng pari. "And Anabelle, do you take Raheel to be your lawfully wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish until death do you part?" "I do," diretsong sagot ko. "By the power vested in me and in the presence of God, I now pronounce you husband and wife. You may seal your vows with a kiss." Napalunok ako nang bigla niya akong hilahin palapit sa kaniya. Kumurap-kurap ako ng tatlong beses habang nakatingin sa mapupula niyang labi. Hinawakan niya ang pisngi ko habang nasa baywang ko ang isa niyang kamay. Nanatiling nakabuka ang mga mata ko nang naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Ipinagsiklop niya ang mga kamay namin pagkatapos niya akong halikan. "Ladies and gentlemen, it is my honor to present to you Mr. and Mrs. Del Fuego. May your love continue to grow stronger with each passing day. You may now walk hand in hand into the journey of marriage, guided by love, respect, and understanding." Pagkatapos ng kasal ay dumiretso na kami sa mansiyon nila dahil 'yon ang kagustohan ni Chairman Marcelo. Ayaw niya sa maraming dahil mabilis lang siyang nahihilo. Hindi rin makakabuti sa kalagayan niya kung magtatagal pa kami sa simbahan lalo na't sobrang init ng panahon. Nagkaroon ng kaunting salu-salo sa bahay nila. Kaunti lang din ang imbitado sa kasal, hindi lalagpas sa tatlumpong tao. Sa tuwing tinatanong ako ng ibang panauhin kung saan kami nagkakilala ni Raheel at kung sino ang mga magulang ko, palaging iniiba ni Chairman Marcelo ang usapan. Nagpapasalamat ako dahil palagi siyang nakabuntot sa aming dalawa ni Raheel. Ayoko rin namang mapahiya ko ang pamilya nila. Hindi rin nagtagal ay nagsiuwian na ang ibang mga panauhin. Nagpaalam ako kay Chairman Marcelo na magbibihis muna ako ng damit dahil hindi ako kumportable sa suot kong wedding gown. Kanina ko pa kasi ito sinusuot at medyo nangangati na ang katawan ko. Huminga muna ako ng malalim bago nilapitan ang kanilang kasambahay para magtanong kung saan ang room namin. Hindi ako pamilyar sa pamamahay nila dahil first time kong nakapunta dito. "Excuse me po, pwede po bang magtanong?" nahihiyang tanong ko sa matandang kasambahay na nag-aayos sa sala. Nakangiti siya nang lingonin niya ako. "Yes, Ma'am. Ano po 'yan?" "Alam niyo po ba kung saan ang kwarto ko? Magbibihis sana ako dahil nangangati na ang buong katawan ko." "Kwarto po ba ni Sir Raheel ang tinutukoy niyo, Ma'am?" tanong niya sa akin. Napakagat labi ako bago tumango. "Sasamahan ko na lang po kayo. Doon kasi pinalagay ni Chairman Marcelo ang mga gamit niyo, Ma'am. Nasa iisang kwarto lang po kayo dahil mag-asawa naman kayong dalawa," sabi ni Manang. Nakasunod lang ako kay Manang habang nauuna siyang naglalakad paakyat ng hagdanan. Nasa ikalawang palapag pala ang kwarto namin. Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mamangha sa sobrang ganda ng palamuti sa bahay nila. Mukhang mamahalin ang lahat ng mga 'to. Huminto kami sa harap ng kwartong nasa gitna. Katabi ito ng guest room. "Dito po ang kwarto niyo, Ma'am. Kung may iba pa po kayong kailangan, tawagin niyo lang po ako. Ako po pala si Lita," sabi ni Manang Lita. "Maraming salamat po," saad ko at hinawakan ang pintuan. Pagpasok ko sa loob, tumindig ang lahat ng balahibo ko nang dumapo sa balat ko ang malamig na hangin na nanggagaling sa nakabukas na bintana. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at isinara ito. Hinanap ko ang switch ng kwarto dahil madilim sa loob, hindi ko maaninag ng maayos kung saan nila inilagay ang mga gamit ko na binili raw ni Chairman Marcelo para sa akin. Napatalon ako nang biglang bumukas ang mga ilaw. Nakita ko si Raheel na nakatayo sa harap ko. Bumaba ang paningin ko sa katawan niya. Katatapos niya lang siguro maligo dahil naaamoy ko ang body soap niya. "T-Tapos ka na bang gumamit ng banyo? Magbibihis sana ako," tanong ko. Lumapit ako sa aking closet nang nakita ko ang mga damit na pangbabae. Ito siguro ang mga pinamiling damit ni Chairman sa akin. "Bakit ka pa sa banyo magbibihis kung pwede namang aa harapan ko?" sarkastikong tanong niya. Napahinto ako sa pagpili ng damit at nilingon siya. Nakita ko siyang binubuklat ang makapal na bedsheets sa sahig. Nakasuot na rin siya damit at short. "We will sleep separately. Kasal lang tayo sa papel. Pinakasalan kita para makuha ko ang mana kay Lolo at pinakasalan mo rin ako para mailigtas ang Nanay mo," sabi niya bago siya lumabas ng kwarto.Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Raheel. Tama naman siya. Hindi namin parehong ginusto ang kasal na 'to. Pagkatapos kong magbihis, inayos ko muna ang higaan ko. Ako ang matutulog sa sahig habang siya naman ay sa kama matutulog. Tinanggal ko rin ang ibang palamuti na inilagay sa buhok ko at sinuklay-suklay ko ang mahaba kong buhok. Nang matapos na akong magsuklay ay roon pa lang ako lumabas ng kwarto para balikan ang ibang panauhin. Pagbaba ko nang hagdanan, nakita ko sina Chairman Marcelo at Raheel na nag-uusap. Sumilip ako sa labas, umuwi na ang ibang guest dahil wala na akong nakita. Nginitian ako ni Chairman Marcelo nang nag-angat siya ng tingin sa akin. Kumaway siya sa akin at pinapapunta sa kinaroroonan nila. "Nagustohan mo ba ang mga binili kong damit para sa 'yo?" tanong ni Chairman Marcelo habang sumisimsim siya ng tsaa. Tumango ako at umupo sa tabi ni Raheel. "Maraming salamat po. Nag-abala pa po kayo," nahihiyang saad ko. May kinuha si Chairman Marcelo sa bulsa
Bumaba ang paningin ko sa sahig nang may nakita akong tumutulong dugo. Napabuga ako nang hangin nang napansin ang sugat sa daliri niya. "May sugat ka," sabi ko. Itinago niya ang kamay niya sa akin. "I know. Hindi naman ako manhid. Matulog ka na," malamig niyang sabi. Naglakad siya patungo sa cabinet, may hinahanap siya roon. Bumalik ako sa pagkakahiga habang pinagmamasdan siya sa ginagawa niya. Ginagamot niya ang kaniyang sugat. Ipinikit ko ang mga mata ko matulog dahil maaga pa ako bukas. Pupuntahan ko si Nanay at ibibigay ko rin ang sahod ni Lara. Napabalikwas ako ng bangon nang may narinig akong kumalampag sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung anong oras na kaya tumingin ako sa wall clock. Pasado alas dos pa ng madaling araw. Sinilip ko si Raheel, nakatagilid siya at niyayakap ang sarili. Huminga ako ng malalim bago umahan. Naghanap ako ng kumot sa cabinet at ibinalot ito sa katawan niya. Hinaan ko rin ang aircon para hindi siya gaanong lamigin. Kinabukasan, nagising ako na w
Tumayo ako at ibinalik sa kanya ang mga pagkaing dinala niya. "Hindi pera ang habol ko sa pamilya mo, Raheel. Kung may ibang paraan lang para mailigtas si Nanay ay hindi na ako pumayag na ikasal sa taong kagaya mo. Alam kong kinasusuklaman mo ako pero huwag mong ipamukha sa akin na pera-pera lang ang lahat. Pinakasalan kita dahil kapalit ng pagpapakasal ko sa 'yo ay ang kaligtasan ni Nanay. Pero hindi ibig sabihin no'n ay mukha na akong pera," sabi ko. Nagkibit-balikat siya at kinuha ang supot. "Fine. Hindi mo naman 'to kailangan dahil binigyan ka ni Lolo ng pera, right?" Itinapon niya sa basurahan ang mga pagkain. Kumukulo ang dugo ko sa galit habang pinagmamasdan siyang isarado ang basurahan. "Ano ba ang meron sa 'yo at bakit gustong-gusto ka ni Lolo para sa akin? We don't even know kung saan ka galing. Basta-basta ka na lang pumasok sa mga buhay namin. He forced me to marry you. Hindi niya man lang ako hinayaang pumili kung sino ang gusto kong makasama sa buhay ko." "Sa tingin m
Dalawang linggo na ang nakaraan mula nang natapos ang operasyon sa puso ni Nanay. Sa awa ng Diyos, matagumpay ang operasyon. Kagigising niya lang kahapon. Halos awayin ko na ang doktor sa kakatanong kung matagumpay ba talaga ang operasyon dahil ang tagal niyang nagising. Under monitoring pa rin si Nanay. Ang bilin ng doktor ay huwag daw muna siyang magsasalita. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Kahit kating-kati na akong makipag-usap kay Nanay, pinigilan ko ang sarili ko. "Ate Ana, kumain po muna kayo. Pupunta muna ako sa school," sabi ni Lara pagkatapos niyang kumain. "Sige. Ako na ang bahalang maglinis diyan. Baka mahuli ka pa," saad ko. Tumayo ako at kinuha sa kaniya ang mga plato. Habang kumakain, abala rin ako sa kaiisip kung papaano ko sasabihin kay Nanay na ikinasal ako nang wala siya. Ayokong ilihim sa kaniya ang totoo. May karapatan siyang malaman dahil anak niya ako. Pero takot ang nangingibabaw sa akin ngayon. Natatakot akong sabihin sa kaniya dahil baka mabigla siya at
Nanatili ako sa labas ng kwarto ni Nanay dahil nagwawala siya kapag nakikita niya ako. Magdadalawang oras na ako sa labas habang hinihintay na kumalma si Nanay. Wala akong ibang hinihiling kundi ang gunaling siya. Hindi ko aakalain na panunumbat ang makukuha ko sa kaniya matapos kong gawin ang lahat mailigtas lang siya. Hindi ko matanggap na kinamumuhian ako ng sarili kong ina. Ako ang sinisisi niya kung bakit siya itinakwil ng pamilya niya at hindi siya nakatapos sa pag-aaral. "Miss Anabelle..." Agad akong nag-angat ng tingin kay Dr. Santos nang nakita ko siyang lumabas ng kwarto. Tumayo ako at nilapitan siya. "Nakausap ko ang isa sa pamilya ng Nanay mo. Pupunta raw sila rito." "Talaga po? Paano niyo po nalaman ang -" "Ang Nanay mo mismo ang tumawag sa kaniya." Bumuntong si Dr. Santos. "Pinapasabi niya rin pala na ayaw ka raw niyang makita. Hindi raw siya magdadalawang-isip na magpakamatay kung makikita ka niya ulit." Bumagsak ang balikat ko. Para akong binuhosan ng malamig na
Bumaba ako sa kama at inayos pinulot ang damit niya na nasa sahig. Pag-angat ko ng tingin, dumapo ang mga mata ko sa isang papel na nasa drawer niya. Naglakad ako patungo roon para tingnan sana ito, ngunit biglang bumukas ang pinto. "Bakit mo hawak ang damit ko?" tanong ni Raheel. Marahas niyang hinablot ang marumi niyang polo sa kamay ko at itinapon ito sa basurahan. "Don't touch my things." "Hindi ko naman pinapakialaman ang mga gamit mo. Ilalagay ko lang sana sa -" "I don't care, Anabelle. Just don't touch my things. Huwag kang umakto na mapagmahal, mapag-aruga, at mabuting asawa sa akin kapag tayong dalawa lang." "Sorry. Hindi na mauulit. Hindi mo na kailangan pang sabihin ang mga 'yon sa akin." "Mabuti na 'yung alam mo." Naglakad siya patungo sa pinto at binuksan ito. Napatingin ako sa kaniya. "The door is open. Grandpa is not here. You can use the guest to sleep. Ayokong may kasama ako sa kwarto ko." I had no choice but to leave his room and use the guest room. Hindi ko al
Maraming tao sa loob ng kompanya nila. Pakiramdam ko ako lang ang naiiba sa lahat. Ang ganda-ganda ng mga kasuotan nila. Halatang mamahalin ang mga ito. "Your wife is here," saad ng lalaking misteso nang pumasok kami sa opisina ni Raheel. Nakaupo sila sa couch habang nagyoyosi. Kaya ko nalaman na opisina niya ito dahil may nakalagay na office of the CEO sa labas ng pinto. "These are my friends, Anabelle," sabi ni Raheel. Bakas sa tono ng pananalita niya na labag sa loob niya ang pagpunta ko rito. "Kaya pala hindi mo kami inimbitahan sa kasal mo dahil -" Hindi natapos ng lalaking may mahabang buhok ang sasabihin niya nang taponan siya ng masamang tingin ni Raheel. Ngumisi siya at tumayo saka lumapit sa akin. "Logan. You're so beautiful. I hope he will not give you a hell life, Miss Belle." "Shut up, Logan. I had no choice but to marry her para ibigay ni Lolo sa akin ang posisyon." Pinasadahan niya ako ng tingin. "She married me without knowing that she's just ruining her life," s
Nakaupo lang ako sa sulok habang pinagmamasdan ang mga empleyado na umiinom ng alak at sumasayaw pagkatapos ng program. Nagpaalam si Chairman Marcelo sa akin kanina na mauuna siyang umuwi dahil inaantok na siya. Gusto kong sumabay sa kaniya pero hindi siya pumayag dahil hindi pa raw umuuwi si Raheel. Kailangan ko rin raw magpakita sa ibang tao lalo na't marami ang hindi pa nakakilala sa akin. Nagkunwari akong umiinom ng wine nang nakita ko sina Logan at Knight na naglalakad papalapit sa akin. "Where's your husband?" tanong ni Logan at umupo sa harapan ko sabay inom ng wine. "I don't know. I have not you seen him," sagot ko at inilagay sa ibabaw ng mesa ang baso. Nanlaki ang mata ko nang lagyan ni Knight ng alak ang baso ko. "Hindi ka umiinom?" tanong niya nang napansin ang pagtitig ko sa kaniya. Dahan-dahan akong tumango. "Hanggang wine lang ako, Knight," nahihiyang sagot ko. Kinuha niya ang baso at ininom ang alak. Sinalinan niya ito ng wine. Napakagat-labi labi ako bago kinuha