Isinubsob ko ang mukha ko sa unan pagkatapos kong i-lock ang pintuan. Napamura ako ng paulit-ulit kasi kahit anong gawin ko ay ayaw pa ring huminto ng mga luha ko. Patuloy lang ito sa paglabas. Umahon lang ako sa kama nang narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino sng tumatawag. Naikuyom ko ang aking mga kamay nang nakita ang pangalan ni Raheel. Napa-angat ako ng tingin sa pinto nang narinig ang paulit-ulit na pagkatok. Pinatay ko ang aking cellphone at nagtago sa ilalim ng kumot. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Ipinikit ko ang aking mga mata. Napalunok ako nang napansing kong may umupo sa ibabaw ng kama. Pinunasan ko ang luha ko at pinipigilan ang sariling humikbi. Hindi dapat ako umiiyak kasi hindi ako 'yung tipong iyakin, pero anong nangyayari sa akin ngayon? Sa tuwing sumasagi sa isipan ko na hindi niya kayang tanggapin ang bata at nasa kay Andrea ang lahat ng atensiyon niya, pakiramdam ko unti-unting dinudurog ang puso ko. Hindi ko alam ku
Napabalikwas ako ng bangon nang narinig ko ang pagtunog bg cellphone ko. Nakita ko sa screen ang pangalan ni Zeus kaya agad ko itong sinagot. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog pala ako habang iniisip ang sinabi ni Ate Mari kanina. "Nasa labas na ako," saad ni Zeus. "Coming," tipid kong sagot habang sinusuot ang sandal. Agad kong nakita ang nakaparadang limousine ni Zeus sa labas ng gate. Kumaway siya sa akin nang nakita niya ako at pinagbuksan ng pintuan. "Simple but elegant," komento niya at maingat na isinara ang pinto. "Thank you," saad ko pagpasok niya sa loob. "Ito pala ang regalo ko para sa 'yo. Hindi siya expensive, pero sana magustohan mo." "Nag-abala ka pa. Maraming salamat," nakangising sambit niya. Maingat niya itong inilagay sa likod. "Alam ba ng asawa mo na aalis ka?" Napatitig ako ng ilang segundo sa kaniya bago nagsalita. "Hindi na kailangan." "Well, ikaw ang bahala," ani Zeus at pinaharurot na ang sasakyan paalis. Matapos ang mahigit kalahating oras na
"Who are you?" tanong ng kapatid ni Zeus at humakbang papalapit sa akin. "She's Raheel's legal wife, Kuya," si Zeus na ang sumagot. "And Andrea is -" "I'm not his mistress!" depensa ni Andrea at hinawakan ang balikat ng kapatid ni Zeus. "Ang lakas ng loob mo para pagbintangan ako!" "Hindi ka ba marunong makuntento sa isang lalaki, Andrea?" sarkastikong tanong ko. Hinawakan ni Zeus ang kamay ko at pinigilang lapitan siya. "Ang kapal-kapal talaga ng mukha mo. Ilang lalaki ba ang kailangan mo para tumigil ka sa pagiging malandi mo?" "Girls, chill lang. Zeus, ilayo mo ang babaeng 'to kay Andrea," maawtoridad na saad ng Kuya ni Zeus at tumingin ito ng masama sa akin. "Anabelle, this is not the right place. It's my birthday and I hope you'll not ruin it," pabulong na saway ni Zeus sa akin kaya kumalma ako. "Everyone is watching us," dagdag pa niya. Napabuga ako ng hangin at humarap kay Zeus. "Okay. I'm so sorry," bulong ko. "It's alright. I understand." Ngumiti si Zeus sa akin at tin
Nagdilat ako ng mata. Malabo ang paningin ko. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko habang binubuhat ng lalaki. Pakiramdam ko mamamatay na ako. Ang huli kong naalala ay nasa CR ako at may nakita akong dugo sa sahig bago ako nawalan ng malay. "Anabelle! Anabelle!" I heard Raheel's voice. Pilit kong sinubokang tingnan ang mukha ng lalaking bumubuhat sa akin. Bumagsak ang balikat ko nang nakita ang mukha ni Raheel. Umiiyak siya. Umiling-iling ako at ipinikit muli ang mga mata ko. Nagising ako nang may narinig akong humihikbi malapit sa akin. Napakagat-labi ako nang nakita na naman si Raheel. Hawak niya ang kamay ko at nababasa na ito sa mga luha niya. Muli kong ipinikit ang mga mata ko nang bigla siyang tumingin sa akin. Naramdaman ko ang paulit-ulit niyang paghaplos at paghalik sa kamay ko nang ipagsiklop niya ang mga kamay namin. "I'm so sorry..." paulit-ulit niyang sambit. Parang pinipiga ang puso ko nang narinig ko ang sinabi niya. For the first time, humingi siya ng paumanhi
Hinawakan ni Raheel ang magkabilang balikat ni Andrea. "Ikaw ba ang nagsabi kay Anabelle na ipalaglag ang batang nasa sinapupunan niya?" "H-Hindi ko alam ang sinasabi niya, Raheel! Hindi ko alam na buntis siya!" sigaw ni Andrea at sinubokang itulak papalayo si Raheel. "Nasasaktan mo ako, Raheel! Bitawan mo ako!" "Andrea, I know you hate her. I married her because you left me without an explanation. And I don't even know that you're pregnant when you leave. But this is too much, Andrea." Napapailing si Raheel at dahan-dahang binitawan ang balikat ni Andrea. "This is too much. Hindi ko aakalaing aabot sa ganito ang lahat. Pinakialaman mo ang cellphone ko at inutosan mo pa si Anabelle na ipalaglag ang bata." "Babe, hindi nga ako ang nag-text sa kaniya no'n. Nawala ang cellphone mo, 'di ba? Maniwala ka sa akin, please. Kahit galit ako sa kaniya hindi ko magagawa ang bagay na 'yon. Buntis din naman ako. Kung alam ko lang na buntis siya, hindi kita ipagkakait sa kaniya kasi mas may karap
Nakakabingi ang katahimikan pagkatapos kong sabihin kay Raheel na gusto kong makipaghiwalay sa kaniya. Gusto kong bigyan ang sarili ko ng peace of mind matapos kong makunan at ipagluksa ang anak ko. Kung mananatili ako sa bahay nila, baka hindi ko kakayanin lalo na't doon din nakatira ang taong naging dahilan kaya nawala ang anak ko. "Let's divorce. Ito rin naman ang gusto mo. Ibigay mo sa akin ang divorce papers at pipirmahan ko ito agad," sabi ko at kinuha ang mga gamit ko para magbihis. Napabuntong-hininga ako nang napansing tahimik pa rin siya. Pumasok na ako sa CR para makapagbihis at makauwi na rin ako. Kailangan ko pang mag-impake ng mga gamit. Babalik ako sa boarding house ni Ate Maricel. Doon ako magsisimula uli. Sana kayanin ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Bumaba ang paningin ko sa tiyan ko. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Ang hirap-hirap tanggapin na wala na talaga ang anak ko. Ni hindi niya man lang nakita ang mundo. Sana kayanin kong magsimulang
Nanlaki ang mga mata ko nang hinablot ni Raheel ang cellphone ko. Napapikit ako nang pinlay niya uli ang video. Nang lingonin ko si Andrea, namumutla na siya. Ibinalik ko kay Raheel ang paningin ko. Humigpit ang paghawak niya sa cellphone ko matapos niyang panuorin ang video nina Andrea at Zachary na naghahalikan. "Isang tanong at isang sagot. May relasyon ba kayong dalawa ni Zachary?" tanong ni Raheel. "B-Babe, let me explain." Humakbang papalapit si Andrea kay Raheel. "Huwag kang lalapit sa akin hangga't hindi mo nasasagot ang tanong ko," malamig na saad ni Raheel sa kaniya. Palipat-lipat ang paningin ko. Pakiramdam ko kasalanan ko na naman kung bakit sila nag-aaway. Siguro isa talaga ako sa mga kontrabida ng love story nila. "Answer my question, Andrea. May relasyon ba kayo?" Napakagat-labi ako sa lakas ng boses ni Raheel. Bakas sa boses niya ang galit. Suminghap siya at niluwagan ang necktie niya. "Sasagotin mo ba ang tanong ko o gusto mong ako mismo ang magtatanong kay Zac
Raheel's POV Sumunod agad ako sa kaniya nang pumasok siya sa loob ng kwarto niya. Iniwan ko si Andrea sa labas. Ni-lock ko ang pintuan para hindi makapasok si Andrea. Wala akong pakialam kung magwala pa siya sa labas. Kung pwede ko lang sana siyang kaladkarin palabas, ginawa ko na. Galit ako sa kaniya kasi niloko niya ako. She cheated on me. Hindi lang isang beses, kundi marami na. Si Zachary pa rin ang lalaking na-link sa kaniya. After watching the video, napagtanto ko na ang tanga-tanga ko. Sana nakinig na lang ako kina Lolo at sa mga sinabi ng kaibigan ko. Pinaikot lang ako ni Andrea. Dahil sa katangahan ko, nasaktan ko si Anabelle. The air in the room felt thick, heavy with unspoken words. Anabelle sat across from me, her eyes red-rimmed, her face pale. The silence stretched, a chasm of grief and unspoken pain. "I can't do this anymore, Raheel," she finally whispered, her voice cracking. "I can't. Maghiwalay na tayo. Ibigay mo sa akin ang divorce papers para makapagpirma na ako