Pakiramdam ko, para akong pinagsakluban ng langit at lupa ngayong araw. Nawalan ako ng matutuloyan at trabaho, pati mga gamit ko ay nawala rin sa akin dahil hindi ko nakuha kanina.
Pumara ulit ako ng jeep patungo sa hospital kung saan naka-confine si Nanay. Tiningnan ko ang pera sa loob ng wallet ko. Bumagsak ang balikat ko nang nakita ang isang libong piso. Paano ko pagkakasyahin ang perang 'to? Maghahanap pa ako ng matitirahan at trabaho. Bibigyan ko pa ng sahod si Lara dahil siya ang nagbabantay kay Nanay habang wala ako. "Kuya, bayad po," sabi ko sabay abot ng isang libong piso. Kumunot ang noo ng jeepney driver nang nakita ang pera ko. "Wala ka bang barya riyan, hija? Bente pesos lang ang makukuha sa pera mo. Mauubos ang perang panukli ko." "Wala po akong barya, Manong. Ito lang talaga ang meron sa 'kin -" "Bayad po, Manong. Ako na lang po ang magbabayad sa pamasahe niya." Napalingon ako sa lalaking katabi ko. Nahihiyang ibinalik ko na lang sa wallet ang pera ko. "T-Thank you," usal ko. Ngumiti lang siya sa akin. Hindi rin nagtagal ay bumaba na siya sa kabilang kanto. "Manong, para po," sabi ko nang nasa tapat na ako ng hospital. Pagbaba ko ay dumiretso ako sa isang sari-sari store na nagtitinda ng kanin at ulam. Kumain muna ako roon dahil hindi ko na talaga kayang pigilan ang pangangalam ng tiyan ko. Habang kumakain ay naki-charge na rin ako sa tindahan dahil ubos na ang baterya ng cellphone ko. "Maraming salamat po," usal ko pagkatapos kong kumain at kunin ang cellphone. Muntik ko nang mabitawan ang pagkaing binili ko para kay Lara nang napansin ang sunod-sunod na pag-vibrate ng cellphone ko. Tiningnan ko ang mensahe galing kay Lara. Napatakip ako nang bibig at nabitawan ang pagkaing hawak ko. From: Lara Inataki sa puso ang Nanay mo. Pumunta ka ngayon sa hospital! Para akong kabayong nakalabas sa hawla sa sobrang bilis ng pagtakbo ko papasok ng hospital. Halos nabangga ko lahat nang mga nakakasalubong ko sa daan sa pagmamadali. Napahawak ako sa dibdib ko nang naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako para kay Nanay. Pinunasan ko ang namumuong luha sa aking mga mata habang hinihabol ang paghinga ko. "Lara!" sambit ko nang nakita ko siya sa labas ng kwarto ni Nanay. Pinapatahan siya ng isang nurse. Mas lalo lang akong nakaramdam ng kaba sa nangyayari. "Nasaan si Na-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang nahagip ng mga mata ko si Nanay na nag-aagaw buhay. "Ma'am, hindi po kayo pwedeng pumasok!" saway ng nurse na nagpapatahan kay Lara nang sinubokan kong buksan ang pintuan. Naka-lock ito. "Nay!" paulit-ulit kong sambit habang nakadungaw sa bintana. Halos masira ko na ang pinto. "Papasokin niyo ako! Kailangan kong makita si Nanay!" "Ginagawa po namin ang lahat para mailigtas ang buhay ng Nanay niyo, Ma'am. Kumalma po kayo -" "Paano ako kakalma? Nag-aagaw buhay si Nanay sa loob!" galit na sigaw ko sa nurse. Sinipa ko ang pinto at hinayaang lumabas ang aking mga luha. Lumapit ako sa nurse. "Gawin niyo ang lahat para mailigtas si Nanay. Maawa kayo sa akin..." "Ginagawa po namin ang lahat ng makakaya namin to save your mother, Ma'am. Please, calm down. Hintayin na lang natin na lumabas ang doktor." Nakadungaw lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang doktor at mga nurses sa ginagawa nila kay Nanay. Nakahinga lang kaming lahat ng maluwang nang bumalik ang heartbeat ni Nanay. Dali-dali akong pumasok para makita si Nanay paglabas ng mga nurses. Tanging si Dr. Santos na lang ang naiwan sa loob, minomonitor niya ang ibang tube na nakakabit sa katawan ni Nanay. "Kumusta po si Nanay?" nag-aalalang tanong ko sa doktor. Suminghap ako saka pinunasan ang mukha ko. "Kailangan niya ng maoperahan, Ma'am. Habang tumatagal ay mas lalong nanghihina ang katawan niya. Hindi siya pwedeng atakihin ulit dahil..." Tumingin ang doktor sa akin. Bumilis na naman ang pagtibok ng puso ko. "She might die if we cannot do the operation as soon as possible." "Wala na po ba talagang ibang paraan, Dok?" Bumuhos na naman ang mga luha ko. "Wala po akong ganoong kalaking halaga ng pera para sa operasiyon ni Nanay. Ubos na ang naipon kong pera sa mga gamot niya at ibang kailangan dito sa hospital." "Kung hindi siya maooperahan sa lalong madaling panahon, baka hindi niya kayanin ang sakit niya, Ma'am." Isinubsob ko ang mukha ko sa kama pagkatapos naming mag-usap ng doktor. Hinawakan ko ang kamay ni Nanay at hinalikan ito. Hindi pa ako handang mawala si Nanay sa akin. Ulila na ako sa ama, ayokong maranasang maulila rin sa ina. Siya na lang ang natitira kong pamilya. "Ate Ana, hindi ka ba papasok sa trabaho ngayon?" Bumaling ako kay Lara. Nililigpit niya ang kaniyang pinagkainan. "Hindi na," tipid kong sagot. "Uuwi muna ako sa amin. Kukuha lang ako ng mga gamit sa bahay, Ate Ana." Tumango ako. "Sige. Mag-ingat ka sa biyahe. Tawagan o i-text mo lang ako kung anong oras ka makakabalik dito." Pagkalabas ni Lara, kinuha ko ang calling card na binigay sa akin ni Chairman Marcelo kanina. "Gagawin ko ang lahat para sa 'yo, Nanay. Kumapit ka lang. Huwag mo muna akong iiwan," bulong ko at muling hinalikan ang kamay niya. Huminga muna ako ng malalim bago dinial ang numero ni Chairman Marcelo. Kung kapalit ng inalok niyang pagpapakasal sa apo niya ang makakatulong sa akin para mailigtas si Nanay, tatanggapin ko.Nanginginig ang aking kamay habang hinihintay na sagotin ni Chairman Marcelo ang tawag ko. Kakapalan ko na ang pagmumukha ko. "Hello? Sino po sila? Ako po ang personal assistant ni Chairman Marcelo." "A-Anabelle Enriquez po, Sir. Pwede ko po bang makausap si Chairman?" sagot ko habang kinakagat ang aking pang-ibabang labi. "This is Chairman Marcelo of Del Fuego Industries -" "Good evening po, Chairman. Si Anabelle po ito. Pasensiya na po kung napatawag ako sa ganitong oras." "Anabelle? Ikaw ba 'yung babaeng tumulong sa akin kanina?" "Yes po. Ako nga po," nahihiyang saad ko. "Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo, hija? I forgot to ask your name earlier dahil mukhang nagmamadali ka habang ang apo ko namang si Raheel ay hindi makausap ng maayos." Tiningnan ko si Nanay. "Ayos lang po. Walang problema sa akin 'yon." "Kumusta na pala ang Nanay mo?" Hindi ako nakasagot agad. Nanatili lang akong nakatitig kay Nanay habang kinukuskos ang kuko ko. Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagaw
"Dearly beloved, we are gathered here today in the presence of God and these witnesses to join Raheel and Anabelle in holy matrimony. Marriage is a sacred union, a commitment of love and devotion between two souls." The priest looks at us, smiling warmly.Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahawakan ito ni Raheel. Nakatitig siya sa akin na para bang hinihila niya ang kaluluwa ko palabas. Mabilis ang tibok ng puso na siyang nagpadagdag ng kaba ko. Tumingin ang pari sa kaniya. "Raheel, do you take Anabelle to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish until death do you part?"Humigpit ang paghawak niya sa mga kamay ko. Kinakabahan ako habang hinihintay siyang sumagot. Nakasalalay sa mga kamay niya ang buhay ni Nanay. Pagkatapos ng kasal namin ay saka pa ooperahan si Nanay. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Chairman Marcelo. Siguro naiinip na rin siya
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Raheel. Tama naman siya. Hindi namin parehong ginusto ang kasal na 'to. Pagkatapos kong magbihis, inayos ko muna ang higaan ko. Ako ang matutulog sa sahig habang siya naman ay sa kama matutulog. Tinanggal ko rin ang ibang palamuti na inilagay sa buhok ko at sinuklay-suklay ko ang mahaba kong buhok. Nang matapos na akong magsuklay ay roon pa lang ako lumabas ng kwarto para balikan ang ibang panauhin. Pagbaba ko nang hagdanan, nakita ko sina Chairman Marcelo at Raheel na nag-uusap. Sumilip ako sa labas, umuwi na ang ibang guest dahil wala na akong nakita. Nginitian ako ni Chairman Marcelo nang nag-angat siya ng tingin sa akin. Kumaway siya sa akin at pinapapunta sa kinaroroonan nila. "Nagustohan mo ba ang mga binili kong damit para sa 'yo?" tanong ni Chairman Marcelo habang sumisimsim siya ng tsaa. Tumango ako at umupo sa tabi ni Raheel. "Maraming salamat po. Nag-abala pa po kayo," nahihiyang saad ko. May kinuha si Chairman Marcelo sa bulsa
Bumaba ang paningin ko sa sahig nang may nakita akong tumutulong dugo. Napabuga ako nang hangin nang napansin ang sugat sa daliri niya. "May sugat ka," sabi ko. Itinago niya ang kamay niya sa akin. "I know. Hindi naman ako manhid. Matulog ka na," malamig niyang sabi. Naglakad siya patungo sa cabinet, may hinahanap siya roon. Bumalik ako sa pagkakahiga habang pinagmamasdan siya sa ginagawa niya. Ginagamot niya ang kaniyang sugat. Ipinikit ko ang mga mata ko matulog dahil maaga pa ako bukas. Pupuntahan ko si Nanay at ibibigay ko rin ang sahod ni Lara. Napabalikwas ako ng bangon nang may narinig akong kumalampag sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung anong oras na kaya tumingin ako sa wall clock. Pasado alas dos pa ng madaling araw. Sinilip ko si Raheel, nakatagilid siya at niyayakap ang sarili. Huminga ako ng malalim bago umahan. Naghanap ako ng kumot sa cabinet at ibinalot ito sa katawan niya. Hinaan ko rin ang aircon para hindi siya gaanong lamigin. Kinabukasan, nagising ako na w
Tumayo ako at ibinalik sa kanya ang mga pagkaing dinala niya. "Hindi pera ang habol ko sa pamilya mo, Raheel. Kung may ibang paraan lang para mailigtas si Nanay ay hindi na ako pumayag na ikasal sa taong kagaya mo. Alam kong kinasusuklaman mo ako pero huwag mong ipamukha sa akin na pera-pera lang ang lahat. Pinakasalan kita dahil kapalit ng pagpapakasal ko sa 'yo ay ang kaligtasan ni Nanay. Pero hindi ibig sabihin no'n ay mukha na akong pera," sabi ko. Nagkibit-balikat siya at kinuha ang supot. "Fine. Hindi mo naman 'to kailangan dahil binigyan ka ni Lolo ng pera, right?" Itinapon niya sa basurahan ang mga pagkain. Kumukulo ang dugo ko sa galit habang pinagmamasdan siyang isarado ang basurahan. "Ano ba ang meron sa 'yo at bakit gustong-gusto ka ni Lolo para sa akin? We don't even know kung saan ka galing. Basta-basta ka na lang pumasok sa mga buhay namin. He forced me to marry you. Hindi niya man lang ako hinayaang pumili kung sino ang gusto kong makasama sa buhay ko." "Sa tingin m
Dalawang linggo na ang nakaraan mula nang natapos ang operasyon sa puso ni Nanay. Sa awa ng Diyos, matagumpay ang operasyon. Kagigising niya lang kahapon. Halos awayin ko na ang doktor sa kakatanong kung matagumpay ba talaga ang operasyon dahil ang tagal niyang nagising. Under monitoring pa rin si Nanay. Ang bilin ng doktor ay huwag daw muna siyang magsasalita. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Kahit kating-kati na akong makipag-usap kay Nanay, pinigilan ko ang sarili ko. "Ate Ana, kumain po muna kayo. Pupunta muna ako sa school," sabi ni Lara pagkatapos niyang kumain. "Sige. Ako na ang bahalang maglinis diyan. Baka mahuli ka pa," saad ko. Tumayo ako at kinuha sa kaniya ang mga plato. Habang kumakain, abala rin ako sa kaiisip kung papaano ko sasabihin kay Nanay na ikinasal ako nang wala siya. Ayokong ilihim sa kaniya ang totoo. May karapatan siyang malaman dahil anak niya ako. Pero takot ang nangingibabaw sa akin ngayon. Natatakot akong sabihin sa kaniya dahil baka mabigla siya at
Nanatili ako sa labas ng kwarto ni Nanay dahil nagwawala siya kapag nakikita niya ako. Magdadalawang oras na ako sa labas habang hinihintay na kumalma si Nanay. Wala akong ibang hinihiling kundi ang gunaling siya. Hindi ko aakalain na panunumbat ang makukuha ko sa kaniya matapos kong gawin ang lahat mailigtas lang siya. Hindi ko matanggap na kinamumuhian ako ng sarili kong ina. Ako ang sinisisi niya kung bakit siya itinakwil ng pamilya niya at hindi siya nakatapos sa pag-aaral. "Miss Anabelle..." Agad akong nag-angat ng tingin kay Dr. Santos nang nakita ko siyang lumabas ng kwarto. Tumayo ako at nilapitan siya. "Nakausap ko ang isa sa pamilya ng Nanay mo. Pupunta raw sila rito." "Talaga po? Paano niyo po nalaman ang -" "Ang Nanay mo mismo ang tumawag sa kaniya." Bumuntong si Dr. Santos. "Pinapasabi niya rin pala na ayaw ka raw niyang makita. Hindi raw siya magdadalawang-isip na magpakamatay kung makikita ka niya ulit." Bumagsak ang balikat ko. Para akong binuhosan ng malamig na
Bumaba ako sa kama at inayos pinulot ang damit niya na nasa sahig. Pag-angat ko ng tingin, dumapo ang mga mata ko sa isang papel na nasa drawer niya. Naglakad ako patungo roon para tingnan sana ito, ngunit biglang bumukas ang pinto. "Bakit mo hawak ang damit ko?" tanong ni Raheel. Marahas niyang hinablot ang marumi niyang polo sa kamay ko at itinapon ito sa basurahan. "Don't touch my things." "Hindi ko naman pinapakialaman ang mga gamit mo. Ilalagay ko lang sana sa -" "I don't care, Anabelle. Just don't touch my things. Huwag kang umakto na mapagmahal, mapag-aruga, at mabuting asawa sa akin kapag tayong dalawa lang." "Sorry. Hindi na mauulit. Hindi mo na kailangan pang sabihin ang mga 'yon sa akin." "Mabuti na 'yung alam mo." Naglakad siya patungo sa pinto at binuksan ito. Napatingin ako sa kaniya. "The door is open. Grandpa is not here. You can use the guest to sleep. Ayokong may kasama ako sa kwarto ko." I had no choice but to leave his room and use the guest room. Hindi ko al
January 11, 2024 TBSB is now signing off na po. Yes po, tinuldukan ko na ang book na ito. Hanggang Book 3 lang siya kasi nakapagpasya na ako na gawing separate books ang Book 4 at Book 5. Baka next week ay masimulan ko na siya at mai-apply. Maraming salamat sa pagsama sa akin nang mahigit pitong buwan. Wala akong balak tapusin ng ganito kaaga ang librong ito kasi nagbabalak pa akong magsulat ng kwento sa mga apo ng Del Fuego, pero lahat ng 'yon ay naglaho sa isipan ko simula noong October 2024. Sa mga taong nagtiwala at patuloy na sumuporta sa akin, maraming salamat po. Sa mga taong nakilala ko rito, ikinagagalak ko po kayong makilala. Isa sa mga dahilan kaya maaga kong tinapos ang TBSB ay dahil magiging abala na ako next month o after ng LET 2025. I'm a student po. A 4th year student taking up a Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics. Magiging abala na po ako sa mock board review kaya baka mawala ako pansamantala sa GoodNovel. Simula po bukas, ipagpapatu
Brielle’s POV Maingat na pinarada ni Mark ang kotse sa labas ng gate ng aming bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at siniil kaagad ang labi ko ng halik. Nangunot ang aking noo nang kagatin niya ang labi ko. Itinulak ko siya palayo sa akin. Nang tingnan ko siya, namumula ang mga mata niya. “May problema ka ba sa akin?” Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang aking mga braso. Ngumisi siya, dahilan kaya uminit ang ulo ko. “It’s our wedding anniversary, pero hindi mo man lang maalala.” Napakagat-labi ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Biglang nanuyo ang aking lalamunan. Sa sobrang busy ko sa ospital ay hindi ko na namalayan kung anong petsa na ngayon. Humakbang ako palapit sa kaniya, mukhang nagtatampo siya sa akin kasi nakalimutan ko ang wedding anniversary namin. “Sorry na. Nakalimutan ko. Alam mo namang marami akong iniisip na problema, ‘di ba?” Niyakap ko siya, pero hinawi niya ang kamay ko. “Sa lahat ng pwedeng makalilimutan, wedding anniversary pa talaga
Brielle’s POV “Baby, come here,” sabi ni Mark akin nang pumasok siya sa aming kwarto. “Hey, ilabas mo lang lahat ng hinanakit mo,” bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. “Just cry and cry hanggang sa mawala ang sakit…” “I missed him already,” mahinang sabi ko at kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang palad ko at hinawakan ang picture frame ni Daddy. “Can’t believe it that you’re gone, Dad…” Umupo ako sa kama. Napansin ko agad ang pagtabi niya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at pinasandal sa balikat niya. “Thank you for killing that bastard.” Tiningnan ko si Mark, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “Thank you for saving me, Mark. Kung pareho kaming nawala ni Daddy, baka mas lalong hindi kakayanin ni Mommy at ng mga kapatid ko.” “Hindi mo kailangang magpasalamat. Asawa kita. Obligasyon kita. Responsibilidad ko ang protektahan ka.” Hinaplos niya ang aking mahabang itim na buhok. Bumuntong-hininga ako. Isang taon na ang nakalipas mula nang nawala si D
Mark’s POV Basang-basa ako ng tubig-ilog, halos hindi na makahinga sa pagod at takot. Nakayakap ako kay Brielle, ang katawan niya ay walang buhay na nakasandal sa akin. Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok. Hindi ko alam kung paano ko siya nailabas sa malamig na tubig, ang tanging nasa isip ko lang ay mailigtas siya. “Brielle,” bulong ko sa kanyang tainga, ang boses ko ay halos hindi marinig. “Brielle, please.” Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga labi ay namumutla, at ang kanyang mga mata ay nakapikit. Naalala ko ang lahat ng mga nangyari. Ang pagkidnap sa kanya, ang paghabol ko kay Luigi, ang pag-iwas sa mga bala, at ang pagtalon ko sa ilog para lang mailigtas siya. Lahat ng iyon ay parang isang malabong panaginip. “Brielle…” Pinagpatuloy ko ang pag-alog sa kanya, umaasang kahit papaano ay magising siya. “Gising na, please. Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan. Kailangan ka namin. Hinihintay ka ng mga anak natin.” Ginawa ko na ang lahat para masagip siya. Nags
Brielle’s POV Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa leeg ko. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong panaginip lang ang lahat. Walang kadenang nakatali sa mga kamay at paa ko. Wala ring sugat ang aking paa. Buhay pa ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. Madilim ang paligid. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ‘yon. Pagkabukas ko sa ilaw, mukha kaagad ni Luigi ang nakita ko. Napaatras ako pabalik sa kama nang makita ang hawak niyang baril. “We are leaving,” matigas niyang sabi at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. “Pakawalan mo ako!” Pilit kong binawi ang aking braso sa kaniya. “Tama na! Nasasaktan ako!” Napamura ako nang bigla niya akong sampalin sa pisngi. “Sasama ka sa akin!” sigaw ni Luigi. “Hindi ako sasama sa ‘yo! Pakawalan mo na ako!” Itinutok niya ang baril sa akin. Namilog ang aking mga mata nang maaalala ang nangyari sa panaginip ko. Bigla na lang lumambot at nanginig sa takot ang aking tuhod. Hindi ako pwedeng mamatay dahil kailangan
Brielle’s POV “Let me go!” sigaw ko nang marahas akong hilahin ni Luigi papasok sa loob ng van. I can’t believe it. He kidnapped me. Bagay na hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin. He raped me. Ilang gabi niya akong ginagamit. Diring-diri na ako sa sarili ko. “Luigi, I’m begging you. Pakawalan mo na ako,” pagmamakaawa ko. “Nakuha mo na ang gusto mo, ‘di ba? You raped me…” halos hindi ko na makilala ang boses ko nang bumagsak ang mga luha ko. “I won’t do that, Brielle. You’re mine.” Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinalikan niya ang labi ko, pero kinagat ko ang labi niya. Tumawa siya at mahigpit na hinawakan ang aking braso. “Kaya pala baliw na baliw ang asawa mo sa ‘yo kasi ang sarap-sarap mo.” Marahas niyang hinalikan ang leeg ko. Ginamit ko ang natitirang lakas sa katawan ko upang pigilan siya sa gagawin niya. “Kill me, Luigi! Huwag mo na akong pahirapan pa!” sigaw ko sa kaniya. “Ano pa ba ang gusto mong gawin sa akin? You touched me multiple times. Please let me go. M
Mark’s POV Mag-iisang buwan na mula nang ma-kidnap si Brielle sa airport. Habang tumatagal ay mas lalo lang akong kinakabahan. Ilang araw na rin akong hindi makatulog at makakain ng maayos sa kaiisip kung saan siya dinala. Sa tuwing may nababalitaan akong may natagpuang katawan sa iba’t ibang lugar ang mga pulis, hindi ko mapigilan ang sarili kong magpunta sa lugar dahil baka si Brielle na ‘yon. Ang kalusugan ng triplets ay naaapektuhan na rin dahil ilang linggo nang nawawala si Brielle. Hinahanap na siya ng mga anak namin. Sa tuwing naririnig ko ang pag-iyak nila, parang hinihiwa ang puso ko. “Wala pa rin bang balita tungkol sa kapatid ko?” matigas na tanong ni TJ nang dumating ang mga pulis sa bahay nila. Nagpaalam ako kay Kaisha na aalis muna dahil may tatawagan lang ako. Dinial ko kaagad ang numero ng tauhan kong nagbabantay sa lahat ng mga kinikilos nina Lander, Jarren, at Karina. Sila lang ang mga taong gagawa ng ganito sa akin. Wala akong ibang taong pwedeng paghinalaan
Mark’s POV Tatlong araw na ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Brielle. Wala kaming maiturong suspect dahil hindi namin makita ng maayos ang mukha ng taong kumuha kay Brielle sa CR. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at nakita kong pumasok sa loob ang aking biological mother. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang aking atensiyon sa computer. “Hijo, pwede ba tayong mag-usap?” mahinang sabi niya. “Ano naman ang pag-uusapan natin?” Pinatay ko ang computer at humarap sa kaniya. “Para saan?” “Tungkol sa kompanya…” Ngumisi ako. “Hindi pa naman ako namumulubi kahit na nawala ang mga bagay na pinaghirapan ko. Hindi ako interesado sa kompanya ninyo.” Bumuntong-hininga siya at lunapit sa akin. “I need you, hijo…” Nangunot ang aking noo. “Mukhang nakalimutan mo yatang mas pinili mo ang isa pang anak sa labas ni Papa kesa sa akin. Gusto ninyong ibigay ang posisyon na ‘yon para sa akin, pero may kondisyon. Nang hindi ko sinunod ang kagustohan n
Mark’s POV Kanina ko pa tinatawagan si Brielle, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nandito ako ngayon sa airport, naghihintay sa kanila. Nauna akong bumalik sa Pilipinas dahil inasikaso ko ang mga ari-ariang ninakaw ng aking mga kapatid: hotels and resorts ay nakapangalan na sa kanila. Sa tulong ng aking magaling na lawyer, may posibilidad na mabawi ko ang mga ari-ariang nawala sa akin. Sa ngayon, dahan-dahan ko munang babawiin ang mga bagay na pagmamay-ari ko. Hinding-hindi na ako magpapakaduwag at magpatalo sa takot. Kumaway ako nang makita ko sina TJ at Kaisha, hindi nila kaagad ako napansin kaya tinawagan ko si Kaisha. Kasama nila ang triplets. Mabilis silang tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. “Nasaan si Brielle?” tanong ko at nilapitan ang mga bata. “Kanina pa namin siya hinahanap. Nagpaalam siya kanina sa amin na pupunta muna raw siya sa banyo, pero hanggang ngayon aay hindi pa nakabalik,” sagot ni Kaisha. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dalawang buwan ng