Tinanghali ako ng gising dahil madaling araw na akong nakauwi kanina. Nagtatrabaho ako sa isang convenience store bilang cashier. Nagsaing ako ng kanin at nagluto ng hotdog. Binuksan ko ang aking mini refrigerator at kumuha ng karneng manok na nakasilid sa isang plastic. Magluluto ako ng adobong manok para kay Nanay dahil bibisitahin ko siya mamaya bago ako pumunta sa trabaho. Ito ang paborito niyang ulam kaya sisiguradohin kong magugustohan niya ito.
Napatalon ako nang may marinig akong sunod-sunod na katok sa pintuan ng aking kwarto. “Sandali lang!” sigaw ko habang tinatanggal ang suot kong apron. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Aling Maria na nakabusangot ang mukha habang ito’y nakapamewang. Siya ang may ari ng bahay o kwartong inuupahan dito. Kasama niya ang tatlong lalaking karpintero na nagtatrabaho sa kaniya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Magandang tanghali po,” bati ko ngunit nilampasan niya lang ako. Pumasok siya sa loob ng kwarto at tiningnan ang aking niluluto. Buti na lang at natapos ko ng lutuoin ang adobong manok bago sila dumating. “Mukhang masarap itong niluto mo. Para ba ito sa akin?” sarkastikong tanong niya at kumuha ng isang pirasong manok. Tinikman niya ito. “Masarap,” komento niya sa aking nilutong ulam para kay Nanay. “Maraming salamat po,” saad ko habang kinakagat ang aking labi dahil sa sobrang kaba. Umupo siya sa sofa saka in-ON ang TV. “Kailan mo balak magbayad sa lahat ng bayarin mo rito, Anabelle?” diretsong tanong niya sa akin. Mas lalong bumilis ang pintig ng aking puso sa sobrang kaba. “Kumusta ang iyong buhay prinsesa rito sa puder ko?” dagdag niyang tanong. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Kumuha ako ng isang malinis na plastic at inilagay ang adobong manok. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at tumabing umupo sa sofa. “Aling Maria, pasensiya na po dahil medyo kapos pa po ako sa pera ngayon,” sabi ko sa mahinang tono. Ang totoo ay mas inuuna kong bayaran ang mga utang ng mga magulang ko kesa bumayad sa upa ng kwarto, kuryente, at tubig. Tumayo siya at nagsalin ng tubig. “Anong petsa na ngayon at wala kang maibigay na pambayad sa inuupahan mong kwarto kahit isang piso?! Wala ka bang balak bumayad o sadyang makapal lang talaga ang mukha mo!” sigaw ni Aling Maria at binuhos sa akin ang tubig na sinasalin niya. Yumuko ako at nanatiling tahimik. “Tatlong buwan na Anabelle at kailangan ko ng maningil sa ’yo. May trabaho ka naman pero bakit hindi ka marunong magbayad? Hindi ako nagpapatira ng libre rito lalong-lalo na’t tumataas ang bayarin ng kuryente at tubig!” Suminghap si Aling Maria. “Kunin niyo itong TV at ang ibang mga gamit niya na pwedeng isangla!” utos niya sa tatlong lalaki. “Aling Maria magbabayad naman po ako. Kinapos lang po talaga ako sa pera ngayon. Binabayaran ko rin kasi ang mga natitirang utang ng mga magulang ko. Huwag niyo naman po kunin ang mga gamit ko,” pagmamakaawa ko sa kaniya nang sinisimulan nilang buhatin ang TV. “At kalian ka magbabayad? Kapag namatay na ako? Kailangan ko rin ng pera at nauubos mo na ang pasensiya ko sa kahihintay ng bayad mo! Tatlong buwan ka ng hindi nakapagbayad sa upa ng kwarto, kuryente at tubig!” “Bigyan niyo pa po ako ng isang buwan. Mababayaran ko rin po lahat-lahat. Isang buwan lang po, Aling Maria.” Kinuha ko ang aking wallet at kumuha ng isang libong piso. Inabot ko sa kaniya ang pera at mabilis niya itong hinablot. “’Yan lang po ang maibibigay kong pera sa ngayon. Huwag niyo po sanang kunin ang aking mga gamit dahil ‘yan na lang po ang natitirang alaala ko sa tatay ko.” “Kulang na kulang ang isang libo! Tatlong buwan akong naghintay tapos ito lang ang ibibigay mo? Kung ibenta mo kaya ang katawan mo para may pambabayad ka sa akin kagaya ng ibang ginagawa ng mga taong umuupa rito!” Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kaniyang sinabi. Kailanman ay hindi ko naisip na ibenta ang aking katawan para lang sa pera. Kahit gaano ako kahirap, hinding-hindi ko ibebenta ang aking katawan. “Magkaiba po kami ng prinsipyo sa buhay! Kahit gaano ako kahirap, hinding-hindi ko ibebenta ang aking katawan. Kaya huwag na huwag mo akong utosan na gawin ang bagay na iyan, Aling Maria!” Hindi ko mapigilang mapasigaw sa harap niya. Nanlaki ang kaniyang mga mata at sinampal ako. “At ang lakas ng loob mo para sigawan ako! Wala akong pakialam kung naghihirap ka sa buhay! Bayaran mo lang ako para matapos na ito at kung hindi, mapipilitan akong paalisin ka rito!” “Aling Maria, kahit isang buwan lang po. Wala akong ibang matutuloyan kapag pinaalis niyo ako rito,” pagmamakaawa ko ngunit hindi siya nakinig. Tinalikuran niya ako at nagsimulang kunin ang mga gamit na pwedeng masangla sa loob ng aking kwarto. “Huwag niyo naman po gawin ‘to sa akin. Nagmamakaawa po ako sa inyo.” Lumuhod ako at nagsimulang umiyak. Hindi ako pwedeng umalis dito lalo na’t wala akong mga kakilalang kamag-anak. Wala akong ibang matutuloyan at mahihingan ng tulong. “Kahit umiyak ka pa ng dugo riyan hindi mo mababago ang desisyon ko! Umalis kana rito kung wala kang pambayad sa akin!” sigaw ni Aling Maria. Inilabas nilang lahat ang aking mga gamit. Umiiyak ako habang pinupulot ang mga nakakalat kong gamit sa labas ng aking kwarto. Panay ang bulongan ng mga renters habang nakatingin silang lahat sa akin. Mabilis kong inilagay sa malaking bag ang aking mga gamit. Nakita ko sina Aling Maria at ang tatlong lalaki na lumabas sa aking kwarto. Padabog niyang isinara ang pinto at kinandado ito. “Ganiyan din ang mangyayari sa inyo kapag hindi kayo marunong magbayad!” sigaw niya sa ibang renters. Isa-isa silang bumalik sa kani-kanilang mga kwarto at iniwan ako. Nakaramdam ako ng sobrang hiya sa lahat ng nakakita sa nangyari. Pagkatapos kong pulotin lahat ng mga gamit ay dumiretso ako sa terminal ng mga bus. Hindi na ako nakapagbihis at nakapag-ayos sa sarili dahil sa sobrang hiya. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Mahigit isang oras akong nanatili sa bus terminal habang umiiyak. Napapansin ko rin ang pagtingin ng ibang pasahero sa akin sa tuwing napapadaan sila sa harapan ko. Kinuha ko ang aking cellphone sa loob ng bag nang napansin kong may tumatawag. Huminga muna ako ng malalim bago ko ito sinagot. “Hello, sino po ‘to?” tanong ko sa kabilang linya nang nakita ang unknown number. “Si Miss Enriquez po ba ito?” tanong ng isang babae sa kabilang linya. “Opo. Bakit po?” “Isa ako sa mga nurse na nag-aalaga sa Nanay mo. Pwede ka po bang pumunta rito? Ayaw niyang uminom ng gamot, Ma’am,” mahinahong sabi niya na siyang nagpaiyak sa akin muli. “Mahigit tatlong oras na po siyang nagwawala, Ma’am. Naiisturbo niya po ang ibang pasiyente. Pinapasabi rin po ni Dr. Alejandro kung nakapag-isip na po ba kayo tungkol sa operasiyon ng Nanay niyo, Ma’am. Kung hindi po kayo busy ngayong araw baka pwede po kayong pumunta rito para makausap si –” Pinutol ko ang tawag at mabilis na pinunasan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. Kinuha ko ang aking mga dalang gamit at nagsimulang maglakad paalis ng bus terminal. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Hinayaan ko ang aking sarili kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa mga problema ko. Saan ako kukuha ng pera para sa operasiyon ni Nanay kung hindi sapat ang sahod ko bilang isang cashier sa pinapasokan kong trabaho?Nakaramdam ako ng gutom habang naglalakad sa daan. Nakalimutan kong kumain kanina dahil dumating si Aling Maria. Hindi ko rin nadala ang paboritong ulam ni Nanay na niluto ko. May nakita akong maliit na tindahan at naglakad patungo roon. Bumili ako ng limang pirasong tinapay at isang bote ng tubig. Kumakain ako ng tinapay hanggang sa napadpad ako sa isang iskinita kung saan may nakita akong kumpolan ng mga lalaki. Nagtago ako sa likod ng poste at sinusubokang tingnan ang kanilang ginagawa. May nakita akong matandang lalaki na nakahiga sa lupa habang ito’y binubugbog at sinisipa ng mga kalalakihan. “Papatayin ka namin!” sigaw ng isang lalaki. Kinilabotan ako sa aking narinig. Sinuntok niya ang mukha nito at sinipa. Kumuha ako ng mga maliliit na bato at iniligay iyon sa aking bulsa. Nagsuot din ako ng face mask para matakpan ang aking mukha. Kung hindi ako tutulong paniguradong mamamatay ang taong binugbog nila. Ibinato ko sa iba’t-ibang parte ng lugar ang mga bato upang gumawa ng i
"You want me to marry this woman kung hindi ko makikita si Andrea?" Napasinghap ang apo ng matanda. Hindi ko maiwasang tingnan ito ng masama nang nakita ang nakakainsulto niyang pagtingin sa akin. "I will not marry this woman!" "Asa ka rin na magpapakasal ako sa isang tulad mo, 'no!" galit na singhal ko sa kaniya. Bumaling ako sa matanda. "Sir, kung ano man ang trip niyo labas po ako riyan. Huwag niyo po akong isali sa problema ng pamilya niyo. Kung wala po pala kayong kailangan sa akin, maari na po ba akong umalis? May trabaho pa po ako para makaipon pangpaopera sa Nanay ko." "You can stop working today if you'll agree to marry him, hija." "Ano?! Hindi po pwede 'yan, Sir. Kailangan ko ang trabaho ko. Hindi ako hihinto sa pagtatrabaho para upang pakasalan ang apo niyo. Inuulit ko po, labas po ako kung ano man ang problema ng pamilya niyo." "Kita mo 'yan, Lolo? Ayaw niya rin sa akin. Ayaw namin sa isa't isa. Paalisin mo na nga lang ang babaeng 'to! Tingnan mo nga ang itsura niya
Pakiramdam ko, para akong pinagsakluban ng langit at lupa ngayong araw. Nawalan ako ng matutuloyan at trabaho, pati mga gamit ko ay nawala rin sa akin dahil hindi ko nakuha kanina. Pumara ulit ako ng jeep patungo sa hospital kung saan naka-confine si Nanay. Tiningnan ko ang pera sa loob ng wallet ko. Bumagsak ang balikat ko nang nakita ang isang libong piso. Paano ko pagkakasyahin ang perang 'to? Maghahanap pa ako ng matitirahan at trabaho. Bibigyan ko pa ng sahod si Lara dahil siya ang nagbabantay kay Nanay habang wala ako. "Kuya, bayad po," sabi ko sabay abot ng isang libong piso. Kumunot ang noo ng jeepney driver nang nakita ang pera ko. "Wala ka bang barya riyan, hija? Bente pesos lang ang makukuha sa pera mo. Mauubos ang perang panukli ko." "Wala po akong barya, Manong. Ito lang talaga ang meron sa 'kin -" "Bayad po, Manong. Ako na lang po ang magbabayad sa pamasahe niya." Napalingon ako sa lalaking katabi ko. Nahihiyang ibinalik ko na lang sa wallet ang pera ko.
Nanginginig ang aking kamay habang hinihintay na sagotin ni Chairman Marcelo ang tawag ko. Kakapalan ko na ang pagmumukha ko. "Hello? Sino po sila? Ako po ang personal assistant ni Chairman Marcelo." "A-Anabelle Enriquez po, Sir. Pwede ko po bang makausap si Chairman?" sagot ko habang kinakagat ang aking pang-ibabang labi. "This is Chairman Marcelo of Del Fuego Industries -" "Good evening po, Chairman. Si Anabelle po ito. Pasensiya na po kung napatawag ako sa ganitong oras." "Anabelle? Ikaw ba 'yung babaeng tumulong sa akin kanina?" "Yes po. Ako nga po," nahihiyang saad ko. "Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo, hija? I forgot to ask your name earlier dahil mukhang nagmamadali ka habang ang apo ko namang si Raheel ay hindi makausap ng maayos." Tiningnan ko si Nanay. "Ayos lang po. Walang problema sa akin 'yon." "Kumusta na pala ang Nanay mo?" Hindi ako nakasagot agad. Nanatili lang akong nakatitig kay Nanay habang kinukuskos ang kuko ko. Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagaw
"Dearly beloved, we are gathered here today in the presence of God and these witnesses to join Raheel and Anabelle in holy matrimony. Marriage is a sacred union, a commitment of love and devotion between two souls." The priest looks at us, smiling warmly.Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahawakan ito ni Raheel. Nakatitig siya sa akin na para bang hinihila niya ang kaluluwa ko palabas. Mabilis ang tibok ng puso na siyang nagpadagdag ng kaba ko. Tumingin ang pari sa kaniya. "Raheel, do you take Anabelle to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish until death do you part?"Humigpit ang paghawak niya sa mga kamay ko. Kinakabahan ako habang hinihintay siyang sumagot. Nakasalalay sa mga kamay niya ang buhay ni Nanay. Pagkatapos ng kasal namin ay saka pa ooperahan si Nanay. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Chairman Marcelo. Siguro naiinip na rin siya
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Raheel. Tama naman siya. Hindi namin parehong ginusto ang kasal na 'to. Pagkatapos kong magbihis, inayos ko muna ang higaan ko. Ako ang matutulog sa sahig habang siya naman ay sa kama matutulog. Tinanggal ko rin ang ibang palamuti na inilagay sa buhok ko at sinuklay-suklay ko ang mahaba kong buhok. Nang matapos na akong magsuklay ay roon pa lang ako lumabas ng kwarto para balikan ang ibang panauhin. Pagbaba ko nang hagdanan, nakita ko sina Chairman Marcelo at Raheel na nag-uusap. Sumilip ako sa labas, umuwi na ang ibang guest dahil wala na akong nakita. Nginitian ako ni Chairman Marcelo nang nag-angat siya ng tingin sa akin. Kumaway siya sa akin at pinapapunta sa kinaroroonan nila. "Nagustohan mo ba ang mga binili kong damit para sa 'yo?" tanong ni Chairman Marcelo habang sumisimsim siya ng tsaa. Tumango ako at umupo sa tabi ni Raheel. "Maraming salamat po. Nag-abala pa po kayo," nahihiyang saad ko. May kinuha si Chairman Marcelo sa bulsa
Bumaba ang paningin ko sa sahig nang may nakita akong tumutulong dugo. Napabuga ako nang hangin nang napansin ang sugat sa daliri niya. "May sugat ka," sabi ko. Itinago niya ang kamay niya sa akin. "I know. Hindi naman ako manhid. Matulog ka na," malamig niyang sabi. Naglakad siya patungo sa cabinet, may hinahanap siya roon. Bumalik ako sa pagkakahiga habang pinagmamasdan siya sa ginagawa niya. Ginagamot niya ang kaniyang sugat. Ipinikit ko ang mga mata ko matulog dahil maaga pa ako bukas. Pupuntahan ko si Nanay at ibibigay ko rin ang sahod ni Lara. Napabalikwas ako ng bangon nang may narinig akong kumalampag sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung anong oras na kaya tumingin ako sa wall clock. Pasado alas dos pa ng madaling araw. Sinilip ko si Raheel, nakatagilid siya at niyayakap ang sarili. Huminga ako ng malalim bago umahan. Naghanap ako ng kumot sa cabinet at ibinalot ito sa katawan niya. Hinaan ko rin ang aircon para hindi siya gaanong lamigin. Kinabukasan, nagising ako na w
Tumayo ako at ibinalik sa kanya ang mga pagkaing dinala niya. "Hindi pera ang habol ko sa pamilya mo, Raheel. Kung may ibang paraan lang para mailigtas si Nanay ay hindi na ako pumayag na ikasal sa taong kagaya mo. Alam kong kinasusuklaman mo ako pero huwag mong ipamukha sa akin na pera-pera lang ang lahat. Pinakasalan kita dahil kapalit ng pagpapakasal ko sa 'yo ay ang kaligtasan ni Nanay. Pero hindi ibig sabihin no'n ay mukha na akong pera," sabi ko. Nagkibit-balikat siya at kinuha ang supot. "Fine. Hindi mo naman 'to kailangan dahil binigyan ka ni Lolo ng pera, right?" Itinapon niya sa basurahan ang mga pagkain. Kumukulo ang dugo ko sa galit habang pinagmamasdan siyang isarado ang basurahan. "Ano ba ang meron sa 'yo at bakit gustong-gusto ka ni Lolo para sa akin? We don't even know kung saan ka galing. Basta-basta ka na lang pumasok sa mga buhay namin. He forced me to marry you. Hindi niya man lang ako hinayaang pumili kung sino ang gusto kong makasama sa buhay ko." "Sa tingin m