Nagdilat ako ng mga mata nang bigla akong nakaramdam ng gutom. Tiningnan ko ang oras sa wall clock. Pasado alas tres pa ng umaga, pero bakit ang aga ko yatang nakaramdam ng gutom? Gusto kong kumain ng ice cream. Umahon ako sa kama at hinawakan ang tiyan ko. "Baby, gutom ka na naman?" bulong ko habang hinihimas ang tiyan ko. Agad akong nagtungo sa kusina at tiningnan ang refrigerator kung may stock pa ba silang ice cream. Bumagsak ang balikat ko nang nakitang wala na pa lang stock. "Bakit gising ka pa?" Nagpatalon ako nang narinig ko ang boses ni Raheel. Kumuha siya ng malamig na tubig sa refrigerator at ininom ito. "Nag-crave ako ng ice cream kaya -" "Sa ganitong oras gusto mong kumain ng ice cream?" hindi makapaniwalang tanong niya at muling uminom ng tubig. Tumango ako. "Ano naman sa 'yo kung gusto kong kumain ng ice cream?" sarkastikong tanong ko at kumuha na lang din ng malamig na tubig. Napabuntong-hininga siya at tinitigan ako ng ilang segundo. "Anong flavor ang gusto mo
Sa sumunod na araw, halos ayaw ko ng bumangon. Palaging masakit ang buong katawan ko. Gusto kong matulog buong araw. Natatakot din akong makita nila na biglang naduduwal kapag may naamoy akong kakaiba. Ayokong malaman nila na buntis ako. Kapag may gusto akong kainin, ako na mismo ang lalabas. Napahawak ako sa tiyan ko habang hinihintay ang order kong spaghetti rito sa isang fast-food restaurant. Malapit lang naman ito sa mansiyon. Hindi ako mahilig kumain ng spaghetti, pero bigla akong nag-crave. Makalipas ang ilang minuto sa paghihintay, hinatid na nila ang limang spaghetti na in-order ko. Napa-angat ako ng tingin sa waitress nang napansin ko ang pagtitig niya sa akin. "May ibang kasama po ba kayo, Ma'am? May malaking table po roon sa dulo na kasya kayong lahat -" "Ako lang po mag-isa, Miss." Gumuhit ang pagkagulat sa mukha niya. Bumaba ang paningin niya sa limang orders ng spaghetti. "My baby is craving," bulong ko at ngumiti. Unti-unting gumuhit ang ngiti niya sa labi. "Y-Yo
Napaigtad ako nang bigla akong yakapin ni Zeus habang inaalala si Tatay noong ito ay nabubuhay pa. Naramdamanan ko ang dahan-dahang paghaplos niya sa buhok ko, pababa sa aking likod. "Huwag mong sisisihin ang sarili mo sa nangyari, Anabelle," bulong niya. Kung nabubuhay pa si Tatay, susumbatan at itatakwil ba ako ni Nanay? Magbabago kaya ang pagtrato niya sa akin? Napapikit na lang ako sa raming tanong na gumugulo sa isipan ko. Kumalas ako sa yakap ni Zeus nang napansin ko ang unti-unting pagbagsak ng malakas na ulan. Tumakbo kami pabalik sa limo niya. "Wala ka na bang ibang pupuntahan? Ihahatid na lang kita sa inyo," saad niya at binuhay ang makina ng sasakyan. Tumango ako agad bilang pagsagot. Ipinilig ko ang ulo ko sa bintana habang pinagmamasdan ang malakas na ulan sa labas. Tahimik naming tinahak ang daan pauwi. "Matutulog muna ako. Gisingin mo na lang ako kapag nasa labas na tayo ng bahay," saad ko at ipinikit ang mga mata ko. Agad akong napadilat nang naramdaman ko ang m
Isinubsob ko ang mukha ko sa unan pagkatapos kong i-lock ang pintuan. Napamura ako ng paulit-ulit kasi kahit anong gawin ko ay ayaw pa ring huminto ng mga luha ko. Patuloy lang ito sa paglabas. Umahon lang ako sa kama nang narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino sng tumatawag. Naikuyom ko ang aking mga kamay nang nakita ang pangalan ni Raheel. Napa-angat ako ng tingin sa pinto nang narinig ang paulit-ulit na pagkatok. Pinatay ko ang aking cellphone at nagtago sa ilalim ng kumot. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Ipinikit ko ang aking mga mata. Napalunok ako nang napansing kong may umupo sa ibabaw ng kama. Pinunasan ko ang luha ko at pinipigilan ang sariling humikbi. Hindi dapat ako umiiyak kasi hindi ako 'yung tipong iyakin, pero anong nangyayari sa akin ngayon? Sa tuwing sumasagi sa isipan ko na hindi niya kayang tanggapin ang bata at nasa kay Andrea ang lahat ng atensiyon niya, pakiramdam ko unti-unting dinudurog ang puso ko. Hindi ko alam ku
Napabalikwas ako ng bangon nang narinig ko ang pagtunog bg cellphone ko. Nakita ko sa screen ang pangalan ni Zeus kaya agad ko itong sinagot. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog pala ako habang iniisip ang sinabi ni Ate Mari kanina. "Nasa labas na ako," saad ni Zeus. "Coming," tipid kong sagot habang sinusuot ang sandal. Agad kong nakita ang nakaparadang limousine ni Zeus sa labas ng gate. Kumaway siya sa akin nang nakita niya ako at pinagbuksan ng pintuan. "Simple but elegant," komento niya at maingat na isinara ang pinto. "Thank you," saad ko pagpasok niya sa loob. "Ito pala ang regalo ko para sa 'yo. Hindi siya expensive, pero sana magustohan mo." "Nag-abala ka pa. Maraming salamat," nakangising sambit niya. Maingat niya itong inilagay sa likod. "Alam ba ng asawa mo na aalis ka?" Napatitig ako ng ilang segundo sa kaniya bago nagsalita. "Hindi na kailangan." "Well, ikaw ang bahala," ani Zeus at pinaharurot na ang sasakyan paalis. Matapos ang mahigit kalahating oras na
"Who are you?" tanong ng kapatid ni Zeus at humakbang papalapit sa akin. "She's Raheel's legal wife, Kuya," si Zeus na ang sumagot. "And Andrea is -" "I'm not his mistress!" depensa ni Andrea at hinawakan ang balikat ng kapatid ni Zeus. "Ang lakas ng loob mo para pagbintangan ako!" "Hindi ka ba marunong makuntento sa isang lalaki, Andrea?" sarkastikong tanong ko. Hinawakan ni Zeus ang kamay ko at pinigilang lapitan siya. "Ang kapal-kapal talaga ng mukha mo. Ilang lalaki ba ang kailangan mo para tumigil ka sa pagiging malandi mo?" "Girls, chill lang. Zeus, ilayo mo ang babaeng 'to kay Andrea," maawtoridad na saad ng Kuya ni Zeus at tumingin ito ng masama sa akin. "Anabelle, this is not the right place. It's my birthday and I hope you'll not ruin it," pabulong na saway ni Zeus sa akin kaya kumalma ako. "Everyone is watching us," dagdag pa niya. Napabuga ako ng hangin at humarap kay Zeus. "Okay. I'm so sorry," bulong ko. "It's alright. I understand." Ngumiti si Zeus sa akin at tin
Nagdilat ako ng mata. Malabo ang paningin ko. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko habang binubuhat ng lalaki. Pakiramdam ko mamamatay na ako. Ang huli kong naalala ay nasa CR ako at may nakita akong dugo sa sahig bago ako nawalan ng malay. "Anabelle! Anabelle!" I heard Raheel's voice. Pilit kong sinubokang tingnan ang mukha ng lalaking bumubuhat sa akin. Bumagsak ang balikat ko nang nakita ang mukha ni Raheel. Umiiyak siya. Umiling-iling ako at ipinikit muli ang mga mata ko. Nagising ako nang may narinig akong humihikbi malapit sa akin. Napakagat-labi ako nang nakita na naman si Raheel. Hawak niya ang kamay ko at nababasa na ito sa mga luha niya. Muli kong ipinikit ang mga mata ko nang bigla siyang tumingin sa akin. Naramdaman ko ang paulit-ulit niyang paghaplos at paghalik sa kamay ko nang ipagsiklop niya ang mga kamay namin. "I'm so sorry..." paulit-ulit niyang sambit. Parang pinipiga ang puso ko nang narinig ko ang sinabi niya. For the first time, humingi siya ng paumanhi
Hinawakan ni Raheel ang magkabilang balikat ni Andrea. "Ikaw ba ang nagsabi kay Anabelle na ipalaglag ang batang nasa sinapupunan niya?" "H-Hindi ko alam ang sinasabi niya, Raheel! Hindi ko alam na buntis siya!" sigaw ni Andrea at sinubokang itulak papalayo si Raheel. "Nasasaktan mo ako, Raheel! Bitawan mo ako!" "Andrea, I know you hate her. I married her because you left me without an explanation. And I don't even know that you're pregnant when you leave. But this is too much, Andrea." Napapailing si Raheel at dahan-dahang binitawan ang balikat ni Andrea. "This is too much. Hindi ko aakalaing aabot sa ganito ang lahat. Pinakialaman mo ang cellphone ko at inutosan mo pa si Anabelle na ipalaglag ang bata." "Babe, hindi nga ako ang nag-text sa kaniya no'n. Nawala ang cellphone mo, 'di ba? Maniwala ka sa akin, please. Kahit galit ako sa kaniya hindi ko magagawa ang bagay na 'yon. Buntis din naman ako. Kung alam ko lang na buntis siya, hindi kita ipagkakait sa kaniya kasi mas may karap