Share

A Sweet Nightmare

Author: S.B.S
last update Last Updated: 2023-09-01 04:58:17

KAHIT tulog ang kalahati ng diwa ko ay ramdam ko parin na may na-upo sa gilid ng malambot na kama.

Patay! Baka bukas wala na akong trabaho dahil sa ginagawa kong paghiga sa kama ng amo ko.

Dali kong minulat ang aking mga mata. Ewan pero parang tulog pa rin ako at nasa mundo ng panaginip.

Talagang nasa panaginip ako dahil bumungad sa aking paningin ang asungot na lalaki noong isang araw.

Ang lalaking mapangahas na sumira ng aking palda at ang lalaking pinilantik ang noo ko.

"Anak ng! Nanaginip ba talaga ako?" kunot noong napatanong ako sa aking sarili.

Kinurap-kurap ko ang aking mga mata upang siguraduhin kung panaginip lang ba talaga?

Ayon! Nanatiling nakatitig sa akin ang gwapong mukha nito?

Malamlam ang mapupungay nitong mga matang sinuyod ang aking mukha. May maliit na ngiti sa labi.

Bakit ko naman napapanaginipan ang h*******k na iyon?

Hindi ito isang panaginip kundi isang napakasamang bangungot!

Kailangan kong magising, baka ito ang papatay sa akin. Baka sasakalin ako nitong bigla sa panaginip ko at hindi na ako magigising pa.

"Do you like the bed?" bungad ng lalaki sa panaginip ko. Nakatitig parin ito sa akin na may pilyong ngiti sa labi.

Nagtanong pa talaga ito sa panaginip ko.

Ang hindi ko maintindihan ay kong bakit damang dama ko ang mainit nitong hininga na tumama sa pisngi ko?

Inilapit pa nito ang mukha sa akin. Nakita kong dahan-dahan nitong inangat ang daliri.

Napatili ako, ito na yata ang eksinang akmang sasakalin na ako. Kailangan ko ng magising. Magising sa aking napakasarap ay este napasamang bangungot.

Kaya biglaang inangat ko ang aking ulo mula sa pagkakahiga. Talagang biglaan at dahil sa ginawa ko ay sapol at nabunggo ko ang noo nito.

"Oh shit—

"Aray—

Magkasabay naming bulalas. Parehong nanggagalaiti ang aming mga mukha at halos magkasabay na hinimas ang noong nasaktan.

"Ay anak ng!" wala sa sariling sabi ko habang hinimas himas ang aking noo.

"Ibang klaseng panaginip yata iyon ah!" kibot kibot kong nagsalubong ang kilay.

"Are you nuts?" dinig kong may nagsalita.

"Ay! ahas na makamandag!" napatili tuloy ako lalo dahil sa gulat. Napasapo ako sa aking dibdib.

Nakita kong nakatiim bagang ang lalaking nakatingin sa akin. Hindi man lang kumukurap.

Napangiwi ako at hindi pa rin ako makapaniwala kaya kinurot ko ang aking bisig upang malaman ko kung gising ba talaga ako?

"Aray!" napadaing ako dahil sa sakit ng bisig ko dahil sa pagkurot ko.

Lintik! Totoo nga nandito nga sa harapan ko ang asungot na lalaki.

Napakagat ako sa aking labi dahil hindi ko talaga magets bakit nandito itong h*******k na ito?

Mayamaya ay tumikhim ito.

Napa-igtad ako at biglang napatayo mula sa pagkakaupo sa kama.

Bahagya kong inayos ang nagusot na bedsheet dahil sa pagkakasalpak ko doon.

"Do you like the bed?" ulit nito sa tanong kanina na nakataas ang kilay. Inihilig nito ang katawan sa kama patagilid saka tinukod ang kanang siko doon.

Lumunok muna ako ng laway bago nagsalita. "Anong bang ginagawa mo dito ha?" walang preno prenong balik na tanong ko.

At sa tanong ko ay isang nakakalukong tawa ang pinakawalan nito na sumakop sa buong silid.

"I should be the one asking you that, lady?" balik nitong sabi na nang-uuyam ang mga titig.

Nanliit ang aking mga mata dahil sa inis na halos umusok na ang ilong ko. Alam talaga ng lalaking itong galitin ako.

"Eh kita mo naman nakasuot ako ng uniporme, nandito ako upang magtrabaho!" walang pakundangan inis na tinitigan ko ito. Sobrang talas na titig na makatitano.

"Trabaho—I doubt, as I witnessed seems you're not, you're here just to take a nap."

"T-Teka sino ka ba ha? Nakita mo naman na natapos ko na ang lahat ng kailangan kong gawin, siguro magpahinga ng kaunti ay hindi na iyon malaking bagay?" walang patid na sagot ko dito.

Nanginginig na hinakbang ko paatras ang aking paa pero sumagi na ang binti ko sa gilid ng mamahaling bedside table.

"Kinaka-usap pa kita—

Mabilis ang palad nitong hagipin ang braso ko't inunat bigla. Sa inaasahan nawalan ako ng balanse at napatihaya muli sa kama.

"But for me it is really big deal, young lady," inusad pa nito ang sarili papunta sa akin.

Mahinuhang singnipis nalang ng karayom ang agwat namin sa isa't isa.

Pumaypay na ang mabango at ma-init na hininga nito sa pisngi ko .

Biglang tumambol ang dibdib ko. Nate-tense, kinakabahan na parang hindi na ako makakahinga. Lahat ng pakiramdam ay nararamdaman ko dahil lintik na to!

Sunod sunod na lunok ang aking ginawa dahil sa tensiyon sa pagitan namin.

Nakapagdagdag pa sa akin ang mamahaling pabango nito na parang hinihigop ako. Tila nahihipnotismo ako dahil kay banayad ng amoy nito sa ilong ko. Kaiga-igaya sa pakiramdam at nakaaddict.

Anong bang plano ng lalaking ito? At sino ba ito?

Nagtagis ako ng tingin at muling nagsalita.

"Ha? At bakit? Hindi naman kita kilala ah," sinagot ko pa rin ito kahit halos mahihimatay na ako dahil sa kaba.

Biglang nagdilim ang gwapong mukha nito dahil sa sinabi. Gumalaw ang masel nito sa bagang. Inilapit sa sarili sa akin na halos magkadikit na ang aming katawan.

Patagilid itong nakatingin sa akin at ako nama'y naninigas nalang na nakatihaya sa kama.

"Mas mabuting h'wag mo ng alamin dahil sigurado akong pagnalaman mo, you can't dare to talk to me like that," mahinang sabi nitong may diin ta's inangat nito ang daliri, inabot ang bangs ko at nilalaro. "You're beautiful yet dumb... very dumb," dagdag pa nitong bulong sa tainga ko.

Gustong humiwalay ng espiritu ko sa katawan dahil sa init ng hininga nitong tumama sa tuktok ng tainga ko.

Ang puso ko'y nagwawala dahil hindi nakaligtas sa pandinig ang papuri nitong maganda ako. Pero napanguso din ako pagkatapos dahil may kasamang negatibo ang papuri nito.

Tumikhim ako upang makabawi ngunit nakatitig ang lalaki sa akin.

Hindi ko magawang ikurap ang aking mga mata, parang gusto kong titigan ng maigi ang kabuuan ng gwapong mukha nito.

Bumaba ang paningin nito sa nakaawang kong labi. Dahan dahan na bumaba ang mukha papalapit sa mukha ko.

"Teka? Hahalikan ba ako ng lalaking to?"

Ewan ba at kusang pumikit ang aking mga mata, hinintay kong dumapo ang labi nito sa labi ko. Gaya ng mga nasa telenovela. Titigan ta's hahalikan.

"Dumb!" kasunod ay isang pilantik ng daliri na naman ang tumama sa noon ko.

"Aray!"

"Anak ng!"

Nakadalawa na ang lalaking to' huh! Dali akong nagbawi at bumangon pagkatapos at akma itong batukan—nang may biglang kumatok at nagbukas ng pinto ng silid.

Napinto ko ang akmang gagawin. Ito naman ay umayos at tumayo agad mula sa pagkakasalpak sa kama.

Kita ko ang isang pilyong ngiting sumilay sa mga labi nito. Sabay kindat sa akin pagkatapos ay dagling humarap sa pintuan kung saan nandoon ang isang kasamahan ko.

"Seniorito Aries, may tawag ka po galing Italy," sabi ng kasamahan ko at pagkatapos ay tumalikod.

"S-ssen-niorito?" nauutal kong ulit sa kataga, na hindi mawari.

"Yes and now you know," baling nito sa akin at dagling humakbang papalabas ng silid.

"Hindi pa tayo tapos," habol pa nito at tuluyang nawala sa paningin ko.

Naiwan akong nakanganga at gulat pa rin sa aking nalaman.

"Lintik ba't ang tanga ko," napakagat ako ng aking mga labi sabay na natampal sa noo. Pabagsak na nahiga ako muli sa malambot na kama.

Bibitayin na talaga ako ng lalaking iyon, ah hindi pala kay Seniorito Aries na iyon.

Baka bukas wala na akong babalikang trabaho.

Kailangan ko pa naman ng income sa mga panahong ito.

"Lagot ka talaga babae ka!"

Napasimangot ako sabay gulo sa aking tuwid at mahabang buhok.

Gusto ko ng maglumpasay at magngangawa dahil sa hiya.

"Lord maawa ka naman, huwag mo naman akong ipasesante, promise magpapakabait na po ako, kailangan ko talaga ng trabaho ehh."

Bwisit naman kasi itong sarili ko. Ang utak ko, walang preno preno kung magkapagdekta sa bibig ko.

Ayan tuloy napahamak ako at gusto ko ng mamatay. Gusto ko ng lamunin nalang ako ng lupa at maglaho na parang bula.

Wala akong mukhang ihaharap sa seniorito Aries na 'yon. Ang bobo ko talaga!

Bumangon ako saka umayos ng tayo. Wala sa sariling napa-indak ko ang mga paa.

Tuloy nagmukha na akong baliw sa eksina ko. Dahil kanina ko pa gustong lumabas pero hindi ko alam kong paano dalhin ang sarili ko sa kahihiyan.

Inayos ko muna ang nagusot na bedsheet ta's umayos na ako ng tayo upang lumabas ng silid. Inipon ko ang aking tapang.

Ah bahala na! Lalabas na ako sa loob ng silid.

"One... two... three... go!"

Akma ko nang ihakbang ang aking paa nang may biglang nagbukas muli ng pinto ng silid.

"Ay anak ng tukneneng!" nagulantang ako na halos mawalan ng balanse sabay sapo sa kanyang dibdib. "Sino bang—" hindi ko natuloy ang sasabihin ng bumungad sa akin si Seniorito Aries.

Agad akong yumuko at tumayo ng maayos. Nilampasan lang ako nito at dumeritso sa isang pinto.

"Sumunod ka sa akin," utos nito.

Pumasok ito sa isang pinto, sa built-in kabinet.

Tarantang sumunod ako sa lalaki.

Halatang nagmamadali ang amo ko. Walang sabi sabing kumuha ito ng isang pares ng itim na suit pagkatapos ay bumaling ito sa akin.

"Come here."

Nanginginig na sumunod ako. Nakayuko akong lumapit.

Hindi ako makatingin ng deritso. Inabot nito sa akin ang isang pares ng suit. Tahimik kong tinanggap iyon.

Kasunod ay walang kimi-kiming naghubad sa harapan ko.

"Diyos por santo!"

Namilog ang aking mga mata at nanigas ang mga kamay't paa ko, dahil iniisa isa nitong hinubad ang saplot sa katawan.

Gusto kong pumikit pero hindi ko magawa. Sunod-sunod ang lunok ko ng laway dahil sa biglang pagtigang ng lalamunan ko.

Hanggang sa tuluyan iniwan nito ang tanging boxer. Pilit kong ibaling ang aking paningin sa ibang direksiyon pero ewan ba at natagpuan ko nalang ang sariling sinuyod ito.

Napakagat ako sa aking labi habang tiningnan ang buo nitong katawan.

Napakaperpekto ng hubog ng katawan. Malalapad ang mga balikat, mamasel ang dibdib at may anim na pandesal sa tiyan, girl!

Dagdag pa ang mabalahibo nitong puson, hanggang sa.. hindi ko napigilang mapakagat sa aking labi na parang uhaw na nakatitig sa gawing pusonan nito.

Hindi ko mawari ang sarili pero biglang nanayo ang balahibo ko sa buong katawan.

Isang tikhim ang aking narinig, agad kong binaling ang paningin sa ibang direksyon.

Umakto ako na parang walang nakita.

Mayamaya ay naramdaman ko ang mga hakbang nitong papalapit sa akin. Sinulyapan ko ang direksyon nito. Kinabahan akong lalo dahil papalapit na naman ito sa akin.

Nakatitig ito sa akin habang patuloy nitong hinakbang ang mga paa. May ngiting pilyo na naman sa labi.

Yumuko ito ng bahagya upang magpantay ang aming paningin.

Maagap naman ako at agad naiharang ang hawak na tuxedo sa gitna namin sabay pikit sa aking mga mata.

"Anong gagawin mo, Seniorito?" nanginginig kong tanong. Dahan dahan kong minulat ang isa kong mata, kasunod ang isa.

Narinig ko ang mahina nitong tawa na tila ba kinatuwa nito ang reaksyon ko.

Hindi ito nagsalita at naging seryoso ang mukha nito sabay hablot sa hawak kong damit nito. Walang sabi sabing sinuot nito.

Brusko, antipatiko, mayabang, bastos lahat siguro ng ayaw kong ugali sa lalaki ay nasa lalaking ito. Lahat ng negatibong pang-uri ay bagay na ilarawan dito.

"You are not that comfortable aren't you?" tanong nito sa akin habang abala na inayos ang sarili.

Kasunod ay hinablot nito ang hawak kong pants mula sa aking kamay.

"Hindi po ako sanay makakita ng katawan, seniorito," walang prenong sagot ko

"Dapat masanay kana dahil you will work for me and I am your master from now on."

Hindi na lang ako sumagot baka kung saan pa mapunta ang walang kwentang usapan namin.

Naka-iwas ang paningin ko dito habang hinihintay kong matapos ito sa harap ng malaking salamin.

Nang matapos ito ay tinawid nito ang pagitan namin saka yumukong muli.

"See you tomorrow, stupid," sabi nito sa'kin na kinindatan ako ta's tinapik ang bubunan ko.

Ewan ko ba't parang tinukso ako, kita ko ang malapad na ngiti nito sa labi.

Pagkatapos ay dahan dahan ako nitong nilampasan at gumawi sa pinto papalabas.

"Work harder, Emena," nakangiting pahabol nito at tuluyang lumabas.

"Huh! Work harder Emena! Duh!" Napatirik ko ang aking mga eyeballs dahil sa inis habang ginaya ko ang sinabi nito.

Related chapters

  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   Arrogant With a Heart

    MAINGAT na pinihit ko ang pinto ng master's bedroom. Maaga palang ay dumating na ako sa malaking bahay. Kasi nga marami akong gagawin. Magbe-breakfast in bed daw ang asungot kong amo.Kaya bilang personal maid nito ay kailangan ko din na maging maaga. Pagtitiyagaan ko na lang muna ito. Kung hindi lang ako nangangailangan ng trabaho, hinding hindi ako babalik dito. Makikita ko na naman ang asungot, bastos at antipatiko kong amo. Bakit ba kasi ang liit-liit ng mundo para sa aming dalawa at muli kaming nitong pinagtagpo? Ang saklap nagiging amo ko pa.Pigil hiningang humakbang ako papasok sa loob ng silid. Nagsalubong ang aking kilay sabay linga sa buong lugar. Lahat ng ilaw sa loob ng kwarto ay nakabukas at sobrang liwanag. Baka gising na ito—nang tinalunton ko ang kinaroroonan ng malaking kama ay nakita kong mahimbing pa itong natutulog, na parang isang sanggol. Nakadapa.Walang suot na damit pang-itaas

    Last Updated : 2023-09-02
  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   Shallow Happiness

    ARAWng linggo ay nadatnan ko ang amo kong gising na at gaya ng inaasahan ay nakatuon na naman ang atensyon nito sa harap ng laptop."Magandang umaga po, seniorito," bati ko nang makapasok ako ng silid.Tumango lang ito na hindi ako binalingan at seryoso ang mukhang kinulikot na naman ang mga dokumento.Nagkibit balikat nalang akong muling lumabas. Bumaba ako upang kuhanin ang agahan nito.Gaya ng inaasahan ay nagtanong na naman to' kung kumain naba ako. Agad akong tumangoDinala ko ang pagkain nito sa veranda. Hinayaan ko ang amo kong kumain doon saka ako bumalik sa loob ng silid upang palitan ang bedsheet ta's hinawi ko ang puting kurtin

    Last Updated : 2023-09-03
  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   You're Lovely Yet Stupid

    IBIGlumipad ang kaluluwa ko sa katawan nang pwersahang dinakma ni Seniorito Aries ang braso kong may hawak na feather duster."Strip!" madiin nitong utos. Ang mga titig nito ay nasa mukha ko."Po?" nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito. Naguguluhang nakigpatagisan ako ng titig dito. "S-Strip po?" ulit ko sa sinabi nitong nauutal."Take off that uniform right now, strip!" nanggagalaiting utos nito.Nanlaki ang aking mga mata. Napahigpit ang hawak ko sa feather duster.Ano daw? Gusto nitong maghubad ako? Bakit? Hindi ko makuha ang ibig nitong sabihin?Ang maniac naman ng lalaking t

    Last Updated : 2023-09-04
  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   A Nice Pair Of Shoes

    BUONG magdamag na aligaga ang isipan ni Aries. Kanina pa siya pabaling baling sa kanyang kama. Hindi siya dinalaw ng antok.Palaging sumasagi sa isipan niya ang ngiti ng maid niya. And how she caressed his back it was so comforting that made him want to lean on her shoulder all night. Emena is something.Hindi man niya kayang ipaliwanag o mabigyan ng tamang kataga pero tila baga may ginising ang dalaga sa kaibuturan ng pagkatao niya.Nababagot na bumangon ang binata. Natungo siya sa mini bar ng kanyang silid saka doon nagsalin ng Henri Heritage Cognac Champagne.Lumabas siya sa silid na bitbit ang baso. Tinungo ang veranda saka niya tiningala ang mabituing kalangitan.Sunod-sunod ang tungga niya sa alak na laman ng baso."I told you, Paula, that lady is interesting," bulong ng binata sa hangin. May himig na pait ang boses niya.Makalipas ang maraming taon...saktong mahigit na labing limang taon. Those dark past kept hunting him everynight. The guilt he carried all his life. Hindi siya

    Last Updated : 2023-09-05
  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   Unpredictable

    NATAGPUANko nalang ang sarili sa harap ng napakatayog at pribadong condominium. Nalululang nakatingala ako sa gusali. Ibig ko na namang masuka."Ano bang tinitingala mo diyan, hurry up!" si seniorito Aries na nauna nang pumasok sa lobby ng condominium. "Emena, hurry up!" ulit nito nang mapansing hindi pa ako gumagalaw sa kinatatayuan ko."Opo, andiyan na!" tumatakbong sinundan ko ito. Sinapit namin ang harap ng elevator. Namutla akong nakatingin sa pinto. "Seniorito, maghagdanan nalang kaya ako!"Isang mahinang ngisi ang pinakawala nito. "Are you nuts?" ani nitong nakapamulsang hinihintay magbukas ang pinto."Eh kasi seniorito—" tumingkayad ako sa tabi nito upang bumulong, "—nalulu

    Last Updated : 2023-09-06
  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   Afraid Of Darkness

    PAWISANang buong katawan na nagising si Aries mula sa kanyang malalim na pagka-idlip. Muli na naman siyang dinalaw ng kanyang masalimuot na nakaraan. It happened almost everynight.Marahas siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa kama.Napahilamos siya sa kanyang mukha habang pinakiramdaman ang sarili. Sanhi ng madilim nakaraan ay hindi magawa ni Aries na matulog na hindi nakabukas ang ilaw. Pakiramdam niya pagmadilim ang paligid niya ay lalamunin siya ng nakakatakot na madilim na kawalan. Aatakehin siya ng panic na tila baga hindi siya makahinga. Pakiramdam niya ay nakaka suffocate ang dilim.He is afraid of the dark.Nang mahimasmasan ang binata ay nagtungo siya sa banyo upang doon ibabad ang

    Last Updated : 2023-09-07
  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   Soft Side

    "SENIORITO—Bigla nalang ako nitong kinabig at niyakap na sobrang higpit. Dama ko ang panginginig ng katawan nito.Hindi ko maipaliwanag ngunit nakadama ako ng pag-alala para sa amo. Naalala kong mag-isa nalang ito sa buhay.Kailangan ba nito ng makaka-usap? Nakahanda akong makinig.Tinapik-tapik ko ang likod nito habang dinama ko ang yakap ng amo ko."Seniorito," mahina kong sambit.Tuloy bigla itong natauhan at kumalas sa akin saka nahihiyang nag-iwas ng tingin."It is not that I want to see you or whatever, it's just... that

    Last Updated : 2023-09-08
  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   The Sweet Delicacy

    NAPAPITLAGkami kapwa ni Gaspar nang may biglang bumahing sa likuran ng mayayabong halaman.Nahagip ng paningin ko ang gwapong amo ko. Mabilisan kong kinubli ang hawak na supot ng bibingka sa likuran ko at ganun din si Gaspar."Seniorito—Halos magkasabay naming bulyaw ni Gaspar.Nakita kong umayos ng tayo ang amo ko sabay na tumikhim. Pasimpleng naglakad itong nakapamulsa patungo sa kinatatayuan namin ni Gaspar."Magandang umaga po, Seniorito," si Gaspar nang makita ang amo."What are you both doing here?" nakataas ang babang tanong ni seniorito Aries. Nakatuon ang paningin nit

    Last Updated : 2023-09-09

Latest chapter

  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   Epilogue

    NAGISING ako sa kalagitnaan ng madaling araw dahil gumagalaw na naman ang kambal namin ni Aries. Medyo nahihirapan akong makatulog dahil sa bigat at laki ng tiyan ko. Nasa pangatlong trimister na ako ng pagbubuntis ng kambal naming panganay.Hindi mapakaling bumangon ako't hinimas at pinakiramdaman ang munting anghel sa aking sinapupunan. Sobrang makukulit at galaw nang galaw dahilan upang mapadaing ako minsan dahil masakit."My wife," si Aries nang marinig ang d***g ko. Nagising ito mula sa mahimbing na pagkakatulog. Sumunod itong bumangon. "May masakit ba?"Malambing akong tumango na hinimas ang tiyan ko. "Gising na naman ang mga anak natin."Inangat ng asawa ko ang palad upang pakiramdaman ang tiyan ko. "Shhh, 'wag masyadong magalaw, little treasures nahihirapan si mommy," saway nitong inilapit ang labi sa tiyan ko saka hinalikan.Saglit ay humupa ang galaw sa tiyan ko. "Good, it seems they're smart like their dad," pagmamalaki nito.Napangiti ako saka ko piningot ang ilong ng asawa

  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   New Treasure

    New York...MATAMAN na nakatuon ang mata ni Juaquen sa kadadating lang na mensahe sa kanyang e-mail.Lee,"We are inviting you to celebrate the day when we take our next large step in the relationship. We promise you that the wedding will be magnificent. We would be incredibly grateful if you came to celebrate our love together with us!"Emena and AriesNang mabasa ang mensahe isang buntong-hininga ang pinakawala ni Juaquen. Matamlay niyang sinara ang laptop."Hindi niya ako nahintay dapit huli," mahinang bulong niya sa hangin. Kinuha niya ang kanyang mamahaling camera at saka tumalikod at iniwan ang malaking silid."YOU may now kiss the bride," si Father Rosales nang magtapos ang seremonya ng kasal.Puno nang kagalakan at sensiridad ang bumakas sa mata ni Aries habang sinuyod ako ng tingin."You look so beautiful in my eyes, my wife," puri nito na maingat na hinawi at itinaas ang belo na nakataping sa

  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   I will be and Forever

    PAGKAPASOK pa lang namin ng asawa ko sa silid ay tila nabibingi na ako sa tinding tambol ng puso ko."Now ready, yourself, my wife!" babala nito. Walang ingat na tinapon ako sa ibabaw ng kama. "Mr. Dankworth!" tili ko nang maramdaman kong lumapat ang katawan ko sa malambot na higaan."As I told you, I will rip every part of you, Emena no holding back," pilyong ngumiti ang asawa kong malagkit akong tinititigan.Nakita kong naging mabilis ang kilos nitong pinagkakalag ang butones sa suot na long sleeve.Ibig magwala ang katinuan ko nang lumantad sa mga mata ko ang makisig na pangangatawan ng asawa ko. Iniwan nito ang slacks pants. Umakyat at gumapang ito patungo sa akin pagkatapos.Kinabahang napasandal ako sa headboard ng kama. Hindi ako nito nilubayan ng titig hanggang sa nakalapit ito nang tuluyan. Ang mga titig nito ay nagliliyab ng pagnanasa."Now, take that dress off, my wife" diin na utos nito."A-Aries—"

  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   Millions Vs. Priceless

    LULANng taxi ay ibig kong sabunutan ang sarili. Ba't ba ang tanga-tanga ko?Paano ko haharapin ang lalaki ngayon? Anak ng!Hinuhusgahan ko ang pagkatao nito. Hindi ko man lang inalam ang lahat."Manong, bilisan n'yo po," utos ko sa tsuper ng taxi.Kailangan maabotan ko si Mr. Dankworth sa condo. Mag-alas siyete na ng umaga. Sigurado akong papasok na 'yon ng opisina.Hindi naman nagpatumpik-tumpik ang dryaber at mas pinatulin ang takbo ng taxi.Narating ko ang condo ng halos walang isang kisap mata ngunit nagkasalubong ang sinasakyan namin ng sadya ko. Sigurado akong lulan ang lalaki sa magarang kotse na papalabas ng condominiun."Manong, sundan n'yo po ang kotseng 'yon," nanggigil na utos ko."Ening—"Sige na manong kailangan ko lang mahabol ang lulan ng kotseng iyon," mangingiyak na wika ko.Sumusukong pinag-unlakan ako ng drayber at pinahaharurot nga ang kotse. Ibig maiwan ang kalulu

  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   Take Me

    ATATna marating ang aming lugar ay pumara agad ako ng taxi. Kaka-out ko lang sa trabaho nang tumawag si Wena. Saad ng kaibigan ko na sinimulan na ang demolition sa lugar namin.Pagkababa ko pa lang sa kanto ay bumulaga na sa'kin ang mga residente na nagkakagulo. Sinimulan nang baklasin ang mga bobong na yero ng ibang mga bahay kasama na ang bahay nila Wena. Nakita kong umiiyak na si Aling Pasing ang nanay ni Wena habang pinanuod ang unti-unting pagkasira ng kanilang bahay."Maawa po kayo, itigil n'yo ang pagsira ng bahay namin," umiiyak na sigaw ni Aling Pasing sa mga tao na galing sa lokal na pamahalaan na sinimulang baklasin ang kanilang munting tirahan. Subalit tila walang naririnig ang mga ito at pinagpatuloy ang demolition."Menang," si Wena n

  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   Unforgotten Feelings

    NANGANGATOGpa rin ang tuhod ko na sinapit ang lobby. Nakita ko agad si Wena na naghihintay sa akin sa isang sulok. Nang namataan ako ng kaibigan ay maagap at sinalubong agad ako."Menang, ano na?" si Wena na may langkap na pag-alala ang boses.Nanghihinang umiling-iling ako at saka na-upo sa bakanteng upuan. Kinalma ko sarili dahil kanina ko pa gustong mahimatay sa tinding kaba sa bumungad sa akin sa opisina.Paanong si Seniorito Aries ang pakana ng demolition sa aming lugar? Kung tutuusin ay naging parte ang lalaki sa lugar namin kahit sa panandaliang panahon.How dare he? Paano pagnalaman ito ni inay?"Ano na ang gagawin

  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   Alibi

    "MENANG! Menang!" si Wena ang kapitbahay at kaibigan ko. Kababa ko pa lang sa traysikel na sinasakyan ko. Galing pa akong opisina. Mahigit isang taon na akong nagtatrabaho bilang sekrtarya sa isang Real Estate Company."Wena, bakit?"Napansin kong hindi mapakali si Wena na sinalubong ako."May mga tao galing sa lokal na pamahalaan, Menang," saad ni Wena nang makalapit sa akin. "May inaanunsiyo na nabili na daw ang lupain sa kinatitirikan ng ating mga bahay at e-di-demolish na raw ang lugar natin sa susunod na buwan," nahihimigan ko ang tinding hinagpis sa boses ng kaibigan.Hindi ko masisi si Wena dahil ang pamilya nito ay gaya ko'y sadlak sa kahirapan. Panganay ito sa anim na magkakapatid at ang ama ay isang traysikel drayber at ang ina ay manikyurista. Nagtratabaho si Wena bilang kahera sa isang convenience station bukod do'n ay wala ng iba pang pinagkuhanan ang pamilya sa pang-araw-araw na pangangailangan. Wala itong ibang matatakbuha

  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   As a Maid or As a Woman

    MATAMLAY at walang gana na nakaharap sa monitor si Aries sa loob ng kanyang opisina. Panay pakawala na lang niya ng hininga.It's been a week since Emena left, and the days aren't going well. He tried to reach her the night she left, yet she left the phone at his condo.He wanted to go to her place, but what's the point? She already tendered her resignation. She cuts the ties between them.Whether he admitted it or not, he missed his maid a lot, her alluring smile, her annoyed face, everything about her. Very stupid, but yes, he misses her... like an idiot.Tila ba pakiramdam niya ay may bahagi sa pagkatao niya ang binitak at naiwan siyang may kulang.Sunod-sunod ang kanyang buntong-hininga. Inikot niya ang swivel chair paharap sa magandang view ng siyudad. Pinakiramdaman niya ang sarili.Makalipas ang ilang saglit ay nakarinig siya ng katok mula sa pinto."Come in," matamlay na turan ni Aries na hindi inabalang har

  • The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]   Heart Vs. Goal

    SUNOD-sunod na buntong hininga ang pinakawalan ko habang isinilid ang liham sa loob ng maliit na sobre.Matamlay kong tinitigan ang envelope.Sigurado na ba talaga ako sa gagawin ko?Buo na ba talaga ang desisyon kong lisanin ang trabaho ko?Aminin ko nag-atubili akong iwan ang trabaho ko. Pero kahit na gano'n dapat maging matapang akong na tanggapin ang hinaharap. Ang panahon ay dumarating at lumilipas.Sa pagkakataong ito na may magandang oportunidad. Sunggaban ko na para sa ikabubuti ng buhay ko. Utak muna bago ang puso.Yes, dapat ganyan, Emena!Pinapalakas ko ang sarili ngunit muli akong napabuntong hininga nang masuyod muli ang hawak kong resignation letter.Mariin kong pinikit ang mga mata, kailangan magising ako sa kahibangan ko.Kahit saang anggulo titingnan, balik baliktarin man ang mundo ay hin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status