Agad na kumuyom ang mga palad ko matapod kong basahin ang reply ni Raheel. Nanginginig ang buong katawan ko sa galit at para bang binuhosan ako ng ilang baldeng puno ng yellow. Sa sobrang galit, naibato ko sa dingding ang cellphone ko. Nakabalik lang ako sa sarili ko nang nakitang basag na basag ito. Tumayo ako at pinulot ang cellphone. Kinuha ko ang sim nito bago ito itinapon sa basurahan nang napagtantong hindi na ito magagamit. Sobrang luma na rin kasi ng cellphone na 'yon. Ilang beses ko na 'yung pinaayos. Binuksan ko ang maleta na naglalaman ng pera, kumuha ako ng perang pambili ng bagong cellphone. Mumurahing cellphone lang ang bibilhin ko. Ngumiti ako nang nakita ang pera sa loob ng maleta. Hindi ko alam kung magkano ang perang binigay niya sa akin. Kahit papaano ay nabawasan ang problema ko sa pagkakaroon ng pera. Pakiramdam ko, malakas pa rin ako kay Lord, kasi pera na mismo ang lumapit sa akin. Pera na lang din ang nagpapasaya sa akin. Imbes na magmukmok sa kwarto at umiyak
Hinatid ako ni Zeus sa tinitirhan ko, pero hanggang sa labas lang ng gate ni Ate Maricel. Wala kasi akong ibang choice kundi payagan siyang ihatid ako. Masyado siyang mapilit. Marami rin naman kasi ang mga binili ko. Hindi ako gaanong nahirapan ngayong araw kasi nandiyan siya. "You live her?" Hindi makapaniwalang tanong niya at pinasadahan ng tingin ang paligid. Maraming nakatambay na mga lalaki at sa labas ng boarding house ni Ate Maricel, nag-iinoman, at naninigarilyo. Kaya mas pipiliin ko na lang ang manatili sa loob ng kwarto ko kesa lumabas. Exclusive for ladies only lang ang boarding house ni Ate Maricel, pero natatakot at kinakabahan pa rin ako kapag lumalabas o umuwi ng gabi kasi palaging nasa labas ang mga lalaki. Nakatambay lang sila roon buong araw. "Alam ba ng asawa mo na -" Naputol ang sasabihin ni Zeus ng tingnan ko siya ng masama. "Nobody knows that I'm married. I married that asshole! Shut up your mouth and just help me," bulong ko. "Okay," tipid niyang sagot at i
Sumama ako pabalik kay Chairman Marcelo sa mansiyon. Wala akong nagawa kundi sumama kasi malaki ang inutang kong pera sa kaniya. Kung magmamatigas ako, magbabayad ako ng pera sa kaniya. Saan naman ako kukuha ng perang pangbayad sa kaniya? "Bakit hindi ka nagsumbong sa akin, hija, na mayroon pa lang kakaibang nangyayari sa mansiyon habang wala ako?" tanong ni Chairman Marcelo nang malapit na kaming makarating sa bahay nila. "Tinawagan kita ng paulit-ulit, pero hindi mo sinasagot ang mga tawag ko." Hindi ako nagsalita. Nanunuyo pa rin ang lalamunan ko. Pakiramdam ko kapag magsasalita ako at sabihin sa kaniya ang totoo magiging mali lahat ng sasabihin ko. Apo niya kasi 'yon, malabong paniwalaan niya ako kesa kay Raheel. Napabuga ako ng hangin nang bumaba na kami sa sasakyan. Agad kaming sinalubong ng mga katulong sa mansiyon. Halos madapa sila sa pagtakbo nang nakita nila ako. Hindi ko mapigilang mapangiti nang yakapin ako ng mahigpit ng mga katulong. Napansin kong nagulat si Chairma
"Chairman Marcelo, hindi po ba kayo nahihilo? Kanina pa po kayo pabalik-balik sa paglalakad. Ako'y nahihilo na sa katititingin sa inyo," saad ni Ate Mari at nagkamot ng ulo. Mahigit tatlong oras na kaming nakatunganga sa sala habang naghihintay ng update tungkol sa kalagayan ni Andrea. Nanatili lang akong nakayuko habang nagmamasid sa paligid. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa takot. "Ma'am Anabelle, Chairman Marcelo, magpahinga muna kayo sa mga silid ninyo. Gigisingin na lang namin kayo kapag nakauwi na sila," saad ni Ate Joy. "Baka nagugutom na kayo. Tapos na skong magluto," sabi naman ni Ate Mari pagkatapos niyang lagyan ng juice ang mga baso namin. "I'm not hungry," sabi ni Chairman Marcelo. Kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan. "He's not answering his phone," iritadong sambit niya. Si Raheel siguro ang tinatawagan niya. Huminga ako ng malalim at inabala ang sarili sa pagkuskos ng aking kuko. Hindi na rin ako makapaghintay na marinig ang balita. Napalingo
Agad akong humiga sa kama pagpasok ko sa loob ng guest room. Hinilot ko ang ulo ko nang naramdaman ang pagsakit nito. Napahinto ako sa ginagawa ko nang nahagip ng mga mata ko ang human size panda. Pakiramdam ko umakyat na naman ang dugo ko sa ulo. Bumangon ako at kinuha ang human size panda. Sakto nang lumabas ako ay nakita ko si Ate Joy. Ibinigay ko ito sa kaniya. "Sa inyo na lang po. Kung ayaw niyo naman, pakitapon na lang po 'to sa basurahan," utos ko. Nagdadalawang-isip pa si Ate Joy na tanggapin ang human size panda. Sa huli ay tinanggap niya rin. Ibibigay niya na lang daw ito sa anak niya. Sayang daw kung itatapon lang. Napatingin ako sa wall clock. Pasado alas otso na ng gabi at hindi pa rin ako kumakain. Pinuntahan ako ng ilang mga katulong kanina para maghapunan, pero tinanggihan ko. Hindi ko alam kung makakaya ko bang lunokin ang mga kakainin ko kung kasabay ko sina Raheel at Andrea. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina nang naramdaman ko na naman ang pangangala
Hinarap ko si Andrea pagkatapos kong itapon sa basurahan ang sirang alarm clock at basag na wedding picture namin ni Raheel. Gusto ko na agad siyang sabunotan ng buhok, pero pinipigilan ko ang sarili ko. Baka makunan na talaga siya kapag hindi ako nakapagpigil sa sarili ko! "Pinagsiksikan mo pa rin ang sarili mo kahit ayaw ni Raheel sa 'yo? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?" pagtataray niya sa akin. I crossed my arms. "Correction, Andrea. Hindi ko pinagsiksikan ang sarili ko. Wala sa bokabularyo ko ang ganiyan. Baka ikaw.""Hindi nga ba?" Tumawa siya ng bahagya. "Pinalayas ka niya, 'di ba? Kasi manloloko ka. Sinamantala mo ang pagkakataon. Alam kaya ni Lolo Marcelo na kilala mo ang taong sumira sa pamilya ni Raheel?" "Sa tingin mo natatakot ako, Andrea? Hindi ko kailangang patunayan ang sarili ko. Magkakilala lang kami ni Tita Minerva kasi kaibigan ko ang anak niya. Kung ano man ang masamang binabalak nila, labas ako roon. Wala akong ginagawang masama rito!" "At nagmamalinis ka na
I grunted hard pagkalabas nila ng kwarto. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Baka maging kamukha ni Andrea ang magiging anak ko kasi palagi na lang kaming nagbabangayan. Hindi dapat ako magpaapekto sa kanila. Kailangan ako ng anak ko. Bubuhayin ko siya kahit ayaw siyang tanggapin ni Raheel. Napahawak ako sa tiyan ko nang naramdaman ang pagkalam nito. Naninibago ako sa eating routine ko. Hindi naman ako madaling magutom dati. Pero ngayon, pakiramdam ko palagi akong gutom. Ganito ba kapag buntis? Pagdating ko sa kusina ay nakahanda na ang mga pagkain. Nang nakita ako ni Chairman Marcelo ay kinaway niya ako kaya agad naman akong lumapit. Pinaupo niya ako sa tabi niya. "Good morning, Ma'am Anabelle, ipinagluto ko pala kayo ng paborito niyong ulam," saad ni Ate Jane. "Talaga po?" hindi makapaniwalang sambit ko at tiningnan ang dalawang bowl na inilapag niya sa harapan namin ni Chairman Marcelo. Abot langit ang ngiti ko nang nakita ang dalawang ulam na paborito kong kainin: ang s
Nagdilat ako ng mga mata nang bigla akong nakaramdam ng gutom. Tiningnan ko ang oras sa wall clock. Pasado alas tres pa ng umaga, pero bakit ang aga ko yatang nakaramdam ng gutom? Gusto kong kumain ng ice cream. Umahon ako sa kama at hinawakan ang tiyan ko. "Baby, gutom ka na naman?" bulong ko habang hinihimas ang tiyan ko. Agad akong nagtungo sa kusina at tiningnan ang refrigerator kung may stock pa ba silang ice cream. Bumagsak ang balikat ko nang nakitang wala na pa lang stock. "Bakit gising ka pa?" Nagpatalon ako nang narinig ko ang boses ni Raheel. Kumuha siya ng malamig na tubig sa refrigerator at ininom ito. "Nag-crave ako ng ice cream kaya -" "Sa ganitong oras gusto mong kumain ng ice cream?" hindi makapaniwalang tanong niya at muling uminom ng tubig. Tumango ako. "Ano naman sa 'yo kung gusto kong kumain ng ice cream?" sarkastikong tanong ko at kumuha na lang din ng malamig na tubig. Napabuntong-hininga siya at tinitigan ako ng ilang segundo. "Anong flavor ang gusto mo